WYBHBM ~~ Chapter 60



HEIRA POV

Nakatayo kaming tatlo nila Ren at Rhea sa tapat ng isang kwarto . Pagkatapos sabihin sa amin ng guard kung saang ospital naroroon ang pamilya ni Jen, agad kaming nagtungo dito. Si Ren ang kumatok. Ilang segundo pa ang lumipas bago kami pagbuksan ng pinto.


Si Jen.


Nagulat pa sya ng makita nya kaming tatlo.


Parang hindi sya ang Jen na nakilala ko. Para syang pagod na pagod. She loss weight too.


"Jen. . ." sambit ko.


"b-bakit kayo nandito?" lumabas sya ng kwarto. Nanginginig pa ang mga kamay nya na nakahawak sa doorknob.


"anong nangyari sayo?" hindi ko sinagot ang tanong nya sa amin. Mataman kaming nakatitig sa kanya.


Hindi ko alam kung anong nararamdaman ni Rhea at Ren pero ako, naaawa ako sa nakikita kong pagbabago ni Jen. At the same time, I wonder kung bakit bigla syang nagkaganyan. Umiwas lang si Jen ng tingin at hindi din sinagot ang tinanong ko.


"pano nyo nalaman na nandito ako?"


"sinabi samen ng guard.Bakit hindi ka na pumapasok?" tanong ni Rhea.


"I-I. . .I don't have-"


"tell us what happened." hindi na pinatapos ni Ren ang sasabihin nya.


"hindi ko kailangang magpaliwanag sa inyo kung bakit. . .kung bakit nandito ako at hindi na pumapasok."


"Jen,malapit na ang graduation. . ." sabi ko.


"I know."


"kung ganon,bakit ngayon ka pa nagkakaganyan? Patapos na ang klase." iritableng sabi ni Rhea.


"wala kayong alam. . ." tumalikod si Jen samin. Alam ko kung bakit. Naiiyak na sya. Lumingon ako kina Ren at Rhea.


"I'll talk to her. . ."


"pero Heira-" mapoprotesta pa sana si Rhea pero hinawakan na ni Ren ang kamay nya. Tumango sakin si Ren at sabay silang naglakad palayo.


Ibinaling kong muli ang paningin ko kay Jen. Yumuyugyog ang balikat nya.


"Jen. . ."


Hindi sya sumagot. Ni hindi sya lumingon.


"Jen, let's talk. . ."


Wala pa din akong natanggap na reaksyon mula sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako. Nag-isip ng mga dapat sabihin. Saan ko nga ba dapat simulan?


Isang minutong pag-iisip at katahimikan ang lumipas.


"I won't force you to talk pero gusto ko sanang makinig ka saken. . ."


"kaibigan kita di ba? Sabi mo saken pwede tayong maging magkaibigan. Bihira lang akong magkaroon ng mga kaibigan. Mabibilang sa isang kamay kung sino ang mga naging kaibigan ko sa Academy ,at isa ka sa kanila." huminga ako ng malalim. Likod lang nya ang nakikita ko. Hindi ko alam kung anong reaksyon nya,sana pagtapos kong sabihin ang mga dapat kong sabihin, humarap sya saken.


"ilang linggo ka ng absent. Hindi ka din umattend ng prom. Hindi ko agad na-realize yon dahil may problema din ako. Naalala kong tumawag ka saken, you just said 'sorry' pero hindi ko alam kung para saan yon. Sabi mo pa nasa ospital ka ,nag-alala din ako nun kaya lang hindi mo na ako tinawagan pagtapos non."


"gusto ko sanang malaman kung anong totoong nangyari pero ayoko namang pwersahin kang magkwento. . .k-kaya ako na lang ang magkukwento sayo. . ."


Huminga ulit ako ng malalim. This is it. . .


"may. . .may kumalat na balita sa Academy tungkol sa isang estudyante. Nakapaskil ang mga papel sa bulletin board. Madaming estudyante ang nagulat dahil ang nakasulat don ay hindi nila. . .namin inaasahan. Hindi tahasang sinabi kung sino ang estudyante, pero ang nakalagay sa papel ay isa syang baby maker. . ."


JEN POV


Nanlamig matapos kong marinig ang mga sinabi ni Heira.


Napatakip ako ng bibig. Nangingilid na naman ang mga luha ko. Pinanlalambutan ako ng katawan.


Oh god. Ano nang gagawin ko?


Nagpatuloy si Heira sa pagsasalita. Hindi ko na magawang intindihin ang mga sinasabi nya. Katapusan ko na ba?


"Jen. . .please. Humarap ka saken." I stand still. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang humarap sa kanya. Wala na akong mukhang ihaharap kay Heira.


We're friends.I enjoyed her company.Napakabuti nyang tao.Pinagkatiwalaan nya ako pero anong ginawa ko? Anong sinukli ko sa kabutihang pinakita nya? Hindi ko nga kayang tantsahin kung gaano kalaki ang nagawa kong kasalanan.


