WYBHBM ~~ Chapter 55 part 2
WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR.
BOOK 1 of 3 worth : P109.50
You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores nationwide.
-
READ BEFORE YOU VOTE :))
HEIRA POV
"a-ate Heira. . ."
Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Nagsisimula na akong manginig at pinagpapawisan na din ako ng malamig.
Hinila ako ni Xandrea papalayo sa mga nagsisiksikan estudyante. Nagpaakay na lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Gusto ko ng umiyak. . .
"ate Heira, nanlalamig ka." huminto sya at luminga-linga. Siniguro na walang tao sa paligid.
"Heira!" parehas kaming napalingon ni Xandie kay Cyfer. Patakbo syang lumapit samen. Sigurado akong nabasa na din nya ang nakalagay na papel sa bulletin board.
"nakita nyo na ba?" tanong nya samen.
Parehas kaming tumango ni Xandie at umiwas ng tingin.
"hindi ko inaasahang mangyayari 'to. Sino naman ang pwedeng gumawa non?" tanong ni Xandie.
"may pinagsabihan ka ba,Heira?" tanong ulit ni Cyfer.
Sinubukan kong mag-isip kung meron nga akong napag-sabihan. Sigurado naman akong wala pero may pagkakataon ba na nadulas akong sabihin sa iba ang tungkol don? Hindi ko maalala.
Umiling na lang ako at yumuko. Hindi ko sila magawang tignan ng diretso. Parang wala na akong mukhang mahaharap sa kanila. Hiyang-hiya ako.
"kung ganon sinong may pakana nito?"
"maliban sa pamilya,wala namang ibang nakaalam di ba?"
nag-uusap ng tahimik ang magkapatid. Para ngang wala na ako dito. Sumandal ako sa dingding dahil nanghihina na ang tuhod ko. Para akong babagsak anumang sandali. Naiiyak na talaga ako.
"ate wag kang umiyak. . ."
"heira,listen. Maghihinala silang ikaw yon kapag nakita ka nilang ganyan."
Tama si Cy. Pinunasan ko kaagad ang mga luhang nagbabadyang pumatak.
"kailangan nating malaman kung sino ang may gawa nito." naka-kuyom ang palad ni Cy. Nagtitimpi ng galit. Si Xandrea naman ay halatang nag-aalala.
Hindi pa nga natatapos ang mga problema ko, may panibago na naman. Wala akong ibang alam na taong pwedeng gumawa nito. Unang-una, wala naman akong pinagsabihan ng sekreto. Kahit nga kay Rhea at kay Anne na naging matatalik na kaibigan ko, tinago ko ang bagay na yon. Pangalawa,wala naman akong nakaaway. . .o wala nga ba?
Kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari.
"kailangan na nating bumalik sa room. Baka may makapansin pa satin dito."
-
Mabilis na kumalat ang balita. Nalaman ko kay Rhea na nakarating din sa ibang department ang tungkol don. Nagkagulo ang faculty staff at nagalit ang admin ng regular department.
Makakaapektuhan daw ang academy kapag nakarating sa labas ang balita. Kaya naman sila na din ang nagsabi na hindi totoo ang nakalagay na papel sa mga bulletin board. Pero kahit pa pinangunahan na ng mga admin patayin ang balita, madami pa ding estudyante ng AAA ang nagdududa.
Balita ko nga kay Ren, hindi pa din nahuhuli kung sino ang nagdikit ng mga papel. Gumagawa naman ng background checking ang staff para makasigurado.
Ako naman hindi makapag-concentrate sa test. Hindi ko nga magawang masagutan ang ibang mga tanong. Nakikipagtitigan lang ako sa papel. Punung-puno ng problema ang isip ko at hindi ko mahanap don ang mga sagot sa exam namin ngayon. Dagdag pa na ang panghihinang nararamdaman ng katawan ko. Kung di ako magpapakatatag, may posibilidad na bumigay ako.
-BREAKTIME-
Kasabay ko si Rhea papuntang cafeteria.
Maingay ang paligid. Usap-usapan pa din ng mga estudyante ang nabasa nila kanina sa bulletin board.
Hati ang mga pananaw.
Ang ibang estudyante ay naniniwalang gawa-gawa lamang yon at walang katotohanan. Na napagtripan lang ilagay ang mga nakasulat sa papel at idinikit sa bulletin. Siguro'y agad silang nakumbinsi sa mga sinabi ng admin kanina.
May iba naman na naghihinalang pinagtatakpan lang ng school staff ang katotohanan para hindi magmukhang kahiya-hiya ang academy lalo na't maaaring makaapekto dito ang balita dahil may posibilidad din na umabot ito labas.
Ang iba namang estudyante ay wala ng pakialam sa mga nangyayari. Meron din namang mga naniniwala na gustong-gusto malaman kung sino ang estudyanteng tinutukoy na babymaker.
"Naniniwala ka ba don,Heira? Na may estudyante dito sa AAA na baby maker?" tanong ni Rhea habang umoorder kami ng pagkain.Hindi agad ako nakasagot sa tanong nya.
"h-hindi ko alam. . ." sagot ko sabay iwas ng tingin.
Naghanap muna kami ng bakanteng upuan.
"ano ba yung baby maker? Lalaki ba o babae? O both?"
"hanggang dito ba naman usapan pa din yan? Trending ah." biglang sumulpot si Ren sa tabi ni Rhea.
