WYBHBM ~~ Chapter 57 part 1

WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR. 

BOOK 1 of 3 worth :  P109.50

You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores  nationwide. 

-

READ BEFORE YOU VOTE :))

-

HEIRA POV

Hindi ko na tinapos ang klase. Ngayon lang ako nag-cutting class. Hindi ko gustong umuwi. Kung sa mansion ako tutungo, magkulong lang ako sa kwarto maghapon at iiyak ng iiyak. Hindi ko rin naman alam kung sinong dadatnan ko doon. Baka nandun si Xan. Hindi ko pa rin alam kung paano ko sya kokomprontahin.

Lumabas ako sa gate na hindi masyadong binabantayan ng mga guards. Para akong tumatakas na preso. Sa ibang pagkakataon, matatawa ako sa ginagawa ko.

Gusto kong tumakas. Takasan ang mga problemang hindi ko alam kung paano malutas. Pero ayoko ding mag-asal duwag o kaya nama'y magmukhang kawawa sa huli. Hindi nanalo ang mga taong mahilig takasan ang problema. Gusto kong gawin kung ano ang tama.

Ano na nga ba ang tama ngayon? Dati malinaw saken ang kaibahan ng tama sa mali. Ngayon gulong-gulo ako. Ang mga akala kong tama ay unti-unting nagiging mali. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang tamang desisyon.

Naglalakad ako ng wala sa sarili. Hindi ko kabisado ang pasikot-sikot sa gate na nilabasan ko. Dapat natatakot na ako ngayon pero iba ang nararamdaman ko. Actually,wala na akong maramdaman.

Blanko ang isip at minanhid ang sarili para sa sandaling ito. Pinakamainam na paraan para hindi ako bumigay sa susunod na pagdadaanan ko. Ayoko ng tantsahin kung gaano kasakit. Ayoko ng mag-isip kung gaano pa karaming sakit ang dapat kong indahin.

Tumingala ako sa langit. Makulimlim na naman. Ilang minuto ng paglalakad, biglang bumuhos ang napakalakas na ulan. Tuluyan na akong nabasa. Patuloy pa din ako sa paglalakad.Hindi ko alam kung saan ako patungo. Basta lakad lang ako ng lakad.

Hindi ko napansin na may nakausling bato sa harap ko kaya't napaluhod ako sa lupa. Nagasgasan ang tuhod at mga palad ko. Unti-unti kong naramdaman ang hapdi. Hinayaan kong dumugo ang mga sugat. Nakakatawa. Mukha akong tanga at ang mga sugat na natamo ko ay ebidensya ng katangahan.

Ininda ko ang sakit at pinilit na tumayo. Dito ako magaling. Pag-inda ng sakit,pagtago ng kahinaan at pagpipilit na maging malakas. Ilang beses ko na bang sinabi sa sarili ko na okay lang ako,na ayos lang,walang problema at hindi ako nasasaktan? Ilang beses na din ba akong ngumiti ng pilit sa harap ng madaming tao? Gaano katagal na ba akong nagpapanggap?

Napatingin muli ako sa kalangitan. Ngayon ko lang naitago ang mga luha ko sa pamamagitan ng ulan.

Sa mismong oras na 'to, inamin ko sa sarili ko na hindi na ako masaya. Ang hina ko. Ang tanga ko. Kinakawawa ko ang sarili ko. Isa ata akong masokista.

Simple lang ako dati.Simpleng babae na nangarap ng simpleng buhay kasama ang papa ko.Gumuho ang pangarap ko para sa aming mag-ama ng maaksidente si Papa.Naging desperadang anak na walang ibang inisip kundi mabuhay muli ang ama.Gumawa ako ng paraan.Kahit mali pumayag akong makipag-deal sa isang lalaking hindi ko lubusang kilala.Hindi ko na inisip ang moral na aspeto,basta mapagamot lang si papa okay na ako.Hindi nagtagumpay ang mga doctor na isalba ang buhay ng papa ko.Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Natakot ako sa kahihinatnan ko. Salamat sa lalaking iyon,hindi nya ako pinabayaan. Hindi nya ako binitawan sa pagkakataong kailangan ko ng makakapitan. Lumipas ang maraming araw at nahulog ang loob ko sa kanya. Unti-unti na akong bumabangon. Sobrang saya ko ng mahalin din nya rin ako. Tinapos nya ang kasunduan pero hindi nya ako iniwan. Nagsimula ulit akong bumuo ng pangarap . Pangarap para saming dalawa. Pangarap na hindi ko pa man nasisimulang gawin ay parang malabo ng mangyari.

