WYBHBM ~~ Chapter 54

WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR. 

BOOK 1 of 3 worth :  P109.50

You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores  nationwide. 

-

PLEASE PO PAKIBASA ANG NOTE PAGTAPOS BASAHIN ANG UPDATE.

READ BEFORE YOU VOTE

CHAPTER 54

XANDREI POV

Selos pa ba 'to?

Dapat bang balewalain ang mga hinala o bigyang pansin ang kung anong bumabagabag saken ngayon?

I took a sip on my whine.

Hindi ko balak maglasing pero alak lang ang makakapagpamanhid saken.

Yes. Gusto kong maging manhid . . .kahit ngayon lang.

Sobrang gulo ng takbo ng pag-iisip ko kasabay ng sakit na baka nga totoo ang . . .

Natabig ko ang bote ng alak sa tabi ko. Umiikot na ang pangin ko at unti-unti ng sumasara ang mga mata ko.

"totoo ba yun,Heira? Totoo ba yon. . ." sambit ko na parang nasa tabi ko lang sya at naririnig nya ang mga sinasabi ko.

Ayokong maniwala. Sinisigaw ko sa sarili ko na hindi dapat ako maniwala. . .na wala pa kong nakikitang mali, hindi dapat ako mag-alinlangan.

pero pilit ding bumabalik sa isip ko ang mga sinabi ng taong tumawag saken kanina. . .

Kasabay ng aking pagpikit ay ang pagkawala ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan, hanggang sa nakatulog na rin sa sobrang kalasingan.

-

Nagmulat ako ng mga mata. Nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa bintana.

Napahawak ako sa ulo ko. Shit. Parang akong pinukpok ng martilyo.

"Xan. . ." naramdaman kong may humaplos sa mukha ko.

Then I see her face clearly. It's Heira.

"babe. . ."

"naglasing ka daw kagabi. Kamusta pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong nya.

"I'm . . .fine." pinilit kong tumayo. Inalalayan ako ni Heira.

"bakit ka ba naglasing kagabi?"

"Hindi . . .kasi ako makatulog kagabi. Nasobrahan na pala ang nainom ko."

Inabutan nya ako ng tubig at gamot.

"thanks. . ."

"okay ka lang ba talaga,Xan? Para kasing-"

"I'm okay. Hangover lang 'to." pinilit kong ngumiti. She smiled back at me.

Hindi ko napigilan ang sarili ko. I crushed her in my arms and hugged her tight na para bang taon ang tinagal ng di namin pagkikita.

She chuckled. "h-hey. Higpit naman nyan. Haha.Miss mo ko no?"

"yeah. . ." I buried my face in her neck. Inhaling her sweet scent.

"parang kagabi lang tayo nagkita ah!"

"I still missed you." natawa sya ulit.

"Xan talaga. Masyadong sweet."

"How was your PROM?"

"It was great."

"did you enjoy it?"

"of course!"

"e si Cy? Nag-enjoy ka bang . . .kasama sya?" I tried hard to hide my jealousy as I ask her that question. Bat ba ang hirap itanong ng simple ang bagay na yon ?

"super saya. Nakakatuwa kasing makita na nakikihalubilo na sya sa iba di kagaya dati na mag-isa lang sya lagi. Lahat ata ng girls kagabi nakipagsayaw sa kanya. Haha. And alam mo ba? Cy is the Prom king,imagine that?! Inaasar ko nga yun kagabi e. Hahaha."

"d-did he dance with you?"

"uhm yeah. Ako nga last dance nya e. Ewan ko ba dun. Daming trip sa buhay."

"t-that's good to hear." niyakap ko ulit sya at pumikit na lang para di nya mahalata na nararamdaman ko ngayon.

Masaya syang kasama si Cy.

Nag-enjoy sya.

Shit. Ba't parang may masakit na naman sa dibdib ko? Parang kanina lang ulo ang masakit saken pero ngayon parang maskailangan kong indahin ang muling pagbangon ng selos. Gusto ko ng magmura. Bakit kailangang makaramdam ako ng ganto?

Kay Heira na rin nanggaling na masaya sya. Ang masakit lang, hindi ako ang dahilan. Iba. Ang masaklap, kapatid ko pa.

Pilit na namang sumisiksik sa isip ko ang tawag na natanggap ko kagabi. . . Ang mga sinabi ng taong yon.

FLASHBACK

Saktong pag-pasok ko ng bahay ay tumunog ang cellphone ko.

Unknown number.

"hello?"

"hi,baby."

Kumunot ang noo ako. Baby ?

"who's this?"

"tsktsk. De vera,de Vera. Di ko alam na makakalimutin ka pala." tumawa pa ang nasa kabilan linya.

Babae. Boses ng babae ang naririnig ko ngayon. Pamilyar pero hindi ko mapunto kung sino talaga ang taong kausap ko.

"sino ka ba? Bakit mo-"

"chill lang, de Vera."

"dammit! Sino ka ba?"

"hay. Kanina magpapakilala na sana ako pero nagbago ang isip. Seems like the game will be more interesting kung hindi mo alam kung sino ang kalaban mo."

