WYBHBM ~~ Chapter 61

WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR. 

BOOK 1 of 3 worth :  P109.50

You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores  nationwide. 

-

READ BEFORE YOU VOTE :))

P.S. Sorry for the errors. HAHA! XD

-

HEIRA POV

"J-jen!"

"oh my Gosh!"

Parehas kaming napabulalas ni Rhea. Gusto kong takbuhin si Jen and shake her senses. Bakit nya sinabi yon?

Palakas ng palakas ang bulungan. Nanggigilalas ang lahat. No one expect that someone will appear and make the rumors true.

"totoo talaga?!"

"oh my god!"

"bakit ka pumayag?"

"may anak ka na?!"

Sunud-sunod na ang pagbato ng katanungan sa kanya. Hindi ko napigilang ihakbang ang paa ko,naglakad ako papunta sa kinaroroonan nya. Sumunod si Rhea.

Pero bago pa kami makalapit, nasa tapat na ni Jen si Ren.

"kailangan mong pumunta sa admin." walang emosyong sabi ni Ren.

Tumango si Jen. May pangamba akong nakita sa mga mata nya. Kung ako ang nasa kalagayan nya,matatakot din ako.

"wag mo ng hintayin na sumugod ang admin dito." sabi pa ni Ren. Tango lang ulit ang sinagot ni Jen. Naglakad sya palayo. Ang mga tinging ipinupukol sa kanya ng iba ay may halong pandidiri, pangungutya at pang-aasar. Na para bang napakababang babae ni Jen.Gusto kong dukutin ang mga mata nila. Ang iba naman ay may pag-iintindi at awa. Meron ding hindi pa nakakarecover sa pagkagulat.

"pumunta na kayo sa mga klase nyo." sigaw ni Ren sa paligid. Agad na nagsipulusan palayo ang mga estudyante at kanya-kanyang direksyon ang tinungo. Naiwan ako ,si Rhea at Ren. Kaming tatlo ulit.

Napalingon ako sa bulletin board. Hindi kagaya nung unang mga papel, nakalagay na ang pangalan ng estudyante sa pagkakataong ito. Ang pangalan ni Jen.

Gusto kong maiyak dahil alam kong hindi si Jen ang tinutukoy na baby maker kundi ako. Sinadya bang akuin ni Jen ang problemang 'to para pagtakpan ako?

"I didn't expect that. . ." bulong ni Rhea.

"no one expect,Rhea. Lahat tayo nagulat sa ginawa nyan." napailing si Ren.

Humarap ako sa kanilang dalawa.

"gusto ko syang makausap,Ren. . ." naluluhang sabi ko.

Marahang tumango si Ren. Hinagod naman ni Rhea ang likod ko.

JEN POV

Tumatakbo ako at hindi ko nakikita ang daang tinatahak ko.Wala na akong nakikitang estudyante pero pakiramdam ko nakatingin pa din sila saken. Hinuhusgahan ang pagkatao ko. . .

This is the only way I knew para makabawi sa kasalanan ko kay Heira. Papangatawanan ko 'to hanggang sa huli.

Someone grab my arm . Napasigaw ako sa gulat pero hindi kumawala ang tinig ko dahil may tumakip agad sa bibig ko. Hindi ako makawala sa pagkakahawak nya kahit ano pang piglas ko. Hinila nya ako papasok sa science lab. Nang mai-lock ang pinto, pinakawalan nya ako. Ganun na lang ang gulat ko ng makilala kung sino ang nanghila saken.

"C-cyfer. . ."

"I knew it! Pinlano mo ba lahat ng 'to?!" namumula ang mukha nya sa galit. Sumiksik ako sa isang tabi dahil sa takot na baka saktan nya ako. Ngayon ko lang nakita kung paano magalit si Cyfer. Natatakot ako sa maaari nyang gawin saken.

"you bitch! Nakipagkaibigan ka lang ba kay Heira dahil may balak kang siraan sya?!" sigaw pa nya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Napatakip na lang ako ng bibig at umiyak. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.Hanggang saan ba ang makakaya ko? Ilang tao pa ba ang magagalit saken?

