WYBHBM ~~ Chapter 50 part 3
WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR.
BOOK 1 of 3 worth : P109.50
You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores nationwide.
-
A/N : MAHABANG CHAPPY FOR ALL OF MY READERS!
600k reads and 9k votes? AWW. :""">
Pambawi ko na 'to ha? Alam nyo namang busy talaga ako pag pasukan.
All I want to say is THANK YOU. Sa support, compliments at touchy comments nyo. Pinakikilig nyo ako. HAHAY. :">
Di ko na 'to papahabain.
Here is the update ~
XANDREI POV
Kinamayan ko ang mga lawyers na nasa harap ko. Pagtapos ay nginitian si Mr.Tamaki.
"thank you,Sir."
Gumanti lang ng ngiti si Mr.Tamaki at tumango.
Wala ng bisa ang addendum. Sa harap ng board members ng ASYLVIAR kasama ang mga abogado ni Mr.Tamaki at si Atty.Delgado sa panig ko who witness the meeting through videophone, opisyal na pinawalang bisa ang addendum.
"You're free now. Thank you for your effort,Xandrei de Vera. Hindi ko alam kung ano ba ang masbibigyan ko ng timbang,ang nagawa mo saming mag-ama o ang manghinayang na umurong ka sa addendum, cause I honestly like you for my daughter." nakangiting sabi nya.
"You'll give me a favor kung pipiliin mo ang una." I said then chuckle.
"Malinaw naman ang napagusapan natin sa meeting di ba? May bisa na ulit ang last will ng papa mo. Alam mo na ba ang gagawin mo?" nababahalang tanong nya. Concern din ba sya sa bagay na yon?
"I have plans. . ."
"plan of marrying or making a baby?"
"maybe both." I grinned.
"goodluck, Xandrei. Wag mong sayangin sa wala ang tiwala sayo ng papa mo. Hindi mo naman pababayaan ang mana mo di ba? Hindi lang kumpanya nyo ang pinaguusapan dito,kasama na ang mga empleyado at ang mga kapatid mo."
"I know,Sir. I'll do my best."
"Glad to hear that."
Sandali pa kaming nag-usap pagtapos ay lumbas ng conference room.
Nasa labas pala si Miyu at naghihintay.
She kissed her Dad's cheeks and turned to me.
"finally free?"
I smile at her.
"want to celebrate?"
"that's what I'm going to say."
"haha. Treat mo ko ha?"
I nod and smile again.Hindi ko matanggal ang ngiti sa mga labi ko.Para akong binigyan ng regalong matagal ko na gustong makuha.
Sa kaso ko ngayon, malaya na akong bumalik sa Pinas. Bukas. Bukas na bukas din aalis na ako ng Canada.
"Saan mo balak mag-celebrate?"
"any suggestions?"
"mag-bar na lang tayo."
Pft. Akala ko naman nagbago na 'tong si Miyu. Old habits are hard to die ,eh? Haha.
I oblige. Last naman na 'to,eh.
"oh don't worry. Afria is a decent bar. Let's go."
Nagpahatid kami sa driver ng Daddy ni Miyu. May di nga pala ako nasabi sa inyo. Ako na lang ang nag-i-stay sa hotel. Nang magkaayos kasi ang mag-ama, lumipat si Miyu sa bahay ng Daddy nya.
Nung nakarating kami sa Afria, hindi gaanong madami ang tao.
Pagtapos umorder humarap si Miyu saken at nginitian ako.
"sooo,are you happy?"
I grinned at her. "Very."
"That's good to hear. We're quits."
"quits?"
"you helped me and I helped you. Now, I'm happy and you are happy too."
"yeah. Pero wala naman akong gaanong naitulong."
"tss. Wala daw. Hindi kami magkakaayos ni Daddy kung-"
"Hindi kayo magkakaayos kung nagmatigas ka.You see,hindi naman ako ang humawak ng desisyon. Ikaw pa din."
"pero in-encourage mo ako. You trusts me more than I trusted myself. That's my point. Akalain ko bang may makakaintindi pa saken kahit naging ganon ako."
"yan naman yung totoong ikaw di ba? I'm glad na pinakita mo yung totoong Miyu."
"but honestly, I missed our fights." she chuckled. Natawa naman ako.
"yeah. Yeah. Nakakamiss yung mga sigaw mo. Yung pagka-utak fetus mo at yung katangahan mo."
"WHAT DID YOU SAY?!" =__=
"HAHAHA! O ayan. Di ko na namimiss. Pinakita mo na naman. HAHAHA!"
"whatever." she rolled her eyes upward.
"hahaha. And I also miss those rolling eyes."
"yeah.yeah. Stop teasing me. Sumbong kita jan sa girlfriend mo,eh. Andami mong namimiss saken pero sya di mo namimiss. Hahaha."
"you are very much mistaken. I missed her more. Tsk. Yan. Binanggit mo pangalan nya. Nami-miss ko sya lalo." =__=
"sasabay naman ako sayo bukas. Pwede mo ba akong ipakilala sa kanya?" *__*
"no way."
"bakit naman?" *__* turns =__=
"e anong sasabihin ko? That you are my exfiancee at magkasama tayo dito sa ng mahigit dalawang linggo? Utak fetus pa din." =__=
"tse! Kung meron mang may utak fetus dito,ikaw na yon. Bakit kasi tinago tago mo pa yung totoo sa kanya? E kung walang nangyari sa pagpunta mo dito sa Canada? Ano na lang magagawa mo para sa kanya? Ayy,Xandrei. Hiyang-hiya ang utak ko sayo."
"feeling mo naman. Hindi ganon kadali yun no. Mahal ko yun. Mahal na mahal. . ."
Napatingin sya ng matagal sakin.
"sabi ko nga sayo dati, baka iwan nya ako pag sinabi ko sa kanya."
"mahal ka din ba nya?"
"of course!" confident na confident na sagot ko.
"weh? Pano mo nalaman?" =__=
"nakikita ko, nararamdaman ko,sinasabi nya, pinapakita nya, pinararamdam nya. Ano pang gusto mong dahilan?"
"yabang ng dating mo,ah. E di ikaw na may girlfriend! Tse! Magkakaboyfriend din ako!"
"kawawa naman ang magiging boyfriend mo. Hahaha!"
"heh! Kawawa ka jan. Kung meron mang kawawa dito, girlfriend mo yon. Itago ba naman ang totoo sa kanya? Tss.Saka di ba, if you really love someone,you'll fight for her/him. Sabi mo naman mahal ka naman nya. E di ipaglalaban ka non!"
"hayst. Hindi kasi sya ganon. . ."
"e? Di ka nya ipapaglaban? Psh. Weak naman pala yang girlfriend mo."
"HINDI SYA WEAK." =__=
"o e ano lang?"
"pano ko ba i-e-explain sayo. . ." nangangati ang kilay ko dito kay Miyu. -__-
"ganto kasi yan, yung better but sad truth about love. Masusukat mo ang pagmamahal sayo ng isang tao kapag nagsakripisyo sya para sayo. Nakakagawa na tayo ng mga bagay na hindi man natin gusto ,napipilitan pa din tayo dahil kailangan. Yung mga totoong nagmamahal, hindi lang laban ng laban yan. Minsan nagpapatalo sila on purpose."
