WYBHBM ~~ Chapter41
JEN POV
"WHAT?!"
"I'm sorry, honey. Hindi namin agad ipinaalam sa inyo ng ate mo ang estado ng company natin. Mga bigger company ang kalaban natin. Masyadong komplikado. . ."
"Ma, dapat sinabi nyo po. Kailan pa po ba 'to nangyari?"
"two months or so."
Two months? Hindi pa ko ginugulo ni Kara non. Ibig sabihin ba non alam na nya ang problema namin kaya sya nakipag-deal saken?
"alam nyo po ba kung saang GC nakasanla ang company natin?"
"Steel and Stones ."
Dapat sigurong mag-research muna ako sa mga bagay-bagay tungkol sa business background ng family ni Kara.
"how did you know na may problema ang company ,Jen? Nabanggit ba sayo ng Papa mo?"
"No,Ma. . ."
"Then how?"
"It doesn't matter. Ma,kailan nyo balak sabihin samin ni ate ang tungkol dito?"
My mother paused for a minute.
"We don't want you to know. Kung magagawan namin ng paraan ng Daddy mo ,hindi na namin gustong ipaalam sa inyo-"
"That's unfair, Ma!"
"I know. . .and I'm sorry,anak. Ayaw lang namin kayong maapektuhan ng ate mo. Hinihintay namin kung maga-grant ng bangko ang loan ng Papa mo. Baka sakaling mabayaran namin kahit kalahati ng halaga basta mabawi natin ang controlling shares."
"I-it's near to impossible."
"I know." my mother whispered. "but we need to be positive. Ayaw ko namang mauwi lang sa wala ang pinaghipan ng Papa nyo. . ."
Hindi ako nakasagot at napaisip ng malalim. Steel and Stones. . .
Is it a big company? May alam din naman ako sa business world kahit papano pero wala akong alam tungkol sa company na 'yon.
"Anak, galit ka ba?"
"no,ma. I'm just. . .shock."
"I'm really sorry. . ."
"don't say sorry,Ma. I know you don't want this to happen. . .and I understand."
"Thank you,Jen honey." she smiled and I smiled back.
"but Ma, please let Ate know."
Mom's smile vanished.
"I don't think it's-"
"Please. Hindi nya magugustuhan kung itatago mo 'to sa kanya. . ."
"may trabaho ang ate mo,Jen. I don't want her to-"
"please,Ma." putol ko uli sa sasabihin nya. "Ate is a professional. She can handle her work well but I know she'll get angry too kapag nalaman nyang may problema na tayo pero hindi pa din nya alam. Baka masmalala pa sa reaksyon ko ang magiging reaksyon nya. Call her tonight."
Matagal bago sumagot si Mama . I thought she'll disagree pero sa huli. . .
"okay. I'll call her later. Maybe. . .maybe you're right. Unfair nga yon sa ate mo."
Nakahinga ako ng maluwag kahit papano. Pero hindi ako panatag. Hindi ako dapat magsaya dahil lang sa nalaman ko ang totoo.
Dapat nga talagang gumawa ako para makatulong kina Mama at Papa.
Sa ngayon, kailangang malaman ko muna ang pinakaugat ng problema.
And I thought, blackmail lang yon ni Kara saken para gawin ko ang gusto nya. May alam na pala talaga sya. . .
"Ma,alis muna ko."
"Saan ka pupunta,Jen? It's almost seven. Bakit nitong mga huling linggo, ginagabi ka ng uwi?"
"I have projects to do,Ma. Madaming requirements to get a clearance. You know I'm graduating. . ." palusot ko . Pero ang totoo talaga nyan, sinusundan-sundan ko pa din si Heira. Kapag nakauwi na sya, ipapa-develop ko ang mga pics na nakuha ko. Ganon ang naging routine ko for a month now.
"I'm going ,Ma."
"be careful ,honey. And please umuwi ka kaagad."
