Chapter 11

Pagbalik namin, marami nang nakahilerang high heels doon, jusko seriously yan ba talaga ang ipapasuot nyo sa akin, di ko yata karey.

" o andito na pala kayo" sabi ni maam tapos hinila na nya ako papunta dun sa upuan, para ano pa, edi para magsukat ng high heels

. Unang beses ko pa lang sinubukang maglakad muntik na akong matumba, buti na lang sinalo ako ni angelo, medyo awkward lang talaga yung position kasi sobrang magkalapit yung mukha namin.

(uuyyy nafall tas sinalo!!! Yieee)

Manahimik ka author hanggang dito ba naman extra ka... bumalik ka nga dun kay dash, sya na lang kulitin mo!

(tch.. magsama nga kayo ni angelo pareho kayong meron)

Ay nako author dun ka na nga tsupi shoo shoo!!

(hmp... si shiel na nga lang guguluhin ko)

Oo sige na author babu!!!

" ah, thank you" sabi ko

" magiingat ka kasi, tignan mo nga yung dinadaanan mo" sabi ni angelo... haay nako eto nanaman tatay ko!

"opo" sabi ko in a sarcastic way... eh kasalanan ko bang hindi ako sanay magsuot ng may heels..tch..

" o sige na love birds- " eto nanaman si maam

"MAAM" sigaw namin ni halimaw na elyen

"okay, sige na tama na yang away niyo, pagkatapos natin dito magamakeover si angela habang ikaw naman angelo bumili ka na rin ng damit mo, pupuntahan na lang kita dun" sabi ni maam kay elyen

" sige po maam" sabi nya tapos umalis na siya.

Tinapos ko na yung pagsusukat tapos pumunta na kami ni maam sa beauty salon.

*sa salon*

Pumunta kami ni maam dun sa salon, and guess what, mukhang kilalang kilala sya dito, bilib din naman ako kay maam ang damin connections, kahit yung sa Mari's boutique and sa Lourdes' shoe shop, marami ding nakakakilala sa kanya

. Kinausap niya yung isang (mukhang) bakla na nakatayo dun. Nag beso- beso pa sila

"ay nako Shirley ikaw na ba yan, nako ang ganda ganda mo na" sabi ni maam dun sa bakla(?)

"ay ano ba, ikaw talaga rose." Sabi naman nung Shirley ata?

"eto nga pala yung studyante ko papaayusan ko sana" sabi ni maam tapos hinila ako dun.

" ay nako kagandang bata, konting ayos lang yan okay na" sabi ni kuya(?) ate(?)

" o sige hija dyan ka na muna ha, titignan ko lang si Angelo dun, o pano Shirley ikaw na bahala dyan ha" sabi ni maam tapos umalis na

" hija dito tayo" ginuide ako ni ate (kuya?) tapos pinaupo ako dun sa isang upuan tapos ginupit yung laylayan ng buhok ko... haaay dami ko kasing split end, wala naman kasi akong pakealam sa hitsura ko.

Tapos kung ano-ano pa yung ginawa sa buhok ko and nilagyan din ako ng highlights. Tapos pinatayo nanaman ulit ako tapos pinasunod ako dun sa isang babae, inayos niya yung kilay ko, mejo makapal kasi , and kung ano anong cream yung nilagay sa mukha ko, walang salamin dun kaya hindi ko makita kung ano nang hitsura ko, para daw surprise na lang daw, and magugulat daw ako sa kalalabasan. tapos tinanggal na yung mask na nabuo dun sa mukha ko.

And ang last, make up...waaaah, di naman ako sanay na magmake up eh, well nagma-make up ako pero kapag special occasions lang like pag prom o graduation.

Sinimulan na akong make upan ni ate, tinatanong nya ako kung anong shade, kaso wala naman akong kaalam alam dyan sa make up na yan kaya pinili ko na lang yung light colors para simple lang.

And nung natapos na pinasuot nila sa akin yung dress na binili namin kanina, yung kinuha ni Angelo... waah naalala ko nanaman yung kanina.. juskolord!!

Bagay yung dress sa make up kong light pink pero... seriously ipapasuot nila sa akin to, ni hindi pa nga nalalabhan to eh. Well no choice rin naman ako, kaya Sinuot ko na lang kahit na mangati pa ako, yan ang tinatawag na tiis ganda..chos.