"on purpose?"
"ang hirap i-explain sa salita. Sabihin na nating hindi lahat ng nanalo matatapang. Sa pag-ibig, yung mga natatalo sila ang masmatatapang. Alam mo kung bakit? Kasi nararanasan nila yung sakit na para kang pinapatay pero wala ka namang natatamong sugat. Hayst. Ano ba tong mga words ko masyadong malalalim. Ang gusto ko lang i-point out, mahal din ako ng girlfriend ko. Isa sya sa mga taong nabanggit ko sayo. Pipiliin nyang masaktan na lang kesa ako yung mawalan. You see, hindi lang sya basta basta lumalaban. Yung pain na i-i-endure nya,masmasakit pa sa pisikalan. Pag sinabi ko sa kanya ang buong detalye, malamang sa malamang, iiwan nya ako. Lalo na pagnalaman nya na mawawalan ako ng mana at mawawala din samen ang kumpanya pag di ako sumunod sa nakasaad sa addendum."
"masisisi mo ba ako kung bakit di ko masabi-sabi sa kanya? Natakot lang naman ako na mawala sya. Natakot ako na magdesisyon sya at wala akong magagawa. Nangako pa naman ako na magpapakasal kaming dalawa tapos. . .tapos malalaman nya na lang magpapakasal pala ako sayo. . .sa ibang babae. Hangga't kaya kong gumawa ng paraan para di sya masaktan ng todo, gagawin ko."
I sipped on my wine. Nakatingin lang si Miyu sa wine nya.
"Na-neglect ko sya simula ng dumating ka. Masnaasikaso pa kita kesa sa kanya. Hindi ko nga maiwasang maguilty. Ang sabi ko na lang sa sarili ko,babawi ako pagtapos na ang mga problema ko."
"alam kong nasaktan ko din sya bago ako umalis at pinipilit nyang itago saken yon. Ayoko lang mahirapan syang lalo. The less pain she will take, the better. Ewan ko ba. Para kasing may chord ang damdamin ko sa damdamin nya. Pagnasasaktan sya,nasasaktan din ako."
"Ayokong iwan nya ko. Yun ang sakit na iniiwasan kong maramdaman. Kasi sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gagawin ko pag iniwan nya na ako. . ."
I chuckle again at tumingin ulit sa kanya.
"ang dami ko atang sinabi. Sorry. Hindi ko lang napigilan. Gusto ko lang maintindihan mo kung bakit ayokong sabihin ang totoo."
"ang lalim mo pala."
"huh?"
"dumugo ata ilong ko sayo. Ang lalim ng tagalog mo."
"e naintindihan mo ba?"
"hindi nga e."
"psh. Nagsayang lang pala ako ng laway." =__=
"joke lang. Kahit papano naintindihan ko no. Hindi ako kasing utak ng fetus kagaya ng lagi mong pinangaasar saken bwisit ka." =__=
"hindi kita mapapakilala sa kanya kagaya ng nire-request mo. Maybe in the future.Makukwento ko naman siguro ang lahat ng 'to pag mag-asawa na kami."
Hindi sya umimik ng matagal. Malalim na nag-isip.
"sige na nga. Di na kita kukulitin. Gusto ko lang naman makita sya. May picture ka ba nya?"
I nod.
"patingin ako." *__*
Ang kulit. -__-
Para wala ng magulo,pinakita ko na sa kanya yung picture ni Heira sa cellphone ko.
"simple but pretty. . .what's her name?"
"Heira."
"Heira. . ." she smiled a little at binalik saken ang cellphone ko.
"kung yang mga sinasabi mo ang pagbabasehan ko, ang swerte mo sa kanya."
"I know. . .kaya nga ayoko ng pakawalan."
"invite mo naman ako sa kasal." *__*
"hahaha. Pagiisipan ko."
"tss. XANDREI KJ FOREVER."
"maiba ako. Ikaw? Ano na? Sabi mo masaya ka?"
MIYU POV
Grabe. Mahal na mahal talaga ng bakulaw na 'to ang girlfriend nya.
Heira. Yun yung pangalan nung babae.
Nung nakita ko yung picture nung girl di ko alam kung paano ko ide-describe ang nararamdaman ko.
Alam nyo yung biglang may naninikip ang dibdib? Bigla akong nahirapan huminga.
Tintigan kong mabuti yung picture.Maganda. Simpleng-simple at mukhang inosente.No make-up. Totoo ang ngiti. Parang kahit sino maaakit sa kanya. Ganto pala ang tipo ni Xandrei.
*sigh*
Hindi ko maiwasang hindi ikompara ang sarili ko kay Heira. Maganda ako pero sopistikada. Nag-eeffort akong magpaganda. I don't have that kind of innocence look. I'm fierce. Magkaibang - magkaiba.
Teka. Iba na 'to. Erase. Erase.
Hirap ,eh. Ewan.
Ah sige na nga. May aaminin ako.
Kung. . .kung nakilala ko lang si Xandrei sa ibang sitwasyon, baka maaga kong nakilala ang tunay na Xandrei. Yung Xandrei na sobra magpahalaga sa mga taong mahal nya.
Ah basta. Nanghihinayang ako. Sobra.
Kasi naman! Isa lang talaga ang kilala kong bakulaw na nag-e-exist. Si Xandrei lang ang bakulaw na halimaw magalit, tila naka-megaphone kung sumigaw at tinalo pa ang pari kung magsermon.
Pero yung may side sya na RARE. Na iisipin mong wala ka ng makikitang lalaki na katulad nya. Lalaking malawak mag-isip, malawak ang pang-unawa, matalino at maparaan, mabait na hindi, nakakainis kahit walang ginagawa, nakakapikon kahit walang sinasabing masama, nakakaasar kahit di ka naman inaasar, gwapo kahit ayoko talagang aminin, mayaman pero sa tingin ko masmayaman ako at huli nakakainlove. . .
Nakakainlove sya kahit hindi nya gustong mahulog ka sa kanya. . .
Ah wala na! Buking na ko. -__-
Oo na,please lang! Ayoko nang maging kontarbida pa. Sawang sawa na ko sa kakabasa ng comment nyong 'i hate,Miyu'. Kasalanan ko bang mahulog ako sa kanya? Alam ko namang may mahal yan,eh. Sinabi nya di ba? May pinaglalaban sya. Hindi ko lang maiwasang mahulog sa taong lagi kong nakakaaway.
Sa dami ba naman ng nagawa nya para saken, paanong di nya makukuha ang atensyon ko?
Yung mga sinasabi nya tungkol sa girlfriend nya,nakakainggit.
Yeah, abnormal siguro ako. Naiinggit ako sa taong di ko pa nakikita ng personal.
Imposible namang magkagusto saken si bakulaw. Tanggap ko yon. Wala din naman akong balak tanggapin ang script na 'taga-agaw.' Tss. It's for cheap actresses only. I'm not cheap and I'm not an actress.
Saka malay ko ba kung false alarm lang. Baka di ko naman talaga gusto si Xandrei. Na baka idol ko lang sya kasi ang dami nyang natulong saken.