"Yes,Ma." I kissed her in the cheeks at lumabas na ng pinto. Tinungo ang garahe at sumakay sa kotse. Hindi ko pa nai-start ang ignition nang biglang tumunog ang phone ko. Nagitla pa ko. Inis.
*phone rings* -one of Kara's number. Ano na namang kailangan nya?
"Hello. Kara?"
"Wow. Kilala mo agad ako ha. You saved all of my numbers?"
"what do you want this time?" I ignored her sarcastic question.
"wala ka pa rin bang nalalaman,hmm?"
"I told you na kung meron na akong alam, sasabihin ko kaagad sayo but as of now wala ka pa ding malalaman saken." I lied. I don't know why need to lie to her . Pwede ko namang sabihin agad sa kanya pero hindi makaya-kaya ng konsensya ko na ipaalam sa kanya. Siguro dahil alam ko namang ikakasira talaga ni Heira ang mga yon. Pangalawa, alam ko ding gagamitin yon ni Kara for evil reasons.
"mahaba pa ang panahon ko."
"oh I know that. Mabagal ka lang talaga. Isa pa naiinip na kasi ako."
"magagawa ko din yon. . ."
"Sana nga. Dahil hindi naman ako ang mawawalan. Ikaw din." she laughed like a devil bago in-end ang call and I fight the urged to smash my phone sa sobrang inis. Damn her. That bitch is so annoying!
I breath harshly.
Kung may paraan lang ako para di na nya ako guluhin, di sana ginawa ko na.
But I'm left with no choice. So unfortunate.
HEIRA POV
"bakit di ka kumakain?"
"h-ha?"
"kumain ka."
"e. . .wala akong gana."
"tss. Stupid girl. Kainin mo yan."
Nagsusungit na naman si Cyfer. May dalaw na naman 'to siguro. Ewan. Kanina pa dismissal namin pero hinila nya ako dito sa karinderya.
Tinawagan nya si manong kanina. Hindi na kami nagpasundo.
Nagpasama sya kumain. Hindi naman ako makatanggi. Hays. Ganado sya pero ako di ko magalaw ang pagkain ko.
"wag mong titigan lang yan." sabi na naman nya.
"bakit dito ka pa kumain? Masmasarap naman ang pagkain sa cafeteria ah?"
"wrong. Masmasarap dito. And I miss this." tinuro nya yung ulam nyang sisig . Naging instant fave ulam nya ata.
"kanina ka pa ganyan. Di ka naman kumain ng lunch."
Paano nya nalaman?
"dont ask me why . Hindi ka naman umalis ng upuan mo nung last break time."
Aaah. Yun pala yon. Mind reader talaga.
"kainin mo yan."
Ano ba 'to. =_= paulit-ulit.
"kakainin mo yan o susubuan kita?"
Napilitan na kong hawakan ang kutsara at tinidor. Nagsimulang sumubo . Hays. Domineering brute. Sarap sapakin. Emote na emote ako tapos panira sya ng moment.
He smirked. Tss.
I blanked my mind at nagfocus sa pagkain.
Pagtapos ang ilang minuto biglang may kumutos saken.
"ouch!" napahawak ako sa noo ko at napatingin kay Cyfer. His face is grim.
"bakit mo ko kinutusan?"
"para kang timang!"
Ako pa ngayon ang timang e sya nga tong biglang nangutos. =_=
"bakit ba?"
"kanina pa ko nagsasalita di ka naman lumilingon." =__=
"nagsasalita ka kanina?"
"paulit-ulit?" =_=
"sorry naman. Sakit ng kutos mo,ah."
"umayos ka kasi . Di yung para kang bingi." =__=
"sorry na nga,eh." =3=
"I'm done eating. Bilisan mo jan." wow. Suplado slash super sungit na naman sya.
"tapos na din ako."
"di mo pa nga nakakalahati kanin mo."
"busog na ako,eh."
"busog e di ka naman kumain kanina?"
Lagi na lang kontra 'to. =_=
"Honest,Cy. Busog na talaga ako."
