WYBHBM ~~ Chapter 55 part 3
WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR.
BOOK 1 of 3 worth : P109.50
You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores nationwide.
-
READ BEFORE YOU VOTE! :))
-
HEIRA POV
"k-kailangan ba talaga,Cy?"
"do you have other idea?"
Umiling ako. Nakakapanlumo at nakakadismayang hindi man lang ako makaisip ng paraan para maayos ang sitwasyon ko ngayon.
Cyfer is looking at me intensely. Napapahigpit ang hawak nya sa kamay ko at alam kong kinakabahan din sya.
"I won't force you to do this kung di mo talaga kaya."
"do you think maiintindihan nila?"
"They are checking every student's background. Bukas o sa mga susunod na araw may paghihinalaan na sila."
Pinikit ko ng mahigpit ang mga mata ko. Parang hindi ko kaya. . .
"Masmadaling patawarin ang taong umaamin ng kasalanan. . ." seryoso si Cy. May punto din sya."pero hindi ko sinasabing ikaw ang mali. Hindi ikaw ang may kasalanan nito. Wala silang alam kaya madali para sa kanilang manghusga. You just need to admit,Heira. Kahit sa admin lang. Maiintindihan ka nya. . ."
"pano kung hindi?"
"He will.Just tell him the truth.I'm sure he wouldn't say it to anyone.Hindi iri-risk ng admin ang records ng academy."
"I'm afraid. Paano kung nila maintindihan? At nagi-guilty din ako-"
"don't. Hindi ka dapat ma-guilty. Wala kang ginawang masama. Kahit sino pa kila ate Xandra, Xandrei at Xandrea ang tanungin mo, sigurado akong ganto din ang sasabihin nila sayo. Wala kang kasalanan."
"natatakot akong umamin. . ."
"anong dapat mong aminin?" nagulat ako ng may magsalita sa likod ko.
Parehas kaming napalingon ni Cyfer sa likod.
Si Ren. . .
Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. Napaatras ako ng isang hakbang.
Palipat-lipat ang tingin nya samen ni Cyfer.
"R-ren. . ." hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Gusto kong tumakbo palayo kung di lang ako magmumukhang tanga.
"anong dapat mong aminin,Heira?" ulit ni Ren.
"Tell him." sabi naman ni Cyfer.
Nagsukatan sila ng tingin. Para silang magsusuntukan anumang oras. Napatitig ako kay Cyfer.
"p-pwede bang sa ibang lugar tayo mag-usap-" biglang bumukas ang pinto ng opisina ng admin. Gusto ko ng magpalamon sa sahig.
"what are you doing here Mr.Delgado and . . .you two?
Walang nagsalita saming tatlo. Nagpapalitan lang kami ng tingin.
"well?"
"nothing,Sir Ramirez. Napadaan lang kaming tatlo." sagot ni Ren.
Pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik sa dibdib. I gave up a sigh of relief ,ganon din si Cy.
Hindi ata ako kay Mr.Ramirez aamin kundi kay. . .
Tumingin ako kay Ren. Nakatingin din sya saken. Alam kong naghihinala na sya. Maiintindihan kaya nya?
-
"now tell me. Bakit kayo pupunta sa admin?" tanong ni Ren.
Nasa rooftop kami ng academy. Dito lang kami makakapag-usap ng hindi nag-aalala kung may nakakarinig ba o wala.
"Bakit di kayo makapagsalita?" huminto saken ang tingin ni Ren. "anong dapat mong aminin?"
"you don't need to pressure her,Delgado." nakatiim ang bagang na sabi ni Cyfer.
"o-okay lang,Cy. Ipapaliwanag ko sa kanya. . ." sinalubong ko ang mga titig ni Ren. Itinago ko ang takot at hiya na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung may mukha pa akong hihirap sa kanya pagtapos nito pero kung isa ito sa mga dapat kong gawin para maging okay ang lahat ,I need to set aside my fears.
"Ren,yung. . . yung nabasa nyo sa bulletin board kaninang umaga. Yung estudyanteng babymaker. . .ako yon."
"WHAT?!" bulalas nya. Ren was shocked. He almost stink in his nostrils.
"I. . .I never thought you'd-"
"Judge her and I'll wring your neck." banta ni Cyfer.
