Chapter 13

Kinaladkad na ako ni angelo papunta dun sa van, di man lang ako tinulungan sa bitbit ko eh ang bilis pa naman nyang maglakad, hinihingal tuloy ako.

" oh anong nangyari sa inyo, bakit kayo hinihingal?" tanong ni maam sa amin kasi hinihingal kami sa bilis nyang maglakad, bakit ba naman kasi atat na atat syang umalis/ lumayo dun.

" eh maam ito po kasing si angelo hinila ako ang bilis pa niyang maglakad" paliwanag ko kay maam.

" oh sya sige sumakay na kayo at aalis na tayo" sabi ni maam

Dun kami napunta sa likurang bahagi ng van, nandun lahat ng gamit ko kaya medyo masikip, sakto lang para sa dalawang tao yung space.

So since kaming dalawa yung nahuli, kaming dalawa yung napunta sa likod, si maam naman nandun sa harap, sa tabi nung driver.

Ito namang si angelo nagrereklamo dahil daw ang dami kong dinalang gamit, pake ba nya eh kailangan ko yun lahat.

Umandar na yung van papuntang eternal love resort. Medyo malayo – layo daw yun at aabutin ng halos 8-9 hours ang byahe.

Noong una kinain ko na yung mga binili kong chichirya kaya sobrang alive ako kaso sa kamalasmalasan at katakawan ko naubos ko na yun lahat at mahaba haba pa ang byahe, inaantok na talaga ako, ilang beses na din akong naghihikab at muntikan pang masandal kay angelo, buti na lang ay nagigising ako.

" maam malayo pa po ba" tanong ko kay maam kasi antok na antok na ako, 6:00 na at inaantok na ako, lalo na ngayon na puyat ako tapos wala pa akong ginagawa

" mga 6 na oras na lang, ija, di bale, pagdating naman natin dun mamayang madaling araw, pwede na kayong matulog dun kasi reserved na yung hotel rooms" sabi ni maam

di ko na talaga kaya, inaantok na ako, pero hindi, kaya ko to hindi ako matutulog , hindi ako matu- zzzzzzzz.....

... Angelo's POV...

Hinila ko na si angela palayo dun, baka kung saan pa mapunta ang usapan at kung ano – ano pa ang sabihin ni ate. Eto namang si angela sobrang ding dinalang damit, kaya ayun tuloy kami lang dalawa sa likod, additional pa yung biniling damit nya kanina at yung sa akin, tapos ang dami din nyang biniling chichirya, kain ng kain, tapos wala pa nga kaming kalahati ng byahe ubos na agad, ngayon naman hay nako antok na antok, eh kanina lang sobrang alive nyan at kinakausap pa yung mga kasama namin dito, ako naman tahimik lang at naglalaro ng minecraft.

Si angela naman hikab na ng hikab, muntikan pa ngang matulog sa balikat ko kanina, buti na lang nagpreno ng malakas si kuya kanina kaya ayun nauntog, hahaha.

Gusto ko na sana syang alukin para matulog sa balikat ko kaso naman, parang ang weird lang kung gagawin ko yun at nakakahiya, kanina pa kasi sya napapapikit kaso nga lang nagigising din kasi biglang may bubusina o kaya naman pag prepreno si kuya o kaya naman pag nauuntog sya dun sa bag na dala nya pag dun sya napapasandal.

Pero ngayon mukhang di ko na kailangang gawin yun, nagulat na lang ako nang biglang napasandal sya sa balikat ko

"hoy ange-"

psh hayaan mo na nga, kawawa naman mukhang pagod at puyat, ang boring din pala kapag hindi ako inaaway ng isang ito ano?

Hinawi ko yung buhok na tumatakip sa mukha nya, maganda talaga siya, pero maingay lang talaga, pero ngayon, siguro medyo natatanggap ko na yun.

Pinicturan ko sya habang natutulog, mukha na syang anghel, pag tulog, hahhaha. Ilang sandali lang napahiga na sya sa hita ko, buti na lang nakatihaya sya.

Inayos ko yung binti nya at pinatong dun sa may sandalan, bale nakataas yun, tinakpan ko yun nung jacket ko kasi naaakit ako, at baka, ayy basta... ano ba tong pinagiiisip ko.

,,, End of POV...