"haish. Tara na nga." kinuha na nya ang bag nya . Sumunod ako.
"di pa tayo nagbabayad."
"tapos na. Busy ka kasi sa pagdedaydream."
Tumahimik na lang ako para di na sya lalong mabadtrip. Isa pa, wala din naman ako sa mood para makipag-word fight sa kanya.
"you okay?" tanong nya.
"oo naman. . ."
"liar."
Napahinto ako sa paglalakad . Lumingon din sya saken.
"why do people lie and say they're okay when it's obvious that they're not?"
". . ."
"it's stupidity,right?"
"no. It's not like that. . ."
"then explain to me why. Hindi yung nagpapanggap ka lang."
"why do you care?" tanong ko. Sya naman ang hindi nakasagot. Hindi ko naman in-expect na sasagutin nya ang tanong ko. Ngumiti na lang ako . . .even if its fake.
"masyado lang akong OA. Nag-aalala sa mga bagay na di naman dapat intindihan. Baka akala ko may problema kahit wala naman."
"do you have doubts?"
"di naman mawawala yun di ba?"
"do you trust him?"
Him. . .di na kailangang magtanong kung sinong tinutukoy ni Cy. I smiled again.
"yes. I trust him more than I trust myself."
"good to hear that. . ." he smiled back.
"di ko lang maiwasang mag-isip ng mga negative. He has no time for me now. . .but I understand. I'm trying to understand. I need to understand . . .kasi di ba? May mga bagay syang mas kailangang i-prioritize kesa sakin. . ." Tears starting to flow down. I bit my lower lip.
"but I'm still worried. . .I don't know why. . ." I smiled through my tears. "Sorry. Haha. Ang OA ko talaga. Hindi ko gustong-" di nya ako pinatapos sa sasabihin ko at bigla na lang akong niyakap.
Nabigla ako pero after few seconds, namalayan ko na lang na umiiyak na ko sa kanya. Hinahaplos nya ang likod ko na parang batang pinapatahan sa pag-iyak. He's also whispering comforting words.
Hinayaan nya kong umiyak sa kanya. Something that I didn't do with him. Another first. Now,I realize na kahit ganto si Cy,he is there when Xandrei is not. Something good about him : He care. He express it with his actions but will never say it to you. What a guy. Sa ibang pagkakataon, matatawa siguro ako. Baka nga maasar ko sya kung hindi ako umiiyak ngayon.
Despite his unexplainable attitude, I still need to give him my thanks. . .
CYFER POV
The last time I remembered hugging her was when she was hospitalized. Now,she's in my arms again. . .crying.
She said she's just over reacting. I totally disagree with that. Hindi naman magiging emosyonal ang isang tao ng walang nararamdaman di ba? She's hurting. I know that . It's too obvious at hindi na kailangang sabihin . Kahit pa itanggi nya,di ako maniniwala sa kanya.
"hush now. . .You said you trust him. Leave it that way. Kahit busy si Xandrei, naniniwala ako na ikaw pa din ang priority nya."
Why am I doing this? Di ko masasagot ng maayos.Ito lang din marahil ang magagawa ko para sa kanya. . .sa kanila ng kapatid ko.
I admit I'm attracted to my half brother's fiancee but I know my limits. I'd rather die than take advantage of their situation.
The last thing : I don't want to waste my brother's trust. I respect him this much.
"He loves you. Wag mong kakalimutan yon." dagdag ko pa. She raised her head and looked at me . She nod and smile. Di kagaya ng ngiting pinapakita nya kanina. This time, she mean it. Alam kong nakatulong ang pag-iyak nya saken. I'm glad na may silbi naman pala ako kahit papano.
"thank you,Cy. Very much." she brushed away her tears.
"thank you lang? May bayad yun."
"bayad?"
"ilibre mo ko bukas sa karinderya."
She chuckled. Hinampas pa ko sa braso. Kailangan talaga may hampas pa? =__=
"Yun lang pala ,eh. Libre kita bukas. Pero ikaw magbabayad ng extra rice mo,ah?" tumawa sya.Natawa na lang din ako.
