Chapter 3

Chapter 3

....Angelo Ghade Gonzales' POV....

"sabi ko sayo bro eh susuko din yung babaeng yun" sabi ko ng mayabang kay chris

 "grabe yung babaeng yun pare palaban"sabi ni chris sakin "diba sya yung nakabangga mo kanina dun sa room" dugtong pa nya 

 "oo, and sya din yung nakabangga ko dun sa may hall kaninang umaga" patukoy ko dun sa babaita na yun 

 "ay nako pre siya pala yung iniisip mo kanina eh" haaay nako mapang asar talaga tong mokong na to.. 

 "hindi no kahit kalian di ko yun magugustuhan no"inis kong sabi sa kanya 

 "alam mo naba yung pangalan?" tanong nya sakin

 "di pa, wala naman kasi akong pakialam" sabi ko

"sus, inaaway mo tas di mo naman pala alam yung pangalan" tch... oh eh ano naman ngayon 

 "bakit kailangan ko pa bang alamin yung pangalan niya?" 

"malay mo bro bagay pala yung apelido mo sa name nya" tch.. kahit kailan talaga

 "hindi ko nga yun gusto bro"

 "hayaan mo aalamin ko para sayo"

. "sira ka talaga halika na Chris may pupuntahan pa ko" 

naglakad na ko papuntang gym ayun naman si Christian tawa ng tawa ano kayang nangyari dun sa isang yun. Pati yung mga tao sa gym pinagtitinginan ako well alam ko namang gwapo ko eh dina na nila kailangang ipahalata pa, yung iba pa nga pinipicturan ako, grabe talaga yung kagwapuhan ko lalo nyo kong pinasisikat nyan eh.

 Ayan na pala si Christian

 "ano ba Chris tawa ka ng tawa para ka tuloy baliw jan" sita ko sa kanya kasi para syang baliw na tawa ng tawa dun 

"pre...hahahaha pre ....wahhahaha...pfft...hahaha" halos di na sya makapagsalita kakatawa

 "ano ba chris pag ikaw di ka tumigil tumawa sasapakin na kita"

 "okay bro ...pfft... okay ito na talaga...ehem ehem , bro kalian ka pa nagkaron...wahahahaha hahaha" umiiyak na ata to katatawa

 "anong nagkaron?anong pinagsasasabi mo jan?"

 "lika pre tignan mo dun sa banyo" 

"ano ba kasing meron?" 

"basta tignan mo dito sa salamin" nagulat naman ako ng may makitang red na stain dun s pants ko.. 

"ano to, ketchup....isa lang may kagagawan nito yung babaeng yun... humanda ka sakin babaita  ka"

....END OF POV....


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top