WYBHBM ~~ Chapter 58 part 3




HEIRA POV


Peace of mind. That's what I needed the most. Hindi ako matatahimik kung laging ganto kabigat ang pakiramdam ko.


My life is a mess. Isang malaking sekreto pala ang itinago saken ng kinalakihan kong ama.


Isa-isa kong nilabas mula sa bagpack ang mga gamit na ibinigay saken ni Aling Lei. Passport ni papa ang una kong inilabas. Binuksan ko 'yon at inalam ang araw kung kailan sya huling umuwi ng bansa.


"May 6, 1994. . ." mahinang sambit ko.


Buwan ng Mayo sya umuwi ng Pilipinas. Nagsisimula ng pumuno ang mga tanong sa isipan ko tungkol sa tunay kong pagkatao.


Heira ba talaga ang pangalan ko? Kailan ba talaga ako pinanganak?


Paano ko masasagot ang mga katanungan na yan?


I gave up a sigh of disappointment. Ang taong makakasagot ng mga tanong ko ay matagal ng wala. Sana nalaman ko ang lahat ng 'to noong nabubuhay pa si Papa.


Passbook. Nabuklat ko na ito noon sa bahay ni Aling Lei.May perang naitabi si Papa. Sa tingin ko,naipon nya iyon noong nagtatrabaho sya sa ibang bansa.Ang labis kong ipinagtaka ay kung bakit hindi na lang nya ginamit ang naipon nyang pera para maipagamot ang sakit na kanyang iniinda. Malaki-laking halaga din ang pera ito, sapat para makapagpagamot sya.


Ang sabi naman ni Aling Lei sa akin, inilaan talaga ni Papa ang perang ito para sa paghahanap ng tunay kong pamilya. May sundot ng konsensya pagdating saken,hindi ko kasi maiwasang manghinayang para sa buhay ng Papa ko.


Isang maliit na notebook, nabasa ko na din ang nilalaman nito.


Parang informal diary. Hindi naman kasi nakasulat na diary talaga ang notebook na 'to. May date lang na nakalagay at konting detalye sa mga pangyayari. Hindi rin sunud-sunod ang petsa. Parang sinusulatan lang kung kailan gugustuhin.


Dito inilagay ni Papa ang takot na nararamdaman nya para sa kanyang sarili at para sa sanggol na ipinagtanggol at kinupkop nya ng mahigit labing-anim na taon. Sa notebook din na 'to nakasiksik ang litrato ko noong munting sanggol palang ako. Sa likod non ay may pangalang hindi pamilyar sa akin.


Heaven Era Lincoln. . .

May kabang bumundol sa dibdib ko. Ito ba ang . . .totoo kong pangalan?


Meron ding brochure ng isang hotel and resort. Sa ibang pagkakataon, mamamangha ako sa nilalaman ng brochure. Pero ganun na lang ang tensyon at kabang naramdaman ko ng mabasa ang pangalan ng hotel.


Lincoln World-Class H&R. . .


Unti-unting bumalik sa isip ko ang kinwento ni Aling Lei saken. Napapagtugma-tugma ko ang mga bagay-bagay. Kasabay ng panlulumo ay ang kawalan ng pag-asa. Sapat na ba ang mga ito para maipakilala ko ang sarili ko sa tunay kong pamilya?


Napatitig ako ng matagal sa brochure, parang nabasa ko na ang lugar na 'to kung saan. Hindi ko na matandaan.


Itinago ko na ang sulat na ibinigay saken ni Papa. Ayoko na basahin pang muli. Siguradong magiging emosyonal na naman ako.


Ang pinaka-huling bagay na inilabas ko ay ang photo-album. Naitignan ko na din ang album na 'to. Hindi pa nga masyadong malinaw ang mga larawan.Ang nakakuha ng atensyon ko ay ang kuha ng masyang pamilya. Meron isang babae at lalaki , sa tingin ko mag-asawa. May dalawang batang lalaki na nakakandong sa mga ito, must be their children.


Is this my family?


Nilapag kong muli ang bag ko sa side table at naupong muli sa gilid ng kama.


Kakausapin ko si Xan. Pagtapos non. . .