"sumagot ka!"

"s-sorry. . ."

"damn you! Hindi sorry mo ang kailangan ko! Explain everythin to me. Yun ang kailangan ko. Hindi para sa akin ang sorry na yan!"

"h-hindi ko sinasadya. Hindi ko na kasi-"

"isang malaking kalokohan ang mga sinasabi mo! Kung di mo talaga sinasadya, hindi sana kita kausap ngayon! Manggagamit ka!"

Nasasaktan ako sa mga naririnig ko mula sa kanya. Manggagamit. . .

Yun daw ako. Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata.

Naging totoo ako kay Heira. Dumating din naman sa punto na nakonsensya ako ng sobra at nagdesisyong patagalin ang misyon ko dahil ayokong ipaalam sa tusong babae ang mga nalalaman ko.

The bad thing was she figured out what I was planning to do. Inunahan na nya ako and that leaves me no choice. It was painful for me too.

"magsalita ka!"

"oo na! Ako na ang may kasalanan ng lahat. Inaamin kong pinilit kong maging malapit kay Heira pero hindi ko sya ginamit! Hindi ko ginustong masaktan ang damdamin nya dahil magkaibigan kaming dalawa pero-"

"no buts! Ikaw din ba ang may gawa ng mga papel na pinaskil dati?"

Umiling ako. "h-hindi ako yon!"

"you liar!" nag-iigting ang mga bagang ni Cyfer.

"I s-swear! Hindi ako yon! Hindi ako ang may kagagawan non."

"ano bang alam mo? May alam ka ba tungkol sa-"

"alam kong baby maker si Heira."

"pano mo nalaman?" mapanganib na tanong nya.

"Narinig ko kayong n-naguusap noon."

"yun lang ba?"

"h-hindi lang yon." napapikit ako. Sumisikip ang dibdib ko sa takbo ng usapan namin.

"I stalked her. I even took photos of her w-with you. . ."

Nanlaki ang mga mata ng binata.

"ikaw ang. . ." hindi nya naituloy ang sasabihin nya. Manghang nakatitig saken.

"I'm really sorry. Naipit lang din ako. Hindi ko ginusto 'to. Nang malaman ko ang mga nangyari dito sa academy ,pinagsisihan ko ng sobra ang mga nagawa ko. A-andito ako ngayon para pagtakpan si Heira,hindi para saktan pa sya."

"anong ibig mong sabihin na naipit ka lang? Hindi mo ba ginawa ang lahat ng 'to dahil gusto mo lang syang siraan?"

"goodness,no! Hindi yun ang motibo ko. Please,maniwala ka." nagmamakaawa na ako kay Cyfer. Kahit sya man lang sana ang maging kakampi ko. Kahit pansamantala lang. Gusto kong magpaliwanag ng maayos sa mga taong nadamay ko. Kay Heira at sa iba pa. . .

"I can't trust you unless-"

"alam kong malaki ang naging kasalanan ko pero hindi ko talaga sinasadya. S-someone blackmailed me kaya-"

"What?!" nahigit nya ang braso ko. "sino? Sino ang taong yon?"

"Kara." mahinang sabi ko.

XANDREI POV

Halos mapunit na ang mga papel na hawak ko. Halos matanggal na ang mga ugat ko sa sobrang galit. Inihagis ko ang ibinigay na papel ng Private investigator na hinire ng abogado ko.

Tama ang hinala ko. Iisang konektado sa iisang kumpanya ang ilan sa mga investors ni Mr.Tamaki at iilan din dun ay nasa DVI.

I knew it. Kaya pala pamilyar saken ang boses. . .

Bumungad ang secretary ni ate at nagulat pa ng makita ang itsura ng opisina ko. Nagkalat ang papel sa sahig.

"Sir-"

"cancel all my meetings. May pupuntuhan ako." agad akong tumayo at kinuha ang coat ko. Mabilis na lumabas ng opisina at hindi na nakapagsalita ang sekretarya.

