WYBHBM ~~ Chapter 69

WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR. 

BOOK 1 of 3 worth :  P109.50

You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores  nationwide. 

-

READ BEFORE YOU VOTE :))

-

HEIRA POV

"C-cy?"

"Hindi ka dapat nagpapaginaw. . ." 

Hindi ako makapaniwalang andito si Cy. Looking at him, parang gusto kong mag-alangan kung sya nga ba ang nasa harap ko. He has bruises and darken eyes.

"b-bakit ka andito?"

"gusto lang kitang makita. Hindi ako manggugulo."

Matagal kaming nagtitigan. Ako ang unang nagbawi ng tingin.

"Paano mo nalaman na nandito kami?"

"kay Ate." 

Nakabibinging katahimikan ang lumipas. Hindi ko magagwang tignan sya. 

He broke the silence.

"andito ako para magpaalam. . ."

Marahas akong napalingon sa kanya.

"h-ha? Bakit? A-alis ka ba?"

Hindi nya ako sinagot agad. Nakatitig lang sya sa papasikat na araw.

"Mahal kita. . ."

Parang sampung kutsilyo ang isinaksak saken. Nahirapan na naman akong huminga. 

"S-sorry,Cy."

"alam kong . . .hindi mo tutugunin." ngumiti sya. "hindi na ko umaasa. . ."

Napapikit ako. Nasa isip ko kung gaano kasakit para sa kanya ang pag-uusap namin na 'to.

"I'm here as a friend,wala ng hihigit pa don."

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Huminga ako ng malalim. Sana panaginip lang 'to. Ayoko nang makasakit ng tao. Ayoko nang saktan si Cyfer.

"saan ka pupunta? Bakit ka nagpapaalam?"

"Italy."

"a-anong gagawin mo dun?"

"andon ang mga magulang na kinalakihan ko, naisip ko na panahon na para harapin ko sila. . ."

Naalala ko ang pagkakataong pumunta sila ni ate Xandra sa Italy. Wala pa din akong ideya kung ano ang ginawa nila sa lugar na yon maliban sa pinuntahan nila ang mother ni Cy.

"h-hindi ka na babalik?"

"hindi ko alam."

Napahawak ako ng mahigpit sa jacket na suot ko. Iiyak na naman ba ako?

"nag-aalala pa din ako sayo."

Napalingon akong muli sa kanya.

"hindi ko pa din alam kung ano ang desisyon mo. I wanna hear it now."

Napapikit ako. Desisyon.

"Cy,h-hindi ko pa alam. Hindi pa ko sigurado. . ."

"just say it. Kung pipiliin mo sya, hahayaan kita. Sasabihin ko sa kanya."

Nanlaki ang mga mata ko.

"n-no."

"hear me out first. Nahihirapan din ako tuwing nakikita kitang malungkot, nasasaktan,nagtitiis at umiiyak kagaya ngayon." pinahid nya ang unang luhang dumaloy sa pisngi ko.

"kapag pinili mo ang sarili mo, isasama kita sa Italy. . .kung papayag ka."

I gasped. Nanlalaki ang mga matang napatitig sa kanya.

"a-are you serious?"

He nodded.

"Cy, it's not that easy!"

"do you think,madali para saken 'to? Mahirap din ,Heira. I can't just leave you like this. Na walang nakakaalam, na mananatili lang akong tahimik." he sigh. "hindi naman kita pipilitin. I'm just giving you an option."

Para akong napipi. Hindi ko sya masagot. Hindi ko alam kung ano ang salitang babanggitin.

"decide now."

"ayokong malaman nya,Cy. Ayoko." I shook my head and sobbed hysterically.Akmang yayakapin nya ako pero lumayo ako.

"hindi ko ginusto 'to,alam mo yan. Natatakot ako na sya ang tumalikod saken, kung di man. . .kung di man maaawa.Ayoko ng ganon,Cy."

Wala syang sinabi.He raised his hands once again but it stopped in the air.

"I'm sorry.I didn't know it will end up this way." regret in his voice,along with pain."I won't force you to come but I wanna hear your answer now."

Hinawakan nya ang kamay ko.

"Please. . ."

I bit my lower lip. Lumipas ang ilang segundo na ganun ang ayos namin.

Decide,Heira. . .

"I'll respect whatever your decision is."

Bakit ako pa? Baki kailangang ganto pa?

Nakailang hugot ako ng pahinga.

Tinitignan ko sya pabalik. He's waiting. . .

"I'm sorry,Cy. . .but I'll stay. . ."

HARVILLE POV

"is that all?"

"yes,sir."

Binabayo ng kaba ang dibdib ko.

"sir, she graduated three days ago."

Napahugot ako ng paghinga.

"saan sya nag-aral?"

"Apollo and Artemis Academy. Regular Department."

