WYBHBM ~~ Chapter 67

WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR. 

BOOK 1 of 3 worth :  P109.50

You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores  nationwide. 

-

READ BEFORE YOU VOTE :))

-

XANDREI POV

"I will find him. Don't postpone your trip with Heira. Ako na lang ang kakausap kay Cyfer." malumanay na sabi ni Xandra sa kanya. Napabuntong hininga na lamang sya.

"okay." hinilot nya ang sintido nya at pumikit sandali.

"lil bro, bakit naman kasi ganoon ang ginawa mo? You shoul have talked to him." 

"I saw him kissing Heira forcibly! You can't blame me for-"

"okay,that's enough. Ayoko ng maungkat pa yan." Xandra kept silent for a minute while pacing the floor.

"I tried to be civil to him but he did push me to my limit."

"but still, you don't need to be violent. And Xan, you're older."

"what do you expect me to do? Just watch him?!"

"That's not what I mean. . ."

"then what? Bakit ba ako pa ang nagiging mali? I was angry at that moment dahil sa nakita kong ginawa nya. As his brother,isa lang ang hinihingi ko. Respeto. He was in our home. We welcomed him. We trusted him. Lalo na ako pero ano? Ganon pa ang ginawa nya?"

"He's immature,Xan. Too young to handle this kind of situation. His emotions were involved. He just fall in love-"

"with the wrong person. Heira- to be specific. She's mine-"

"he knows that-"

"I'm sure he is! Yun ang kinagagalit ko. Bakit kailangang ipagpilitan nya ang sarili nya?"

"Be considerate,Xan. Wag kang magpadala sa galit mo. Isipin mo ang side ni Cy. Besides, kasalanan ba nya lahat? Nainlove lang sya. Yun lang yon."

"you don't understand-"

"you're just jealous kaya ganyan ka mag-isip."

"I have all the rights to feel this way." padabog syang tumayo at lumapit sa bintana.

"para kayong mga bata na nag-aaway."

"Are you telling me that I am immature like him?"

"now,you got my point."

"wait 'til you fall in love." paasik na sagot nya. Naiinis sya lalo sa ate nya. Bakit parang binabaliktad pa sya nito? Hindi ba dapat kumampi ito sa kanya?

"I fell in love once pero hindi ako naging ganyan katanga. Or maybe I was pero hindi umabot sa gantong sitwasyon." mahinang sabi nito. "pumasok ba sa isip mo na baka may ibang rason si Cyfer?"

"kung meron man,wala akong balak malaman."

"wag ka namang maging harsh. Kapatid pa din natin sya. Gusto ko ngang magalit sayo dahil hindi mo man lang sya pinagpaliwanag ng maayos at alam mo ba kung anong mas ikinagagalit ko? Nakapagbitiw ka ng mga salitang hindi naman dapat sabihin. Inisip nya na wala lang sya saten. That he's nothing but a burden. . .Xan naman, hindi ka lang ba nag-aalala sa kanya? Hindi ko alam kung saan sya tumuloy.He has no other home but here. . ."

Now, he felt guilty. Damn Xandra.

"what do you want me to do?"

"atleast show him that you still care for him." nakangiting sabi nya.

"tss. So gay."

Bigla nya akong binatukan. "eto naman oh. Seryosong seryoso na ang face ko e! Alam mo bang ang hirap maging seryosong Xandra?"

Hindi na lang ako sumagot. Nauwi na naman ako sa malalim na pag-iisip.

"wag kang mag-alala. Hindi naman agad-agad. Magpalipas ka muna ng galit,hmm. Ituloy mo ang alis ninyo ni Heira. Ako na muna ang bahala kay new bro. Speaking of Heira,talk to her.I know she's still on shock."

Iniwan na ako ni ate Xandra. Huminga ulit ako ng malalim. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong pairalin. Napailing na lang ako.

Naglakad ako papunta sa guest room. There she is. Nakaupo sa kama nya at nakasandal sa headboard. May yakap yakap na unan.

Napatingin sya saken. Hindi sya ngumiti. Her eyes look so sad. Siguro dahil iniisip nya pa din ang nangyari sa pagitan namin ng kapatid ko.

"hey. . ." lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"sorry." mahinang sambit nya.

"wala kang kasalanan."

"no,Xan. Ako ang may kasalanan ng lahat ng 'to." nanginginig na naman ang boses nya. Alam kong naiiyak na naman sya.

I cupped her face. Babagsak na ang mga luha nya. I kissed her eyes, the bridge of her nose down to her lips.

"It's not your fault. Don't blame yourself. Kung meron mang dapat umayos nito,kaming dalawa yon ni Cy."

"p-pero. . ."

"hush now. No ones blaming you so stop blaming yourself."