Bakit ba nauwi sa ganto ang lahat? Paano ba naging ganto ang sitwasyon? Masyadong mabilis ang mga pangyayari para sa akin.

Basang-basa na ako. Wala na akong pakialam kung magkasakit pa ako. Bahala na kung anong susunod na mangyayari.

Napagod ako sa paglalakad. Napasandal ako sa pader ng isang bahay. Nahulog ako sa malalim na pag-iisip. Tulad ng ulan, malakas na bumuhos ang mga alaala. Mga pangako, masasayang alaala. Gusto kong bumalik don. Gusto kong maging masaya ulit kasama sya.

Naputol ang lahat ng iyon ng sumanggi sa isip ko ang pag-uusap namin ni Ren kanina. Nanghihina akong napaupo at napayupyop sa tabi.

Naging malinaw saken ang gustong iparating ni Ren. Pinaliwanag nya kung bakit kailangan kong layuan si Xandrei. . .

FLASHBACK

"ikakasal sya sa iba,Heira."

"h-hindi. Hindi totoo yan." mahigpit kong hawak ang laylayan ng kumot. Naiiyak na naman ako. Wala na bang katapusan ang eksenang 'to?

"Heira,please. . .please maniwala ka. Ayokong umasa ka sa taong hindi naman ikaw ang priority."

Umiwas ako ng tingin. Tama sya. Hindi ako ang priority ni Xan. May mga bagay na masimportante para sa kanya pero importante din naman ako di ba? Importante din ako. . .

Maspipiliin kong maging least priority kesa iwan sya. . .

"pano mo nalaman lahat ng iyan? Saan mo nakuha ang ideyang mag. . .magpapakasal sya sa iba? Hindi kaya nagkakamali ka lang?"

"My father is their family lawyer. Alam ng papa ko kung ano ang mga problema ng mga de Vera,especially Xandrei. Nalaman ko ang tungkol sa last testament ng papa nila at ang mga nakasaad don.Kinwento saken ni papa."

"Ren, it's not your business anymore-"

"I'm making it mine,Heira. Damn it! Masama bang maging concern sayo? Estudyante ka ng AAA, classmate kita and I consider you my friend. Hindi pa ba sapat na rason yon?"

"hindi mo dapat iniinvolve ang sarili mo dito." nagagalit na rin ako.

"wag mong masamain ang pagtulong ko-"

"Ren,hindi ka nakakatulong! Do you know what I'm feeling right now? I feel worthless! I feel nothing sa mga taong importante saken. Pinapamukha mo saken na hindi ako imporante kay Xan! At nasasaktan ako,Ren. Mas lalo akong nasasaktan!"

"It's better to know the truth and get hurt than to live happily in lies. I'm sorry kung iyon ang naging dating sayo ng mga salita ko. Pero hindi ako nagsisinungaling sayo,Heira. I want you to be happy. Hindi lang si Xandrei ang lalaki sa mundo."

"madali para sayong sabihin yan. You don't know me,Ren. You don't know him either. Wala kang alam sa pinagdaanan naming dalawa." naniningkit ang mga mata ko sa galit. Nasa mata naman ni Ren ang pasensya at simpatya.

"you're right. Wala akong alam sa pinagdaanan nyo. Pero may alam akong hindi mo alam at tinatago iyon sayo ni Xandrei. . ."

Unti-unting bumalik ang kaba at takot. May parte ng isip ko na ayaw marinig ang sasabihin ni Ren at may parte ko naman na gustong malaman ang lahat.

"naalala mo ba ng umalis si Xandrei papuntang Canada?"

"p-paano mo nalaman yan?"

"I told you that my father is their lawyer."

"pumunta dun si Xan because of business!"

"yan ba ang sinabi nya sayo?" nakatiim ang mukha ni Ren. "He lied."

"no!"

"He lied to you,Heira! He was with his fiancee!"

"n-no. Hindi totoo yan. Hindi gagawin yan ni Xan." kinakapos ako ng paghinga. Para akong sinasakal. Naninikip ang dibdib ko. Tumutulo na naman ang mga luha sa pisngi ko. Ayaw tanggapin ng puso't isip ko ang mga sinasabi ni Ren. Natatakot akong tanggapin na totoo yon. . .

"may addendum na iniwan ang papa nya sa isang business partner. The name is Suichiro Tamaki. Sa tingin ko wala kang kaide-ideya kung ano ang nakasaad sa adddendum na iyon."