"Cy. . ." hinawakan ko ang braso ni Cyfer. I have this feeling na susugurin nya nga talaga si Ren.
Pinagpatuloy ko ang pagpapaliwanag ko.
"it happened almost 7 months ago. My father was involve in a car accident. Na-comatose sya at . . .at kailangan ng malaking halaga para maisalba ang buhay nya." pumikit ako at huminga ng malalim. Parang kahapon lang nangyari ang lahat. "nung pagkakataong yon, malaki na ang bayarin namin sa ospital dahil sa mga tubo at iba't-ibang aparato na nakakabit sa papa ko. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ganung halaga."
"then I met someone. . .isang taong may kailangan din saken.He needs a child to be able to get his inheritance.To make the story short, he offered me a deal."
"the deal benefits to both of us. We're both desperate at the same time. If I could give him a child, he'll handle all my father's hospital expenses. Nakapag-aral ako dito dahil sa kanya."
"you go hand in hand?"
"yes. I accepted the deal he offered."
"I don't understand. If you agreed to it, you must be pregnant by now."
"let me finish. The moment we had an agreement, he took me as his responsibility. He cares. Hindi sya yung tipo na sarili nya lang ang iniisip nya. Actually, he gave me enought time to prepare myself. He won't do anything to me 'til I turn eighteen. . ."
"and. . .when is that?"
"next month." mahinang sagot ko.
"I can't believe this!" Ren cursed something and turn his back for a second. Pinanghihinaan akong lalo dahil sa reaksyon nya.
We still for a moment. Ren turn his head to me. "Heira, hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman.I consider you as one of my friend too. I want to help you pero-"
"no need. I have no regrets."
"what do you mean by that?"
"I fell in love with him,Ren.In the middle of our deal, we fell
in love with each other." I smiled a little. Remembering those delightful moments with Xan.
"we ended our deal two months after the agreement. I didn't have a chance to do my part as his babymaker while he still wants me under his responsibility."
A long silence came. I could say Ren was quiet amaze and amuse.
"what happened to your father?"
"he died."
"I'm sorry. . ."
"It's okay. I learn how to move on and accept life's reality."
"technically speaking, hindi ka naman talaga baby maker. It was just like a. . .uhmm term?"
I nod. Ren gave up a long sigh.
"I'm relief. What are your status now?"
"we're getting married after our graduation." napatingin ako kay Cyfer na tahimik na nakikinig saming dalawa ni Ren.
"you are too young to get married!" nanlaki na naman ang mga mata ni Ren.
"I still want to give him a child. He deserve that much. We'll marry not because we want to justify the deal,to make it legally right. . .but to prove that everything we have right now is real."
"It was Cyfer's idea na umamin na lang ako sa admin kesa magsuspetsa pa ng iba ang staff ng department natin. Don't worry, sasabihin ko pa din sa admin ang totoo."
Matagal na di sumagot si Ren.
"I understand. . ."
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Dahil sa sobrang saya at relief, napayakap ako kay Ren.
"thank you,Ren!"
"h-hey."
"ay sorry! Sorry. Masyado lang akong natuwa." inalis ko na ang mga braso ko sa pagkakapulupot sa braso nya.
"wag mo na ding sabihin 'to sa admin."
"h-ha? Bakit naman?"
"ako na ang bahala." tinignan ni Ren si Cyfer bago lumabas.
"pwede ko bang itanong kung sino siya,Heira?"
Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Sasabihin ko ba ang pangalan ni Xan?
Bago pa ako makasagot, inunahan na ako ni Cyfer.
"he's my brother. My half brother on father's side."
Sandaling natigilan si Ren. Pagkatapos ay tumango-tango.
"I see.Is that the reason why you're always with her?"
Hindi na sumagot si Cy.Hindi na din nagtanong pa si Ren at lumabas na ng pinto.Naiwan kami ni Cyfer na walang masabi sa nangyari.
Hindi ko alam kung anong damdamin ba ang ipangingibabaw.
"magiging okay din lahat. . ." umupo si Cy sa bench. "para palang teleserye ang buhay mo. Masyadong. . .madrama. . ."
"nah. Salamat,Cy."
"you don't need to thank me. Masmaganda nga ang nangyari. Sa tingin ko may balak gawin si Ren para sayo."