Gumaan na ang pakiramdam ko.
Di ko man masabi-sabi kay Heira ang mga problema ni Xan, atleast nagagawa kong maipaintindi sa kanya ang mga simpleng bagay.
She trusts and loves him.Lucky Xandrei.
"uwi na tayo."
"tara."
Tinungo namin ang main road at pumara ng taxi.
HEIRA POV
-de Vera Mansion-
8:56 pm and I'm wide awake. Hindi na naman makatulog. Waiting for something. . .someone. Gusto ko na ngang magtanong kay ate Xandra pero umalis sya agad pagtapos ng dinner. Si Cyfer at Xandrea, maaga ata natulog. Wala,eh. Alone na naman.
Sleep ,Heira. . .Sleep. . .Sleep. . .Sleep. . .
Pagulong-gulong ako sa higaan . Paiba-iba ng pwesto pero di pa din makatulog.
Aaaargghh! Frustrate na kooooo!
Bumangon ako ng tuluyan. Kinuha ang cellphone ko sa side table . No text. No calls.
Nakakadagdag lalo ng frustration.
Bumalik ako ng kama at dumapa.
Naiiyak na naman ako. Bwisit na yan.
Ang babaw babaw babaw ko talaga. Nakakainis. . .
Ganong ayos ako nakaramdam ng antok. Parang di ko na din kinaya at nakatulog ako ng ganun.
Basta isa lang iniisip ko nun. . .
Si Xandrei lang. Maybe I could see him in my dreams and say I miss him so. . .
XANDREI POV
9:15pm
"Aalis ka ba talaga nang di man lang nagpapaalam kay Heira,Xan?"
Napatingin ako kay ate. Sumunod sya dito sa airport hour ago. Isa't kalahating na lang ang hihintayin para sa flight namin ni Miyu.
Hindi ko sya sinagot.
"Xan, baka magbago pa ang isip mo."
"ate. . ."
"bakit ayaw mong magpaalam sa kanya?"
"please,ate. Don't make me change my mind."
"Xandrei!"
Nagulat ako sa pagtaas ng boses ni Ate.
"I could punch you right now. Ano bang pinagagagawa mo?!"
Nasa parte kami na walang masyadong tao. Si Miyu nasa comfort room. Kung meron mang makakarinig kay ate ngayon, ako lang yon.
"Sumagot ka nga!"
"ayokong magpaalam."
"e bakit nga?!"
"I might make her cry. . ."
"so akala mo di sya masasaktan kung basta ka na lang aalis? Kutusan kita jan,eh!"
"ate. . ."
"listen,lil bro. Hinihintay ka nya lagi umuwi. Then aalis ka ,pupunta ka ng Canada ng di man lang pinapaalam sa kanya. Anong gusto mong mangyari? Umasa ng umasa na darating ka? Para mo na din syang pinagmukhang tanga."
"pag nagpakita ako sa kanya ngayon, di ko alam kung kaya ko pang umalis."
"e di wag ka ng umalis! Problema ba yon?"
"you don't understand. Hindi ko gustong magkita sila ni Miyu. Ayokong isipin nya that I'm cheating on her. Ayokong magpakabahala."
"but you're lying to her! Alam kong magkaiba ang cheating sa lying pero di ba parehas lang yon na kasalanan? Mag-isip ka nga!"
"bakit ba pinipilit mo ko?"
"cause I want you to think straight! Grabe,Lil bro. Hindi ka naman ganyan dati."
"hindi ikaw ang nasa lagay ko kaya mo nasasabi mo yan." I said grimly.
"okay. May problema ka. Malaking problema. Pero di mo ba naiisip na concern din ako? Pinoproblema ko din ang problema mo. Hello? I'm your big sister. Concern ako sa lahat ng bagay na may kinalaman sayo at isa pa, concern din ako kay Heira."
"alam ko yon. . ."
