Chapter 12
yayy!! buti naisingit ko pa to... haha.. sorry po di na masyadong nakakaupdate... sobrang dami ko pong ginagawa and stressed pa po ako sa results ng exam ko...huhu T^T
sorry po talaga! but babawi po ako sa inyo! pramis yan..haha
and also gumagawa po ako ng one shot story... kaso di ko pa sure kung ipopost ko... kahiya ehh... ang pangit ata T^T
And of course, unang bawi ko... dedication!!! just comment down kung gusto nyong magpadedicate!
~C
Haaay ano ba naman ito, wala namang kwenta yung mga magazine dito.
Tok.tok.tok.
"pasok po" sabi ko
"angela tawag ka na sa labas" sabi ni ate
"ah sige po lalabas na ako" sabi ko tapos tumayo na
Wooh eto na yun, nandyan na kaya si angelo sa labas. Henheyl hexheyl!
Ano kayang hitsura nya, haaays ano ba tong pinagsasasabi ko, ano ba yan, erase erase...
Lumabas na ako nang kwarto, and pagkalabas ko, nakita kong nandun na si angelo
dug dug dug dug
Aish ano ba to! Abnormal na talaga tong heartbeat ko eh
Waaah, grabe, mas lalo syang gumwapo, konting ayos lang naman yung ginawa sa kanya, especially yung buhok nya, lagi kasing magulo...
Pero well mas nakakapogi yun sa kanya, pero mas okay sa kanya yung style nya ngayon, kung makikita mo nga para talagang sobrang bait, pero tss ibang iba sa impression ko sa kanya, sayang lang talaga.
"okay angelo tumabi ka muna dito kay angela for your first picture" sabi ni maam tapos pumunta si angelo sa tabi ko.
"ano ba yan mga bata kayo, magdikit naman kayo, para namang ayaw nyong madikitan ang isat isa" sabi naman ni maam kasi medyo malayo si angelo sa akin, kaya naman si maam na mismo yung humila sa kanya tapos talagang magkadikit kami,
Hala umiinit yung pisngi ko, waaaah emeged, enebe!!!!
dug dug dug dug,
" okay sige mag ayos na uli kayo pupunta na tayo dun sa resort in 10 mins. Kaya bilhin nyo na kung ano yung gusto niyong bilhin tapos pumunta na kayo dun sa sasakyan" sabi ni maam sa amin matapos kumuha ng ilang shots.
" opo maam" sabay naming sagot
Tapos pumunta na ko sa bilihan ng pagkain para bumili ng ano pa, edi pagkain. Bumili ako ng sandamakmak na chichirya, tubig, soft drinks, at kung ano ano pang mapapapak sa van, sana naman di ganon ka layo yung pupuntahan namin kasi antukin talaga ako pag mahaba ang byahe kaya bumibili ako ng maraming pagkain para may magawa naman ako. Ayoko kasing magcellphone sa byahe at tsaka isa pa lowbat ang cellphone ko ngayon noh.
Tapos dumeretso na ako papunta sa may parking lot, nang biglang, nakita ko si angelo na may kausap na babae.
Aish!!! sino ba yung babaeng yun, nakikipagtawanan pa sya, nakakainis, ang ganda ganda pa nung babaeng yun, tapos matangkad pa, oo kulang nga ko sa height sumobra naman ang kagandahan ko noh, nakakainis lang kasi mas inuuna pa nya yung babaeng yun kesa sa akin, sa amin, grr...
Di na ko makapagpigil pinuntahan ko na si angelo at yung buwisit na babaeng yun
"hoy angelo, 3 minutes na lang oh, hinihintay na tayo nila maam dun, tigilan mo na nga yan" sabi ko sa kanya
"bakit ba, ano bang pakialam mo hayaan mo nga ako, bahala ka kung ikaw gusto mo nang pumunta dun, hayaan mo ako, iwanan nyo na lang ako kung gusto nyo" sabi nya sakin sa harap pa talaga nung babaeng buwitre,
" sige na angelo, mukhang may lakad pa kayo nung girlfriend mo, ikaw ha di mo pinapakilala sakin, sya pala yun" sabi nung babaeng ewan
"ate, hindi ko sya girlfriend"sabi ni angelo dun sa ate daw nya
Wait...what, ate?.girlfriend?
