WYBHBM ~~ Chapter 58 part 2
WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR.
BOOK 1 of 3 worth : P109.50
You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores nationwide.
-
READ BEFORE YOU VOTE
-
HEIRA POV
"Heira. . ."
"hmm. . ."
"let's talk."
Hindi muna ako nagsalita. Lalo kong siniksik ang sarili ko sa kanya. Ayoko muna. Parang hindi ko pa kayang pagbigyan sya. Inuunahan ako ng takot na baka pagtapos ng pag-uusap na yon ay makapagdesisyon kaming dalawa ng mali. Lalo na sa parte ko. Naguguluhan pa ako. Ayoko munang mag-isip ng mag-isip.
"please. We need to talk." he pleaded. "We need to clarify things. . ."
Sa sinabi nya, kalahati ng isip ko ang nagsasabing pagbigyan ko na sya. The other half firmly disagree.
"Hindi ako magpapakita ng kahit anong kagasapangan. We'll talk civily. That's . . .the only thing I could promise. . ."
Hindi pa din ako sumasagot. Hindi ko mapagtugma-tugma ang mga salita.
I heard him sigh.
"If you don't want to speak out, let me explain my side first. . .sa inakto ko nitong mga nakaraang araw. . ."
Lumalakas ang kabog sa dibdib ko. Naririnig ko din ang malakas na tibok ng puso nya. Parehas ba kami ng nararamdaman? Nararamdaman din ba nya ang tensyon at takot? Gusto kong magtanong pero pinili kong magsalita.
"Last few days were like years of loneliness. It's hell. The pain and ache, seeking as if it was a game of death, was unbearable. I wonder how I get pass through it and wonder why am I still breathing. . ."
"Minsan nagtataka ako kung paano ko naeendure lahat ng negatibong ideya na pumapasok sa isip ko. I was angry. I show it. I admit it. But I didn't give you any reason yet. . "
"Pain almost blind me. It makes me numb. Hindi ko man lang naisip kung ano ang epekto nito sayo. Ang gusto ko lang ma-overcome yung sakit sa pamamagitan ng pag-iwas. Akala ko kasi mawawala din yun basta-basta. Hindi pala. Pain is the same with anger. The longer I'll keep it, maslala. Masmasakit. Masnakakaramdam ako ng galit."
"Days of being evasive, I was thinking for a solution. Para akong scientist na nag-iisip na ng sagot sa tanong na walang ginagamit na formula. Nahihirapan din ako,Heira. . ."
I'm speechless. Hindi makapaniwala sa mga naririnig ko sa kanya. At the same time, nagtataka kung paano naging ganto kalala ang problema. Ano nga bang problema?
Yung addendum ba? Yung tungkol sa mana nya? baka naman ako? May nagawa ba akong mali? O baka sya? May mahal na syang iba. . .
Parang masmasakit ata yung pinakahuling rason kesa sa mga nauna. . .
"Xan,do you still. . .love me?"
Ipinusta ko na lahat. Kung ano man ang magiging sagot nya. . .yun ang magiging basehan ko ng desisyon.
Matagal syang hindi sumagot. Para akong pinapatay sa bawat segundong lumilipas. Naiiyak na naman ako sa kaba. Bwisit na mga luha 'to, di ko alam kung saan ko pa 'to nakukuha.
"I don't know. . ." he answered.
Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Umaasang hindi lalabas ang mga luha. Nakakapagtakang patuloy silang umaagos kahit nakasara na ang aking mga mata.
Hindi na nya alam. . .hindi nya na alam kung mahal nya pa ako. Pwedeng,oo. Pwedeng,hindi.
Nakakalungkot isipin na ang mga salitang hindi nya pinagdadalawang isip sabihin sakin noon, hindi nya na mabigkas ngayon.
Niyakap nya ako ng mahigpit. He whisper something in my ears.