Totoong wala akong alam. Addendum. . .walang nasabi saken si Xan. . .

"addendum is an added will. Nakasaad don na kailangang magpakasal ni Xandrei sa anak ni Mr.Tamaki para makuha ang mana nya. Kapag pumayag siya, mawawalan ng bisa ang last will ng papa nila. Hindi na nya kakailanganin magkaroon ng anak sa loob ng labing walong-buwan pagtapos basahin ang last will."

Hindi ako makapag-react. Hindi ko alam kung ano bang mararamdaman ko. Umiyak lang ako ng umiyak sa harap ni Ren.

"ng pumunta sya ng Canada, napakiusapan nya si Mr.Tamaki na wag ituloy ang kasal. Siguro dahil yon sayo. . .nakauwi sya ng Pinas at inakala nyang tinapos na ni Mr.Tamaki ang tungkol sa addendum pero ngayon,tumawag ulit si Mr.Tamaki sa papa ko. He wants Xandrei back."

"w-what?"

"hindi pa alam ni Xandrei ang tungkol sa pagbabalik ni Mr.Tamaki at ng addendum. Kapag tumanggi si Xandrei, mawawala sa kanila ang kumpanya, ang mana niya. Hindi lang sya ang mawawalan. Pati ang mga kapatid nya. Madaming maapektuhan. Mga ibang kumpanya at empleyadong umaasa sa DVI. Nagbigay ng rason si Mr.Tamaki kay Papa at tiniyak ni papa na valid iyon ngunit hindi na niya sinabi saken kung ano ang rason. Nakasalalay na raw kay Xandrei ang lahat. . ."

"Hindi ko alam kung gaano ka kahalaga kay Xandrei. Pero ikaw ba, nararamdaman mong masmahalaga ka kesa sa mana nya? Minsan ba pinaramdam nya sayo na masimportante ka kesa sa mga trabaho niya? Kung damdamin ang papairalin, maaaring ipaglaban ka niya tulad nung una pero practically speaking, iisang tao ka lang,Heira. Madami ang may kailangan kay Xandrei. Madaming maapektuhan ng dahil sayo. Maski si Xandrei mawawalan kapag hinayaan mong ipaglaban ka nya. Paano na sya at ang mga kapatid nya? Paano na ang mga empleyado? Hindi birong responsibilidad ang nakakabit sa balikad ni Xandrei ng mamatay ang papa niya. Handa ka bang saluhin lahat ng sisi kapag naghirap siya? People will hate you. There's even a possibility for his sisters to hate you.And worst,Xandrei might hate you and himself for choosing his heart than his duties as a man. Kaya bang dalhin ng konsensya mo iyon?"

Hindi ko na maipaliwanag ang sakit. Tama si Ren. Iisang tao lang ako. . .

Pero masmasakit ang kaisipan na may ibang babaeng nararapat kay Xandrei. . .

"Hindi ko sinabi lahat ng iyon para maging mababa ang tingin mo sa sarili mo. Gusto ko lang magkaroon ka ng desisyon na hindi dumidepende kay Xandrei. Ayoko lang din na mabigla ka at habul-habulin mo sya kapag iniwan ka nya ng biglaan. It's like a game. One versus the world. You only have hints to win it. Nasa kamay mo na ang desisyon. Wala na sa kanya. . ."

"Hindi ko ata kayang iwan sya. . ."

"are you ready to take all the blame?"

Naguguluhan akong umiling.

"There's no easy way than letting go,Heira. Masasaktan ka lang.Kapag nanatili ka sa tabi nya,masasaktan ka pa din."

Let him go?

. . .there's no easy way. . .

. . .no easy way than letting go. . .

. . .kapag nanatili ka sa tabi niya, masasaktan ka pa din. . .

Kaya ko ba? Kay ko na ba yon?

"layuan mo na siya,Heira."

END OF FlASHBACK

Lumayo. Ang paglayo ay parang pagtakas. Hindi ko gustong tumakas. Ang pagtakas ay parang pagpapakita ng kahinaan. Para lang iyon sa mga duwag.

The right term is tapusin. Tapusin na ang paghihirap. Itigil na ang pagpatak ng luha. Para ko na ding pinatigil ang sarili ko na mahalin si Xandrei.

Pero di ba nag-iiba na rin ang trato saken ni Xan? Binabalewala nya na ako. Yung nangyari kagabi ay isang patunay na galit siya. Galit siya saken. Nagsisisi na ba sya? Isang malaking sagabal na ba ako para makuha ang mana niya? Ironic. Dati ako ang kailangan para makuha nya ang pamana sa kanya ng ama niya. Ngayon, ako na ang magiging dahilan para mahirapan syang lalo na makuha iyon.