I drove like hell. Wala na sa isip ko ang ingat. Wala na din akong pake kung madisgrasya o makadisgrasya ako. Kulang na lang mabasag ang manibela sa higpit ng pagkakahawak ko. Umiingit ang gulong sa sobrang bilis ng pagmamaneho.

*phone rings*

I answered the call through headset. Hindi ko na sana pagkakaabalahang pahabain ang tawag na yon at ibaba na sana agad pero nabosesan ko ang babaeng nagsalita.

"Hi,de Vera."

Napatapak agad ako sa preno. Kung wala ang seatbelt baka tumalsik na ang katawan ko sa harap ng kotse.

"how are you,my dear Xandrei?"

"where are you?" pinigilan ang galit at pinilit ikalma ang sarili. Gusto kong malaman kung nasaan sya. Gusto kong matapos agad ang lahat ng 'to.

"why? Pupuntahan mo ako? That's so sweet of you." she said sarcastically. I almost smash my phone.

"gusto kitang makausap."

"oh bakit? Ayaw mo na ba ng hide and seek? Well,sawa ka na ba sa boses lang? Tsktsk. So weak. Game over na agad ang gusto mo?"

"Stop this! I already know who you are kaya itigil mo na 'to!"

"o talaga? Kilala mo na ko." she laugh at me.

Napamura ulit ako.

"Stop this,Kara! Hwag mong hintaying mapuno ako sayo!"

Saglit syang natahimik sa kabilang linya.

Akala ko matatakot na sya pero sarkastikong tawa na naman ang narinig ko sa kanya.

"you know what? Hindi ko alam kung bakit pinaabot mo ng ganto katagal to find out kung sino talaga ako. Seems like I'm smarter than you."

"don't rely on your words,Kara. Ipapakain ko sayo lahat ng sinasabi mo."

"If you can,De Vera. . .if you can. . ."

"Coward!"

"Go and find me. I will wait for you pero ako pa din ang mananalo. . ." pinutol na nya ang linya. Tumaas baba ang dibdib ko sa galit. Kung laro ang gusto nya,I won't let her win. Never.

HEIRA POV

Napatayo ako sa kinauupuan ko ng makita kong lumabas ng opisina ng admin si Jen. Hindi na kami pumasok nila Ren at Rhea. Hinihintay namin ang magiging pasya ng school head.

Malungkot na ngumiti si Jen at sinugod ako ng yakap.

"Sorry. . ." she whispered.

"Jen,b-bakit?"

Hindi ko na nasundan ang tanong ko ng sumunod na lumabas ang admin. Nakatingin sya

saming lahat. Lumapit si Ren at sya naman ang nakipag-usap dito. Tinanguan naman kami ng binata kaya mataktika kaming naglakad palayo.

Pinipigilan ni Jen ang mga luha nya. Kagat-kagat ang ibabang labi. Madami akong gustong itanong. . .

"Maghanap tayo ng lugar kung saan kayo pwede mag-usap." sabi ni Rhea. Tumango ako.

Lumabas kami ng RD building at umupo sa isa sa mga bench na nandoon. Hindi na sumama si Rhea at binigyan kami ng privacy ni Jen.

Walang nagsasalita. Nagpapakiramdaman muna. Sa dami ng gusto kong itanong,di ko na alam kung saan ko sisimulan. Si Jen na ang bumasag ng katahimikan.

"maki-kick out ako. . ."

Nahigit ko ang aking paghinga.

"J-jen. . ."

"wag kang mag-alala. Wala kang kasalanan. Ginusto ko 'to. Ito ang desisyon ko. Kulang pa 'tong pambayad sa lahat ng nagawa ko sayo." kumawala ang mga luha nya. Tumingin sya saken at ngumiting pilit. "pwede ba ako magkwento?"