Sana next life time, maging kami. JOKE. HAHA! CORNY. =__=
Tanga ko kasi. Mahuhulog na nga lang, dun pa sa di ka naman sasaluhin. Tanga mo,Miyu. Napakalaking mong tangang maganda!
Kapag nakakita kayo ng tulad ni Xandrei,ireto nyo agad sa akin. Babayaran ko kayo kahit magkano.
Ngumiti ako at binalik ang cellphone nya. Baka pag pinatagal ko pa ang pagtitig don,mainsecure pa akong lalo.
"kung yang mga sinasabi mo ang pagbabasehan ko, ang swerte mo sa kanya." sabi ko. Pero para saken, mas swerte yung babaeng yun. May XANDREI na pwedeng maging model ng almost-perfect-world. Napakaswerte nya dahil mahal na mahal sya ni bakulaw.
"I know. . .kaya nga ayoko ng pakawalan." pag ako, nakakita ng mashihigit sa kanya, hinding hinding ko na din sya pakakawalan - isip isip ko.
"invite mo naman ako sa kasal." *__*
"hahaha. Pagiisipan ko."
"tss. XANDREI KJ FOREVER."
"maiba ako. Ikaw? Ano na? Sabi mo masaya ka?"
Natigil ang pag-inom ko.
"halata namang masaya ako di ba?" masmasaya sana ako kung naghng akin ka - stop it,Miyu. Sobrang corny mo na. =__=
"bakit sasabay ka pa saken pauwi ng Pinas?"
"naatat akong makita ulit mommy ko."
Tumango tango sya. Hindi na nagbanggit pa ng kung ano.
Eto pa ang isang bagay na nagustuhan ko sa kanya. He respects my privacy,my personal life.
Hindi sya magtatanong hangga't walang kinalaman sa kanya . Magtatanong lang sya kapag nakita nyang may mali sayo at kailangang kailangan nya na ng impormasyon. Xandrei de Vera, Y SO UNIQUE? Takte ka! Pinapataas mo ang standards ko. Hindi ko na ma-reach. -__-
Mabalik tayo sa usapan.
Yung araw na nagkaayos kami ni Daddy, ang dami nyang sinabi saken. Nakakatamad nga lang isa-isahin.
Alam nyo ba, dati nung bata ako, pangarap kong maging architect. Kumuha lang ako ng ibang course dahil nag-iisang anak ako ng kilalang businessman at inaasahan ng lahat na susunod ako sa yapak nya. Dahil na din sa gusto kong i-please si Daddy as usual, nagtake ako ng business Ad. Yun nga,di ko naman natapos dahil nagkanda-leche leche ang buhay ko.
Nung nakita ko ang ASYLVIAR, napaiyak ako dahil ang building structure na yon ay isa sa mga masterpiece ko. Kahit di ako nag-aral ng Architecture, ginagamit ko pa din paminsan minsan ang talent ko sa pagdadrawing. May isang sketchpad ako na puno ng sketches. Mga house and building structures.
Kwento ni Dad, nung umalis daw ako ng Tokyo, nakita nya ang sketchpad ko na yon. Pinagawa nya ang ASYLVIAR base sa naiwan kong sketch.
I'm touch. Syempre,akin yon e. Gawa ko yun. Doon ko narealize na kahit papano, may pagpapahalaga si Dad sa akin.
Madami syang nakwento . Hindi na nya binanggit saken ang aksidenteng nagawa ko noon. He said we need to move on and forgive ourselves. Meron din tungkol sa mga nangyari 3 years ago at sa totoong Mom ko.
Nagkasundo kami ulit at nagkaroon sya ng time na bumawi sa akin.
Namamasyal kami at naiiwan nya ang trabaho nya kay Xandrei. WHAHA! Kawawang KJ na bakulaw. Napahipan ng husto ni Daddy.So,ayun. Dahil nga madami syang nabanggit saken tungkol sa totoo kong Mommy, sinabi ko sa kanyang gusto kong umuwi sa Pinas.
Pumayag naman sya pero sa una medyo nagalangan pa nga yun e.
Ready na lahat ng gamit at ticket ko. Babalik na kami ni Xandrei sa Pinas.
"Xandrei. . ."
"what?"
"thank you." mahinang sabi ko.
Thank you sa lahat. Thank you para sa napakaraming rason at dahil tinatamad ako ,ayoko nang isa-isahin.
"ano yun? Hindi ko narinig ."
"WALA! ANG BINGI MO SOBRA!"
"wag ka ngang sumigaw. Nakakahiya ka. Dumadami na mga tao,oh." =__=
"o e ano?" HAAY. Mamimiss ko 'to. Hangga't andito pa sya,isa lang ang gagawin ko. AAWAYIN KO SYA! WHAHAHA! Susulitin ko na ang mga araw na mapipikon, maaasar at maiirita sya saken. HAHAHA!
Bakit ko 'to ginagawa?
Simple lang. . .
Mamimiss ko 'to eh. Mamimiss ko si Xandrei.
~
"oy Rolling eyes na utak fetus! Haish! Napakakupad mo! Maiiwan na tayo ng eroplano oh!"
"wag kang OA jan! Baba na nga ako ng kotse eh! Napaka mo talagang bwisit ka." =__=
Eto na. Flight na namin. Parang kagabi lang nasa bar kami at nagsicelebrate.
"tsk. Ang dami pa kayang checkings sa airport!" binitbit nya ang maleta nya. Iniwan nya ang maleta ko. Ah bwisit sya. May pagkakataon talagang ungentleman 'tong si bakulaw.
"sus! Mukha mo! Excited ka lang makauwi. Lol. Kahit anong gawin mo. 15 hours pa din ang byahe natin. WAG KANG ATAT!"
"dami mo satsat! Tara na!" inis na sabi nya.
*smirk* inis na inis na sya! NYAHAHA! Good! Kagabi pa yan badtrip saken ,eh. HAHA!
Bagot na bagot si Xandrei sa paghihintay. Parang tanga sya. Kulang na lang mag-ala superman makabalik lang ng Pinas ng maaga. Muntimang. =__=
Kaya eto, asar pa din ako ng asar. Minsan sumasakay sya sa biro. Minsan kulang na lang suntukin nya ako sa inis. NYAHAHA!
After 2 hours, yun! Sasakay na kami ng eroplano.
Bagot pa din sya. Nyenye! Buti nga sayo. Atat na atat ka kasi umalis.
Aish. Ako naman wala ng magawa. Andito na e. Sulitin na lang.
15 hours to go hello Philippines na at Goodbye Xandrei.
Aish. Doraemon, pahiram nga muna ako ng time machine. Ibabalik ko na lang pagready na kong i-let go si Xandrei . Huhu- YUCKIE DRAMA. Hay,Miyu. Hindi yan bagay sa drama mo.
"pwedeng kumalma ka naman. Para kang naiihi na ewan jan eh."
"dont mind me. Umupo ka lang jan. Maglaro ka sa Ipad mo. Matulog ka,kumain. . .wag mo na ko pakialaman dito."
Ay ang sungit. =__=
"ang sungit mo ha. May dalaw ka ba?"
He glared at me. NYAHAHA! Nakakatuwa talaga pag napipikon ko sya!
"pwede manahimik ka na lang?"
