Chapter 10


Next naman na pinuntahan namin ay yung sa shoes ko. Nalula naman ako sa sobrang taas ng mga high heels dun, di ko yata kakayanin yun. Laking rubber shoes o kaya naman flats ako eh.

"ok, sige angela ipapakuha na ko na lang yung mga magaganda nilang shoes dito para di ka na mahirapan" sabi ni maam

Hay salamat naman, at hirap na hirap na din akong umikot ng umikot

" sige angelo kumain na muna kayo ni angela habang pinapakuha ko pa yung shoes" sabi ni maam sa amin

Lumabas na si angelo pero di naman nya ko hinintay, hmp bahala na nga sya kakain na lang akong mag- isa.

Sa di naman kalayuan napansin ko si Keine, hmm absent pala sya.

"keine!" sigaw ko

Lumingon naman sya tas lumapit na sya sakin

"oh hi ikaw pala angela" sabi nya... ghad!!

"ah oo namimili kasi kami ng susuotin namin para sa mr. and ms." Sabi ko

"ahh, kumain ka na ba?, treat kita" aya nya sa akin.

"actually di pa nga eh, kakain pa lang sana ako" sabi ko

"ah sige halika na" sabi nya sakin

Pupunta na sana kami ni Keine dun sa may fast food nang may biglang humila sa braso ko, si angelo lang pala, hay nako ano nanaman bang trip nitong lalakeng to.

"halika na angela kakain na tayo" sabi nya sakin.. tch sya yung nangiiwan jan eh tas ngayon hihilahin nya lang ako

"ayoko nga no, ikaw na nga nangiiwan jan tapos ngayon aayain mo naman ako, hindi na and ayoko namang makasabay kang kumain noh, mawawalan lang ako ng gana" sabi ko

"basta sasama ka sakin" sabi nya...wala na kong nagawa kasi hinila na talaga niya ko

"sige angela next time na lang" sigaw ni Keine sakin tapos nagwave na sya ng hand.

"san mo ba ko balak na dadalhin ha" sigaw ko sa kanya

"kakain tayo" sabi nya sakin

"kung ikaw lang din ang kasama ko wag na lang noh" sabi ko

"swerte ka nga kasi ikaw pa lang ang kauna-unahang babaeng isasama ko sa pagkain ko sa labas" sabi nya... eh ano naan noh..

"eh ano naman sayo di ko naman hinihingi yun sayo" sabi ko.. tapos tumahimik na sya, ewan ko ba sa lalakeng to, ang lakas ng trip. Bipolar ata to eh... ang lakas ng sayad

Tapos pumunta kami dun sa isang restaurant, well ang sosyal tignan and mukhang mahal ang pagkain dito. Pumasok na kami dun sa loob tapos umupo kami dun sa seat for two. Tinawag na nya yung waiter

" give us the best" sabi lang nya tapos umalis na yung waiter.

May pa give us the best give us the best pa tong nalalaman. Tch.. sayang talaga makakasabay ko na sana si keine ehh..

Ilang sandali lang bumalik yung waiter tapos naglagay ng candle dun sa table namin tapos isinerve na yung pagkain namin, mmm mukhang masarap and ang bango

. Nagsimula na kaming kumain, masarap sya, pero nung nakakailang subo na ko bigla na lang akong nahilo, tapos uminit na yung mukha ko hanggang sa braso ko...takte may shrimp to!! Allergic ako sa shrimp!!

Hindi na ko makahinga tapos napansin naman ni angelo yun

" angela okay ka lang ba?" tanong nya sakin.. halos hindi ko na maintindihan yung sinasabi nya kasi nandidilim na yung paligid ko at feeling ko nakasakay na ako sa roller coaster.

Mabuti na lang nadala ko yung gamot ko, Kinuha ko na yun tapos buti na lang naging okay na din ako

"ano angela okay ka lang ba" tanong nya ulit sa akin.

"tingin mo ba sa nangyari sakin ok lang ako? May balak ka ba na patayin ako ha" sabi ko sa kanya...

"bakit ba kasi... hindi ko naman kasi alam, pasalamat ka nga concerned pa ko sayo eh"

"ako na yung muntikan mapahamak dahil sayo tapos gusto mo magthank you pa ko dahil concerned ka sakin"

" edi sorry, di ko naman kasi alam na may allergy ka pala" sabi nya... marunong din naman palang magsorry tong si angelo infairness.

"tara na nga"

...Angelo's POV...

Hay salamat naman at makakakain na rin kami, iniwan ko na si angela dun, bahala nga siya sa buhay nya.

Papunta na sana ako dun sa restaurant kaso narinig ko namang sumigaw si angela ng 'Keine', hay nako bat ba nandito yung lalakeng yun.. buwisit nagtatawanan pa sila ni angela dun.Sa sobrang inis ko hinila ko na si angela dun tapos sumigaw pa silang ' next time na lang' anong next time kayo diyan!!! wala nang next time... hindi ko nga hahayaan na makipadate si angela dun kay Keine no... teka bat nga ba ako nagseselos, ano ba tong nangyayari sakin, hay imposible to.. ako, mainlove sa babaeng to? No way!!!

Dinala ko na lang sya dun sa restaurant umorder na ako ng pagkain, nang biglang parang hindi na makahinga si angela, nak ng tupa ano bang nakain nito

"angela okay ka lang ba?" sabi ko

"tingin mo ba sa nangyari sakin ok lang ako? May balak ka ba na patayin ako ha" tch makasigaw to concerned na nga

"bakit ba kasi hindi ko naman kasi alam, pasalamat ka nga concerned pa ko sayo eh" sabi ko

"ako na yung muntikan mapahamak dahil sayo tapos gusto mo magthank you pa ko dahil concerned ka sakin" okay sigesabagay may point naman sya

" edi sorry, di ko naman kasi alam na may allergy ka pala" sabi ko

"tara na nga"

... end of pov...

---

ayan!!! like what i've promised 2 chapters po ang iuupdate ko dito!!! yieee!! yun lang po...see you sa next update...

~C

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top