Kung di lang sana ako naipit sa sitwasyon. Kung nagpakatatag lang sana ako. Kung alam ko lang na magiging ganto ang kalalabasan ng lahat. . .


Walang kwenta kung magsosorry pa ako.


Napakasama kong kaibigan. . .


"bakit pa kayo pumunta dito? Ako na ba ang. . .ako na ba ang pinagbibintangan ninyo na gumawa non?"


She didn't answer.


Siguro nga ako na ang suspect nila.


"I just want to hear something from you. . ."


"a-ano yon?"


"the truth,Jen. May alam ka ba?" naramdaman ko ang paglapit nya saken. Pumunta sya sa harap ko. Gugustuhin ko pa sanang umiwas kung hindi lang ako magmumukhang tanga.


"I wanna hear the truth from you. . ."


XANDREI POV


"Atty." nakipag-kamay ako sa abogado at umupo sa lounge. Wala akong idea kung tungkol saan ang pag-uusapan namin. Ang sinabi lang nya ay tungkol sa addendum which is weird dahil alam kong matagal ng tapos ang kaso na yon.


"do you want something? Wine,coffee?"


"don't bother,Atty. I already have a cup of coffee." tumango-tango ang abogado at umupo na din.


"ano hong meron sa addendum?"


Hindi agad sumagot ang abogado. Inilapag sa mesa ang briefcase at binuksan yon. May kinuha syang papeles at ibinigay saken.


"I recieved a letter from Mr.Tamaki."


"anong sabi?"


"gusto nyang ibalik ang addendum."


"WHAT?!"


"you heard it right, Xandrei."


"but why? Tapos na yon,Atty. We already discussed that matter nung nasa Canada pa ako and we already break the arrangement. Then ngayon-"


"he has a valid reason,hijo."


"then what is it? Bakit bigla-bigla na lang bumabalik ang mga dating problema? Natapos na yan. We already signed the contracts. Pwede akong mag-file ng kaso kapag di sya tumupad sa usapan!" galit na sabi ko.


The lawyer just sigh.


"scan the files,Xandrei. I was also puzzled ng mabasa ko yan pero nasa iyo pa din ang desisyon. Hindi ko alam kung pupwersahin ka nya o madadaan nyo ulit ito sa mabuting usapan."


I tried to be calm. Halos mapunit ko na nga ang mga hawak kong papeles.


"give me his contacts. I'll call him."


"wag mong pairalin ang init ng ulo,hijo."


"but Atty-"


"you already get what you wanted. Kagaya ng sabi mo,pwede mo syang idemanda. Pero sana pakinggan mong mabuti ang side ni Mr.Tamaki. Mabuti ngang kayo ang mag-usap."


"nasabi na ba nya ang rason sa inyo?"


"partly. His business is involved. The addendum leaked."


"pano nangyari yon? Kami lang naman dalawa ang may alam non." nangunot ang noo ko.


"we can't be so sure kung paano at hindi rin tayo pwedeng mag-conclude ng basta-basta. The best way to do is talk with him. Half of his investors will pull out their shares kapag hindi naibalik ang addendum."


"that's impossible ,Atty! Pano naman nangyari yon? Bakit kailangang makialam ng ibang tao? Damn it!"


"May nakaaway ka bang tao,hijo?"


Natigilan ako sa tanong ni Atty.


"wala akong kaaway-" natigil ang pagsagot ko. Meron akong kaaway pero di ko kilala. The girl who loves playing with me. Yung babaeng tumatawag saken at parang baliw na tinatawanan ang sitwasyon ko.


May kinalaman ba sya dito?


"bakit magpupull out ang mga investors ng ASYLVIAR? Konektado ba sila sa isang malaking kumpanya?"


"We don't know.Hindi na sinabi ni Mr.Tamaki ang bagay na yan."


"do a research,Atty. Magbayad ka ng tao para malaman kung sino ang mga investors, then give me their backgrounds. I'll call Mr.Tamaki later. I have to go" tumayo na ako at nagpaalam.


"Xandrei."


Nahinto ako sa paghakbang at lumingon.


"I think someone wants to destroy you."


It was a matter of opinion pero kinabahan ako.


Kung tama man o mali ang hinala ni Atty,I won't give that person a chance to destroy me. I won't let him.


HEIRA POV


Para akong nakalutang habang naglalakad palabas ng ospital. Nakita ko sila Rhea at Ren na nakaupo sa waiting area. Agad silang lumapit ng makita nila ako.


"Heira ,anong sabi nya?" tanong agad ni Rhea. Ngumiti lang ako ng mapait . I saw Ren pat Rhea's shoulder . Hindi na muling nagtanong si Rhea saken.


Nang nasa kotse na kami, walang umiimik. Pabalik na kami ng Academy. Nakatulala lang ako at nakaharap sa bintana. Iniisip ang mga sinabi ni Jen saken. . .