"ayoko nga. Hahaha! Nyenye!"
"aish. Tumalikod sya saken."
Ay bastusan to the max lang no?
XANDREI POV
Eto na. Andito na kami sa eroplano. Takte naman oh! Bakit ang tagal lumipad nito? Inip na ko,eh! Nakakainis.
Lalo akong naiinis tuwing magsasalita si Miyu. Baliw na 'tong katabi ko. Kagabi pa sya nangaasar at hindi ata ako titigilan. =__=
15 hours. . .
15 hours pa. . .
ANG TAGAL NAMAN OH! ATAT NA ATAT NA AKONG MAKITA SI HEIRA!
~
Feb 13. Finally, andito na kami sa Pinas. Whooo!
Kung ako lang ang nandito, kakalimutan ko na ang bagahe at uuwi na ako agad. ^__^
Pero hindi eh. =__=
Kailangan ko pa din ihatid tong si Miyu. Hindi pa nga nya sinasabi kung saan sya tutuloy.
Nang makuha na namin ang mga maleta namin, hinarap ko sya.
"ano? Saan ka tutuloy? Ihahatid muna kita."
"nagmamadali ka ba?" hindi nya sinagot ang tanong ko.
"uhm medyo. . ."
"10am pa lang naman. Baka pwede mo muna akong samahan?"
"huh? Saan?" aish. Uwing-uwi na ako oh.
"puntahan si Mommy. Sandali lang tayo dun. Promise. Last na favor ko na 'to."
Mahihindian ko pa ba? Last na daw 'to. Tama sya. Pagtapos nito, maghihiwalay na kaming dalawa.
"okay."
Ang nangyari, dumiretso muna kami sa condo para iwanan don ang mga gamit namin .
Pagsakay namin ng taxi, may binigay syang papel sa driver.
"ano yun?"
"yung lugar kung nasaan si Mommy."
"saan nga ba?"
"malalaman mo din mamaya." ngumiti sya.
Hindi na ako nagtanong ulit. Baka sabihin nya kinukulit ko sya. Malalaman ko din naman pag huminto ang taxi.
Ang kinagulat ko lang ng huminto nga ang sinasakyan namin sa harap ng cemetery.
"dito?" gulat na tanong ko.
Lumingon si Miyu at ngumiti.
Sabay kaming bumaba. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Kung magtatanong ba ako o ano. Wala talaga akong ideya. Kung meron man akong nararamdaman ngayon, pagkagulat yon. Ang akala ko kasi. . .
Nakita kong may kinausap na naman sya. Isang matandang lalaki.
"Ako yun,hija. Bakit? May kailangan ba kayo?" sagot ng lalaki at pinaglipat-lipat ang tingin samen ni Miyu.
"saan po ang puntod ni Miyana Romero?"
"kaano-ano mo sya,hija?"
"a-anak nya po ako."
Nagulat ata ang matandang lalaki sa sinabi ni Miyu pero hindi na ito muling nagtanong. Naglakad ito at sinabihan kami na sumunod.
Nung huminto ang matanda ,lumingon sya samen.
"ikaw pa lang ang pangalawang taong nakikita kong bumisita sa puntod na 'to."
"pangalawa po?"
Tumango ang matanda. "meron ditong lalaki na dumadalaw dati pero taon na din ata ang lumipas. Hindi ko na maalala. Asawa nya siguro." Si Mr. Tamaki yata ang tinutukoy ng matanda. "Maiwan ko na kayo ,hija."
"sige po. Salamat po,manong."
Umupo si Miyu sa harap mismo ng puntod.
"Hi Mommy. I'm here na. Sorry. Medyo natagalan ang pagpunta ko. Ahm. . .atleast di ba nakapunta pa din ako?" she chuckled. Yung tawa na yon may kahalong lungkot at walang buhay. "Ahm. . .ang andami kong sasabihin sayo,eh. Hmm, alam mo naman siguro ang mga nangyayari saken di ba? Kahit. . .kahit hindi mo ako nakasama kahit minsan, alam ko lagi mo akong binabantayan."
"sorry,My. Wala akong dalang flowers. Nakalimutan ko,eh. Gusto ko kasi agad pumunta dito. Next time,magdadala na ako. P-promise yan." gumagaralgal na ang tinig nya.
Nakalimutan nya na siguro ang presensya ko. Nakikita ko na naman ang Miyu na mahina at iyakin. Fragile is the right word.
Buong akala ko buhay ang mom nya. Sabi nya kasi excited syang makita ang Mommy nya,eh. Ineexpect ko pa naman na makakaharap ko ito pero. . .iba pala ang pupuntahan namin.
"Miyu. . ." umupo ako sa tabi nya . Hindi sya lumingon saken.
"sorry. Dapat hindi na kita sinama dito. Narinig mo tuloy ang mga sinabi ko. . ."
"dapat sinabi mo saken bago pa tayo umalis ng Canada. Akala ko tuloy . . ." hindi ko na nasabi pa ang nasa isip ko. Huminga ako ng malalim.
"nagulat din ako ng malalaman kong wala na sya. . .sabi ni Daddy, matagal na daw wala si Mommy.8 years na syang wala. . . She had cancer."
"two years ago lang daw nalaman ni Daddy ang tungkol sa pagkamatay nya. Nung lumayo ako at narealize nya ang mga mali nya, napagpasyahan nyang hanapin si Mommy at kung wala itong bagong pamilya, yayayain nya itong magpakasal para saken.Para mabuo ang pamilya namin. . .pero huli na pala ang lahat. Nalaman nya na nagkasakit ng malubha si Mommy at. . . hindi nya ginustong magpagamot pa. Dahil na din sa matinding depression dahil sa mga nangyari sa kanya.Pinili na lang nyang mawala ng maaga.Nalaman yon ni Daddy sa malapit na kaibigan ng mommy ko."
"that gave me a chance to ask him why he hated Mom when I was little. Bunga lang daw ako ng pagkakamali. Totoong bayarang babae si mommy pero minahal nya din si Daddy ng totoo. Nang pinagbuntis nya ako,hindi nya yon pinagsisihan dahil mahal naman nya si Daddy, yun nga lang, mababa ang tingin sa kanya ni Dad. For him, she was a gold digger. She just wanted to trapped him by her pregnancy. Natakot naman si mommy para sa kinabukasan ko. Anong mangyayari saming mag-ina? Iisang trabaho lang ang alam nya at tinigil nya yon ng may mangyari sa kanila ni Dad. Kaya ang ginawa nya, pagtapos nya akong ipanganak binigay nya ako kay Daddy. Tinanggap ako ni Daddy pero tiniyak nya na walang karapatan saken si Mommy legally. Yun yung dahilan kung bakit hindi sya makalapit man lang saken."
"ang haba ng story no? Masyadong madrama. Pwedeng pang-MMK. Ang kaso lang,totoong nangyari ang mga bagay na yon. Kahit pa magsisi si Dad sa mga naging maling desisyon nya noon ,wala ng mangyayari. Walang magbabago. Ang tanging magagawa na lang nya ay humingi ng tawad at tanggapin ang mga pagkakamali nya . . ."
Hindi ako makaimik. Sa kwentong narinig ko mula sa kanya, hindi rin biro ang mga nangyari sa mga magulang nya.