Tapos Sinuot ko yung shoes kanina na color red, buti na lang di masyadong mataas yung heel nito kaya kaya kong maglakad.

Nung okay na ang lahat, sa wakas makikita ko na ang hitsura ko.... One... two.. three... tadaaahh!!!

"wow!" yan lang yung nasabi ko tapos nga nga na ako dun

Wow grabe ang laki ng pinagbago ko... nagmukha akong tao... grabe.

" o ano hija nagustuhan mo ba" tanong ni kuya? Ate? Basta yun na yun..

"opo, thank you po" sagot ko

"okay ka na ba wala ka nang ipadadagdag?" tanong nya sakin

"nako okay na po to, malaki na nga po yung pinagbago ko eh" sabi ko

" okay sige hintayin na lang natin si rose dito"

...Angelo's POV...

Umalis na ko dun sa shoe shop tapos nagsimula na akong maghanap ng misusuot ko, bat naman kasi ang dami pang kaartehan ang kailangan dito.

Namili na ako ng mga isusuot ko, yung usual and formal lang naman yung hinahanap ko, hindi yung sobrang daming arte.

Kumuha na lang ako ng ibat ibang kulay like white black and brown.

Oh diba ang bilis matapos, bat ba kasi ang dami pang arte ng mga babae eh.

Nung nakuha ko na lahat ng kailangan kong suotin, bigla namang dumating si maam..

"oh angelo, nabili mo na ba lahat ng kailangan mo" tanong nya sakin

"opo" sagot ko... oh diba ang bait ko

" eh bat naman masyadong formal lahat, kailangan yung kikiligin yung mga girls para ikaw ang Iboto" sabi ni maam

Huh???

"po?" sabi ko

"Syempre, kailangan mo ding magmukhang hot, and Syempre mukhang kailangan mong mag gym para matone ang muscles mo" sabi ni maam

Ano daw?? Mina maliit nya ba ako ha!

" di na naman po siguro kailangan nun" sabi ko... well eh hindi naman sa pagyayabang... may muscles naman ako no! natatago lang talaga... actually may abs ako eh...haha

(weh di nga... patingin nga!!)

tch.. yoko nga author baka maglaway pa kayo..

(tch.. wala ka lang ehh)

Wag ka na ngang makulit author... tsaka na ako magpapakita ng abs ko sa pictorial namin...

(sige sabi mo yan ha!)

"kailangan, wag nang makulit, bumili ka ng jackets, sando, swim wear, at kung ano ano pa.. Well kahit di naman kailangan nun sa mismong pageant, kailangan natin yun for the pictorial, and kailangan mo ding bumili ng pang ayos sa sarili mo... hay nako parehong pareho talaga kayo ni angela, walang kaconcern concern sa hitsura, pero magaganda't gwapo parin, nasan ang hustisya!" sabi ni maam

Natawa naman ako sa sinabi ni maam.. kasi naman daig pa nya kami sa pagaayos pero, well di naman sa di ko sya ginagalang pero di lang talaga nagiimprove yung hitsura nya.

"sige po maam dun na lang po tayo pumunta sa benchair , para makabili ng iba ko pang kailangan" sabi ko

Pumunta na kami sa bench tapos bumili na ako ng wax, at kung ano ano pa, nung nabili na namin lahat iniwan nya muna ako dahil pupuntahan daw muna nya si angela. Ako naman naglibot libot muna dito.

...End of POV...

Dumating na din si maam sa wakas, pati sya nagulat sa hitsura ko!

" o angela kita mo na, dapat talaga ngaayos ka" sabi ni maam sa akin nung makita yun transformation ko from alien sa tao, joke!

" oo nga naman hija, ay oo nga pala, eto oh, para sayo" "sabi ni ate (or kuya) Shirley sakin tapos binigay nya yung isang paper bag, nung tinignan ko sa loob mga cream, make up, lotion, lip balm, at kung ano ano pa para sa mukha at balat ko.

"nako po wag na po, hindi na po kailangan" sabi ko habang binabalik yung paper bag.