FLASHBACK

"I wanna hear the truth from you."


"You'll hate me after this." naiiyak na sabi nya.


Ngumiti ako.


"I won't if you'll tell me what you knew. . ."


Ilang sandali ang lumipas bago sya sumagot.


"Hindi ako ang gumawa ng pagpaskil ng mga papel pero. . .alam kong baby maker ka."


"h-how?"


"I. . .I stalked you."


Nagugulat ako sa mga sinasabi nya. Kung naitatago ko man ang reaksyon,dahil yon sa nakikita kong pagsisisi sa mata ni Jen.


"I have my reasons,Heira. . .believe me, hindi ko gusto ang mga nagawa ko."


"t-the pictures. . .did you-"


"yes. I'm the one who took those photos. I'm really sorry. Naipit lang ako."


Hindi ako makapaniwala. She did it. . .


"If you want to slap me, do it. Kahit saktan mo ko ngayon, wala na kong pakialam. Hindi ako magrereklamo. J-just forgive me. . ." umiiyak na sya sa harap ko.


Hindi ko alam kung kaya kong manakit ng isang tao kahit pa nga ba may kasalanan saken. Jen said she had her reasons. Gusto kong marinig. . .


"Bakit mo nagawa yon,Jen?"


"f-for the sake of my family. . ."


"what did I do to them para gawin mo yon?" may hinanakit sa boses ko.


"wala pero someone blackmailed me! Wala akong nagawa kundi sumunod. . ."


"sino sya?"


She freezed. Hindi nakayang magbanggit ng pangalan.


"sino sya,Jen?"


"she's. . ."


She. . .babae. . . Babae ang may kagagawan nito?


Hindi na nya natuloy ang sasabihin nya ng marinig nya ang tawag ng nurse. Nagpanic si Jen.


"Maguusap tayo ulit. I promise!" pagtapos non ay nagmamadaling pumasok si Jen sa loob ng kwarto. Sunod-sunod na doctor at nurses din ang pumasok sa silid na yon. Wala akong alam sa nangyayari. . .


END OF FLASHBACK


-


Gabi na ng makarating ako sa mansion. Andito na si Xandrei.


"saan ka pumunta?" he hugged me from behind.


"sa kaibigan ko. Nasa ospital sya. Sinamahan ako ni Ren at Rhea."


"how is she?"


"she's fine. . .I think." humarap ako kay Xan at yumakap.


Bumabalik na naman ang takot. Pag kasama ko si Xan,lagi na lang akong nangangamba na baka isang araw, mawala na lang sya saken.


Gusto ko na sanang sabihin sa kanya na babae ang nasa likod ng lahat ng ito pero pinigilan ko ang sarili ko. Kailangan ko munang malaman kung sino ba talaga sya. Babalik ako sa ospital bukas. Kakausapin ko si Jen.


"Xan,pano kapag dumating tayo sa point na kailangan nating iwan ang isa't-isa?"


Nagulat din ako sa sarili kong tanong. Parang hindi naman yon ang nasa isip ko pero yun ang nasabi ng bibig ko. Inilayo nya ako the stare at me.


"bakit ka nagtatanong ng ganyan? Are you going to leave me?"


"No. Pero pano nga kung-"


"don't entertain that kind of thoughts. I won't leave you and I trust you,Heira. I believe your words. You won't leave me. You're mine." then he kissed me passionately. Yes,I'm his. At umaasa akong hindi na magbabago yon. . .


-


Nagkakagulo sa academy ng dumating ako. Pagpasok ko ng building nagsisiksikan ang mga estudyante sa bulletin board.


"anong nangyayari?" bulong ko sa sarili ko.


"Heira!" nakita kong humihingal-hingal pa si Rhea. Saan sya galing?


"anong nangyayari?" tanong ko sa kanya.


"may mga nakapaskil na namang papel sa bulletin board."


"a-anong nakalagay?"


Hindi na nya nasagot ang tanong ko dahil napadako ang tingin nya sa entrance. Napatingin din ako. Naririnig ko ang mga bulungan ng tao.


"oh my god! Pumasok na sya!"


"sya ba talaga?"


"grabe. Hindi ako makapaniwala."


"woah. Talagang nagawa pa nyang pumasok. Kapal."


Nangunot ang noo ko. Si Jen ba ang tinutukoy nila? Kay Jen kasi kami nakatingin lahat. Ano bang nangyayari?


"Jen." lalapitan ko sana sya pero may mga estudyante ng lumapit sa kanya.


"totoo bang baby maker ka?" tanong nila kay Jen.


Napasinghap ako. Baby maker? Para kay Jen ba ang tanong na yon?


Tumingin sya sa paligid nya. Tumigil ang tingin nya saken at ngumiti. Ibinalik nya ang tingin nya sa estudyanteng nagtatanong.


"yes. I'm a baby maker."


Everyone gasped.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112