"natanggap ko na hindi ko na sya makakasama. All I can do is pray for her soul."
Hinawakan ko ang kamay nya.
"I'm sure she's happy now. You're finally here. Masaya din sya dahil nakikita ka nyang masaya at okay na kayo ng Daddy mo."
Ngumiti sya . "I know."
Ilang sandali pa kaming nakaupo don. Nagk-kwentuhan ng maayos. Walang biruan at awayan. Respeto na din sa parte nya. Wala namang kaso saken yon. Sa tingin ko naman, okay na si Miyu.
2 na ng makaalis kami ng semeteryo. Niyaya ko syang kumain sa kalapit na mall.
"salamat sa pagsama saken."
"wala yon."
"kukunin ko na lang yung gamit ko tapos papahatid na lang ako sa taxi."
"saan ka tutuloy?"
"don't worry. Alam ko ang pupuntahan ko." ngumiti sya at tumingin sa paligid.
"valentines na nga pala bukas no? Anong balak mo? Saan kayo magdedate ng girlfriend mo?"
Napakamot ako sa kilay ko. "hindi ko nga alam,eh. Madami akong naiisip na regalo pero. . .ewan. Parang hindi sapat yun,eh. Hindi ko din alam kung saan ko sya dadalhin bukas."
"bibili ka ng regalo?"
"yeah."
"sama ako! Tulungan kita pumili." *__*
Natawa ako sa reaksyon nya.
"sure." total andito na kami sa mall. Pagtapos namin kumain saka kami bibili ng regalo kay Heira. Bibili na din ako ng kay Miyu. Kahit isa lang. Token of appreciation. Ganun. Kahit papano, napalapit din naman saken ang babaeng 'to - in negative and positive way. Walang masama kung bibigyan ko sya ng regalo. Goodbye gift na din.
Nag-ikot ikot kami sa mall. Madami nang bumibili ng regalo.
"ano kaya maganda? Bear kaya? Mahilig ba sa bear ang girlfriend mo?"
"aish. Common gift na ang bear."
"e ano? Ring?"
"nabigyan ko na sya."
"oh? Nagpropose ka na?"
"I told you. Kasal na nga lang ang kulang."
"pft. Regaluhan mo sya ng isang simbahan."
"pssh. Puro ka na naman kalokohan."
Yun. Paikot-ikot lang kami sa mall. Suggestions nya lagi kong kontra. Suggestions ko,kontra din nya. Kami na oppossite. Sa huli isang bagay lang ang nabili ko. Common pero okay na 'to kesa wala.Hindi din naman mapili si babe. Gusto nya yung simple lang. Ako lang 'tong hindi confident sa ibibigay ko.
Bumili din ako ng ibibigay ko kay Miyu. Binili ko yun ng hindi nya alam.
~
10:25 na ng lumabas kami ng mall. Nag-enjoy kasi sa pagsha-shopping si Miyu. Ang KJ ko naman kung pipigilan ko pa. Kahit gusto ko na umuwi ng mansion,pinigilan ko na lang muna ang sarili ko.
"daanan ko na lang yung mga gamit ko sa condo mo tapos magtataxi na lang ako."
"gabi na,Miyu. Pwede mo namang ipagpabukas na lang."
"aish. Kaya ko naman ngayon. Alam ko naman ang pupuntahan ko. Hindi ako maliligaw. Isa pa, ang boring boring kaya sa condo mo."
O yan. Nilait pa ang condo ko. -__-
Kahit medyo alangan, pumayag na din ako sa gusto nya.
Naghintay na lang sya sa lobby at ako na ang kumuha ng maleta nya.
Bago sya sumakay ng taxi, lumingon muna sya saken.
"babye na talaga. Sorry kung naging panggulo ako sa lovelife mo."
"wag na natin balikan yun. Naayos naman na,eh. Saka parehas na tayong magiging masaya."
"yeah. You're right."
"and baka imbitahan kita sa kasal ko. . ."
"talaga?" *_*
"baka. Pagiisipan ko ulit." ^__^
"bwisit ka." =_=
Natawa na lang ako ng inikot na naman nya ang mga mata nya.
"tawa ka jan?" =_=
"haha. Wala. Hahaha.Here." inabot ko sa kanya ang regalo ko. Maliit na bear yon.
"tss. Makaalis na nga." psh Wala man lang thank you ? -.-"
binuksan na nya ang pinto ng taxi pero hindi agad sya pumasok don.
"may nakalimutan pa pala ako."
"ano yu-"
.
.
.
The next thing I knew she tiptoed and press her lips to mine. . .
*chup*
"that's my farewell kiss. Bye,Xan." tuluyan na syang pumasok sa taxi. Hindi na ako nakareact hanggang sa umalis ang sasakyan.
She kissed me. Our first and last kiss. . .
I sighed and smile. It was not a big deal for me. Hindi na kailangang gawing big deal. Nagpaalam na sya saken at hindi ko alam kung magkikita pa kame.
Sana maging masmasaya pa sya. Makakilala ng lalaking magpapahalaga at magmamahal sa kanya.
Tumingin ako sa langit habang nakapasok ang kamay ko sa bulsa.
Parang kailan lang ang dami kong inaalalang problema. Parang kailan lang natatakot ako na baka hindi ako maging masaya. Natatakot na mawala saken lahat kasama na si Heira.
Ngayon, kaya ko ng huminga ng maluwag. Yung mga pinoproblema ko,wala na. Parang tinangay lang ng hangin and to think na hindi ganun kadaling mag-isip ng solusyon para lusutan ang problemang kinakaharap ko. Hindi ganun kadaling maging matapang kahit pakiramadam ko papanawan na ako ng malay sa kaba.
At ang pinakahuli, sobrang hirap isakripisyo ng oras ko para makasama ang ibang tao kesa kay Heira.
Iniisip ko nga ngayon kung nagkaroon ba ng lamat ang relasyon naming dalawa dahil sa mga nangyari.
Sana hindi.
Kase hindi madaling tanggapin na doon lang din mauuwi ang pagsasakripisyo ko. . .
Ilang oras na lang. . .
Magkikita na kaming dalawa. . .
MIYU POV
Buti na lang di na nakareact si Xandrei.
Nalulungkot ako.
Wala,eh. Baka eto na ang last POV ko sa story na 'to.
Oo na, magdiwang na kayo. Hindi na ko panggulo. Hello? Sino ang gustong maging kontrabida na inaayawan ng lahat?
Ok na. Tama na 'to.
Yung kiss naman. . .PAGBIGYAN NYO NA AKO! -__-" LAST NA 'TO EH!
Hayst.
Hirap pala ng pakiramdam na mainlove ka sa lalaking hindi naman nakalaan sayo.
Oh yes,pwede namang maging kami kung maspinili kong magmatigas.
But that's selfishness.
Isa pa, late na ng malaman ko ang feelings ko kay Xandrei.
and yeah, I honestly want him to be happy. He deserve it.
Ngayon ko lang naintindihan ang mga sinabi nya saken nung nasa bar kami.
Minsan masmatatapang ang mga taong nagpapatalo dahil kaya nilang i-endure ang sakit na maspainful pa pala kesa sa inaasahan nila.
