Chapter 7
~oh ayan na po ang update ha! hehehe...busy po kasi ako sa school works...lam nyo na...yieee...pero ayan baka madalang na po muna akong mag update kasi 2 stories po yung ongoing ko kaya...hintay hintay po ha!!! labyu!!
basahin nyo din po yung "The Deal: Dealing With Mr. Bully" promise maganda yun!!
gehhh!! labyu again
~lovablegirlinlove
Chapter 7
A week has passed and obviously ganun pa din araw- araw pa rin akong naiinis dun sa halimaw na yun.
"ok, so like what I've said last week magpreprepare na ang ating muse and escort for this week so ang magiging substitute teacher nyo ay si ms. Miranda, aalis muna kaming tatlo nina angelo and angela"sabi ni maam sa aming lahat
whaaat! Bakit pa kailangang sabay pa kami nung lalakeng yun pwede namang magkahiwalay na araw na lang eh.kung bakit ba naman siya naging escort
"you two, pumunta kayo sa parking area mamayang exactly 8 o'clock" sabi ni maam samin n angelo
"yes maam" sagot namin. nakakainis naman tong lalakeng to sarap batukan.
"angelo sabayan mo na si angela mamaya papunta dun sa may parking area, baka maligaw sya di pa nya kabisado dito ok" HUWAAATT!!! sasabay pa ako diyan
"yes maam" sagot naman ni angelo ng pormal
"ok aalis na muna ko kakausapin ko muna yung principal para magpaalam, huwag nyong kakalimutan ha 8 o'clock" haisst sabay pa talaga kami, well sabagay di ko nga din naman kasi kabisado dito, pero bakit sya, pwede bang iba na lang.
"okay class, nasabi na siguro ni ms. Ibarra na ako ang magsusubstitute muna sa inyo ngayon" dumating na pala si ms.miranda.
"bibigyan ko na lang kayo ng seatwork pero yung muse and escort wag nang gumawa kasi sabi ni ms. Ibarra may lakad daw kayo by 8 o'clock"
hay salamat naman at least di na ko gagawa ng seatwork. Magdrdrawing na nga lang ako, hmm ano kayang idrdrawing ko? Wahaha alam ko na pagtripan ko na nga lang si angelo, drinowing ko yung mukha nya tapos ginawa kong halimaw hahaha, bagay sa kanya. Tas kinulayan ko ng itim yung ngipin nya tapos ginawa kong pink yung buhok nya tas nilagyan ko sya ng lipstick. Tapos nilagyan ko sya ng muscles pero yung katawan nya sexy, wow ah, hahaha mas sexy pa yata to sakin eh, tas yung damit nya ginawa kong blouse at palda. Hahaha.
"huy cassandra tumigil ka na nga sa katatawa mo jan, pra ka ng nababaliw,ano ka ba 8 o'clock na" sabi sakin ni sam
"ha ano, 8 na"tanong ko sa kanya na hin=di makapaniwala..
"hindi , kaya ko nga sinabi sayo yun eh" to talagang si sam, alam ko namang 8 na talaga kasi iba yung tono nya. "oo na, oo na ito na nga oh, aalis na"
"huy ange.... Huh? Bat wala yun dito?" iniwan na siguro ako hay nako di man lang ako kinalabit.
...
Lumabas na ko ng room tapos dumeretso na ko sa hallway nako po san ba dito yun tong angelo na to kasi eh. Lumiko ako dun sa isang daan dun tas buti na lang nakita ko sya, hay nako naman salamat at nakita ko na din to, humanda ka iniwan mo ako ah kala mo.
" hoy angelo, di mo man lang ako kinalabit na eight o' clock na ang laki laki kaya ng school na to tas iniiwan mo pa ko kaya nga nagpapasama ko sayo diba" di parin sya lumilingon at mas binilisan pa nya yung paglalakad hanggang sa tumakbo na sya, Syempre ako din tumakbo, akala nya ata, mabilis akong tumakbo no. tumakbo ako tapos ayun naunahan ko ang loko, tapos hinarang ko sya.