Sumiksik sya sa dibdib ko at mahigpit na yumakap sa katawan ko.

"nag-aalala ako sa kanya." sabi niya.

Parang may tumusok na naman sa dibdib ko. Damn. Hindi naman ako ganto kaseloso dati ah?

Think,Xandrei. Nag-aalala sya dahil magkaibigan sila. Yun lang yon. . .pilit kong sinasabi sa sarili ko.

Napahinga na lang ako ng malalim. Kahit naman ako. Aaminin kong may galit pa ding natitira sa dibdib ko pero sumisiksik ang guilt at pag-aalala. Umalis sya ng mansion dahil sa mga nasabi at nagawa ko.Wala kaming ideya kung nasaan sya.

"maayos din lahat." sabi ko. Hinalikan ko ang noo nya. "start packing,babe. We are going somewhere."

"h-ha?"

"my graduation gift to you. Remember?"

"pero Xan, aalis tayo ng-"

"nakausap ko na si ate. Tatlong araw muna tayong mawawala then pagbalik natin,aayusin ko ang lahat ng 'to. Gusto ko lang magpalipas ng galit at mag-isip isip muna. Nitong mga nakaraang araw, sobrang stress na ang nararanasan ko, I mean natin." hinawakan ko ang maliit nyang kamay. "Everything will be alright. . ."

CYFER POV

Tunog ng cellphone ko ang nakapag-pagising saken. Damn.

Inabot ko iyon at sinagot.

"what?"

"good morning to you too."

Parang gusto ko na lang itapon ang cellphone ko.

"Kara."

"Wala ka pa din bang nagagawa para mapaghiwalay na ang kapatid mo at ang malanding babaeng iyon." uminit bigla ang ulo ko.

"fuck you. Kung may malandi man dito, ikaw na yon. Don't call me again. Tatawagan kita kung nagawa ko na. Isa pa,we had a deal. Hindi mo pwedeng pakialaman ang plano ko." binabaan ko na agad sya.

Nawala na ang antok ko kaya bumangon ako agad. Napaigik ako ng maramdaman ang pananakit ng mukha at katawan ko. Shit.

Parang bigla namang nag-flashback sa isip ko ang mga nangyari kagabi.

Sunud-sunod na mura ang lumabas sa bibig ko. Tinignan ko ang paligid.

Wala na nga pala ako sa mansion.

Tumayo ako at paika-ikang pumunta ng banyo.

*phone rings*

Inis na binalikan ko ang cellphone ko. Akmang papatayin ko iyon pero ng makita ko kung sino ang tumatawag, nag-alangan ako akong gawin.

Si ate.

Napabuntong-hininga ako. Hinayaan ko na lang mag-ring na mag-ring hanggang sa matapos iyon. Saka ko pinatay ang cellphone ko. Alam ko namang nag-aalala sya pero ayokong magpakita muna sa kanila.

Kinuha ko ang bag ko at naghalukay ng damit.

Hindi sinasadyang makapa ko ang gamot ni Heira. Meron ako nito dahil natatakot akong atakihin ulit sya ng sakit nya pagtapos hindi naman nya dala ang gamot nya. Mukhang hindi ko na magagawa ang mabantayan sya dahil hindi naman ako ang nasa tabi nya kundi si Xandrei.

Napatulala na lang ako ng bumalik sa isip ko ang away na naganap sa pagitan namin. Masama pa din ang loob ko.

Ano pa bang dapat gawin maliban sa pagsabi sa kanya na hindi sya mabibigyan ng anak ni Heira?

Wala na akong maisip na ibang paraan.

KARA POV

"damn that bastard. . ." I hissed. Pabagsak na inilagay ang cellphone sa sofa.

Sige lang. Hahayaan ko sya sa gusto nyang mangyari pero once na pumalpak sya,isasama ko sya sa listahan ng mga taong kailangan kong gantihan.

"Kara."

I turn around and saw Harville standing at my back.Nakabihis na sya.

"aalis ka na?" malambing na tanong ko.Lumapit sa kanya at yumakap.

"babalik na lang ako mamaya. May mahalagang bagay lang akong aasikasuhin."

"what is it? Hindi ba ako pwedeng sumama?"

"may hahanapin akong tao. Baka mainip ka lang." he leaned closer and kiss my passionately.

"later."

"I'll miss you."

He smiled and hugged me tight.

"I love you."

I smirked as I reciprocate what he said. He's sweet pero sa totoo lang, nakakasuya kapag laging matamis. Buti na lang, I'm a best actress.

Nang makaalis na sya. Nag-dial agad ako sa phone ko.

"sundan mo sya." pagtapos ay agad ko ding pinatay.

Alam ko naman kung ano ang inaasikaso ni Hale dito sa Pilipinas.