Umupo ako sa tabi nya at tumingala sa langit. Makulimlim. Malaki ang posibilidad na umulan.
"isa na lang ang kailangan nating malaman." napatingin ako sa kanya. "kailangan nating malaman kung sino ang nagpaskil ng mga papel."
-
Pagdating namin ng masion, hindi na muna ako lumabas ng kwarto. Gusto kong ipahinga ang isip at katawan ko. I feel empty physically and emotionally.
Napabangon ako ng bumalya ang pinto ng kwarto ko.
"Bakit-" nahinto ako sa pagsasalita ng makita ko si Xan na nakatayo doon.
"what happened?" he looks angry. Saken ba sya nagagalit?
"w-what do you-"
"damn it,Heira!" binagsak nya pasara ang pinto. Napatayo ako ng kama. Ang kabang naramdaman ko ng kausap ko si Ren ay bumabalik dahil sa galit na nakikita ko ngayon sa mukha ni Xandrei.
"how could you be so careless?! Xandie called me. She informed me the rumors in your school." he said gritting his teeth."kanino mo sinabi?"
"Xan. . ."
"kanino,Heira? Bakit ba ang bilis mo magtiwala? Bakit pati yon kailangan mo ipaalam sa iba? Don't you have self-respect at all?"
Nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa mga naririnig ko mula sa kanya. Nasasaktan ako sa gusto nyang iparating. Bakit nag-conclude sya agad na ako ang may kasalanan? Wala ba syang balak na pakinggan man lang ang mga paliwanag ko?
"wala akong pinagsabihan. I swear,Xan. . ."
Tumaas-baba ang dibdib nya dahil sa galit. Lumingon ako sa ibang direksyon para di nya makitang naiiyak na ako.
. . .how could you be so careless. . .
. . .bakit ba ang bilis mong magtiwala. . .
. . .don't you have self-respect at all. . .
Tumalikod sya at akmang bubuksan ang pinto ng tumakbo ako sa kanya at niyakap sya sa likod.
"Xan,ano bang nangyayari saten? Bakit ganyan ka na? Bakit ganto na tayo?" hindi
ko napigilan ang pag-alpas ng hikbi sa lalamunan ko. Pakiramdam ko sinasakal ako.
"hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan ko,Heira. . ." inalis nya ang mga kamay ko sa pagkakayakap sa katawan nya.
Ngayon lang 'to nangyari samin. Ganun na ba kalala ang pinagdadaanan namin?
"may nagawa ba ko,Xan?"
Lumingon sya. His eyes shows coldness.
"why don't you ask yourself?"
"Ano bang problema? Ako ba? Ako ba ang problema mo? Dahil saken kaya galit na galit ka ngayon?" ayokong umiyak sa harap nya. Kailangan kong pigilan ang pagbagsak ng kahinaan ko.
"Xan, nasasaktan na ko. . .kung lalayo ka sana. . .sana sinasabi mo muna saken kung bakit. Kung galit ka sabihin mo saken. Kung may problema sabihin mo din. Hindi sa lahat ng pagkakataon kaya kong hulaan kung anong nararamdaman mo. . ."
Tumalikod sya at nagsalita.
"be sensitive,Heira. Hindi lang ikaw ang nasasaktan. Hindi lang lagi ikaw ang nakakaramdam ng ganyan. Hindi kayang idaan sa salita ang sakit na nararamdaman ko ngayon. . ."
Nakatitig lang ako sa pintong nilabasan nya. Nanghihina akong napaupo sa kama. Doon na bumagsak ang mga pinipigil kong luha mula kanina.
Wala pa din akong maintindihan. Kahit ilang beses kong isipin, hindi pa din malinaw saken kung paano ko sya nasaktan.
O baka naman tumigil na ang puso ko sa kakaintindi at hinayaan ko na lang na masaktan ang sarili ko?
Nahihirapan akong ayusin at ibalik sa dati ang lahat dahil hindi ko alam kung paano ito nasira. Wala akong kaide-ideya kung pano ko magagawang ayusin ang lahat, intindihin lahat, alamin lahat.Hindi ako henyo para mahulaan kung hanggang kailan ako magiging miserable.
If I made a mistake,then I'm going to say sorry.Ganon kasimple.
pero paano ako magsosorry kung hindi nya binabanggit na nasasaktan ko na sya?