"Hay nako deny ka pa ng deny halata namang kayo din ang magkakatuluyan" sabi ni 'ate'
"tumigil ka na nga" sigaw nya naman dun sa 'ate' daw nya.
"hahaha, sige angela ha ikaw na ang bahala sa brother ko, alam mo naman yan tigas ang ulo" sabi ni 'ate'
"huh, paano nyo po nalaman ang pangalan ko?" tanong ko
"palagi ka kasing kinukwento nitong si angelo sa akin" sabi niya....huh?? palagi?? Ano naman kayang sinasabi nitong halimaw na elyen na to sa ate nya
"ate! once lang yun, and tungkol pa yun dun sa banggaan namin, kaya tumigil ka na nga" sabi naman ni angelo
" hay nako ikaw talaga, diba kinuwento mo akin yung sa boutique kanina tapos yung sa kis..asdfghjkl" sabi nung ate nya kaso tinakpan ni angelo yung bibig nya
"aalis na nga kami dito" sabay hila ni angelo sa kamay ko
"bye angela see you soon" sabi sakin nung ate nya bago pa kami tuluyang makalabas.
... angelo's POV...
Wala na akong balak na bumili ng kung ano ano dito, napakadami naman kasing arte ng mga babae nasayang lang ang oras ko dito, bibili lang namn pala ako ng damit at magpapagupit, samantalang sila bibili ng dress, ng shoes, magpapaayos, magmamake up, at kung ano ano pa, pupunta na nga ako sa sasakyan.
"angelo!" may tumawag sa akin
Ay nako alam ko na kung sino ito, si ate dahlia
. Lumapit sya sakin,
" oy angelo anong ginagawa mo dito, diba may photoshoot kayo dun sa isang resort" sabi nya...haayy nako para talagang megaphone bibig neto parang si... si angela. Nampotek naman oh
"namili muna kami ng damit namin ni angela" sabi ko na lang
"buti pa yang si angela sinasamahan mong magshopping" reklamo nya
"eh hindi lang naman sya ako din,at tsaka npilitan lang ako dito no" sabi ko
"teka nga, nagpagupit ka ba?, naks lalong gumwapo oh, manang mana sa akin" nagulat ako nang biglang lumapit si angela at umiral nanaman yung pagkamegaphone nung bibig nya.
"hoy angelo, 3 minutes na lang oh, hinihintay na tayo nila maam dun, tigilan mo na nga yan" sbi ny
"bakit ba, ano bang pakialam mo hayaan mo nga ako, bahala ka kung ikaw gusto mo nang pumunta dun, hayaan mo ako, iwanan nyo na lang ako kung gusto nyo" sabi ko sa kanya
" sige na angelo, mukhang may lakad pa kayo nung girlfriend mo, ikaw ha di mo pinapakilala sakin, sya pala yun" sabat naman ni ate
"ate, hindi ko sya girlfriend" sabi ko
"hay nako deny ka pa ng deny halata namang kayo din ang magkakatuluyan" sabi ni ate
"tumigil ka na nga" sigaw ko sa kanya napakaingay na eh.
"hahaha, sige angela ha ikaw na ang bahala sa brother ko, alam mo naman yan tigas ang ulo"
Sabi ni ate
"huh, paano nyo po nalaman ang pangalan ko?"curious namang tanong ni angela
Sana naman hindi sabihin ni ate yung mga kinuwento ko
"palagi ka kasing kinukwento nitong si angelo sa akin" sbi nya
aish ayan na nga ba sinasabi ko, hindi talaga mapigilan yung pagkamadaldal nya eh
"ate! once lang yun, and tungkol pa yun dun sa banggaan namin, kaya tumigil ka na nga" sabi ko para hindi na magingay si ate
" hay nako ikaw talaga, diba kinuwento mo akin yung sa boutique kanina tapos yung sa ki..asdfghjkl"
tinakpan ko na yung bibig nya, ang ingay naman kasi muntikan na nyang masabi yung sa kiss...ay ano ba yan naalala ko nanaman nung hinalikan ko sya shet
"aalis na nga kami dito" hinila ko na si angela paalis
"bye angela see you soon" sabi ni ate kay angela bago pa kami tuluyang makalabas.
... End of POV...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top