WYBHBM ~~ Chapter 59



HEIRA POV


Ilang araw na lang graduation na pero ngayon pa ata ako nawawalan ng gana pumasok. It's already 6 in the morning.Kailangan ko ng bumangon at ihanda ang mga gamit ko pero wala akong lakas para tumayo sa kama. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Nag-kaayos na kami ni Xan. Naliwanagan. Pero hindi pa don nagtatapos ang lahat,alam naming may ibang tao pang sangkot sa mga nangyari. Kung sino sya o sila,wala kaming ideya.


Naramadaman ko ang pagdantay ng kamay ni Xan sa katawan ko,hinapit nya ako palapit sa kanya at mahigpit na niyakap.


We slept together pero wala naman kaming ginawang milagro. Don't think otherwise. We just missed our moments together. Pagtapos ng malulungkot na araw na wala sya sa tabi ko, heto na sya. Yakap yakap ako. Napangiti ako sa kilig. Yeah,kinikilig ako at hindi ko yun gustong ipahalata sa kanya. At last,nakakaramdam na ulit ako ng saya.


Saya na hindi ko alam kung magtuloy-tuloy na ba o pansamantala lang. Of course,this happiness will not last forerver. I mean, hindi naman laging masaya ang buhay,di ba? I'm relating it to our relationship,hindi sa lahat ng oras magiging masaya kami. Lalo pa ngayon na may humahadlang pa din na maging masaya kami.

"hindi ka ba papasok,babe?"


Babe. . .mas lumapad ang ngiti ko. I missed his endearment. I'm glad ganun na ulit ang tawag nya saken.


"tinatamad nga akong bumangon. . ." yumakap ako ng mahigpit sa kanya. He chuckled.


"gusto mong buhatin kita?" now he's grinning. Matagal tagal ko din hindi nakita ang ganyang ngiti nya.


"bakit mo naman ako bubuhatin?" naniningkit pa ang mga mata ko dahil sa sinag ng ilaw. Tumawa lang si Xan at hinalikan ako sa noo.


"tinatamad ka ba o ayaw mo lang talaga umalis sa kama?"


It's my turn to grin. "both?"


He chuckled again. "lazy girl. . ."


"Xan."


"hmmm. . ."


"ilang araw na lang graduation na."


"really? Then, dapat pumasok ka ngayon."


Ungol na lang ang sinagot ko sa kanya. Lalo kong siniksik ang mukha ko sa dibdib nya.


"Hey,lazy girl. Kapag hindi ka pa bumangon,

ako ang magpapaligo sayo." nanlaki ang mata ko at tinitigan sya.


"seryoso ka?"


"don't tempt me,Heira. . ."


Halos patakbo kong tinungo ang cr. Namumula ang mukha. Narinig ko ang malakas na tawa ni Xandrei. Adik yun ah!


Napagtripan ako ng wala sa oras. Maski ako natawa na din. Para akong baliw dito sa loob ng banyo.


Masaya ako ngayon. Sana hanggang mamaya,bukas at sa mga susunod na araw.


-


Nasa tapat na kami ng academy.Hininto na ni Xan ang kotse.Tumingin sya sa akin at hinawakan ang kamay ko.


"bakit parang namumutla ka? Are you okay?" nag-aalalang tanong nya. "Heira, nanginginig ang kamay mo.Is there something wrong?"


"a-ano kasi ,Xan. . ." sasabihin ko ba sa kanya o hindi? Bakit ba kasi nakaligtaan kong sabihin sa kanya 'to kagabi?


I gulped.Natatakot ako na baka magkagalit na naman kami kapag sinabi ko ang nangyayari sa academy.


"Heira what is it?" nakakunot na ang noo nya. "tell me."


"Xan,kasi. . .may nangyari sa Academy. Nakalimutan kong banggitin sayo kagabi." huminga ako ng malalim.Umaasa akong maiintindihan nya. Sana maintindihan nya. . .

"may nagpaskil ng mga papel sa bulletin board. T-tungkol sa. . .sa akin."


"anong ibig mong sabihin?"


"hindi naman tahasang sinabi kung sino o para kanino pero malakas ang kutob kong tungkol sa akin yon." nanatili syang nakatingin sa akin at naghihintay ng kasunod. Nagpatuloy ako sa pagpapaliwanag.


"n-nakalagay sa mga papel na may estudyante sa AAA-RD na baby maker."