Too bad, hindi ko sya hahayaang malaman agad kung sino ang taong hinahanap nya. . .

HARVILLE POV

"pasensya na,hijo. Matagal ng hindi nakatira dito ang taong hinahanap mo. Ang alam ko nga naaksidente sya at na-comatose . Hindi ko alam kung nabuhay pa sya pagtapos non."

"ganoon ho ba. . ." nanlulumo akong tumango at nginitian ang matandang babaeng nasa harap ko. "salamat ho."

Bumalik ako sa kotse ko. Tatlong oras kong hinanap ang lugar na 'to pero wala naman pala dito ang taong hinahanap ko.

*phone rings*

His twin is calling. . .

"hello."

"did you find his place?"

"yes pero matagal na daw wala ang matanda dito."

"what? Nasaan na daw?"

"wala ng nasabi ang taong napagtanungan ko. Pero nabanggit nya na naaksidente pa daw ang taong iyon at na-comatose."

"Is he dead?"

"sana hindi. Sya na lang ang pag-asa natin. . ."

"damn it. No other leads?"

"wala pang bago sa ngayon. We should have done this earlier,Harren."

Wala akong ibang narinig na sagot mula sa kakambal ko. He sigh but said nothing.

"kailan ka makakauwi dito?"

"I don't know. Siguro pag nakumbinsi ko ang sarili ko na wala na talaga. . ."

"call Mom. She's worried."

"alam ba nya?"

"wala pa ding alam si Mommy. Si Dad lang ang nakausap ko tungkol dito. Kung alam 'to ni Mommy, magpupumilit syang umuwi jan at samahan kang maghanap."

"wag mo munang ipaalam. Ayokong umasa sya. . ."

"but I'm hoping,Hale. Hoping that one of this days ,we will reunite with our missing angel. . ."

Me too. . .gusto nyang sabihin din sa kakambal nya pero alam nyang alam na nito iyon.

Seventeen years ago, isang anghel ang nawala sa pamilya namin. Ang anghel na lagi naming nilalaro ni Harren tuwing darating kami galing school. Masayang-masaya kami dahil sa wakas may kapatid na kaming babae.

Pero nawala sya bigla samen . . .

Andito ako para hanapin sya.

Umaasa na kahit matagal na panahon na ang lumipas, mahahanap at makakasama pa din namin sya.

Mahahanap din kita,baby Heaven. . .

HEIRA POV

"I-I know this place. . ."

Lumingon ako kay Xan. Nakangiti na sya. Kahit may pasa ang kabilang pisngi nya, he still looks handsome. "dito?"

He nod and smile sheepishly.

"bakit dito?"

"we started here,Heira. We confess our love in this place. I also proposed here.Gusto kong balikan ang mga yon kasama ka."

I was touch.Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko akalaing dito nya ako dadalhin.

Siargao Island. . .

"di ba sabi ko sayo,babalik tayo dito?" nakangiting sabi nya. "let's forget our problems for now."

Siguro nga dapat muna kaming magpakasaya.

"i-ilang araw tayo dito?"

"three days."

Three days. . .

Sa tatlong araw na yon,wala akong dapat isipin. Dapat sya lang.

Nginitian ko sya at humawak sa kanya.

"tara?"

Tumango ako at nagsimula kaming maglakad.

I need to enjoy my remaining days with him. . .dahil hindi ko alam kung ito na ang huli. . .

Bibigyan ko ng pagkakataon na maging masaya ang sarili ko na kasama sya.

Baka ito na ang huling pagkakataon ko. . .

I'll make him happy.

-

"we will eat first then lets swim together. Magsha-shower muna ako." sabi nya.

"okay." nakangiting sagot ko. Pumasok na sya ng banyo. Ako naman , hinanda ang susuotin ko.

Inilalabas ko na ang lahat ng damit ko ng may malaglag na papel mula sa mga iyon.

"ano 'to?" tanong ko.

Gift certificate . Lincoln World-Class Hotel. . .

"Lincoln. . ."

Lumalakas ang kabog ng dibdib ko. Napahugot ako ng hininga ng maalala kung kanino galing ang GC na 'to.

Yung babae sa plane. . .Binigay nya saken 'to months ago. . .

Oh my God.

Sign na ba 'to?

To Be CONTINUED. . .

A/N : Sorry kung sobrang tagal ng update. Hehe!

Oh ayan na,sembreak na. I think less than five chaps na lang ang natitira (kung di ako nagkakamali ng pagbibilang. Haha!)

Medyo ibaba muna natin ang intensity ha? Hahaha! Ako din kasi nate-tense na eh. Kalma muna. KALMA.

So, ano sa tingin nyo ang desisyon ni Heira? :)))) I'll wait for your comments! :* Pampainspire!