"hoy angela"

narinig ko yung isang pamilyar na boses na gumigising sa akin.

"hoy angela gising na"

"mmm" sabi ko na lang tapos tinakpan ng braso ko yung mata ko.

"hoy angela gising na, ano ba nandito na tayo"

"mmm ano ba" sabi ko tapos dadapa sana ako kaso, wait... ano to san ako nakahiga?

Minulat ko yung mga mata ko at nakita si angelo na nakatingin sa akin, wait, what, natulog ako sa hita nya? WTF!!

" hoy anong ginawa mo sa akin ha!" sabi ko pa tapos tumayo at niyakap ang sarili ko, eto namang loko eh ngingisi ngisi pa, patay ka talaga saking halimaw ka pag may ginawa ka sakin.

"hoy angela wag ka ngang green minded jan, ikaw kaya tong kusang nahiga jan no, hindi tuloy ako nakatulog ng ayos dahil sayo" sabi nya

"a-ano?" haaaa???? Hanudaw???

"oo nga!, halika na kanina pa tayo hinihintay dun, nandito na tayo sa resort"

"o sige" sabi ko tapos lalabas na sana ako ng van ng bigla niyang hilahin yung braso ko.

"h-hoy!" sigaw ko sa kanya at tinanggal ang kamay nya

"abat sino namang magbubuhat nitong mga gamit mo ha! Dinala mo yan kaya ikaw magbitbit dyan"

ano daw?! huhuhu andami ko pa namang dinalang gamit, dagdag pa yung pinamili kanina sa mall, huhuhu, nahihilo pa naman ako.

Inis ko na lang Kinuha ang lahat ng gamit ko na nandon, at ang loko walang kahirap hirap na bumaba at binitbit ang nagiisa nyang bag at nagsimula nang maglakad papunta dun sa hotel, bale nasa parking pa kasi kami, at sa tingin ko ay medyo malayo pa ang lalakarin paputa dun dahil tanaw ko pa ang iilang bahay bakasyunan sa tabi nitong dagat.

Di ko pa masyadong makita yun dahil madilim pa at blurry pa ang paningin ko. Hirap na hirap naman ako ngayong bitbitin lahat ng gamit ko at di ko na alam kung saan ilalagay ang bag ko at ang pinamili at kung paano hihilahin yung maleta ko dito, haaaaaa jusko.

Ginawa ko na lang lahat ng makakaya ko hanggang sa...

"aray!"

bumagsak ako dahil merong bato dun at di ko napansin kaya naman bumagsak ako.

" angela ayos ka lang ba?"

huhuhu hindi, ang sakit ng pagkakabagsak ko sa maleta ko, ang sakit tuloy nung puwit ko

" tingin mo ba okay lang ako dito eh nakita mo na ngang bumagsak ako" pagtataray ko pa sa kanya

"Tss.... Buti nga cvbnmwertyuf" ano daw???, pahina ng pahina ang sinasabi nya kaya hindi ko n naintindihan

"ano?" sabi ko

"wala, ang sabi ko tumayo ka na diyan at tutulungan na kita sa gamit mo" inilahad nya ang kamay nya para tulungan akong tumayo, inabot ko naman yun at tumayo na.

Kinuha nya yung tatlong bag ko at isinukbitiyon sa balikat niya, tapos yung maleta ko namang pagkabigat bigat ay binuhat nya sa isang kamay nya lang. hindi naman na masyadong nakakagulat kung gagawin nya yun kasi aamnin ko na malaki naman talaga ang katawan niya, tingn ko nga ay may abs sya eh, mmm, magswiswimming kaya kami dito?, makikita ko kaya yung abs nya, aaayyyy tch, erase erase, ano ba tong pinagsasasabi ko!

Haaay ano ba angela tigilan mo na nga yan.

" ano ba? Lalakad ka na ba o baka gusto mo buhatin pa kita papunta don" sabi ni angelo

at dun ko lang narealize na natulala na pala ako don. Naglakad na lang ako at inunahan ko na sya, kahit na medyo masakit ang bandang puwitan ko.

...Angelo's POV...

Tsk matutulog na lang dito pa sa hita ko, hindi tuloy ako makakilos ng maayos at di rin ako makatulog ng maayos.

Nauna nang bumaba sila maam samin at kaming dalawa na lang ang nandito kasama ang mga dala nya.