Isa na ako dun.
Ang sakit pala bumitaw.
Pero masmasakit kung lalaban pa ako pero sa huli ako pa din ang talo.
Hindi naman ako mamahalin ni Xandrei,eh.
Bitaw na lang habang mababa pa ang babagsakan.
Pero alam ko sa sarili ko na hinding-hindi ko makakalimutan si Xandrei.
Pinisil pisil ko yung maliit na bear na binigay nya.
Nagulat ako ng magsalita iyon.
"thank you,Miyu. Take care. Be happy always. Bye." it was Xandrei's voice! He gave me a bear with a recorder.
Nagpipilit na naman lumabas ang mga luhang pinipigilan ko.
Hanggang sa huli, Xandrei never fail to make me cry. . .
Thank you,Miyu.
Take care.
Be happy always.
bye.
"siguraduhin mo lang na magiging masaya ka,Xandrei. . .kung hindi. . .kukunin kita sa kanya. . ." it's not a threat.
It's a promise.
Kahit parang imposibleng matupad yon ngayon.
Sana next lifetime kami ang magkatuluyan. . .
Hindi naman masamang mangarap di ba?
Destiny is not by chance. It's by choice.
This is my choice.
I choose to let him go.
I choose to make him happy.
I choose to say Goodbye.
I've made my decision. Wala akong balak bawiin 'to.
Thank you,Xandrei. . .
Take Care. . .
Be happy always. . .
I Love you . . .
Bye. . .
HEIRA POV
10 : 48 na daw sabi ni wall clock.
Andito ako sa garden. Yeah, nagpapahamog at nagpapapapak sa mga lamok. Walang magawa e! Hindi naman ako makatulog.
Andami kong ise-share sa inyo. Sobrang dami.
4days ago,di ba nagkausap kami ni Cy? Ang sabi nya tulungan ko syang mag-move on.
Sa 4 days na yon, lagi kaming magkasama.
Yung mismong araw na sinabi nya sa aken na gusto nyang magmove on, sinimulan kong isipin kung paano ko sya tutulungan.
Pumunta kami kung saan-saan. Nag-mall, nag-mall at nag-mall. Sorry, mall lang ang alam naming tambayan. =__=
Mainit kasi kaya doon lagi ang final destination namin.
Ayun,kung anu-ano lang ang ginagawa namin. Naglalaro sa Quantum, Tom's World at Timezone. Hiyang hiya nga kami kasi karamihan ng nakatambay don puro bata. Haha. Ay ako lang pala yung nahihiya.
Sa unang araw na yon, madami akong nalaman kay Cyfer.
1st - magaling syang mag-arcade. Lahat ng nkakalaban nya,bata man,teenager din katulad namin o masmatanda man lagi nyang natatalo. One time naglaban kami pero. . .hehe. Level 1 palang talo na ko. Ang galing ko din di ba? XD
2nd - magaling sya sumayaw. Alam nyo yung dance revo? Grabe lang. Naperfect nya yung combos tapos ang bilis pa ng paa nya. Ang galing talaga! Idol ko na si Cyfer!
3rd - asintado sya. Basketball? Sisiw sa kanya yan! Ang dami naming ticket na naipon dun! XD
4th - lahat ng laro alam nya. E kasi naman daw, dito pala sya pumupunta kapag nagka-cutting sya. Bad Cyfer. XD
5th - wala na kong mailagay. Trip ko lang ilagay. Haha. XD
Yun yung first day. Wala lang. Pinagod lang namin ang sarili namin kakalaro. Ako sobrang nag-enjoy. Sya? Ewan. Sisiw lang sa kanya e.
Gabi na kami nakauwi non. Habang naglalakad kami ang dami nyang nakwento saken. Lahat yon tungkol kay Anne.
Nung araw na yon naguluhan ako.Paano ba makakamove si Cy kung lagi na lang nyang bukambibig si Anne?
FLASHBACK
"pakisapak nga ako." sabi nya.
"huh? Ba't naman kita sasapakin?"
"baka sakaling mas masakit yung sapak mo kesa sa sakit na nararamdaman ko."
END OF FLASHBACK
Nakakapanibago talaga yung mga sinasabi nya. Baka pag ibang tao ang nakarinig non,tawanan pa nila ng malakas si Cy.
Hindi ko magawang tawanan sya dahil kung makikita nyo lang yung mukha nya, yung mga mata nya baka masabi nyong 'kawawa naman 'tong nilalang na 'to.'
Yung expressionless na Cyfer naging expressive bigla. Lumalabas na sya sa shell na pinagtataguan nya.
2nd day
Nag-girl hunting kami. Ay sya lang pala. Sinamahan ko lang sya. MWEHEHE. Pero idea ko talaga yon. XD
Saan kami naghanap ng babae? E di sa mall ulit!
Sa totoo lang, ang daming babaeng maganda na dumadaan . Yung iba nga kusang lumalapit kay Cyfer at nag-ha-'hi' and 'hello' pero alam nyo ba kung anong reaction nya? Ganto oh -> =__=
Napapafacepalm na lang ako,eh. >__<
FLASHBACK
"ang dami ko nang naturong magandang babae, ang dami na ding lumapit at nag-hi sayo pero pokerface ka lang. Paano ka makakamove on nyan?"
"ang papanget nila."
Walanjo. Panget e mukhang mga dyosa at sopistikada nga yung mga babae. Bulag ba sya o banlag? =__=
"seriously,Cyfer? Dalhin na lang kaya kita sa Optical Clinic?"
"maganda lang sila pero flirt ang mga yon. At ayoko sa flirt. Mga panget sila."
Napaka-judgemental naman nito! =_=
"Sinong maganda para sayo?"
"si Anne."
*facepalm*
END OF FLASHBACK
Anong say nyo? Napapafacepalm na rin ba kayo? Kung oo, apir tayo jan!
At dahil jan, napilitan ako magresearch tungkol sa pagmo-move on.
Step by step procedure daw yun pero hindi mo alam kung KAILAN ka talaga mawawala ang sakit.
Meron pa nga don nakalagay na ang pagmu-move on daw ay isang malaking kalokohan. Kalokohan dahil wala naman daw ganon. Nasasanay ka na lang daw sa sakit na nararamdaman mo hanggang sa wala ka ng maramdaman.
Sa dami ng nabasa ko,hindi ko alam kung alin don ang effective para sa isang taong bato na nagmahal - oh di ba? ANG LALIM!
Then ,narealize ko rin na hindi ko agad-agad na mapipilit si Cyfer na ibaling sa iba ang nararamdaman nya para makalimutan lang si Anne. Hindi lang kasi yung babae ang masasaktan nya. Masasaktan nya din ang sarili nya.
3rd day
Nanuod kami ng sine. Comedy. Idea ko din 'to. Hahaha! Sorry kung puchu-puchu lang lagi ang idea ko. XD
Nakakatawa yung movie. Kinabagan nga ata kaming dalawa ni Cy kakatawa. Eto pa ha, pag narinig nyong tumawa ng malakas si Cy, mahahawa kayo sa kanya kasi nakakatawa yung tawa nya. Masnakakatawa pa sa pinanuod namin. Hahaha! Pag naaalala ko yon natatawa ulit ako eh! Hahahaha!