Hingang malalim. Next update, puro XEIRA MOMENTS , meron ding CYRa , then konting silip sa pamilya ni Heira. (Spoiler alert) at madami pang iba.

Hwag nyo munang hulaan ang ending . To naman. Kalma muna. Madami pang mangyayari eh. XD

BATIAN PORTION :

Hi kina : GianelliChenn , 14Reader , ItsChelLovesYou , EXONightWishes , jessicasicaca , eliza_jeyan , Daina24, Ambitter14 , RheignAndrea , eriolclow , Hubbyedi , KhatJoaquin , mjvelasc0 , xxCaelumxx , jhelho10 , Aprililit , enahsiol , JhoanaTagayon , itsdorothieeeee , ZyrileSmile , Antzgo09 , UnfamousIhyram , 143_Me , StephanieJunio , Rianakhate , Chubskisses , BeatrizCarpentero , zhyrenramos, ReliehJhanedeGuzman , rizahG30 , AnaidEnajAledZruc , NyssaNantes , ,AyaAsy , ljoeangel , 143crez , joyborromeo20 , josierayhan, Emalen , Sweetiesell , jennymarcial , MichelleIbabao , AndreyPelayo , KeiiToMyHeart26 , rosypink74 , DazzleChic , CarlaloveKN , Beaming_Kai , KyleSuk , maryroselim , ireneapelo , mimipaupau , NicoleDeniseNLaygan , heyitsmeniella , ImArabella , MaryannTanquinco , under_the_rain , MhAeCee , erickabradecina , jyrile , BabyBahApril , MabelBartiquil , OneMai , eysiwithae , slimmynadz , LineriQue2o , AbbegaileAton , DoWhatEverYouWant , smileylemon ,jhenays , AnnalouCunanan , missdoelittle ,zhyrenramos , AldsMacaLdo , nekomi_black13 , janethruzel24 , purple_one , UnfamousIhyram , prettylhen , danielnabong , ChristineGraceAlbert , yhseituc , BadAngel08 , ainie29 , yhamicomhi , MissRhaincee , imaBITCHtoo , MariahMicahSalazarMa , VanessaLegaspiGadian , jeanyap , IamMsSe7enteen , KarenCunanan6 , sweetsexycarol22 , maryannbarbosa , NiaJaneRivera , JianCeres ,PatriciaAngelaSioson ,  Itsmeapple , Charmoinahenz , KyotiiPinx , acey18 ,budz03 ,JesserinRoseRuiz ,  greatpretender1107 ,  tenvasquez , abbiegaille , KeziahLoredo , ricochette , missy_girls , CyEdLovesYou , Chlovelle , oreotaromilktea , johkiatz , pokerk3 , ShyandSilent , sofiasnorlaxx , Love_move , EuniceDaleEredia , khimtotz_03 , ChuChu0414 , KateDayro , cazandra2324 , KatherineArgame , IanChew , crissancollado , NicoleTono2 , czechery0723 , lynnybaleleng14 , catharen1 , hugmeplease1992 , dazzLe004 , almiramjs , jhelho10  and AJchinita.

Special mention : madeeshie (Salamat sa mahabang comment mo ! :* Its Hey-ra. ;)) , jeicraic , QueenOfPain2 , SMMniNANO (also my silent reader) , tennesseeCloud (Anak , sinermunan mo pa ko at talagang CAPSLOCK. HAHA! Nakakatuwa ang comment mo .Naexplain ko na , LABYU!) , cutieshy14 (also one of my silent readers . Thank you , baby! ) and NerdyCram (Ikaw talaga ang consistent sa batian portion ko e ! :*)

My silent readers : strawbberry , patriel , FacunJessica , MissWeirdoQueen , joypineda15 , iloveromanc3 , REAlistic_heart , CheMarshmallow , pilipantasi ,alyssanej18 , honeyedsa , khilian_khei and BhubsDiik .

- Nilubos ko na po ang pagbati. Masyado akong natuwa sa last chappy. Madaming salamat po !

Sobrang saya ko po nung nabasa ko yung mga comments. Sa wakas,nagsilabasan ang ilan sa mga silent readers ko. Grabe lang. Ang dami pala nila. Haha!

Last chap,super achievement. Sama nyo na din yung first time kong sumulat ng BS. Whahaha! Kakahiya talaga. More practice. XD

Sorry nga pala sa mga errors like grammar , typos at kung anu-ano pa.

Happy 3m reads. Eto na talaga. To the highest level,di ko inaasahan na aabot ng ganto karami ang reads ng WYBHBM. Yhieee! *clapclap*

Bukas po ang next update .

Lovelots and Godbless, readers ! :*

KHIRA1112

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112