I closed my eyes tightly. Binagsak ang sarili sa kama. It's almost nine of the evening. Hinihintay kong umuwi si Xan. Just like the old days na pinupuyat ko ang sarili ko kakahintay sa kanya.


Pagtapos ng pag-uusap namin ni Cyfer hours ago, ipinangako ko sa sarili ko na paninindigan ko ang anuman ang mapapagdesisyunan ko.


I'll fix this. . .alone.


Lumabas ako ng mansion. Ang lamig ng simoy ng hangin. . .


"dapat natutulog ka na. . ."


Marahas akong napalingon sa pinanggalingan ng boses.


"Xan. . .kanina ka pa jan?"


Umiling sya. He stepped closer and put his coat in my shoulders.


"kakagaling mo lang sa sakit. Hindi ka na dapat lumabas."


"I-I was waiting for you."


Matiim syang nakatitig sa akin. I cleared my throat, pakiramdam ko ay may nakabara sa lalamunan ko.


"Hinanap kita kanina pag kagising ko. Saan ka nagpunta?"


"sa office."


"paper works?"


Umiling ulit sya. "contemplating. . ."


"contemplating?"


"wala akong ibang lugar na alam para makapag-isip ako ng tahimik."


"A-anong mga inisip mo?"


"Ikaw." he brushed few strands of my hair away from my face. "you're making me crazy. . ."


"X-xan. . ."

"did you see the photos?"


Mababasag na ata ang puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok nito. This is it. . .


I nod. "I-I was shocked."


"I don't know what to say. . .what to feel right now. . ." kinuha nya ang kamay ko. "you still have my ring. . ."


Hindi ako makapagsalita. Kung di ko mapipigilan ang sarili ko,iiyak na naman ako. I bit my lower lip to keep myself from crying.


"hindi ko naman tinatanggal yan. . ."


"do you still remember the day when I say I'm starting to feel something for you?"


"yes. . ."


"do you still remember the very first time I confess and say how much I love you?"


"y-yes. . ." nanginginig na ang boses ko. Don't cry,Heira. Don't cry. . .


"Do you still remember the day when I asked you to marry me?"


"of course. . ."


"do you still remember the way I kiss you?"


Naiiyak na talaga ako. Hindi ko na kayang sumagot. Tango na lang nagawa ko.Humigpit ang pagkakahawak nya sa kamay ko.


"do you missed it?"


Hindi ko kayang tumingin ng diretso sa mga mata nya ng hindi babagsak ang mga luha

ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya.


"don't you miss my kisses? Kasi ako, I'm missing the old us. I miss you,Heira. . ."


His words broke me down. I crushed myself in his chest and hug him tight.


"I miss you too,Xan. . ." Eto na naman ako. Nanghihina sa mga salitang binitawan nya. But this time,I think its a good thing 'coz somehow it lessen my insecurities.


"ganun pa din ba tayo?" there's pain in his voice. Na parang hirap na hirap syang itanong ang bagay na yon. "ako pa din ba ang mahal mo?"


Bumitaw ako. I look in his face and saw nothing but pain. He's hurting too.


"Gusto kong magalit sayo,Xan. You should have trusted me. Or just simply say the problem para nakapagpaliwanag agad ako. . ."


"the photos-"


"hindi yun tulad ng inaakala mo. Naging close, oo. Totoo 'yon pero hanggang dun lang. Nandun sya nung mga panahon na. . .na wala ka. Lagi syang anjan. . .as my friend."


"hindi lang kaibigan ang turing nya sayo. Nakikita ko yon sa mga kilos nya."


"I-I know. He already confessed his feelings to me."


"See? Hindi pa ba pagtatraydor yun? Alam nya kung ano tayo! Alam nya na saken ka na bago pa sya napunta sa pamamahay na 'to. He betrayed me,Heira!" may humalo ng galit sa emosyon ni Xan. Hindi ko na alam kung paano ko idedefend ang side ko ng hindi nagmumukhang kinakampihan ko si Cyfer. Magagalit lang lalo si Xan.


"Xan,it's not what you think-"


"then ano? Anong ibig sabihin non,Heira? Naging close kayo tapos ano? Hindi mo alam kung anong pakiramdam ng selos kapag nakikita ko na sya ang kasama mo. Kung yun lang,kaya ko sana e. Matitiis ko pa. But when I saw your pictures with him, halos mawalan na ko ng kumpyansa sa sarili ko. Sandali lang akong nawala pero parang ang laki ng nawala saken."