Napakunot ang noo ko. Napadpad na ako sa school na yon dahil doon din ang school ni Kara. I was so excited to see her that day and was going to surprise her pero naligaw ako. Sa Regular Department ako napunta imbis na sa All-Girls Department.

Binuksan ko ang folder na dala ng PI.

Heira Guzman. . .

Napakunot ang noo ko ng matignan ng mabuti ang litrato.

I gasped.

"problem,sir?"

Hindi ko pinansin ang tanong ni P.I.

"I-I can't believe this. . ."

This girl. . .I remember her.

I bumped into her once!

She's was the one who helped me when I got lost.

That day, I noticed something familiar on the way she smiles. I picture it out 'coz she smiles like Mom!

Halos mangiyak na ko. Parang may hangganan na ang matagal na paghahanap namin.

All I need is clarification. . .

pero may pakiramdam na sya na talaga.

"Heaven. . ." sambit ko.

I need to call Dad and Harren.

CYFER POV

Tinatawag na ang mga pasahero pero ako nanatiling nakaupo.

Breath in. Breath out.

Parang may nakabara sa lalamunan ko. Ilang beses na akong huminga ng malalim pero ganon pa din.

*phone rings*

Ate Xandra calling. . .

"Hello,Cy?"

"Hi." matamlay kong sagot.

"ano nangyari?" nag-aalalang tanong nya.

"pauwi na ako,ate."

"where? Dito sa manila?"

"yeah."

"nagkausap mo ba si Heira? Si Xan?"

"I talked to Heira."

"what about Xan?"

"I haven't got the chance."

"I see. G-gusto mo bang sunduin kita sa airport? Anong oras ang flight mo?"

"wag na. Maaabla ka pa."

"s-sige. Basta tatawagan ulit kita."

"ate."

"meron ka pang sasabihin?"

"Can you do me a favor?"

"of course! Ano ba yon?" excited na tanong nya.

"book me a flight papuntang Italy."

May narinig akong parang nabasag sa kabilang linya.

"w-what? Aalis ka? Babalik ka ng Italy?"

"yes." mahinang sagot ko.

"m-magbabakasyon ka ba? sasamahan kita-"

"no,ate. Hindi ko alam kung babalik pa ako."

Natahimik ang kabilang linya.

"please."

"Pero Cy-"

"this is what I want. Para matahik na din lahat. . ." I ended the call. Napahawak ako sa ulo ko. Damn it.

Huminga ako ng malalim. I dial Kara's number. Ilang ring bago sya sumagot.

"what a pleasant surprise. For the first time,you call me! Any good news?"

"Let's end the deal."

"WHAT?!"

"hayaan mo na silang maging masaya."

"what the hell are you saying?"

"let them be happy. . .for now."

"are you joking me,bastard?"

"hindi ko na kailangang paghiwalayin pa sila. . ."

"so, you failed?"

"I do not want to push it."

"coward." she hissed.

Naningkit ang mata ko. "I am not but you are,Kara. Wala akong alam kung bakit ginagantihan mo sila. But to satisfy you and make it fair, maghihiwalay din sila kahit hindi ko gawin ang plano ko. . ."

"sigurado ka ba?" sarkastikong tanong nya.

"yes. Just wait and see." they will hate me. All of them, including Heira if she will know this. But I can't tell Kara that Heira is ill. She'll laugh to death knowing that devil woman.

Hindi ko na sya pinagbigyang sumagot. Pinutol ko na ang tawag.

Huling tawag na ng mga pasahero ng tumayo ako.

-

Fasten your seatbelts. . .

Ipinikit ko ang mata ko habang papataas ang eroplano.

Wrong move pa ata dahil bumalik sa isip ko ang paguusap namin ni Heira kanina.

Mabilis akong dumilat. Tumingin sa labas ng bintana. Wala naman akong ibang makita kundi mga ulap.

But our conversation haunts me. . .

FLASHBACK

"I'm sorry,Cy. . .but I'll stay. . ."

Nagkapira-piraso na ata ang puso ko. Kung di ko lang sya kaharap,baka di ko napigilan ang emosyon ko.

I managed to smile. Ngiting walang buhay, puno ng panlulumo,sakit at pagsisisi.

Alam ko namang mahihirapan ako pag dumating na sa puntong isasantabi na naman nya ang sarili nya at pipiliin nya si Xandrei.

Pero ganun siguro talaga pag mahal mo ang tao.

Hahayaan mo syang maging masaya sa kung anong desisyon ang pipiliin nya.

I let go of her hand as well as my feelings for her. Bibitawan ko na lahat. Gusto nya 'to. Ito ang desisyon nya. Ang makasama ng matagal ang taong mahal nya.

"take care of yourself. I'm sure Xandrei will do the same, you both love each other."