"alam mo naman pala,eh! Bakit ba parang gusto mong pahirapan si Heira?"
"Goodness,no! Di ko ginusto 'to! Iniiwasan ko lang maging komplikado pang lalo ang sitwasyon ko."
"You're making it more complicated,Xan. Please, ako na nagsasabi sayo. Umuwi ka muna. . ."
"but-"
"no buts. Please. Ako na nagsasabi sayo. Magpaalam ka ng maayos sa kanya. Nasa parking ang kotse ko. Use it." inabot nya saken ang susi nya at pinagtulakan ako ng papuntang exit.
Hindi traffic sa dahil nine na. Thirty minutes ang pinakamabilis na oras para makauwi ako ng mansion.
Totoong gusto kong umalis na lang agad, baka kasi magbago ang isip ko kung magpapakita at magpapaalam pa ko kay Heira.
Pinigilan ko ang sarili kong tumawag sa kanya . Nang umuwi ako ng mansion kanina, kinuha ko na ang ilan sa mga gamit ko .
Kapag nagpakita ako sa kanya, baka magbago lahat ng plano ko. Paano pa pag pinakiusapan nya kong wag nang umalis? Hindi ko mapapangako sa sarili ko na di ko sya mapapagbigyan.
I need to do this. Para samin din naman 'to. . .
After 30 minutes nasa mansion na ko. Nang nasa tapat na ko ng kwarto nya, nag-alangan akong pumasok. Parang nawalan ako bigla ng lakas.
"hey. . ."
Nagulat pa ko ng may magsalita sa likod ko. Si Cyfer.
"ba't ba nanggugulat ka?"
"tss. Di ako nanggugulat. Magugulatin lang talaga kayo."
"bakit gising ka pa?"
"e ikaw ba't ngayon ka lang. Two days kang di umuwi."
"I have works."
"I see.Pero sana tumawag ka man lang na di ka uuwi. May isang tao kasi na nag-aalala sayo. Alam mo naman siguro yon di ba?"
"Why are you making me feel guilty?"
"you should be. Nasaan ka ba kagabi?"
Hindi ako makasagot.
"at bakit nagaalangan kang pumasok?"
Damn it. Ibig sabihin kanina pa nya ako nakitang dumating.
"pumasok ka na. Malay mo, gising pa sya. She's always waiting for you."
She's always waiting for you. . .
Waiting for you. . .
. . .always. . .
Binubugbog na ko ng konsensya ko. Yung pakiramdam na sobrang bigat kanina mas lalong bumigat ngayon.
Tinalikuran ko si Cyfer at pumasok ng kwarto ni Heira.
Sinara ko ng dahan-dahan ang pinto. Tulog na sya.
God. I miss her so. Paano ko pa mapipigilan ang sarili ko nito?
Lumapit ako sa kama nya at umupo sa gilid non. I watch her sleep for seconds. She stirred. Nagising.
The moment she opened her eyes, napatingin agad sya saken. She blinked. Napabangon bigla.
"Xan!"
"Hi,babe."
"y-you're here. A-akala ko di ka na naman uuwi." hindi ko sya sinagot.Niyakap ko na lang sya ng mahigpit.
"I'm sorry. . ."
"s-sorry for what?"
"sorry for making you wait."
"i-it's okay."
"no. Alam kong hindi yun okay. Sorry. . . I'm sorry. . ."
She hugged me back as tight as I do. I miss this. Kung meron mang mga bagay na gusto kong gawin ngayon, gusto ko kasama ko sya. Sya lang.
"It doesn't matter if I'm okay or not. What matters is you are already here. . ."
Yes,I'm here. . .pero aalis pa din ako pagtapos nito. Kaya ko pa bang umalis? Masasabi ko ba sa kanya ngayon na iiwan ko muna sya?
Hindi ako makahanap ng tamang salita para banggitin lahat ng naiisip ko ngayon. . .
The pain of leaving her kills me now.
Will she let me go?
"babe. . ."
"hmmm?"
"I'm going to Canada. . ."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top