Chapter 2


Pumasok na ko sa room ko tas naupo na ko medyo madami na ring tao kasi 7:40 na naupo ako dun sa may seat sa may malapit sa bintana. 

"hi anong name mo ako nga pala si Samantha, Samantha Espiritu" sabi sa akin nung babae

 "hi ako si Angela Cassandra pwede mo kong tawaging Angela or Cassandra ikaw na lang yung bahala" sabi ko at ngumiti sa kaniya

 "ah okay sige. Bago ka dito no"tanong nya sa akin 

 "oo eh"sabi ko tapos nagtaka kung bakit nya nasabi yun

"ahh kaya pala" sabi nya, tapos nagtaka ako kung bakit nya nasabi yun

 "kaya pala ano?"

 "kaya pala hindi kita masyadong kilala, lahat kasi ng tao dito kilala ko na"ahh so ibig sabihin posibleng kilala nya yung lalaking iyon

 "ahh. Pwede ba kong magtanong?"sabi ko para tanungin kung kilala nya yon.

 "oo naman, ano ba yun?" sagot nya.  

"ahm, alam mo ba kung sino yung matangkad, pogi, maputi, matangos ang ilong, medyo sigkit ang mata, matangos ang ilong,  mukhang mayaman,  may green na bag, pero antipatikong lalakeng nakabangga sakin kanina?" pagdedescribe ko dun sa lalaki

 "ah si Angelo ba, angelo Ghade gonzales yung full name nya alam mo antipatiko talaga yun sayang nga eh ang gwapo sana" sabi nya...

 hmm Angelo Ghade huh

  "oo nga eh, sayang yung pagkagwapo niya kung ang panget naman nung ugali nya" tch.. ano ba tong sinasabi ko, di naman sya gwapo, tch, erase erase.

 "oo nga, sige dito na lang ako sa tabi mo mauupo para may makakausap ka, pag may gusto kang itanong sakin sige lang ah wag kang mahihiya"

 "okay sige". Tapos nagkwentuhan pa kami Ang bait nung babaeng yun grabe sya.

...

 "Samantha bakit ang tagal nung teacher natin diba 8 yung start nung class eh 8:15 na eh" tanong ko

"ah baka late si ma'am" sabi ni sam 

tch first day late...tsk tsk... Ibang iba talaga sa Dati kong school.. haayyss bakit pa kasi ako pinalipat dito.

 "ahh sige magccr muna ko" sabi ko

"okay sige".

Palabas na sana ko ng room nang mabangga nanaman ako. Hay nako ano bang kamalasan yung nangyayari sakin ngayong araw na to.

 "sorry po di k..."

"IKAW NANAMAN/IKAW NANAMAN" siya nanaman, at sabay pa talaga kami ah.

 "ano ba sumpa ka ba o kabute lagi kang sumusunod sakin" sabi ko sa kanya

tch..malas naman oh

 "baka stinstalk mo lang ako no" ano daww?!!?!?!?! masyadong feeler

  "hoy ang kapal ah di kaya no in your dreams, sa ganda kong to baka nga ikaw pa eh, at tsaka anong ginagawa mo dito class room namin to umalis ka dito" pagtataboy ko sa kanya dahil di ko talaga natataggap na makakasama ko sya, basta ayaw ko lang

 ."miss, bakit mo pinapaalis si Mr. Gonzales?" dumating na pala si maam, nako patay  na 

"eh ma'am kasi po kanina pa po sya nagsorry naman po ako ang sungit sungit pa" sabi ko

 "eh maam sya nga po yung di marunong tumingin sa dinaaanan jan"

 "okay sige na umupo na kayo don but mr. Gonzales tabihan mo sya dun sa upuan nya"  

what the...!!!! anooooo!!!

"MAAM/MAAM" sabay nanaman kami!, mind reader ba tong lalakeng to 

"bat ba lagi mo na lang akong sinasabayan?, kanina ka pa ah! mind reader ka ba?" bat ba lahat na lang ng sasabihin ko alam nya!

 "nakakainis naman dito makaupo na nga!" sabi ko tapos Dumeretso na ko sa upuan ko...ay malas magkatabi nga pala kami, buti na lang nandito si Samantha.

Nagbigay lang ng mga rules si maam tapos inexplain nya yung mga gagawin at mga yearly activities ng school, Buti naman tahimik tong lalakeng to kasi nakakainis yung boses nya.

...

Pakatapos nung una naming subject, break na namin kaya pumunta kami ni Samantha sa canteen

 "sakto may isa pang chair dito, dito na lang tayo" sabi ni sam

ay nako nandito nanaman siya. Sino pa ba kundi yung Ghade na yun

 "oops teka lang kami yung nauna dito" sab ko tapos kinuha yung chair

 "oh tapos gusto naming maupo dito eh may reklamo ba kayo?" oo meron! at nagsama pa talaga sya ng back up nya ah. 

"oy Angelo Ghade Gonzales para sabihin ko lang sayo kami yung nauna dito  kaya kayo dun na kayo" sabi ko tapos iwinasiwas ang kamay ko 

"talagang iniistalk mo talaga ko no, alam na alam mo kung ano yung full name ko, gusto mo din bang malaman kung saan ko nakatira ha?" sabi nya habang nakangisi

  "hoy in your dreams no di kita iniistalk masydo kang feeler at di ko rin gugustuhin na pumunta dun sa haunted house mo no baka mamatay pa ko don" naiinis na talaga ko.

 Hmm.. wahaha...Ay nako sige na nga magpapakabait na ko. "ok sige mabait naman kami eh, maupo na kayo dito" 

wahaha di nya alam may maitim akong plano, sa wakas makakapaghiganti na rin ako sa kanya haha.

 "dito ka na maupo oh, gusto mo ibili pa kita ng pagkain mo eh" sabi ko in a sarcastic tone  

"hindi na baka lagyan mo pa ng lason yung pagkain ko " sabi nya

 "okay sabi mo yan eh". naglakad na kami palayo dun sa kanila.

 "nakakainis yung lalakeng yun naturingan pang Angelo yung pangalan niya di din naman siya mukhang anghel"

 "tapang mo kanina dun girl ah" sabi ni sam

"gumaganti lang ako" wahaha dapat lang sa kanya yung gunawa ko.. dahil sa kanya muntik na akong maparusahan kanina.. buti na lang at first day of class at bago lang ako dito

  "teka nga lang eh bakit ba pumayag ka na sila na lang yung maupo dun?" curious na tanong ni sam

 hahaha...ang paghihiganti nga naman, napakatamis

"nilagyan ko ng ketchup yun chair nya" hahaha 

"nagawa mo yun girl? Grabe ka talaga" mukhang gulat siya sa ginawa ko

 "siguro ngayon binabalatan na ko ng buhay nun sa isip nya" sabi ni sam

 "hay nako sinabi mo pa" sabi ko 

 "nako ka siguradong gaganti mamaya sayo yun" 

"pano mo naman nasabi yan?" tanong ko

"siya kasi yung klase ng tao na di magpapatalo" "

well tignan na lang natin kung sinong mananalo saming dalawa" 



~


please dont forget to vote comment

thanks!!!! i love ya all

~lovablegirlinlove




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top