"Xan . . ."


"and when I saw the picture of him kissing you, I pity myself. Kung alam ko lang na ganun ang mangyayari, sana di na lang ako pumunta ng Canada. Sana di kita pinaubaya sa kanya. E di sana ganun pa din tayong dalawa."


"hindi kami- wala kaming ginagawang masama,Xan."


"then prove me wrong, Heira. Hindi madaling ibalik lahat ng nawala. Lalo na ang tiwala. I can't trust him anymore."


"e ako? Pano ako,Xan? Hindi lang naman ikaw yung nasaktan. Lagi na lang akong naghihintay sayo bago ka pa umalis papuntang Canada. Hindi ikaw yung tipong nagsasabi ng problema. Minsan nga kahit wala akong kaide-ideya, hinuhulaan ko pa din kung mang problema ba tayo o wala. Lagi na lang akong nag-aalala. Nung bumalik ka,akala ko magiging masaya na tayo. Pero bakit ganto? Hindi sana lalaki ng gan'to ang problema kung lumalaban tayo pareho. Yes,we are fighting but we're against each other. We should fight together,Xan. Bakit bumibitaw ka bigla? Don't accuse Cy of betraying you,para mo na din akong inakusahan na niloloko din kita."


"you're on his side?" di makapaniwalang sabi ni Xan.


"I'm defending him dahil wala naman syang ginawang masama!"


"Hindi yon ang nakikita at nararamdaman ko."


"hindi lahat ng inaakala mo,totoo. Please,maniwala ka naman oh."


"pagtapos ano? Maniniwala ako,patatawarin ko sya tapos maagaw ka nya saken?"


"Hindi yun ganun,Xan. Wag mo na syang isama dito."


"You're starting to care for him,Heira! Hindi ako magtataka kung masmahal mo na sya kesa saken." he said bitterly.


"oh God,Xan! Hindi totoo yan! I love you at akala ko alam mo yan! Ilang beses ko bang sinabi sayo? Ilang beses ko bang ipapaliwanag? I care for Cy because I'm his friend and I expect you to understand dahil kapatid mo din naman sya. Kung minahal man nya ako, kasalanan ko ba? I never meant to make him fall for me! And to tell you truth, he gave up his feelings dahil alam nyang hindi pwede. Hindi nya pinilit,he didn't take advantage kahit na nakakalabuan na tayo. He's a good person pero mo makita yon. Jealousy blinded you."


Hindi sya nagsalita ng matagal. Nakatitig lang sya saken. His face is grim.


"Let's make this clear,Xan. Ayoko ng paabutin pa 'to hanggang bukas. . ."


"what do you expect to say now?"


"say what you want to say." I cupped his face. "tell me everything. Let's make everything right before midnight."


"I'm still angry. . ."


"I can understand that."


"still jealous. . ."


"what do you want me to do?"


"please tell me you love me. Prove it. Make me forget the pain. I feel ashame. . ."


I smiled. Xandrei is insecured too. Lahat ng tao may kahinaan. Lahat ng tao nakakaramdam ng galit at selos. No one is exempted.


"I'm sorry. . ." he bent his head and claim my lips. His kisses wash away all the pain . "I love you. . ." he murmured.


"ako pa din ba?" he asked me again.


"ikaw pa din."


"not Cyfer?"


"I already told he's just a friend."


"forgive me. . ."


"I already did."


"really?"


I nod.


"where's my 'I love you too?'"


I gave him a smile. Nakakapanibagong ngumiti ng totoo lalo na pag nasanay na lang na palaging pekeng ngiti ang pinapakita ko sa lahat ng tao.


I snatched his head and kiss him hard.


The truth is. . .


I truly miss his kisses. . .


"I love you ,too. . ."


Hindi ko alam kung hanggang kailan ulit kami masaya. Sana ma-freeze ang oras.Nakakatakot na baka isa lang itong pansamantalang saya. . .


I still have something to ask. Tatapusin ko lahat ng problema namin ngayon.


Humiwalay ako sa kanya. He groaned.