Kung meron mang isang tao na makakaintindi saken,si Cyfer iyon. He said he'll catch me. I'm thankful. Greatful for his friendship.

Si Cy, hindi na niya inisip kung ano ba ang tama at mali basta nasa panig ko sya. Hindi alintana kung magiging kalaban nya ang kapatid nya which made me afraid.

Oo,nagalit ako ng malaman kong isa rin sya sa nagtago ng katotohanan. Sinabi nya saken ang dahilan niya at naipaliwanag nya saken ng mabuti. Hanggang ngayon sinisikip kong intindihin.

Ayaw nya lang din akong masaktan kaya pinili niyang manahimik. Pero lagi siyang anjan. Aaminin kong malaki ang naging utang na loob ko kay Cy dahil hindi nya rin ako pinabayaan. . .

Bumalik sa isip ko ang nangyari kanina sa garden ng academy. The moment Cyfer kissed me. . .

FLASHBACK

Hindi na ko nagkaroon ng pagkakataong makaramdam ng pagkagulat. My mind is too blank. Wala na rin akong maramdaman. Hinayaan ko na lang si Cy . . .

His kisses is gentle. Makes me think that it gives assurance. Assurance na magiging okay din ang lahat. Katulad ng sinabi nya kanina, sya ang sasalo saken. Hindi ako masasaktang mag-isa.

Hindi ko alam kung bakit gumanti ako ng halik. I want to rebel against the world? Siguro. O dahil gusto ko ding makaganti kay Xan sa pagtatago nya ng katotohanan? Hindi ko alam. Hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko.Ayoko ng mag-isip.I want to feel secure kahit ngayon lang. Kumakawala lahat ng insecurities,takot at pag-aalinlangan.

"I love you. . ." napadilat ako bigla. Sinabi ba yon ni Cyfer o guni-guni ko lang? He's also staring at me.

"I know you heard me. I'm not going to say that again. Hindi rin ako naghihintay ng sagot dahil alam ko naman kung sino ng mahal mo. . ."

"Cy. . ."

"don't worry. I'm fine. Sanay akong nasasaktan. Pero ikaw, poprotektahan kita dahil hindi ko gustong sinasaktan-saktan ka lang ng iba."

"Cy,I'm sorry. . ."

"don't. Ako dapat ang magsabi nyan. Sorry,Heira. Sorry sa lahat. Isa ka sa dahilan ng pagbabago ko. Hindi ko matanggap na wala din akong nagawa para sayo. Hinyaan kong umabot sa ganto. Sana noon palang nasabi ko sayo. . .hush now,wag ka ng umiyak." niyakap nya ako ng mahigpit.

"Hindi ko ipipilit ang nararamdaman ko sayo. Hindi rin ako manghihingi ng chance para mapatunayan sayo na totoo 'to, ang akin lang wag mong isipin na sya lang ang nagmamahal sayo. Sana minsan magawa mong tumingin saken." ngumiti si Cy. Minsan ko lang sya makitang ganyan. Minsan lang. . .nagmahal sya ng babaeng hindi makita-kita ang effort nya.

"Kung ano man ang magiging desisyon mo,nandito lang ako."

Hindi ko magawang magsalita. Mahal ako ni Cy. Mahal ko si Xan. Hindi ko alam kung mahal pa ako ng taong mahal ko. Pakiramdam ko bumabaliktad ang mundo. Nagiging walang kwenta lahat kahit pa may malalim na dahilan.

Habang tumatagal lalong gumugulo.

Napatitig ako kay Cy. Ayoko syang umasa. Ayokong makasakit ng iba.

END OF FLASHBACK

Tumila na ang ulan pero ang mga luha ko patuloy pa din sa pagpatak. Makakapuno na kaya ako ng isang baldeng luha kung susumahin ko lahat ng naiiyak ko sa araw na 'to?

Biglang bumukas ang gate na nasa gilid ko. Pinahid ko kaagad ang mga luha ko. Napatayo ako bigla.

Parehas pa kaming nagulat ng makilala namin ang isa't-isa.

"Heira?"

"A-aling Lei?"

"Heira,ikaw nga!" biglang napayakap saken ang matanda.

"naku,aling Lei. Basa po ako. . ."

"ikaw talagang bata ka! Bakit ka naman naligo sa ulan? Magkakasakit ka nyan! Teka. Ano nga bang ginagawa mo dito sa labas ng bahay ko?"