"hoy ikaw loko ka iniwan mo ko ang laki laki ng school na to, iniwan mo ko dun di mo man lang ako kinalabit tapos umalis ka na, tapos kanina pa kita tinatawag di ka man lang lumilingon, tapos pinagod mo pa ko, hay nako magagalit na si maam nito late na tayo, pinapasamahan ako ni maam sayo dahil di ko nga alam dito baka maligaw ako dito, ano bang iniisip mo ha, kahit ayaw kitang makasama kailangan o parin akong samahan kasi di ko naman kabsado pa dito
....." "ikaw babae ka ang daldal daldal mo pag di ka tumigil hahalikan na kita" banta nya sa akin
"subukan mo lang no, for your information wala pang nakakakuha ng first kiss ko, at wag mong ibahin yung usapan dahil yung pinaguusapan natin dito kung bakit mo ko iniwan di mo man lang ako tinawag ....."
"ang ingay mo talaga eh no" tapos kinuha nya ang bewang ko at inilapit ako sa kanya, inilapit nya din ang mukha nya sakin at sandali lang ay naramdaman ko na ang labi nya sa akin... dug dug..dug dug..
mga ilang seconds din yun tapos he let go, di ko alam pero parang bumilis yung heartbeat ko. napatigil ako sandali. Arghh okay angela gising gising.
" hoy ikaw sinabi ko ng... arghh nakakainis ka" tapos sinipa sipa ko sya, pero wala naman akong nagawa kasi binuhat nya ko, pero sinuntok suntok ko sya sa likod nya, arghh bwisit tong lalakeng to, magnanakaw ng first kiss, nakalaan na yun sa true love ko ninakaw nya. Pero ang hindi ko lang maintindihan bakit bumilis yung heartbeat ko kanina. Arghhh wag ko na ngang isipin yun ah basta nakakainis tong lalakeng to. Napagod na rin ako sa kasusuntok sa kanya, kaya tumigil na ako.
... Angelo's POV...
7:55 na pala tong babaeng to busyng busy sa kadodrowing di man lang nya naalala na aalis pa kami, maiwan na nga.
Lumabas na ko tapos iniwan ko sya dun na tawa ng tawa bahala na nga sya sa buhay nya. Naglakad na ko tapos mga ilang minutes lang ang nakalipas may narinig akong sumisigaw na babae sa loob loob ko si angela to, haha tama nga ako. Ang sarap sigurong inisin nito hahaha kaya binilisan ko yung paglalakad tapos tumakbo na ko, tumakbo din sya, tapos nanunahan nya ko, grabe ang bilis naman tumakbo nung babaeng to, tao pa ba to?. . Kung ano ano pa yung sinabi nya,grabe naman parang megaphone pa yung bibig neto.
"ikaw babae ka ang daldal daldal mo pag di ka tumigil hahalikan na kita" banta ko sa kanya, na hindi ko naman alam kung bakit ko nasabi
"subukan mo lang no, for your information wala pang nakakakuha ng first kiss ko, at wag mong ibahin yung usapan dahil yung pinaguusapan natin dito kung bakit mo ko iniwan di mo man lang ako tinawag ....." kala nya lang di ko tototohanin yung sinabi ko "ang ingay mo talaga eh no"tapos di ko na namalayan ang sarili ko na hinila sya at hinalikan sya. dug..dug..dug..dug
Hindi ko alam pero parang biglang bumilis yung heartbeat ko, hindi ko alam pero bakit, ibang iba to kay.. ah wag na nga, mga ilang seconds kaming natulala, tapos back to reality nanaman kami, kaya ayun nagtatalak nanaman kaya ayun binuhat ko na pero pinagsisipa naman ako and pinagsusuntok, grabe talaga tong babaeng to.
.... END OF POV....
oh ano? haha!! yan po ang ginawa ko pambawi haha!!! pampainit lang po ng chapter!!
oh wag na magreact ng masyadong kakaiba ha! grabe lang talaga yung isip ko!!
© 2016 Wattpad
huhuhu guys patawarin nyo ako kung pangit yung pagkakasulat...nadelete kasi yung ginawa ko ehh...huhuhu...kaya ayan tuloy...hehehe!!! pero sana magustuhan nyo parin ito ha!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top