Chapter 6


Sabay kaming pumunta ni Samantha sa canteen para sa lunch 

"Congrats Sam alam ko namang magiging magaling kang president eh, ikaw pa" 

 "ikaw naman kasi eh binoto mo pa ko"

 "ok lang yun, you know what, I know you'll be responsible enough to do your job" wew English yun ah.

 " yes I know that but I was too shy" aray ko po sakit sa head grabe naman ang accent ni sam sa English

 " ok lang yun wag ka na mahiya kaya mo yan" 

"sige sabi mo eh"

 "nga pala sam sino yung nagnominate sakin kanina?" tanong ko dun sa wafung lalaki na nagnominate sakin as muse...katuwa lang bakit ba?!

 "ahh si Keine yun lam mo mabait yun at matalino pa, he's the type of guy whose easy to fall in love with"ahh so keine, hmm nice name

 "bakit crush mo sya no, ayiee" pang aasar ko sa kanya

 "no he's my ex" oooohhhh hala lagot 

"ay sorry sam" hingi ko ng tawad sa kanya 

"ok lang yun" 

"pero wag ka magagalit ah, bakit kayo naghiwalay?, tingin ko naman bagay kayo and mabait ka nman tas sabi mo mabait nmn sya .. well okay lang kung di mo sasagutin yung tanong ko , I would understand" chismosa lang ang peg ko eh no hahaha 

" hindi sige okay lang angela kasi time has already passed and I have already moved on, ganito kasi yun, ayaw sakin nung mommy nya kaya naman pinadala sya sa America and pinaghiwalay kami" huhuhu, hirap talaga pag ganun ang sitwasyon

 " ang sad naman nung story nyo pero lam mo madami pang ibang lalake jan, ah sige sam puntahan ko muna si Keine magtthank you lang ako" sabi ko na lang kasi ayaw ko nang halungkatin pa yung past nya

 " okay sige, nandun sya oh" turo nya dun sa mesa nila

 " ah okay thank you" pinuntahan ko na si Keine wow in fairness  mas pogi pag malapit..hahaha 

 "ahm ikaw si Keine diba" tanong ko agad nung mamukhaan ko 

"yes, why?" wew inglisero nanaman

 "ahm gusto ko lang sana magthank you dun sa kanina kasi gusto ko talagang maging muse ever since na nagaral ako, hahaha"

totoo yun , kaya ganun na lang yung tuwa ko nung manalo ako ngayon...

 "okay lang yun maganda ka naman talaga eh and mukha kang mabait" waaaahhh ano daw....emeged kenekeleg ako bes.....

 "thank you, okay sige balik na ko sa table namin ah" paalam ko sa kanya 

"okay sige kita na lang ulit tayo mamaya"  waaaahhh ibig sabihin makikita ko pa sya mamaya......kyaaahhh!!

"sige see you" 

Grabe sobrang bait ni Keine di tulad nung Angelo na yun halimaw ang ugali. tch... naisip ko nanaman sya....

...

Pagbalik namin sa classroom pinaupo na kami kagad ni maam sa mga seats namin may importante daw syang iaanounce.

 "Okay class, listen, nakalimutan ko nga palang iannounce kanina na ang ating representative para sa mr. and ms. Is our muse and escort" ha ano kaming dalawa nung halimaw na yun kadiri! Kung ako sana tas ibang partner pwede pa pero sya, yuck, as in super ayoko.

 "And hindi na kayo pwedeng tumanggi dahil sagot ko na ang lahat, ang gagawin nyo na lang ay rumampa at mag practice" ano ba yan bakit di pwedeng tumanggi.

 "And by the way ang mr. ms ay matagal pa, pero madami pa tayong kailangan gawin, magprapractice pa tayo tapos yung make up and dress nyo and many more. Kaya sa susunod na linggo we'll do something na"

 "yes maam" wala kong ka energy energy na sagot, ito namang lalakeng to wala man lang reaksyon, nakakainis talaga kasama to tapos kami pa yung mr. and ms. Arghh sana di na lang sya nakapartner ko. 

 "and ibigay nyo pala itong letter sa parents nyo dahil aalis tayo next week ng ilang araw, make sure na ibabalik nyo yan sakin bukas na may sign na ng parents ninyo" sabi ni maam tapos binigay niya samin yung letter.

... Angelo's POV...

Nakakainis naman bakit yung babaeng yun pa yung partner ko, bakit kasi sya pa naging muse eh. 

"huy bro, iniisip mo nanaman si Angela no" tch... sino naman kayang angela, yung babaitang yun? 

 "huh sinong angela?" tanong ko sa kanya tapos nginisian ako..

  "edi yung lovebird mo" tch...nag aasar nanaman itong si christian...loko talaga to, 

 "huh sino eh wala naman"  pag mamaang maangan ko

"yung babaeng iniisip mo ngayon" tch.. anggaling lang din talaga eh no...sarap masapak

 "yung babaeng halimaw na yun, di ko gusto yun no at kailanman di ko magkakagusto sa kanya no" oo, maganda sya, pero tch, nakakarindi sya, basta, minsan hindi ko rin maipaliwanag kung bakit, basta ang alam ko naiinis ako sa kanya.

"sus kunwari ka pa eh iniisip mo nga sya palagi" buwiset talaga

 "hindi, iniisip ko lang kung paano ko magagantihan yung babaeng yun" talaga naman, sa ginawa nya sa akin nung huli, hinding hindi ko sya mapapatawad

 "alam mo bro, bagay pala yung pangalan nyo eh, tignan mo ah pag kinasal kayo ah, ang magiging pangalan nya ay mrs. Angela Cassandra Gonzales oh diba sarap pakinggan" lakas din ng tama nito eh

 "ewan ko sayo, kwento mo sa pagong"

 "teka nga lang bro, maiba nga lang yung usapan, diba may pinaplano kang paghihiganti jan kay cassandra" huh sinong cassandra? naknampucha naman oh... hindi na lang diretsuhin

 "sino naman si cassandra?" 

"hay nako hina mo talaga pre, ang slow mo, sino pa edi si angela" ang lakas talaga ng imahinasyon nitong si chris, sarap lang sapakin minsan eh, ako pa slow, eh sya nga itong magulo

 " hindi na yun magiisip ako ng mas maganda pa dun"

 "sige, sabi mo eh" 

"humanda sya sakin"

.... END OF POV....




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top