"Ngayon lang ako nasaktan ng ganto. You made me realize that you are the only girl I truly love. Na sa dinami-dami ng naging girlfriend ko, ikaw lang talaga ang nagawa kong pahalagahan ,to the point na gusto ko ng ibigay sayo lahat. Hindi ko alam kung yung galit na nararamdaman ko ay dahil kaya mong iparamdam saken ang kahinaan ko o dahil takot na takot lang din ako na mawala ka saken. Hindi ko alam kung kaya ko pang sabihin na mahal kita dahil kung yun nga talaga ang nararamdaman ko, hindi ko pipiliing saktan ka. Hindi ako iiwas kagaya ng ginawa ko. Hindi kita tatratuhin na parang wala lang. Hindi ko kayang tiising makita kang umiiyak. In short, narealize ko na napakawalang kwenta ko. Sinadya kong saktan yung babaeng sinasabi kong mahal ko. Kaya ilang beses ko ding tinatanong sa sarili ko ngayon kung mahal pa ba kita. . . I'm sorry."
"Ano bang problema,Xan? Bakit biglang ganun? Bakit umiwas ka? Alam kong merong dahilan. . ." humihikbi ako habang sinasabi ko yon. Hindi aakto ng ganun si Xan ng walang dahilan.
"Rest,Heira. I don't want to make you ill."
"Xan. . ."
Hindi na sya sumagot. Nahihirapan na naman ako. Hanggang kailan ba kami magiging ganto? Hanggang kailan nya itatago ang rason nya?
-
Nagising ako na wala na sya sa tabi ko. Mabilis akong bumangon para hanapin sya pero napaupo din ako sa gilid ng kama. Napahawak ako sa ulo ko. Ang sakit sobra. Dala na naman siguro ng pag-iyak ko kanina. Hindi na matapos-tapos ang iyakan. Naiinis na din ako sa sarili ko. Alam kong iyakin ako pero ngayon ko lang narealize kung gaano ako kaiyakin.
Dalawang minuto akong nanatiling nakaupo at nakapikit lang. Nag-iipon ng konting lakas para tumayo.
Napadako ang mata ko sa gilid ng side table. Andun ang bag ko, at ano 'to?
May nakataob na parang mga litrato.
Tumayo ako at kinuha ko iyon. isa-isang tinignan ang mga litrato.
Halos matanggal ang puso ko sa sobrang pagkabigla. Nanginginig ang mga tuhod kaya muling naupo sa gilid ng kama.
Oh my God.
Sinong kumuha ng mga 'to?
Nabitiwan ko ang mga iyon ng makita ko ang huling litrato.
A photo of me and Cyfer. We were kissing. . .
Halos patakbo akong lumabas ng guest room. Patakbong inakyat ang hagdan patungo sa kwarto ni Xan.
Kaya pala. . .kaya pala ganun na lang ang galit ni Xandrei! Kaya pala umiwas sya. Kaya pala ganun na lang ang mga titig nya kay Cyfer. Ang mga litratong iyon ang dahilan kung bakit ganun na lang ang galit nya.
Parang mabibiyak na ang puso ko. Naisip ko kung gaano kasakit para sa parte nya na makita ang mga litratong iyon. Iniisip ba nya na niloko ko sya? That Cyfer betrayed him? That we're doing something behind him? Gusto kong magpaliwanag agad. At the same time, gusto kong malaman kung saan nya nakuha ang mga litratong iyon.
"Xan!" malamig na hangin lang ang sumalubong sakin ng buksan ko ang pinto ng kwarto nya. Pumasok ako at tinignan kung may to sa banyo,wala. Sa veranda,wala. Walang tao sa silid. Wala dito si Xan.
Tumakbo ulit ako palabas. Napakalaki ng bahay na 'to at hindi ko alam kung saan ko sya unang hahanapin. Pinuntahan ko ang isang katulong na naglilinis sa isang estante.
"Yaya,s-si Xan? Nakita nyo po ba sya?"
"ay. Kanina pa po umalis si Sir Xandrei."
"S-saan daw sya pupunta? Sinabi ba nya? Wala ba syang binilin?"
"Wala po."
"Sige ho. Salamat." nanlulumo akong bumalik sa kwarto.
"my god. Sinong may gawa nito?"
Napadakong muli ang paningin ko sa mga pictures na nagkalat sa sahig. Isa-isa kong pinulot ang mga iyon.
Biglang may kumatok sa pintuan. Patakbo kong binuksan iyon.
"Xan-"
Nabitin sa ere ang mga sasabihin ko. Hindi si Xandrei ang kumatok. Si Cyfer. . .
"C-cy. . ."
"You're expecting him?"
Hindi lang pala ako kay Xandrei may problema. Maski kay Cy,meron din. Naalala kong nag-confess sya kahapon.
My situation is getting worst.