"damn you." I gritted my teeth. "sabihin mo na kung anong kailangan mo. Anong kalaban ang sinasabi mo?"

"oh ,I'm sorry. Hindi mo pala ako kalaban. Actually, ako ang kakampi mo sa larong 'to. . ."

Kalaban? Kakampi? Laro?

"anong ibig mong sabihin?" halos magdikit na ang kilay ko sa pinagsasabi ng babae sa kabilang linya.

"If I were you, I will not trust anyone. . .kahit pa ang mga nakakasama kong tao araw-araw. Or shall I say, mga taong sobra kong binigyan ng tiwala. Tsktsk."

"get it straight to the point!" naiirita na ako sa pinagsasabi nya. Wala akong naiintindihan. . .

"pano kaya kung maagaw na ng kapatid mo ang girlfriend mo?"

Biglang akong nanlamig sa narinig ko.

"w-what?"

"traitors and cheaters clamped together,my dear."

"That's not true. . ."

"pano mo naman nasabi? Kasama mo ba lagi ang girlfriend mo? Nababantayan mo ba sila 24/7? Hahaha! Nakakatawa ka."

"shut up! Sinisiraan mo lang-"

"do you want me to send the pictures to you?"

Natigilan na naman ako. Pictures?

"pictures of what?"

"not what but whom. It was the picture of your love ones cheating behind your back." she laugh evily.

Hindi ako makapagsalita. Wala akong masabi. Hindi ko rin naman alam kung maniniwala ako o hindi.

Pictures. . .

Meron ba talagang. . .

I mean are they really. . .

Mabilis akong umiling. They couldn't. . .wouldn't do that to me.

Lalo na si Heira. Sinisiraan lang sila ng taon 'to.

"I won't believe you." matigas na sabi ko.

"bahala ka. Hindi naman ako ang magmumukhang tanga. And oh ay the way, ipapadala ko pa din ang pictures sa ayaw at sa gusto mo. Bye!"

"wait! What-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil naputol na ang linya. Matagal akong nakatitig sa cellphone ko at napaisip ng malalim.

Sino ba ang taong yon?

Bakit nya sinabi ang mga bagay na yon?

Totoo ba yun o naninira lang?

Kung hindi totoo, bakit kailangan nyang manira?

Kung totoo naman. . .

Hindi ko na tinuloy ang pag-iisip dahil ayoko ng dagdagan pa ang bigat ng nararamdaman ko.

Pero mali ata ako dahil habang tumatagal lalong akong nasasaktan.

Pictures?

Totoo rin kaya yon?

END OF FLASHBACK

Sa ibang pagkakataon, tatawanan ko lang ang sinabi ng babaeng nakausap ko sa phone.

Pero dahil nangingibabaw na din ang selos, di ko maiwasang magtaka at malito.

Sino ba talaga ang totoo?

HEIRA POV

May hangover pa din si Xan. Ako na ang nag-asikaso sa kanya dahil nga masakit pa rin daw talaga ang ulo nya.

Bakit ba naman kasi naisipang uminom pa. Ngayon ko lang nalaman na pampatulog pala ang alak.

Pero ngayong araw na 'to napansin kong parang may kakaiba kay Xan. Parang malungkot sya dahil kanina nakatulala lang sya at nakatingin sa malayo. Nung tinanong ko naman kung may problema ba sya,nginitian lang ako at sumagot ng "wala, hangover lang 'to." tell me, ganun ba talaga ang hangover? Nakatulala lang at parang may malalim na iniisip?

*sigh*

Dumako naman ang tingin ko sa phone ko. Kanina ko pa tinatawagan si Jen pero puro voice prompt naman ang sumasagot. Nag-aalala din ako sa babaeng yon. Sabi nya kasi nasa ospital sya. Hindi rin sya nakaattend ng prom. Later ko lang din narealize na hindi na ata pumasok si Jen last week dahil di ko na sya nakakakitaan sa school. Ano na kayang nangyari sa kanya?

Napatitig naman ako kay Xan na mahimbing na natutulog.May problema ba si Xan o ang OA ko lang talaga?

Nag-decide akong bumaba muna.

Nakita ko si Cy na pumasok at mukhang nagmamadali.

"Cy!" napalingon sya saken at mukhang nagulat. Wow,for the first time, nagulat ko si Cy. Hahaha. Dati sya ang nagnggugulat saken,eh.

"saan ka galing? Ba't parang nagmamadali ka?"

"wala." umiling si Cy at tuloy-tuloy ulit na naglakad.

Weira naman ng mga tao ngayon.

Seryoso, mukhang galit si Cy. Bakit naman? May nakaaway ba yun? Baka masama lang ang gising nya? At dahil nga curious ako kung anong nangyari, sinundan ko sya.

"oy. Problema mo?"

"wala. Wag kang makulit."

"wala e parang nalugi ka sa negosyo. Seryoso ,Cy?"

Badtrip kaya sya saken dahil inasar ko sya ng inasar kagabi ?