Seryoso na ulit. Ehem.
So,yun nga. Tawa kami ng tawa. Alam nyo yung feeling na masaya ka dahil may napapasaya kang iba? Yung feeling na puchu-puchu lang ang idea ko pero may ikabubuti din pala.
It feels good to hear Cyfer's laugh.
Nakakatuwang isipin na napapatawa mo ang isang taong tinitiis at sinisikil ang lungkot na nararamdaman nya.
Actually, hindi lang isangmovie ang pinanuod namin. Tatlo yun tapos pare-parehas na comedy. Pag-uwi namin wala na kaming boses. Nasobrahan ata kami ng pagtawa.
FLASHBACK
"masaya ka?"
"sa mga pinanuod natin? Oo. Halata naman di ba?" nakangiting sagot nya.
I sighed. "you should know the difference of 'laughing' and 'being happy'." seryosong sabi ko.
END OF FLASHBACK
Tama naman di ba? Hindi lahat ng tumatawa at ngumingiti ay masaya. Minsan o kadalasan maskara lang yon para mapagtakpan ang lungkot - Wala,eh. Naexperience ko yan kaya alam na alam ko ang feeling.
4th day
Eto yung nangyari kanina. Valetines day na kasi bukas. Inaasahan ko kasi na uuwi si Xan ngayon pero. . .arrghh. Erase erase. Ayoko munang maging emo. T.T
Kanina ako naman ang humingi ng pabor kay Cyfer dahil hindi ko alam kung anong ibibigay ko kay Xandrei.
Pumayag naman sya dahil bibilhan nya daw ng regalo ang ate nya at si Xandie - kahit labag na labag daw sa loob nyang bigyan ng regalo ang bunsong kapatid. Hahaha! XD
As usual, sa mall na naman ang punta namin.
Ang daming maganda pero wala akong mapili. Ang hirap talagang magregalo sa lalaki. Naalala ko tuloy nung nangamote ako ng todo sa pagiisip ng kung ano ang ireregalo kay Cyfer nung christmas party. Ngayon mas nangangamote ako dahil hindi lang basta lalaki ang reregaluhan ko. Special guy si Xan para saken. Hindi pwedeng puchu-puchu.
Sa kalagitnaan ng pagiikot namin ,naging weird bigla si Cyfer.
FLASHBACK
Pumipili na ako ng regalo ng bigla nya akong hilahin. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at nilapit nya ang mukha nya.
Akala ko kung ano na naman gagawin nya . . .
Bigla syang nagtanong. . .
"Gwapo ba ko?"
Ilang segundo akong nakatingin sa kanya hanggang sa. . .
"WHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA-"
Tinakpan nya ang bibig ko at hinila palabas ng store. Hahahahaha! Laughtrip naman XD
Akala ko. . .akala ko manghahalik na naman sya e! HAHAHAHA! Magtatanong lang pala kung gwapo sya.HAHAHAHA! HARDCORE YUN AH! XD
Inalis nya yung kamay nya sa bibig ko. Doon ko nailabas lahat ng natitirang tawa ko.
"HAHAHAHAHAHAHAHA! Gwapo ka? HAHAHAHA! Tinatanong mo ako kung gwapo ka? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
"psh. . ." ooops. Nabadtrip ata. XD
"seryoso ba yung tanong mo,Cy?" XD
Pokerface na naman sya.
"nakakita ka na ba ng magandang bebot?"
". . ."
"uuy! Turo mo naman saken!"
". . ."
Patay. Nabadtrip ata kasi tinawanan ko sya. XD
"uy sorry na! Alam mo naman na gwapo ka e!" sinundot-sundot ko sya sa tagiliran. XD
"tsk. Wag kang makulit."
Aww. Badtrip nga. XD
"oh di na po. Gwapo ka na. Tara na. Balik na tayo sa loob. Di pa ko nakakapili ng regalo,oh."
"sa iba na ang tayo bumili." hinila nya ako sa kamay at medyo mahigpit ang pagkakahawak nya kaya napangiwi ako. Anong nangyari kay Cy? Nabadtrip ba talaga sya saken? Hala. . .
Sa ibang store kami bumili.
Hindi sya umiimik.
END OF FLASHBACK
Hapon palang umuwi na kami. Nabadtrip nga ata saken ng sobra. T.T
Hays. Hindi nya na kasi ako kinausap ulit,eh.
"hoy."
"waaaa!" napatayo ako sa sobrang gulat.
Si Cyfer nasa likod ko. May hawak na naman syang lata ng beer.
*sigh*
Sa dami ng ginawa namin sa apat na araw na pag-mu-move on, kahit pa gaano kapalpak o kasaya ang mga araw na yon, pagdating ng gabi balik sya sa dati. Umiinom mag-isa.
Hindi ko naman sya mapigilan dahil hindi ko alam yung nararamdaman nya.
Nabasa ko din kasi sa research ko na nakakamanhid ang alak.
So,umiinom si Cy para maging manhid?
Posible yun di ba?
*sigh again*
"badtrip ka pa din ba saken?"
"bakit naman ako mababadtrip sayo?"
"e kasi kanina sa mall-"
"forget that.May nakita lang ako at gusto ko syang iwasan."
"ahh.Ganun ba? Sino?"
"I said forget it."
Hindi ko na pinilit ang topic. Hindi naman pala sya galit saken ,eh.
Dumako ang tingin nya sa hawak ko.
"hinahantay mo na naman sya kaya ka nandito?"
"ah. . .eh. . ."
"darating pa ba sya?"
"uhm. . ." wala akong masagot. Hindi ko naman din kasi alam kung darating pa si Xan. . .
"tumawag ba? Nagtext?"
Umiling ako.
Walang text o tawag man lang. Nakakatampo pero aish wala na! Emo na talaga ang mode ko! T.T
"do you still trust him?"
Napatingin ulit ako kay Cy.
"o-oo naman."
Hindi na sya sumagot at tumalikod na lang.
"wag ka ng magpahamog jan. Pumasok ka na din." tapos nun nauna na syang pumasok sa mansion.
Hindi ko alam kung bakit ganyan na naman si Cyfer. May nangyari ba? Sino ba yung taong nakita nya sa mall?
CYFER POV
Inisang lagok ko ang natitirang beer,tinapon sa trashcan ang lata at kumuha ng panibago.
Naiinis ako.
Ewan ko kung inis lang ba 'to o galit na.
Galit dahil. . .
Tsk.
Naisipan kong lumabas ng kwarto at bumaba. Nagpunta ako sa garden para magpahingin sandali.
Nakita kong nakaupo si Heira sa isang tabi. Nakatulala.
Bumalik tuloy sa isip ko ang nangyari kanina.
FLASHBACK
Nasa department store kami at pumipili sya ng regalo. Wala pa naman akong mapili kaya hinayaan ko na lang muna si Heira na pumili ng ipanreregalo nya.
Patingin-tingin ako sa ibang direksyon.
May nakita akong isang tao.
Isang tao na hindi ko akalaing makikita ko dito.
Si Xandrei. . .
Napatingin ako kay Heira na nakayuko at pumipili pa din ng ipanreregalo nya.