Tsk, sino kayang magbibitbit nyan mamaya mukhang mabibigat pa naman ito tsk tsk tsk.

"hoy angela" gising ko sa kanya.

"hoy angela gising na" sabi ko ulit pero umungol lang sya

"hoy angela gising na, ano ba nandito na tayo" gising ko ulit sa kanya dahil wala yata syang balak guising dahil tinakip nya pa yung braso sa mata nya

"mmm ano ba" sabi nya tapos akmang dadapa.

Tapos nagising sya, at tumigin sa akin, ano ngayon ha, mahiya ka nga natulog ka sa hita ko.

Sabi ko na lang sa isip ko dahil di ko yun pwedeng sabihin sa kanya dahil alam nyo naman ang bunganga nito at bagong gising pa

" hoy anong ginawa mo sa akin ha!" sigaw nya tapos tumayo at niyakap ang sarili nya, di ko mapigilang matawa dahil sa inasta nya

"hoy angela wag ka ngang green minded jan, ikaw kaya tong kusang nahiga jan no, hindi tuloy ako nakatulog ng ayos dahil sayo" ha! Ano ngayon

"a-ano?"nauutal na sabi nya na para bang hindi makapaniwala

"oo nga!, halika na kanina pa tayo hinihintay dun, nandito na tayo sa resort"

"o sige" sabi nya at lalabas na sana ng van, pero napigilan ko yun dahil hinila ko yung braso nya

"h-hoy!" sigaw nya at saka tumingin sa kamay kong nasa braso nya, tch sabi na nga ba green ang isang ito masyado at kung ano ano ang iniisip.

"abat sino namang magbubuhat nitong mga gamit mo ha! Dinala mo yan kaya ikaw magbitbit dyan" sabi ko sa kanya at natigilan naman siya.

Kinuha na lang nya ang mga gamit nya.

Lumabas na ako ng van at tuloy tuloy na naglakad paputa dun sa hotel. Halata namang hirap na hirap na si angela kasi ay halatang halata mo na naiinis na siya na hindi malaman kung paano dadalhin ang lahat ng gamit nya dahil sa boses nya na parang nagrereklamo.

Tch nagdala dala kasi ng marami, paghirapan mo yan. Nung naramdaman ko naman na nakakasunod na siya sa akin ay binagalan ko yung paglakad ko, tapos bigla na lang syang sumigaw

"aray!"

bumagsak sya dahil siguro dun sa mga batong nagkalat dun

" angela ayos ka lang ba?" wala sa sariling nasabi ko at dali daling pumunta don sa kanya

" tingin mo ba okay lang ako dito eh nakita mo na ngang bumagsak ako" tinatanong na nga ng maayos at concerned na ako..tch..

"Tss.... Buti nga concerned pa ako sayo eh" wala nanaman ssa sariling nasabi ko kaya naman hininaan ko ang boses ko para di nya marinig

"ano?" sabi nya

"wala, ang sabi ko tumayo ka na diyan at tutulungan na kita sa gamit mo" inilahad ko naman yung kamay ko para tulungan syang tumayo, tch ano ba tong pinag gagagawa ko, gusto ko sanang alisin yun kaso huli na dhil inabot na nya yun.

Kinuha ko na lang yung tatlong bag nya at isinukbit iyon sa balikat ko, medyo mabigat yun at talagang mahihirapan ang babaeng tulad nya sa pagbitbit pa lang sa tatlong to at siguradong nahihilo sya dahil kagigising nya pa lang.

Tapos yung maleta nya naman ay binuhat ko sa isang kamay lang batid kong mabigat iyon pero kayang kaya ko pa rin, tss.., maganda kaya katawan ko no, dahil lagi akong nasa gym. Di naman sa pagyayabang pero may abs ako kahit na ganito pa lang ang edad ko, haha. Maglalakad na sana ako nung napansin kong nakatulala pa si angela dun

" ano ba? Lalakad ka na ba o baka gusto mo buhatin pa kita papunta don" sabi ko sa kanya at naglakad na lang sya at inunahan ako.

Tss, ang yabang alam ko namang masakit yung pagkakabagsak nya dahil matigas itong maleta nya binilisan nya parin yung lakad nya.

...End of POV...

+q

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top