"WHAT?!"


"X-xan,I swear. Wala akong pinagsabihan. Wala talaga. Kahit kina Anne at Rhea. K-kaya hindi ko. . .hindi ko alam kung paano nangyari yon." naiiyak na naman ako. Parang ayoko ng bumaba ng kotse. Kahit na nga ba pinatigil na ng admin ang pag-i-imbestiga, alam kong madaming estudyante ang naniniwalang meron nga talaga silang kamag-aral na baby maker at napaghahalataang pinagtatakpan lang ng admin for the sake of our school's reputation.


Nakita kong nagalawan ang muscles ni Xan sa braso sa higpit ng pagkakahawak nya sa manibela.


"Damn it. Talagang ginagalit ako ng taong iyon. . ."  nag-iigting ang mga bagang nya. Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nyang tao. May pinaghihinalaan na ba sya?

"may nakakaalam na ba?"


"s-si Ren. Anak sya ng may-ari ng academy. Do you know him?"


"Lawren Delgado. I know him. Paano nya nalaman?"


"I have no other choice but to tell him the truth. M-may posibilidad na ma-kick out ako kapag nalaman ng admins na ako yon. He helped me,Xan. Pinatigil nya ang admin na mag-imbestiga. Bago pa yun,pinalabas na ng mga ito na hindi totoo ang mga nakapaskil na papel sa bulletin board. . ."


"then I'll talk to him." huminga ng malalim si Xan. Kinakalma ang sarili.


"sorry. . " mahinang sabi ko. Pinisil nya ang kamay ko at ngumiti.


"You don't need to apologize. Hindi mo kasalanan to. And there has no damage. . .yet." he leaned closer and give me a quick kiss. "go now. Don't worry to much.You'll be late. I'll pick you up later." tumango ako at bumaba na ng kotse.


"Heira. . ."


"y-yes?"


"Matatapos din 'to,okay?" he smiled.


kahit papano, nabawasan ang bigat sa dibdib ko.

I nod and smiled back.


"I love you,babe. . ."


"I love you too,Xan."


-


"Heira!" sinalubong ako ni Rhea. Sa likod nya ay si Ren.


"H-hi,Rei. . .Ren. . ." alanganin akong ngumiti.


"Gosh,ilang araw ka lang hindi pumasok nangayayat ka ng sobra! Hindi ka ba kumakain?" sermon ni Rhea.


"h-ha? Ano. . .kumakain naman ako. . ."


"kain pusa naman ata ginagawa mo,eh. Hayst! Mamayang breaktime,kakain ka ng madami ha?" pinanlakihan ako ng mata ni Rhea. Wala na akong nagawa kundi tumango.


"Heira."


"Ren. . ."


"can we talk? Matagal pa naman ang klase."


"s-sige." napatingin ako kay Rhea. Nakatitig pa din sya sa akin. May awa akong nakikita sa mga mata nya. Is that for me?


"I've told her." nanlaki ang mga mata ko. Sinabi nya kay Rhea ang tungkol sa. . .


"I won't tell anyone. I promise. Gusto ko ngang magtampo,Heira. . . pero inisip ko din na kung ako ang nasa kalagayan mo,mahirap din ibahagi ang sekreto kahit sa kaibigan." umiwas sya ng tingin. "and don't blame,Ren. I threatened him kaya nya sinabi saken yon." 


"Let's talk somewhere. . ." nagpalinga-linga si Ren. Maski sila napaparanoid dahil sa akin.


Pumunta kami sa science lab. Walang tao. Pare-parehas kaming nakahinga ng maluwag ng makapasok kami ng silid.


"a-anong pag-uusapan natin,Ren?"


"about sa problema mo." sabi ni Ren.


"Heira,sa tingin ko may taong gustong sumira sayo. . ." dagdag naman ni Rhea.


Parang natigil sa pag-ikot ang mundo ko. Wala akong kaaway. Wala din akong ideya kung sino ang mga taong may. . .may galit saken.


"p-pano nyo nasabi yan?"


"Heira,obvious naman na gusto ka nyang mapatalsik ng AAA! Ilang araw na lang graduation na. Nakapagtataka na may gumagawa pa ng ganto,sana nung una palang may mga rumors na nalumabas. Sa tingin ko,hinintay nya talaga ang pagkakataon na 'to."


"pero wala akong alam na kaaway."