Tapos bumalik ang tingin ko kay Xandrei.
May kausap na syang babae. Tumatawa silang dalawa.
Tumingin ulit ako kay Heira.
Once na iangat nya ang ulo nya,makikita nya si Xandrei. . .na may kasamang iba. . .ibang babae.
Shit.
Agad ko syang hinila at hinawakan ang mukha nya.
Nagulat sya at nanlaki ang mga mata nya.
Maski ako medyo nailang pero sigaw ng isip ko 'I need to do this.'
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Bahala na!
"gwapo ba ako?" yun ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Argh. Bahala na! Shit happens.
ilang sandali syang nakatitig saken pagtapos nun bigla syang tumawa ng malakas. Tinakpan ko ang bibig nya dahil nasa di kalayuan lang si Xandrei at baka marinig sya. Hinila ko kaagad sya palabas ng department store.
Nung binitawan ko sya tumawa ulit sya ng malakas.
Ewan ko lang kung makatawa ka pa kapag nakita mo si Xandrei na may kasamang iba. . . - isip isip ko.
Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Heira. Siguro iniisip nya na galit ako sa kanya dahil hindi na ako umimik mula ng hilahin ko sya palabas ng department store.
Hanggang sa makauwi kami, hindi na ko nagsalita.
END OF FLASHBACK
Pinigilan kong magsalita dahil baka hindi maganda ang masabi ko sa kanya.
Baka masabi ko ang nakita ko kanina. . .
Bumangon na naman ang inis na nararamdaman ko.
Dammit!
May sarili akong problema. Nasasaktan pa din ako dahil wala na si Anne. At si Heira, tinutulungan nya akong magmove on. In her own ways, pinapakita nya na concern din sya sa kung anong nararamdaman ko.
Tapos eto ako, madaming alam, madaming nakikita pero wala akong magawa para sa kanya.
Ano ba kasing nangyayari kay Xandrei?
Umalis ba talaga sya papuntang Canada?
Sino yung kasama nya?
Madami pa akong tanong na alam ko namang hindi masasagot .
Lumapit ako kay Heira.
"hoy."
"waaaaa!" napatayo pa sya. Nagulat dahil bigla na naman akong sumulpot sa likod nya.
Napatingin sya sa hawak kong beer. She just sighed and look at me intently.
"badtrip ka pa din ba saken?"
"bakit naman ako mababadtrip sayo?"
"e kasi kanina sa mall-"
"forget that.May nakita lang ako at gusto ko syang iwasan." hindi ako ang umiiwas. Sya ang gusto kong iiwas sa bagay na makakasakit sa kanya . . .
"ahh.Ganun ba? Sino?"
"I said forget it."
Hindi nya na pinilit ang topic. Nakahinga ako ng maluwag.
Dumako ang tingin ko sa hawak nya. Yun yung binili namin kanina. Ireregalo nya kay Xandrei. . .
"hinahantay mo na naman sya kaya ka nandito?"
"ah. . .eh. . ." means 'no'.
"darating pa ba sya?"
"uhm. . ." means 'no' again.
"tumawag ba? Nagtext?"
Umiling sya.
Kulang na lang magmura ako sa harap ni Heira sa sobrang frustration at irritation.
Kahit isang tawag o text man lang wala? Pero kanina nasa mall sya at may kasamang iba? P*t*ng*n*.
Kinalma ko ang sarili ko. Napahigpit ang hawak ko sa lata ng beer at bahagyang nayupi yon.
"do you still trust him?"
"o-oo naman."
Hindi na ako sumagot at tumalikod na lang.
Tiwala? Saan mapupunta yon pag nalaman ni Heira ang totoo?
Ironic.Ako pa man din ang nagsabi sa kanya na magtiwala sya kay Xandrei tapos ganon? Parang gusto kong bawiin ang mga sinabi ko noon kay Heira.
"wag ka ng magpahamog jan. Pumasok ka na din." tapos pumasok na ulit ako sa loob.
Gusto ko nga syang hilahin papasok at sabihing wag ng hintayin ang taong yon.
Kapatid ko sya sa ama pero pag nasaktan nya si Heira, kakalimutan kong kapatid ko sya.
Kaibigan ko si Heira. Sya lang ang kaibigan ko. Hindi ko babalewalain yon.
Wag ko lang malalaman na. . .
niloloko nya si Heira.
Magbabago lahat sa pagitan naming dalawa.
HEIRA POV
11:53 pm
Mukhang hindi na sya dadating. . .
Huminga ako ng malalim.
Babagsak na kasi talaga yung mga luha ko. . .
He promised . . .
Umasa ako kasi nangako sya.
Bakit hindi nya tinupad.
"wag kang iiyak. Wag kang iiyak." tinapik tapik ko ang mukha ko.
Ang sakit kasi e.
Feeling ko sinasakal ako. Nauubusan ako ng hangin. Naninikip yung dibdib ko.
Ang tagal kong naghintay. . .
sa huli,wala rin pala.
Kahit tawag o text man lang sana di ba? Kahit yun lang. . .
Nag-aalala rin ako.
Hindi ko alam kung nasaan sya at kung ano ang ginagawa nya.
Paano kung may nangyaring masama sa kanya?
"be positive,Heira. . ." malungkot na sabi ko. Sa totoo lang hindi ko na kayang maniwala pa sa salitang iyon.
Tumingala na lang ako at pumikit para hindi bumagsak ang mga luha ko.
Ang sakit talaga.
Hawak ko pa din yung regalo . Mabibigay ko pa ba 'to?
Kung hindi sya darating ngayon isang bagay na lang ang gagawin ko.
I'll pray.
Lord, okay lang kung hindi sya darating. Basta walang mangyayaring masama sa kanya. . .kinakain na kasi ako ng kaba at pag-aalala. Please po, sana okay lang sya. . . Amen.
Nung minulat ko ang mga mata ko,
may taong nakatayo sa harap ko.
Nakangiti.
My eyes went wide.
"X-xan?"
To be CONTINUED. . .
A/N : ALAM KO NA YUNG SASABIHIN NYO - BITIN. Nyahahaha! Kayo naman oh. Hindi pa kayo nasanay saken. XD
Baka po weekly na lang ang update ko. Hahabaan ko na lang para medyo bawi.
Haba ng update ko no? Haha. Tatlong chapter kasi yan, inisa ko na lang.
I miss you all! Yung comments last chappy, hindi ko inaasahan yon. Akala ko kasi LAME tapos naexcite pala kayo. XD
next chappy punung puno ng XEIRA MOMENTS. Aww grabe. Akala ko nawala na yung mga SOLID XEIRA. Hahaha. Ramdam na ramdam ko sila sa comments at inbox ko. La~la~la.
ANO ANG PINAKA NAGUSTUHAN NYONG PART? Comment below !
Ako fave part ko yung POV ni Miyu. XD nung nagpaalam na sya. *sad face* clap clap for her! She made the story so interesting. -share lang.
Wait for next udpate.
P.S. Sana wag nyong balewalain lahat ng aral ng story ko na 'to . :) Kahit hindi halata sa title yung mga matututunan nyo. Haha.
Promote WYBHBM , ok ? :)
I love you all,readers! Godbless!
KHIRA1112♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top