" hindi kailangang kailangan mo yan para naman maalagaan mo yung skin mo tsaka yang face mo sige ka matutulad ka sakin chaka" sabi nya

natawa ko dun sa sinabi nya...hahaha mukhang mas kailangan nya to eh, djk!!

" nako thank you po" sabi ko

"ay oo nga pala Shirley paaayusan ko nga din pala yung isa ko pang studyante si angelo, nako kung alam mo lang isa pa yun na walang pake sa hitsura nya, ewan ko nga ba bat yung mga batang ito walang concern sa hitsura nila pero kita mo naman ang mukha, ang gaganda't gwapo" sabi ni maam...

Hahaha... teka paayusan din si angelo dito, wait, makikita nya ako ano kayang sasabihin nya? Okay na ba yung hitsura ko?..Ano kayang sasabihin ko sa kanya..Ano kayang hitsura nya pagkatapos niyang mag ayos??? Gawd!My goodness!

Teka nga lang bat ko ba inaaalala yun, hay nako ano bang nangyayari skin, nababaliw na yata ako, haaaayyys....

" o sige rose papuntahin mo na si angelo dito, ah angela, dun ka na muna sa kwarto para surprise ulit, hahaha, at tsaka para makapagrelax ka muna" sabi ni ate kuya Shirley sa akin.

...Angelo's POV...

Kriingg...kriingg

(wag kayong ano ringtone yan..haha)

Tinignan ko yung phone ko, si maam pala tumatawag,

" hello angelo pumunta ka na dito sa Dave's salon" sabi ni maam sa akin

"sige po maam" sabi ko tapos pumunta na ako sa third foor kung san nandun yung salon, pagkapasok ko nakita ko si maam dun na may kakwentuhan na babae o binabae??Ay ewan,!

Agad naman akong nakita ni maam, pero teka bat wala si angela?Nasan na kaya yung babaeng yun, ano na kaya yung hitsura niya?

" ay Shirley ito na pala si angelo" sabi ni maam dun sa kausap nya kanina

" ay nako rose tama nga ang sinabi mo, ganun na pala ngayon ano, kung sino pa hindi nagaayos sila pa yung mga magaganda't guwapo" sabi naman nung Shirley.

" o sige Shirley ikaw na muna ang bahala dyan, magpapamassage lang ako at naku Napagod ako sa kaiikot dito sa mall para humanap ng mga kailangan namin para sa photo shoot at sa pageant" sabi ni maam

"nako mare matutulungan kita sa make up alam mo yan, sabihin mo lang ako ha" sabi ni Shirley daw

Tapos pinapasok ako dun sa kwarto... nakita ko naman na may lalake dun, pinaupo nya ko tas ginupitan ako, naks mas lalo akong gumwapo sa gupit ko ah!

Tapos tinuruan nya akong magayos ng ibat ibang style sa buhok, pinalagyan din nya sakin ng wax yung buhok ko, tapos pinasuot nya skin yung damit na binili ko kanina.

Yun oh gwapo ko talaga. Tapos Lumabas na ako ng room

Pero hanggang ngayon wala parin si angela, asan na kaya ang babaeng yun.

" oh angelo, wow, kita mo na konting ayos lang sayo mas gumwapo ka pa" sabi ni kuya ate shirley

" oo nga po eh" sabi ko

tapos lumapit sa akin yung isang babae dun sa salon, nagpapicture, naks, naman lalo pa akong sisikat nito eh.

"ah nasan na nga po pala si angela?" tanong ko

"ah si angela nandun sa kwarto, palalabasin ko na" sabi nya sakin

Tapos Lumabas na si angela dun sa kwarto, parang naging mabagal yung oras, parang tumigil ang lahat sa paligid namin.

Dug.dug.dug dug.,

ay potek naman ano ba tong mga pinagsasasabi ko. Pero grabe mas gumanda sya, aaminin ko oo maganda sya dati pa kaya lang talagang parang megaphone yung bibig niya, pero ngayon sobrang ganda niya, di ko akalain na mas gaganda pa si angela ng ganito.

... End of POV...


Waaahhhh ayan di ko napigilan yung sarili kong mag update..haha...dapat bukas pa to ehh...but any ways...sige na nga trip ko ehh...haha 

please don't forget to vote, comment and recommend!! 


Lab'ya guys... 


~C


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top