"we have a suspect,Heira." nakatiim ang mukha ni Ren. Umiwas ng tingin saken at bumaling sya kay Rhea.


"s-sino?"


Matagal silang hindi nakasagot. Ganun na lang ang kabang naramdaman ko ng sabihin ni Rhea ang pangalan.


"Si Jen."


"s-si Jen?!"


"hindi na sya pumapasok, Heira. Bago pa mangyari 'to,hindi na din sya pumapasok."


"h-hindi naman ata tamang maging basehan yan,Ren. I know Jen. Hindi nya. . .h-hindi nya magagawa 'to. She's my friend at. . .at. . ." wala na akong maidugtong na salita. Hindi si Jen. Hindi magagawa ni Jen 'to. . .


"pero paano kung sya nga?"


"wala din syang alam. Hindi ko rin naman sinabi sa kanya ang tungkol sa pagiging. . .baby maker ko. . " depensa ko


"okay. Para makasigurado tayo,puntahan natin si Jen mamaya."


"pero Rhea-"


"no buts,Heira. Kung hindi nga talaga sya yon, haharap sya sayo."


"pero sabi nyo hindi na pumapasok si Jen bago pa mangyari 'to? Imposibleng sya ang nagpaskil ng mga papel." depensa ko pa. Hindi matanggap ng isip ko na may kinalaman si Jen sa mga nangyayari saken.


"let's be sure,Heira. Wala namang mawawala kung aalamin natin ang katotohanan." sabi ni Ren.


Hindi na ako nakaimik. Hindi ko na din mapasubalian ang mga sinabi nila. May punto rin kasi silang dalawa.


Hindi ko sila gustong madawit sa problema ko. Ang pinagpapasalamat ko ay mga tunay silang kaibigan. Hindi sila basta nang-iiwan lang. Nakinig sila sa paliwanag ko at naniwala sa mga sinabi ko. They're more than willing to help me and I notice that they both overdoing it. Pero kahit pa ganun, nagpapasalamat pa din ako sa kanilang dalawa.


Bumalik ang pag-iisip kay Jen, hindi ko gustong paniwalaan na may kinalaman sya dito. Sana hindi totoo ang suspetsa nila Ren at Rhea dahil kung tama ang hula nila, hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko.


Pero bakit nga ba bigla na lang nawala si Jen?

-


"kumain ka ng kumain! Eto pa oh,extra rice. Tas may desert pa. Ubusin mo yan ha!"


"Rhea,sobrang dami naman nito eh! Hindi ko 'to mauubos!"


"UBUSIN-MO-YAN!" nanlalaki na naman ang mata ni Rhea. Napabuntong- hininga na lang ako at nagsimulang sumubo. Ilang minutes lang ang break namin pero ang dami-dami nyang biniling pagkain,tapos gusto nya ubusin ko lahat! Papatayin ata ako ni Rhea eh. -.-


"tsk. Ginaya mo na naman sayo si Heira.Hindi naman sya baboy kung kumain,di tulad ng isa jan. . ." parinig ni Ren.


"are you telling me na baboy ako ha?!"


"ooops. Hindi ako ang nagsabi nyan." ngumisi si Ren at kumagat sa sandwich nya.


"Asshole!" ayan na naman sila. Akala ko pa naman nagbago na ang dalawang 'to. Wala na atang pag-asa. . .


Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy sa pagkain. Masarap pala ang lechon paksiw dito sa cafeteria.


Umangat ang tingin ko sa bilihan ng beverages. Nakita ko dun si Cy na may hawak na coke-in-can. Nakatingin sya saken. Nang mapansin nya din akong nakatingin,umiwas sya.


Umiiwas na sya. Nakakalungkot lang na unti-unti kong nakikita ang pagbabago ng trato ni Cy saken. May ilangan na sa pagitan namin. Bumabalik na sya sa pagiging misteryoso at tahimik. Mag-isa na naman sya. Napabuntong hininga na lang ako.


Naging komplikado lahat, hindi na ba maibabalik sa normal?


Patuloy sa pag-aaway sina Ren at Rhea. . .kung away pa bang matatawag yan.Buti na lang sanay na ako sa talakan nilang dalawa.Minsan nga natatawa pa ako sa mga insulto nila sa isa't-isa.


Katulad na lang ngayon. . .


"napakapanget mo talagang bakulaw ka!" sigaw ni Rhea. Grabe,mabibingi na ata ako. Nagsisitinginan na ang mga nasa paligid ng table namin.