While me? I was left alone. Bakit ba? Di naman nya kasalanan na mahalin ko sya. Pero kasalanan ko din ba na mahulog sa kanya? Hindi ko naman siguro masisisi ang sarili ko pagdating don. Pare-parehas lang kaming nagmahal. Too bad, isa ang dapat maiwan.

At ako ang taong iyon.

Kung ano ang nakatadhangang mangyari, yun ang mangyayari.

Weird. Before, I don't believe in destiny. For me, life is a choice. No one has the right to dictate us.

But there is one God who will make us realize that everything happens for a reason. That our life was planned since the beginning of time.

Life would never be called life if there was no trials for living creatures.

God will put us in a situation na hindi pwedeng dumikta ang sino man maliban sa sarili mo.

I'm not a religous person and I doubt if my faith is enough for Him to understand a sinful person like me.

But. . .

I prayed for this moment. . .

I pray for Heira's happiness.

God will do the rest.

I lean closer to her, did not give her time to recover. I kissed her forhead.

"Goodbye."

Dahan dahan akong tumayo at naglakad palayo.

Huminga ng malalim para hindi bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigil.

Hindi na ako lumingon. Ayokong magmakaawa na sumama nalang sya saken at iligtas ang sarili nya.

Hahayaan ko syang maging masaya.

Kahit ako ang higit na masasaktan kapag nalaman ko na wala na sya.

END OF FLASHACK

"are you okay?" tanong ng babaeng katabi ko. "your eyes are red.Have you been crying?"

"no." mahinang sagot ko.

Hindi na ako tinanong pa ng babae. Kahit nagaalangan pa ata sya sa sagot ko.

Tumingin nalang muli ako sa bintana.

XANDREI POV

Nagising ako na wala sa tabi ko si Heira. Napabalikwas ako ng bangon.

"Heira?"

Akmang tatayo na ako mula sa kama ng bumukas ang pinto at pumasok si Heira. Suot suot nya ang jacket ko.

Nagulat pa ata sya ng makita akong nakaupo sa gilid ng kama.

"g-gising ka na pala."

Tumayo ako at lumapit sa kanya. "wala ka sa tabi ko. Saan ka nagpunta?"

"s-sa labas, naglakad-lakad lang. Maaga kasi akong nagising. Anong. . .anong oras ba ang flight natin?"

"2 pm. Get ready. Hindi pa pala tayo nakakapag-empake."

Tumango lang sya. Parang may kakaiba sa kanya na di ko matukoy.

"Heira, are you okay?"

"oo naman." she smiled.

I'm about to go to the bathroom ng bigla nya akong yakapin.

"Xan. . ."

"hey,anong problema?"

I cupped her face. There's something in her eyes. . .

"Let's make love here. . .right now." she whispered. She grab my head and kiss my softly before I could react.

To Be CONTINUED. . .

A/N : Alam kong bitin. Sinadya ko po. *evil laugh here* HAHA.

Before the to-toot part, I want you to know na ipa-private ko ang part na pinakahihintay nyo dahil baka magalit si watty at ma-restrict ang buong story ,pag nangyari yon iiyak ako. Just wanted to be sure kaya sa mga humihiling na wag i-private ang BS part, hindi ko po kayo mapagbibigyan. I don't want to take the risk. Mahirap na.

Hindi pa naman ako magaling sa BS part . Nyahaha! Baka mabastusan si watty. Oh my.

Tell me kung ano ang nangingibabaw sa emotions nyo ngayon. I'll wait for your comments!

Btw, para sa mga bata,okay lang kahit hindi mabasa ang BS part. Wag nyong iyakan ang part na yon. Sayang ang tears.

For me, hindi naman talaga BS ang nagpapaganda sa story. It's the conflict and twist kaya nga mas nagfocus ako doon kesa sa BS dahil bukod sa alam kong hindi ako magaling sa latter part, kaya kong mabawi sa takbo ng story. Well,sana tama ang analysis ko. Kanya-kanya naman po tayo ng opinion.

Gusto ko din po humingi ng sorry kasi hindi po ako makakabati ng mga readers ngayon . HUHU. Nangako ako pero limitado kasi ang oras ko ssa PC , kung makakapag-update po ako bukas, bukas na lang. PLEASE. Sorry po talaga. T___T Hindi pa nga ako makakapag-update kung di ko tlaga pinush. HAHA! XD

Sa mga nag-message po saken , bukas ko na lang din po sasagutin .

Kailan ang ilalabas ang BS part ? - Bukas po. Mauuna kong publish yon kesa sa chapter 70. HOHO!

Sana more comments for this chap para sabay ko ma-release ang BS and Chap 70. MORE INSPIRATION PLEASE! -/\-

Sorry kung may errors na naman ako. I really need to go na . XD

Lovelots and Godbless, Readers! :*

KHIRA1112♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112