Napansin nyang may mga hawak akong litrato.
"ano yan?" tanong nya.
Napapikit ako. Ano na? Heira,mag-isip ka. Bilis. . .
"Cy,we need to talk."
Nangunot bigla ang noo nya.
"about what?"
-
Pinakita ko kay Cy ang mga pictures. Kagaya ng inaasahan ko,nagulat din sya.
"Cy,hindi ko alam kung sino ang pwedeng gumawa nyan. . ." naiiyak na naman ako dahil sa frustration at stress na nararamdaman ko.
"Baka iniisip ni Xan na niloloko ko sya. That I'm cheating on him. Kaya ganun na lang ang pag-iwas at galit nya. I will never do that to him,Cy. I love him so. . ."
Hindi umimik si Cyfer. Nakatingin lang sya sa mga litrato. Magkadikit na halos ang mga kilay nya. He look puzzled for a moment. Bigla syang tumayo.
"I'll be back. May kukunin lang ako. . ."
CYFER POV
Damn. Nalilito ako. May maling nangyayari pero hindi ko mapoint out kung ano.
Dahil sa mga litratong pinakita ni Heira, sa mga sinabi nyang dahilan, bumalik sa isip ko ang mga kinilos ni Xan nitong mga nakaraang araw. Dahil nga ba sa mga litratong iyon kaya sya galit? Mali ba ako ng hinala?
Pumunta ako sa sarili kong kwarto. Kinuha ang mga litratong ibinigay saken ng guard.
Mapagtugma-tugma ko kaya ang mga nangyayari?
Iisang tao lang ba ang mgay gawa nito? Para saan? Anong motibo nya? Sino kina Xandrei at Heira ang kaaway nya?
Shit lives! Patakbo akong bumalik sa kwarto ni Heira. Umiiyak na naman sya.
She deserves happiness,hindi mga gantong sitwasyon. Nakakaawa talaga.
Pinunasan nya agad ang mga luha nya ng makita nya akong nakatayo.
"a-ano yung kinuha mo?"
Hindi ako makasagot. Tama bang sagutin ang tanong nya? Magsasalita pa ba ako o ibibigay ko na lang ang mga ito sa kanya?
"would you please stop crying? Magang-maga na ang mga mata mo. Kahapon pa kita nakikitang umiiyak."
"s-sorry. . ."
"wag kang mag-sorry! Hindi ikaw ang dapat magsabi nyan!" sumigaw na ko. Nakakainis na. Hindi dahil kay Heira kundi dahil saken. Sana dati ko pa sya kinausap. Sana dati palang may nagawa na ko. . .napakadaming sana. Napakadaming pag-sisisi.
"ako dapat ang mag-sorry. I've confessed my feelings to you already. . .pero hindi ko na-justify ang nararamdaman ko sayo. Naiinis ako sa sarili ko. I'm sorry." umupo ako sa tabi nya at nilapag ang mga litratong hawak ko.
"bago tignan ang mga litratong yan, sana matatag pa ang tiwala mo kay Xandrei."
Nalilito syang napatingin saken. Natetensyon din ako. Hindi ko alam na involve talaga ako dito. At first I thought I was the one who inserted myself in their problem. Sa kagustuhan ko ding tulungan sila, nangialam ako. Hindi pala. Kung sino mang may pakana nito,siniguradong madadamay at madadamay ako sa sitwasyon.
I observed her facial expression while looking at those pictures. Words can't describe the pain I'm seeing in her face.
"Sino. . .sino sya?"
" sya yung babaeng sinabi ni Ren sayo."
"She was with him simula palang?"
"no. I don't think so. Siguro nagkita lang sila sa Canada."
Hindi na sumagot si Heira. Nilapag ang mga litrato sa side table.
"Xandrei lied. . ." she stated.
Hindi ko maitama ang paniniwala nya dahil hindi ko alam ang buong storya. Pero ganun din naman ang pananaw ko nung una. Kahit saang anggulo tignan, nagsinungaling pa din si Xandrei kay Heira.
White lies wouldn't make the situation right.
Of course, lies are not always for mean purposes. Sometimes,we lie because we have a good purpose. Pero ang pagtatago ng katotohanan ay katumbas din ng salitang sinungaling. In the end, lies are still lies. It will never justify the right purposes. Para ka lang nagsayang ng effort.