. . .be sensitive,Heira. . .
Am I insensitive? Para na din nya akong inakusahan na wala akong pakialam sa kanya. At ang kaisipan na yon ay para na din nyang pinamukha saken na hindi na nya ako mahal.
Yun ang pinakamasakit sa lahat.
Wala na nga ba ,Xan? Wala na ba?
. . .hindi lang ikaw ang nasasaktan. . .
. . .hindi kayang idaan sa salita ang sakit na nararamdaman ko ngayon. . .
Ano bang nagawa ko?
-
"hey. . ." hinarang ako ni Cyfer.
"excuse me. . ." dadaan sana ako sa gilid pero humarang ulit sya.
Itinaas nya ang mukha ko mula sa pagkakayuko.
"bakit namumugto ang mata mo?"
Hindi ako makapagsalita.
"damn it." hinila nya ako palabas ng mansion. Huminto lang sya ng hilahin ko ang kamay ko.
"tell me what happened."
"You don't need to know."
"I want to know."
"what do you care?"
"isn't it obvious? I care for you kaya ako nagtatanong!"
"bakit ba lahat na lang kayo galit?!" hindi ko napigilang sumigaw. "bakit ba pinaparamdam nyo saken na napakalaki ng kasalanan ko? Ano bang nagawa kong mali?"
"nagalit ba sya sayo?"
Umiyak lang ako ng umiyak. Hindi ko na sinagot ang mga tanong nya.
"I wish I could do something.I would have done something bago pa umabot sa ganto pero. . ." bigla nya akong hinila papunta sa mga bisig nya.
"I hate to see you cry. . ." he kissed my forehead. Nagulat ako sa ginawa nya. Hindi ako nakapag-react. Pero maslalo kong ikinagulat ang sumunod na sinabi nya. "but it feels good to know that I'm the one who comforts you when you cry because of him."
Humiwalay sya saken. "hush now. Maaayos din lahat ng 'to. Magiging okay ka din. . ."
-
Nanatiling nakatatak sa isip ko ang mga nangyari kahapon. Tinarak saken lahat ng alaalang makakapagpasikip ng dibdib ko.
Naglalakad akong mag-isa sa hallway. Wala akong pakialam sa paligid.
"Heira. . ."
"R-ren. . ."
"you need to know something."
"t-tungkol saan?"
"sa lalaking papakasalan mo." his face is grim. For the first time, natakot akong tignan si Ren.
Pero maslalo akong natatakot sa gusto nyang sabihin.
"ano yun? Anong tungkol sa kanya?" I tried hard to sound casual.
Matagal akong naghintay sa sagot nya.
At ng marinig ko yon, para nya akong pinatay gamit ang mga salita.
"hindi ikaw ang papakasalan nya. He's engaged to someone else."
After hearing that,everything went black.
To be CONTINUED. . .
A/N : INTENSE NA BA?
Natuyo po ang utak ko habang ginagawa ko ang update na 'to. XD
Todo todo na ang UD ha. I don't know kung nakakapag-UD pa ako this weekend. I'll try but I'm not going to promise. Kung di ko nagawa then next week na ulit.
PREDICTION GAME FOR DEDICATION. Hoho! Natutuwa akong lalo kaya pagpatuloy ang mga hula. At ang nanalo sa last chapter ay si Miezry - May naging interruption kaya hindi nahuli. HOHO! Galing Galing ! ♥ IKAW NA, BEBE! :* Sayong sayo na ang chap na 'to. :)))))
Lagi po talagang bitin dahil on-going. Kontin tiis na lang.
Itatanong ko lang kung gusto nyo ng book 2. Wala pa sa isip ko pero kung madaming may gusto, I might consider it. Kaya leave your comments below! I'll wait for your answers.
Natutuwa po talaga akong mabasa ang mga comments na may halong emotions. Yung tipong gusto ng maging character ng story ko para mapatay ang kontrabida. Haha! Nakakataba ng puso. Sana di kayo magsawa hanggang sa huli. Konting pasensya po kung bitin o kaya naman hindi makapag-update lagi. Sana po maintindihan nyo.
I write for pleasure at kapag nauunahan ng pressure, I must admit nawawalan po ako ng gana mag-update.Yun lang po. Hehe xD
Godbles s& Lovelots,Readers!
KHIRA1112♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top