"mahal mo naman."


O__O


SERIOUSLY?!


"o-oy! Ga. . .gago ka ba?! Pinagsasabi mo jan? Manahimik ka nga!"


"foul word number 74." lumapit si Ren kay Rhea. Si Rhea naman mukhang kamatis na.


"l-lumayo ka nga saken!"


"do you want me to punish you here?"


Biglang namutla si Rhea. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanila.


"d-do. . .don't you- DON'T YOU DARE!"


"ahm,guys?" napatingin silang dalawa saken. "ang sweet nyo." nginitian ko silang dalawa.


Parehas silang umiwas ng tingin. Parehas din silang namumula! Hindi ko maiwasang matawa ng malakas. Napatingin muli saken si Rhea.


"what?" yumuyugyog pa ang mga balikat ko sa pagpipigil ng tawa.


"I'm glad to see you laughing,Heira. . .at my expense." she said sincerely.


I'm glad too. So,glad that I have a friend like them. Namimiss ko na si Anne,namimiss ko din si Jen.

-


"ouch!" napahawak ako sa tiyan ko. Bigla na lang sumakit. Napaupo ako sa hagdan. Ang sakit talaga. . .


Napasobra ata ang kain ko. Si Rhea kasi,eh!


Ilang beses akong huminga ng malalim. Buti na lang pinauna ko na si Ren at Rhea. Nakakahiya naman kung makikita pa nila akong ganto. Pinilit kong tumayo at humakbang paakyat.


Napaungol na ako sa sakit. Sobrang sakit talaga.


Imbis na humakbang ako paakyat,napahakbang ako pababa. At nagkamali pa akong ng tapak. Napasigaw ako dahil dadausdos ako pababa.


Pero hindi malamig at matigas na semento ang nabagsakan ko. Isang mainit at malambot na katawan.


"Are you okay?"


Kilala ko ang boses na 'to. Tumingala ako. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Cyfer.


"okay ka lang ba,Heira?"


"C-cyfer."


"muntik ka ng malaglag sa hagdan. Hindi ka nag-iingat."


"n-nasaktan ba kita sa pagbagsak ko?"


Umiling sya.


"ano bang nangyari sayo?"


"sumasakit kasi ang tiyan ko. . ." nahihiya akong ngumiti.


"masakit na nga,ngumingiti pa. Tsk. Masakit pa din ba? Ang takaw mo kasi."



"si Rhea kasi eh. Pinaubos saken yung order nya. Masama namang tanggihan ang grasya." hinimas-himas ko ang tiyan ko. Masakit pa din pero hindi na kasing sakit ng kanina.


"gusto mo bang pumunta ng clinic?"


"wag na. Mawawala din 'to."


Katahimikan.


Nakakailang talaga.


Isang minuto. Dalawang minuto. . .kailangan ko ng magsalita para naman di ganto kailang ang hangin sa pagitan naming dalawa.


"ano. . .Cy. . ."


"what?"


"s-salamat sa. . .sa pagsalo saken kanina."


Tumitig sya saken. "i told you,I'm going to catch you when you fall. . ."


Paulit-ulit na nag-echo sa isip ko ang sinabi nya.


"C-cy. . ."


"I gave up but it doesn't mean I already stopped helping you. I'm still here,Heira. . ."


Pain. There was pain in his voice.


Umiwas sya ng tingin. Bumaling sa ibang direksyon.


Nakakasakit na ba ako ng hindi ko nalalaman?


Guilt. Kinakain ako ng konsensya ko.


"sor-"


"don't. Alam ko naman. Alam ko namang hindi ako. Okay lang saken. . ."


Pero alam ko ding hindi ka okay,Cy. . . Gusto ko syang lapitan at yakapin. Pawiin yung sakit kagaya ng ginagawa nya noon sa akin kapag nasasaktan ako dahil kay Xan.


Pero hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko.


"okay ka na ba?" tanong nya.


"o-oo."


"then I'm going up." linagpasan na nya ako at nagpatuloy sa pag-akyat.


I'm sorry,Cy. I didn't mean to hurt you. . .


Naninikip na naman ang dibdib ko. Yung sakit ng tiyan ko umakyat sa puso.


Hindi ko man lang masalo ang taong lagi akong sinasalo sa tuwing nahuhulog ako. . .


"Someday,Cy. . .mahuhulog ka sa tamang babae at sasaluhin ka nya ng pagmamahal. . . Just wait for the right time." bulong ko.