"bahay nyo po ito?!" bulalas ko.

-

"Isang buwan palang akong nakatira dito." kwento ni Aling Lei. Inabutan nya ako ng mainit na kape.

"salamat po."

Simple lang ang bahay. Masmalaki ng onti sa dating tirahan ni aling Lei malapit sa apartment namin ni Papa dati.

Nakaligo na ako at nakapagbihis na din. Medyo maluwag nga lang 'tong t-shirt na pinahiram saken ni aling Lei.

"saan ka ba nagpuntang bata ka? Alam mo bang alalang-alala ako sayo? Hinanap kita kung saan saan. . ."

"sorry po. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataong makapagpaalam sa inyo."

"ano na nga bang nangyari sayo? Nasaan na ba ang tatay mo? Naka-rekober na ba sya?"

Umiling ako at malungkot na ngumiti.

"hindi na po sya nagising."

Hindi nakapagsalita si Aling Lei. Marahang nya lang tinapik ang balikat ko.

"Paano ka na? Saan ka ba nakatira ngayon?"

Ako naman ang hindi makasagot.Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo kay Aling Lei o hindi.

"Heira?"

"ano po,may tumulong po samin."

"salamat naman. . ."

"sino pong kasama nyo dito?"

"ako lang,hija. Alam mo namang wala akong ibang kamag-anak na nandito sa Manila."

"buti ho hindi kayo nalulungkot."

"nakakalungkot minsan. Hindi naman naiiwasan iyon." ngumiti sa akin ang matanda pagtapos ay bigla ring nawala ang ngiti sa kanyang labi. "namamaga ata yang mata mo."

"ah. . .ano ho. . .uhm napasukan po ng. . .ng sabon kaninang naliligo ako."

Tumango-tango ang matanda.

"kamusta ka naman?"

"m-mabuti ho."

"nangayayat ka ha. Malaki ang pinagbago mo."

"nagpapasexy ho ako." tumawa pa ako para di nya mahalatang nagsisinungaling ako sa kanya.

Mahabang katahimikan ang namayani bago muling nagsalita si aling Lei.

"Hija. . ."

"po?"

"sana nagawa mong magpaalam sa akin noon.Ang tagal kitang hinanap."

"pasensya na po talaga,aling Lei."

Hinawakan ng matanda ang kamay ko at pinisil.

"kapos rin ako nung mga panahon na yon at nanlulumo akong hindi ko kayo matulungan ng tatay mo."

"malaki po ang naitulong nyo.Ang dami ko nga pong utang sa inyo."

"wala akong ibang alam na paraan para sabihin 'to sayo. Alam kong mabibigla ka pero. . ."

"Aling Lei, ano pong ibig nyong sabihin?"

"sana'y wag kang magalit sa papa mo sa pagtatago nya nito sayo,hija."

Napabitaw ako sa kamay ni aling Lei. Nanlalamig ako . May kutob akong hindi maganda sa sasabihin saken ni Aling Lei.

"a-ano po iyon?"

Nakailang buntong hininga ang matanda pagtapos ay tumitig saken.

"hindi ka nya tunay na anak,Heira."

To be CONTINUED. . .

A/N : Sabe sa inyo e! Daming twist . Hilo na ? HAHA!

parang wala na namang nakahula. T.T HUHU. Pero try pa din po ng try huh. Baka next chap ,tama na ang hula nyo. XD

Tuwang-tuwa po ako kasi yung last chapter umabot ng 100 comments for the first time! Tas yung iba, ang hahaba ng comments. Nakakatouch sobra.

Hindi ko alam kung bakit wala nang nakakahula. Haha. Ibang klase din yung hula ng iba e,gaganda! Gusto kong kunin yung iba. Haha. Magugulat na lang kayo, magmemessage na lang ako . Hehehe. XD

Pero satisfied pa naman ako sa mga naiisip ko. Some other time na lang ako manghihiram ng ideas. Bwahahaha!

Thank you talaga sa inyo. Nababawi ko na yung inspiration ko at nadadagdagan ng sobra ang confidence ko. :">

Sa tingin nyo ? Anong mangyayari sa next chapter? I'll wait for your comments! Hulaan nyo kung sino ang tunay na pamilya ni Heira. Malakasang pag-iisip yan. :D PREDICTION GAME FOR A DEDICATION !

Don't want to promise na makakapag-update ako this week. I'll try po.

Godbless and Lovelots,Readers! :*

KHIRA11112♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112