"Will you believe what you saw?" I asked her. Hindi sya sumagot.
"magpaliwanap ka sa kanya,Heira. Sabihin mong hindi totoo ng mga iniisip nya."
"pano ako? Hindi ba sya. . .hindi ba sya magpapaliwanag saken?"
"I'm sure he will."
"hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko,Cy. . ."
"Ganyan din siguro ang iniisip nya,Heira. Isipin mo na yung nararamdaman mo ng makita mo yung litratong yan na may kasama syang iba,naramdaman din nya ng makita nya yung litratong magkahalikan tayong dalawa. Ayusin nyo ang problema,saka natin alamin kung sino ang may pakana ng lahat ng 'to. . .and I'm sorry again."
"alam mo ba kung nasaan sya?"
Umiling ako.
"hindi pa din kami nag-uusap ni Xandrei. Do you want some help? I'm willing to save you."
sinserong sabi ko.
Isa-isa nyang kinuha ang mga litrato at inilagay sa isang lagayan. Mahigpit nyang hinawakan iyon.
Pinunasan nya ang mga luha nya at huminga ng malalim.
"Thanks for everything,Cy. . .but I'll save myself. Hihingi ako ng tulong pag. . .hindi ko na kaya." she smiled at me. "andyan ka naman di ba?"
"always."
"as my friend." she added.
Friend. . .damn. May naramdaman akong biglang sumuntok sa dibdib ko. Yes,it really hurts. The truth always hurts. Kailangang tanggapin, hindi na kailangang ipilit pa. Ang mahalaga nandyan sya, masaya. Ako,tatanaw na lang para maging masaya silang dalawa. Love is learning how to let go. . .just like the ending of my first lovestory.
"friend." I smiled back at her. This stupid girl is stronger than I thought.
Sa problema ito, no one can save her but herself. Heira is brave enough to pass this kind of trial. I know she can do this.
Pero kung sakali mang bumagsak sya sa pagsubok, kagaya ng sinabi ko kahapon,I'll catch her. . .
Not as a lover but her friend.
I will always be her friend no matter what happen.
XANDREI POV
Gabi na. Ilang oras na akong nakatayo dito sa rooftop ng DVI. Contemplating. . .
It's already 7pm. Hindi ko pa kayang umuwi.
Nakita na kaya nya?
Did I made the right choice?
Pagtapos ng ginawa ko, saan na tutungo ang relasyon naming dalawa?
Tumingala ako sa langit. Sana may bulalakaw na dumaan, then I'll make a wish. Just one wish.
I smiled. Sounds foolish and childish. Para akong batang paslit. Sa edad kong 'to, naniniwala pa ko sa ganun?
Well,wala namang masama kung aasa ako. . .
di ba ?
Hahakbang na sana ako papasok sa building ng tumunog ang cellphone ko. . .
Si Atty.Delgado. . .
"yes,Atty?"
"good evening,hijo. Pwede ba kitang makausap bukas?"
"sure. Tungkol saan?"
"sa addendum."
Kumunot ang noo ko. Addendum. . .
To be CONTINUE. . .
A/N : Hello kina - LeslieSarino, mikan_hikari, memaimaldita, iamlalagarcia, ChangeOfMind, DazzleChic,Sheeanatoots,myungjie27,Bave_14,Lynneth08, jennyumpire, yansky, NerdyCram, maricellabina,missieher,iamahappyreader, heyitsmeniella, CommanderFluffy, shallowsphere,ReyshelOub,Fiore07,clangmai,143_me,AlonocaToledo, bornfreeonekissJ, smileylemon,KrystleNorienDalida,thePRINCE03,thenamesanne, KarenVelasco6, eyisiwithea, ladyellice, janjanmarohom, BrusselMacar, myvelasc0,igiere15, IloveMyungZyKpop, VanessaEscasinas, JoyRoseEmbile, fevahgurl, meyourqueen, mmonfe,Ambears, yohan1019 and CaelaLoveKN.
Late update. Hindi na natuloy ang pag-update nung weekend. Medyo stress sa school. May iniinda ding sakit kaya yun,konti na lang makakalbo na ko. Hahaha! Jk.
Pasensya na po sa errors. Hoindi pa po ako nag-eedit.
'til next update! Hindi ko po alam kung kailan. xD
Lovelots and Godbless!
KHIRA1112
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top