Huminto sya at tumingin saken.

May pag-aalinlangan sa kanyang mukha.

Sa huli,tinalikuran nya lang ulit ako at mabilis na umakyat ng hagdan.

Ay grabe na ang ka-weirdohan ah! -.-"

Ano nga kasing meron?

Bakit parang nakakaramdam ako ng tensyon?

Ayaw naman nilang magsipagsalita.

Hindi naman ako manghuhula para hulaan jung may problema ba sila o wala.

Mga tao nga naman .

CYFER POV

Itinapon ko sa kama ang mga hawak ko.

Shit. Shit. Shit.

Napasuntok ako sa pader dahil sa sobrang galit.

Galit para sa taong umaaktong biktima pero sa uli sya pala ang manloloko.

Hindi ko na pinansin ang sakit ng kamao ko. Masnangingibabaw ang galitna pinipigilan kong lumabas ng makasalubong ko si Heira.

Napatingin ako bagay na inihagis ko sa kama Mga pictures.

Pictures ni Xandrei ...

...na may kasamang ibang babae.

Sigurado akong sa Canada kinunan ang mga litratong yan .Yung pagkakataong pinaubaya nya saken si Heira para ayusin ang problema nyang hanggang ngayon ay sila lang ni Ate Xandra ang nakakaalam.

Pero iba pala ang ginawa nya sa Canda.

Isa sa mga litrato ay kahalikan nya yung babae.

Tangna.

Paano nya nagawa ang bagay na yon gayong alam nya naman na may isa pang babae na naghihintay na bumalik sya ? Hindi ba nya naisip ang mgararamdaman ni Heira kung sakaling malaman nito na may kasama syang iba ?

Gusto ko syang kumprontahin . Gusto kong malaman ang dahilan . I care for Heira at hindi ko hahayaang gaguhin lag sya ng kahit na sinong lalaki ,kahit pa nakatatandang kapatid ko si Xandrei.

Nung tinanong ako ni Heira kanina , gusto ko ng magsalita. Gusto kong sabihin sa kanya kung anng nalalaman ko but I was torn between saying the truth and hurting her feelings.

Hindi ko alam kung makakatulong ako o makakagulo sa sitwasyon . Hindi ko rin mapagdesisyunan kung magsasalita ba ako o hayaan lang na maloko ang taong mahalaga saken.

Anong gagawin ko sa mga litratong to ?

Isa pang gumugulo saken ay kung sinong nagbigay nito sa guard. Kung di ako ang nakakuha nito , may chance na makita 'to ni Heira.

Ang gulo.

Akala ko aayos na ang bagay na 'to. Pero hindi pala , lalong gumugulo at lalo akong naguguluhan .

At kapag ganto ang sitwasyon , hindi maiiwasang may masaktan ng sobra.

Ironically , ang taong walang alam ang pinakamasasaktan sa huli.

Walang ibang tao ang sasalo ng sakit na mararamdaman ni Heira kung matutuklasan nya ang ginawa ni Xandrei at ang pagtatago namin ng katotohanan sa kanya .

Wala na ba talaga akong magagawa ?

To be CONTINUED. . .

A/N: Hellooooooo, readers ! Long time no update. xD

Ano na musta na buhay buhay natin jan ? SHARE! HAHA! Kung di pa masususpend di ako makakapag-update eh xD

Pagtapos ng exam mag-u-update ako ulit. One week lang yun then baka mag-regular update na ulit ako kaya wag kayo mainip. :*

Namimiss ko na yung mga dati kong kausap dito sa watty. Huhu ! Sa phone lang lagi ako online and hindi ako makareply sa mga messages.

Saka pasensya na kung matagal ha ? Madami kaming activities at tadtad kami ng proj kaya sorrrryyyyy talaga.

Sa mga gustong magpa-dedic, message me na lang . Mababasa ko naman yan kaya lang hindi ako nakakareply though I appreciate your effort na magmessage lalo na yung mga mahahaba ang nilalaman . NYAHAH! So touch :">

Pagulo na po ng pagulo ang takbo ng istorya. Di pa po ba kayo nahihilo ? Djk. Sana hindi pa kasi may mga susunod pa pong twist e. xD

At yung mga balimbing jan a ! HAHAHAHA! Di ko talaga malaman kung sino ang SOLID na XEIRA at CYRA.

So, ngayon tatanungin ko kayo kung sino ba talaga ang masgusto nyo para kay Heira . CYFER or XANDREI ? :D Hihintayin ko comments nyo ah !

Haba na naman ng note ko Pagbigyan nyo na ! Minsanan lang naman e xD

Happy 1m reads saten ! KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Eto ang achievement !

Meron din po akong bagong story - MY IMAGINARY BOYFRIEND TURNS REAL . Sana po masilip nyo man lang . HAHAHA! 

Promote ny pa po itong WYBHBM ha ? :D Para dumami ang kampon naten . Saka salamat sa matyagang paghihintay sa update ng makupad na author. I Love You ALL !:*

Godbless :)

KHIRA1112♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112