Gusto ko na ding maiyak. Damayan sya. Sisihin ang sarili ko sa mga nangyayari. Akuin ang dapat na parusa saken at hindi kay Jen. Tumango na lang ako bilang sagot. Ilang segundo ang pinalipas nya bago simulan ang pagkukwento.

"M-my dad died yesterday. . .mom died a week ago and m-my sister ,s-she broke down." hinawakan nya ang kamay ko. "mag-isa na lang ako,Heira at. . .at ikaw na lang ang mapupuntahan ko." humagulgol na sya.

I was shock. Hindi ko alam kung paano ako magrereact. Hindi ko ma-imagine kung ako ang nasa kalagayan nya na sabay-sabay nawalan ng mahal sa buhay. Nang mawala ang papa ko, halos ikabaliw ko na. Sya pa kayang nawalan ng ina at ama.

"napakasama ko sigurong tao para maparusahan ng ganto. Siguro eto na din ang hinihining bayad ni God para sa kasalanan ko sayo. Masyado akong naging mahina. Naging pakielamera. Ihihingi ko ng tawad lahat yon sayo,Heira."

"y-you don't need to do this,Jen. You suffered too much!" naluluhang sabi ko.

"inako ko na lahat,Heira at hindi ako magrereklamo. Wala ng mawawala saken.Hindi na rin mahalaga kung anong iisipin nila.Ang mahalaga saken ngayon malaman mo na hanggang sa huli, pinakita ko sayo na pinagsisihan ko lahat. Kahit ikaw man lang,alam mo na hindi ako sinungaling."

"Bakit umabot sa ganto,Jen? Sino ba talaga ang may gawa nito?"

May galit na lumarawan sa mga mata nya.

"Si Kara ang namblackmail saken. May galit sya sayo,Heira."

Nanlaki ang mga mata ko ng malaman kung sino. Kara. . .yung ex ni Xan?

XANDREI POV

Hinarang ako ng mga guards pero nagpumilit pa rin akong pumasok.

"Sir,hindi ho talaga pwede."

"Tell Kara that I'm here!"

Agad na umilap ang mga mata nila. Kinuha ng isang guard ang intercom. Naiinip ako sa tagal ng pag-uusap nila. Nang ibaba nito ang intercom, binuksan na nito ang gate.

Mabilis akong naglakad papasok. Pabalyo kong binuksan ang pinto at nagulat pa ang mga katulong na nasa paligid.

"Where's Kara?!"

"n-nasa bar room po." nahintatakutang sagot ng katulong.

Agad kong tinungo ang tinuro nyang direksyon.

Nakita ko agad si Kara na nakatalikod at umiinom.

Sumiklap ang galit ko. Unti-unting kumakawala ang pagtitimpi.

Agad kong hinila ang braso nya. Nabitiwan nya ang goblet at nabasag iyon.

"you're finally here." she smirked.

"ano bang ginagawa mo?!" niyugyog ko ang balikat nya. "dammit,Kara! Halos sirain mo na lahat!"

"so?" tumaas ang dalawang kilay nya. Nasa labi pa din nya ang nakakalokong ngiti.

"stop this."

"bakit ako hihinto kung nag-eenjoy pa ko?"

"wag mong hintaying saktan kita."

"gawin mo. Pero wag mo kong sisihin kapag nawala sayo lahat."

Gusto ko na syang ibalya o kaya naman ay suntukin. Binibigyang timbang ko lang na babae sya at nakainom.

"ginagawa mo ba 'to dahil iniwan kita? Yun pa din ba ang dahilan mo ha!"

"that's one."

"bullshit! Alam mong ikaw ang may kasalanan kung bakit iniwan kita! Napakababaw mo,Kara!" sigaw ko. Umilap ang mata nya. Lumarawan ang galit. Tinabig nya ang kamay ko.

"you made me feel so low.Ikaw ang may kasalanan."

"bakit ba hindi na lang natin kalimutan yan?"

"why would I do that? Nasaktan ako at hindi ko makakalimutan yon."