I care for Cy. But I love Xandrei. At hindi ko maloloko ang sarili ko pagdating sa bagay na yon.


-


Nagtext ako kay Xan na wag nya na lang ako sunduin dahil may pupuntahan kami ni Rhea.When he asked where,sinabi ko na pupuntahan ko ang kaibigan kong hindi na pumapasok.I didn't lie to him.Hindi ko lang sinabi kung ano ba talaga ang sadya namin doon.


"we're here." nasa tapat kami ng isang malaking bahay pero mukhang walan tao.


Nagsibaba kaming tatlo. Ilang beses kaming nag-doorbell pero walang nagbukas ng gate.


"wala atang tao." sabi ni Ren.


"eto ba talaga yung bahay?" tanong naman ni Rhea. Kinuha nya sa kamay ni Ren ang papel na hawak nito. Sa registrar pa namin kinuha ang address ni Jen.


"eto nga. . ." bumuntong hininga si Rhea at tumingala sa malaking bahay.


"anong kailangan nyo,mga bata?" sabay-sabay kaming napalingon. May gwardyang nagyoyosi at papalapit samen.


"magandang hapon ho. May tao po ba sa bahay na 'to?" tanong ni Ren.


"lagi kasing madilim ang bahay na yan,eh. Parang walang tao lagi. Usap-usapan dito na nasa ospital ang may ari ng bahay na yan."


Nagkatinginan kaming tatlo.


"alam nyo ho ba kung saang ospital?"


XANDREI POV


"damn you! Stop playing with me!" halos mabasag na ang cellphone sa pagkakahawak ko. Isang nakakasuyang tawa lang ang narinig ko sa kabilang linya.


"de Vera. . .de Vera. . .de Veraaa, masyado ka namang napipikon saken. Magkakampi nga tayo,di ba?"


"wag mo akong paglaruan!" sigaw ko sa kausap ko. Kung kaharap ko lang ang babaeng 'to,baka nasaktan ko na sya.


"I'm not the one who's playing with you,my dear. Yang mga tao sa paligid mo,sila ang nakikipaglaro sayo."


"Liar!"


"tsk tsk, I pity you. Akala ko pa naman natauhan ka na. Hanggang ngayon nagpapakatanga ka pa din, Alexandrei de Vera."


"Hindi na ako maniniwala sayo." nag-iigting ang mga bagang ko sa galit.


"e di wag. Wala namang mawawala saken,pero sayo madami." she laughed again. She's insane!


"sino ka ba? Anong dahilan mo? Bakit mo ginagawa 'to?!"


"Hulaan mo. . ."


"bitch."


"you can call me names pero eto ang tandaan mo, walang kwenta ang babaeng mahal mo."


"fuck you!" namumula na ang mukha ko sa galit. Masasaktan ko ang sino mang lalapit saken ngayon.


. . .Walang kwenta ang babaeng minahal mo. . .


"bawiin mo ang sinabi mo!"


She just laughed at me na parang gustong gusto ang naging reaksyon ko sa sinabi nya.


"Kahit tutukan mo pa ako ng baril,hindi ko babawiin yon."


"I won't be your playmate.Makikilala din kita." banta ko sa kanya.


"goodluck,my dear. Sana pag nakilala mo ako,hindi ka pa nya iniiwan. . ." then she ended the call.


"hello!" pero wala ng sumagot sa kabilang linya. "damn!" ibinagsak ko ang sarili ko sa lounge.


Pilit kong iniisip kung sino ang taong iyon. Kung alam ko lang,baka maisip ko agad kung ano ang rason. Pero wala akong kaide-ideya kung sino. Pamilyar ang boses pero hindi ko mapangalanan.


. . .walang kwenta ang babaeng minahal mo. . .


. . .wala namang mawawala saken,pero sayo madami. . .


. . .hanggang ngayon nagpapakatanga ka pa din,Alexandrei de Vera. . .


. . .sana pag nakilala mo ako, hindi ka pa nya iniiwan. . .


That bitch,she's getting into my nerves. Tumatatak sa isip ko ang mga sinasabi nya.


Pero kung meron mang makakapantay sa galit na nararamdaman ko, isang salita lang ang masasabi ko.


Takot.


Takot na mawala saken si Heira.


Sisiguraduhin kong hindi mangyayari yon. Hindi ako papayag.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112