"why?"


"I'll show you something. . ."


-


Pinakita ko kay Xan ang mga litratong binigay ni Cyfer saken. Shock in his face.


"Si Cyfer ang nagbigay nyan saken. Kanina ko lang yan nakita. Ang sabi nya a week ago pa yan ibinigay ng guard sa kanya. Nang tanungin nya ang guard kung sino ang nagbigay non, walang maisagot ang guard dahil nakalapag lang daw yan sa labas ng gate. . ." pagpapaliwanag ko.


"Xan,I already know the reason kung bakit ka pumunta ng Canada." marahas syang napatingin saken.


"alam ko na na may iniwang addendum ang papa mo. . ."


"how. . .how did you-"


"It doesn't matter. Just tell me the whole story. I'm willing to listen. . ."


Hindi agad sya nagsalita. He gave up a long sigh then took my hands and squeeze it.


"Nang malaman ko ang tungkol sa addendum, tumutol agad ako. Pinaliwanag naman saken ni Atty na hindi na ako pwedeng tumanggi. Na kapag hindi ko ginawa ang nakasaad sa addendum, madadamay ang mga kapatid ko sa mawawalan ng mamanahin. Mapupunta ang DVI sa isang taong di naman namin kilala. Naghintay ako sa pagpunta ni Mr.Tamaki dito sa bansa para mapag-usapan ng mabuti ang bagay na yon. Pero hindi sya ang dumating,kundi ang anak nya."


"na dapat papakasalan mo?"


"yeah. She rebelled against her father. Against din sya sa kasal pero she has no one to turn to. Pinadala sya ng ama nya dito ng walang pera. In short, ako pa ang nag-provide ng mga kailangan nya habang andito sya."


"Y-you mean andito sya bago ka pa umalis ng Canada?"


"yeah." he stared at me. Regret in his eyes. "I'm sorry kung hindi ko sinabi sayo. Pinlano ko kasing tapusin ang kasong iyon hangga't wala pang nakakaalam. I underestimated the situation. Hindi ko inakalang mahihirapan din ako."


"at first,Miyu never fail to irritate me. Para kaming aso't-pusa na laging nag-aaway."


"where did she stay?"


"I let her stay at my condo."


"a-and then?"


"isa syang sakit ng ulo.Lagi nya akong binibigyan ng problema. Believe me,we

clash a lot. Kaya nga kahit nag-aalangan akong umalis,pinagpatuloy ko pa din dahil baka lalo pang lumaki ang problema ko sa kanya. Pumunta kami ng Canada para makausap ang Daddy nya. . ."


"what happened?"


"Madami akong nalaman tungkol kay Miyu. Her personal problems sa pagitan nila ng ama nya. Ginamit ko yon para mapawalang-bisa ang addendum. At the same time,I work for his father."


Nagpatuloy si Xan sa pagkwento. Ako naman ay matamang nakikinig. Iniintindi ang sinasabi nya. Pinakilala nyang mabuti kung sino ang babaeng kasama nya sa Canada. Parang gusto kong makilala ang Miyu na tinutukoy nya though hindi ko mapagkakailang,may selos akong nadarama.


"I told her that I have a fiancee already.Na kaya ganun na lang ang pagtutol ko sa addendum ay dahil sayo.Na hindi kita kayang iwan. . .She understands,Heira. Kahit lagi kaming nagsasagutan, alam kong naiintindihan nya. Tinulungan ko syang makipag-ayos sa papa nya. Tinulungan nya akong makawala sa arrangement. . .as simple as that.Bumalik ako dito kasama sya, she kissed me goodbye. . . I didn't expect her to do that. . .there was nothing between me and her. Siguro gusto lang magpasalamat. Hindi sya yung tipong madaling bumigkas ng salitang 'thank you'."


"nasan na sya ngayon?"


"I don't know. Wala na akong balita sa kanya."


Nakakabingi ang katahimikan. Wala ng nagsalita saming dalawa. I lean my head on his shoulder. He placed his arms around my body.


"whoever took this photos want us to break up. . ." he said. Controlled anger is obvious in his voice. Maski ako man nakakaramdam ng konting galit.


"what now?"


"aalamin kung sino ang may pakana ng lahat ng 'to. . ."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112