"but I know na pride lang ang pinaglalaban mo! We don't really love each other at wag mong itatanggi yon! You cheated on me and I left you instantly dahil wala akong pakialam! Bakit kailangang magtanim ka pa ng galit at guluhin ang buhay ko?!"

"from the mouth of a babe! Kung wala kang pakialam, wag mong asahan na ihihinto ko 'to. I love what I'm doing at wala din akong pakialam kung masira ang buhay mo!"

Hindi ko napigilang itulak sya. Her jaw dropped. She groaned in pain and glared at me. She didn't expect me to do that. Umayos sya ng pagtayo at umangat ang kamay nya. Sinampal nya ako ng malakas.

"Masakit ba? Sana matauhan ka na."

Hahablutin ko sana ulit ang braso nya pero mabilis syang umatras palayo.

"lay a finger on me and I'll destroy everything in you." nanlilisik ang mga mata nya sa galit. Nakahawak sya sa brasong tumama sa stool.

"You'll regret this,Kara. . ." banta ko.

"I won't but you will,de Vera. Sigurado akong iiwan ka nya." she smirked at me again.

Tumalikod na ako bago ko pa sya masaktan muli. This bitch is testing my patience. Gusto ko ng pumatay.

"Kahit wala akong gawin,iiwan ka pa din nya. Wag mong isipin na yun lang ang rason ko. Ang babaeng yon ang may kasalanan ng lahat. . ." napahinto ako.

"don't blame me kung magkatotoo man."

Pinagpatuloy ko ang paglalakad palayo.

Nang marating ko ang kotse,inumpog ko ang noo ko sa manibela.

. . .iiwan ka pa din nya. . .

. . .kahit wala akong gawin,iiwan ka pa din nya. . .

"damn! Damn! Damn it all to hell!"

Sumasakit ang ulo ko. Nagpaulit-ulit ang mga sinabi ni Kara sa isip ko. Parang sirang plaka.

The thoughts of it slowly killing me. Giving me unbearable pain I could hardly endure.

"Heira. . ." sambit ko. Pumikit ako at sumandal. Nagtutubig ang mata ko. Shit! This is not me. Hindi ko iniiyakan ang mga bagay-bagay. But now, I do. I already plan my life with her. Sya na talaga ang napili ko. Kung mawawala sya. . .kung iiwan nya ako. . .

Umiling ako. Hindi na iyon kaya tanggapin ng isipan ko. Hindi ko alam kung bakit sa napakababaw na dahilan ni Kara ay nagawa nya 'to. Bumalik ang galit sa dibdib ko. Hindi

sya magtatagumpay na paghiwalayin kami.

To Be CONTINUED. . .

A/N : update ng may sakit. Eto na po. Pagtapos nito, medyo matagal ulit. Magpapagaling muna ko,hmm? Nyahaha! Seriously, nagkasakit na po talaga ako e. XD

Layo-layo muna sa mga high pressure areas (gawa ko lang yung term. Hahaha!) Pahinga muna ko.

Hulaan nyo kung anu-ano pa ang mga reasons ni Kara kung bakit galit na galit sya kay Heira at Xandrei. I'll wait for your comments. (pampagaling)

Hi kina : CertifiedSweet,LxndrDvd3, AmaaddictsaWatty, Littaaaaaine, ForeverAkoSayo, jnfrdeleon , mimipaupau, Sweetiesell, Reisparck, Zeke19, RosallyMayor, YeahMenCookie, AngeliqueDemavivas, rosypink74,whoopieslover, emohgurl , CamilleHortilano, chelbestyle , ImaCATGIRL , mjmarah , HannahKim Constantino , SabelBel , CatherinLagamot, maikho and JuliaMarieLaplana .

Special mention kay : NerdyCram ,nobela kasi ang comments niya tas may part 2 pa . Grabe lang ang effort ha! Salamat talaga. Nakakatouch po sobra. Tenchuuuuu! :*

Hanggang dito na lang . Chill muna kayo habang naghihintay ng chap 62. 'til next update po!

Lovelots and Godbless!

KHIRA1112

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112