Chapter 1
"Anak bangon na malelate ka nanaman sa school" sigaw ni mama sa labas ng pinto
Hay nako si mama talaga alas Sais pa Lang late Na kagad. Syempre bumangon Na din ako kahit ayaw ko pa, first day kasi ng school ngayon. Lilipat na ako sa SES dahil ipapadala daw nila ako dun kasi...
Aray ko! nauntog lang naman ako sa pader tinitignan ko kasi yung bago kong schedule. Ayun syempre masakit.
Ako nga pala si Angela Cassandra Cruz, ang hulog ng langit kay mama dahil sa kagandahan kong nagmana sa kanya..hahaha
"Anak bilisan mo" sigaw ni mama sakin
"nanjan na po" sabi ko
Lumabas na ko ng kwarto ko para maligo. Wala kasi akong sariling banyo sa kwarto.
"Mama Naman eh alas Sais pa Lang late Na kagad ako eh 8 pa naman magsisimula yung klase. Alam mo namang puyat ako ma eh" sabi ko kay mama na naghihintay sa labas ng kwarto ko
"eh alam ko naman kasing mabagal kang kumilos halos isang oras ka ngang maligo eh. at tsaka ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ka napuyat diba, cell phone ka kasi ng cell phone ayan tuloy" sermon nanaman si mama..
"sige na mama maliligo na ko" sabi ko na lang kasi panighrado magrararatatat nanaman si mama.. haha
"mabuti pa nga at bilisan mo"
Kinuha ko Na yung cell phone ko tas nagplay Na ko nung music sa banyo habang naliligo, pagkatapos Kong maligo nagbihis na ko, kumain ako, tapos nagpaalam na ko kay mama sabay hingi ng baon, pagkahingi ko ng baon pumasok na ko.
---
*Senneil Ehrle Schwyle Academy*
Hay sa wakas nandito na rin ako sakto 7:30 pa lang, makapaglibot nga muna dito sa bago kong school
Sinuot ko yung headset ko tapos naglakad na ko, ang sarap maglakad pag malamig, walang tao, di maingay, may music, tapos yung feel na feel mo pa yung music. Yung nakasarado pa yung mata ko tas finifeel ko yung music.
Naglakad pa ko tas bigla na lang na may nabangga ako di ko kasi sya napansin kasi nga nakapikit ako
"ay sorry" hingi ko ng paumanhin sa kanya
"ano ba yan di ka kasi marunong tumingin sa dinadaanan mo" psh ang sungit naman nito nagsorry na nga ako
"kaya nga po sorry diba" dina nya ko pinansin.
"sayang pogi sana pero antipatiko" bulong ko
"may sinasabi ka ba?" sabi nya
"wala!" Hay nako ang lakas naman makapanira ng mood nung lalakeng yun, makapunta na nga sa classroom ko.
....Someone's POV....
Nakakainis naman yung babaeng yun di marunong tumingin sa dinadaanan pipikit pikit pa kasi.
"huy bro ang lalim na naman ng iniisip mo ah, huhulaan ko babae yan no" nang-inis na naman tong si Christian
"yung babae kasi dun kanina di marunong tumingin sa dinadaanan ayun tuloy nabangga ako" tukoy ko dun sa babaeng nakabangga ko kanina
"hay nako bro tigilan mo na nga yung kakaisip sa babaeng yan baka mainlove ka pa jan" tch.. imposible naman yun no.
"imposible no, di ko type yung mga ganong klase ng babae"
"alam mo tara na pumunta na tayo sa classroom baka malate na tayo" iiin iling naman sya bag sabihin yon. tch..
"mabuti pa nga"
....End of POV....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top