"Kamusta na? Ano ng balak ng mga staff?" tanong ni Rhea kay Ren. Nakatingin lang ako sa kanilang dalawa.
"ewan ko kung anong next step. Pero hinahanap na kung sino ang nagdikit ng mga papel." sagot ni Ren.
"kung sakaling totoo yung tungkol don? Anong magiging action ng admin?"
"kung totoo? Hmm. . .malaki ang possibility na ma-kick out ang estudyanteng yon."
"ma-kick out?!" napalakas ang pagkakasabi ko. May iba ngang napalingon pa sa mesa namin.
"isa lang yon sa possibility. Kung magbibigay sya ng magandang rason, then baka pagbigyan sya ng admin. . .though maliit na chance lang ang meron sya."
Ma-kick out? May possibility na ma-kick out ako?
Nanlalamig ang buong katawan ko.
"so, tuloy ang background checking?"
"chinecheck na ng registrar.Pero parang malabo na makilala kung sino ang estudyanteng yon kung ganon ang paraan na gagamitin nila. Ayoko na ding makialam. Wala naman akong alam sa mga ganung bagay."
"lalaki kaya sya o babae?"
"kung babae yon malamang buntis na yon ngayon."
"e di malaki ang posibilidad na lalaki yon! Kasi hindi naman nabubuntis ang lalaki. Nambubuntis sila. I mean kayo."
"tss. Babae yon. Pustahan pa tayo."
"game! Lalaki yon."
"Babae."
Hinayaan ko na lang magbangayan silang dalawa. Sa ibang pagkakataon baka matawa pa ko sa sitwasyon pero ngayong alam ko na kung anong kahihinatnan ko kapag nalaman ng lahat na ako ang estudyanteng iyon, natatakot na ako. Baka hindi ako maka-graduate. Hindi pa kasama don ang kahihiyan na matatanggap ko. Ano na lang ang idadahilan ko sa admin? Sasabihin ko ang totoo? Idadawit ko si Xan? Hindi ko kaya. . .
Nag-isip akong muli. Hindi na ako baby maker. Kung tutuusin nga hindi ako trinato ni Xan na baby maker. Hindi ko din naman nagampanan kung ano ang naging kasunduan namin noon. Naiba yon ng magpropose sya saken. At dahil iba na nangyayari, lumalayo si Xan - isama ko na si Cyfer na parang ganun din ,hindi ko alam kung sino ang tutulong saken.
"Heira, namumutla ka. Okay ka lang?" puna ni Ren.
"ha? Ano kasi. . .masakit ang ulo ko."
"gusto mo samahan ka namin sa clinic?"
"hindi na." ngumiti ako para i-assure sa kanila na okay lang ako. . .kahit ang totoo ay parang gusto ko na bumigay.
Napatingin ako sa ibang direksyon. Nakita ko si Cy na nakatayo malapit sa exit. Nakatingin sya saken. Hindi ko mabasa ang expression ng mukha nya.
Ilang araw na din kaming di nakakapag-usap. Pagtapos ng prom hindi na nya ulit ako nilapitan. Kanina lang sya nakalapit ulit saken. Hindi ko alam kung lumalayo ba sya o kung wala lang lagi sya sa mood.
"Heira kumain ka na. Hindi mo na naman ginalaw ang pagkain mo." sita ni Rhea.
Tumango na lang ako at sinimulang sumubo kahit wala akong gana.
Lord, pinaparusahan nyo po ba ako?
-DISMISSAL-
"Cy ,saan tayo pupunta ?" kakatunog lang ng bell at agad akong hinila ni Cyfer papalabas ng room. Akala ko hihilahin nya ako papuntang rooftop pero hindi. . .nasa pintuan kami ng. . .
Office ng admin.
Kunot-noong napatingin ako kay Cy.
"Cy, anong ginagawa natin ngayon ."
"Eto na ang pinaka-madaling paraan, Heira. . ."
"ha? Anong -"
"kailangan mong umamin sa admin hangga't maaga."
Lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Gusto ni Cy na umamin ako. . .
Anong gagawin ko ?
" Cy. . ." naiiyak na talaga ako. Hindi ko na mapigilan ang pagtulo ng luha ko. . .
"Don't worry. I'm here, Heira. I won't let you face this trial alone." he gave me an assuring smile. Hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit.
Kaya ko ba ?
To be CONTINUED. . .
A/N : EEEEEHHH! Walang nakahula ng exact na mangyayari. Huhu. Meron nagsabi na iiyak si Heira - natawa talaga ako. Masyadong specific pero nung tinignan ko yung update ko , OO NGA NO ? IIYAK NGA SI HEIRA! HAHAHA! Ang galing nun ha! HAHAHA!
At dahil jan , under_the_rain - ikaw ang nagwagi ! Sayong-sayo na ang chapter na 'to ! Napaka-utak mong manghula HAHA! Para sayo talaga siguro 'to kasi umuulan ng bongga oh. *clap clap* yan lang yung tumama sa napakahaba mong hula. XD
Masyado akong natuwa sa predictions nyo ha. Ulitin natin . HAHA! Hulaan nyo ulit yung mangayari sa next chapter. Ang makakatama, sa kanya ang next chapter. GAME ? Excited na ko! XD
Hintayin ko mga comments nyo! Sure ako may kasama yang word na "BITIN". HOHO! XD
Sa Friday po ng gabi ang next update. Mahal ko po kayong lahat. Ingatsss!
Godbless,readers! Lovelots ♥
KHIRA1112♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top