WYBHBM ~~ Chapter 50 part 2
WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR.
BOOK 1 of 3 worth : P109.50
You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores nationwide.
-
HEIRA POV
Nakatingin lang ako sa mukha ni Cy habang hinahagkan nya ko.
Mygod.
Ano bang dapat na gawin?
Anong tamang gawin sa sitwasyon ko na 'to?
Suddenly, Xandrei's image flash on my mind.
Malakas kong tinulak si Cy. Hindi sya bumitaw saken pero lumuwag ang pagkakahawak nya.
I have no other choice but to hurt him. I punch him at napabitaw sya nang tuluyan saken.
Nagulat din ako sa nagawa ko pero nangibabaw ang pagkamangha, pagkainis, galit at kalituhan.
Why?
Why did he do that?
Why did he kiss me?
Alam kong lasing sya pero sapat bang rason yon?
He's standing straight in front of me ,there's blood in the side of his lip. I should be guilty pero hindi ganon ang nararamdaman ko. Gusto ko syang saktan pa ulit.
And he recognize me ,right? He said my name before he did . . .that thing!
Nakatingin lang sya saken. Wala na naman akong mabasang emosyon sa mukha nya?
Hindi ba sya magso-sorry?
Hindi ba nya sasabihing di nya yon sinasadya?
If he'll explain his side clearly, baka maintindihan ko pa sya.
MALI ANG GINAWA NYA!
I'm his brother's girlfriend. . .his half brother's fiancee. Nakalimutan nya ba ang bagay na yon?
"C-cyfer. . ."
"It's wrong. . .I know. . .but I won't say sorry. . ."
Nabigla ako.
He won't say sorry. . .
Did he kiss me intentionally?
Sa sobrang gulo isip at bigat ng loob ko, tumakbo ako palayo sa kanya. Hindi ako tumigil hanggang sa makarating ako ng mansyon.
Pagpasok ko sa kwarto ko,nilock ko yon at sumandal ako sa pinto. Umupo sa lapag at niyakap ang mga binti ko.
Humihingal pa din ako dahil sa pagod.
Hindi gumagana ng maayos ang utak ko.
The scene between me and Cyfer flashed in my mind. Napayupyop akong lalo. Bakit ganon? Bakit? He said it was wrong but he won't say sorry to me. Bakit?
Kung di ko naalala bigla si Xan, baka. . .baka kung ano pang nagawa nya. O baka tumugon pa ko.
Xandrei.
May kasalanan din ba ko?
Hindi ko naman alam na gagawin yon ni Cy.
Pero kinakain ako ng guilt ko habang naaalala ko si Xan.
I feel so cheap. . .
"Xan,sorry. . ." naiiyak ako.
Wala sya dito. He trust me with Cyfer pero may gantong pangyayari.
Sa part ni Cy, hindi ko alam . . .hindi ko alam kung anong dahilan nya.
Nasasaktan din ako. . .
dahil may tiwala ako sa kanya. . .
pero ngayon,
pakiramdam ko ang unti-unting gumuguho yon.
~
1 week. Isang ligo na akong umiiwas kay Cyfer.
Nauuna lagi akong pumasok sa kanila ni Xandie.
Umuuwi ako mag-isa para lang di ko sya makasabay.
Naiilang ako pag nasa paligid sya.
Hindi ko gusto ang nararamdaman ko kapag nasa malapit lang sya. Nagdaramadam ako na ewan.
Hindi ko maintindihan ang feeling.
Sa academy, dalawang araw lang syang present. Nakapagtataka yon dahil kasabay daw sya lagi ni Xandie - kwento ni manong saken. Nagka-cutting siguro.
Naninibago ako sa linggong 'to.
Wala si Anne. Tahimik si Rhea,epekto siguro ng pagalis ng bestfriend nya. Iniiwasan ko si Cyfer. Hindi ko din nakikita si Jen, I wonder kung anong nangyari sa kanya. Lastly, wala pa din si Xandrei.
Kahit tinatawagan nya ako sa gabi, hindi naman kami makapag-usap ng matagal dahil boses nya palang,halatang pagod na pagod sya.
Pag tinatanong ko sya kung kailan sya uuwi di pa din sya makasagot.
Basta daw bago mag-feb 14.
Limang araw na lang, Valentines Day na.
Makakauwi pa kaya si Xan?
*sigh*
Nagko-commute na lang ako pauwi tapos medyo mahabang lakaran papuntang mansion dahil pribado na ang daan at di na dinadaanan ng mga sasakyan.
Katulong ang sumalubong saken ng makapasok na ako sa loob.
Boring na din dito sa mansion. Wala nang Xandra na maingay dahil busy din si ate sa DVI. Gabing gabi na nga yun umuuwi lagi,e.
Si Xandie naman may pinagkakaabalahan .
Si Cyfer. . .ewan ko kung saan sya pumupunta. Wala na naman sya sa klase kanina.
Haaay. 5pm na pala. Ang bilis ng oras. Wala na akong ganang kumain. Magpapahinga na lang ako ng maaga.
Pagpasok ko ng kwarto,agad kong sinara ang pinto at nilapag ang gamit ko sa isang tabi.
Paglingon ko sa kanan - O__O
"C-CYFER!"
"Hi."
Patay.
>__<
Ano na namang gagawin ko?
Lalabas ba ako ng kwarto?
Waaaaaaa!
"uhm. . .a-anong. . .anong ginagawa-"
"I want to talk to you."
*dub dub dub dub dub dub dub dub dub*
Nilagay ko yung kamay ko sa likod ko dahil nanginginig yon. Hindi din ako makatingin ng diretso kay Cyfer, pabaling-baling ako ng tingin.
"t-tungkol ba saan?"
"to what happened last week."
*dub dub dub dub dub dub dub dub dub*
O ano na ,Heira? Patay malisya na lang ulit? >__<
Kasi naman eh!
Hindi ako ready. T__T
"Cy. . .kasi ano. . ." *facepalm* di ko na alam sasabihin ko.
"I won't say sorry for what I've done."
Napatitig ako sa kanya. Hindi pa din sya magso-sorry?
"w-what's wrong with you? I mean. . .why did you. . .do that? Alam mong mali pero ginawa mo. Mali pero hindi ka magsosorry. Hindi kita maintindihan." naguguluhang sabi ko. Kasabay non ay ang pagbangon ng inis sa dibdib ko.
"I'm hurt. Anne left me."
O tapos? Anong kinalaman ko don?
Eto na naman sya! Ang labo labo nya!
"Cyfer-"
"listen to me first." nakikiusap ang mga mata nya.
"o-okay. . ." sige. Makikinig ako sa kanya. Yun naman ang dapat di ba?
He started explaining.
"Sabi mo nga kagabi, dapat nagpakita ako sa kanya bago sya umalis,I had my chance pero hindi ko ginawa. I'm a coward."
"Siguro kasi nabigla din ako na aalis na pala sya. Nasanay ako na kahit magkahiwalay na kami,alam kong nasa malapit lang sya. . .kaya ko pa din syang tanawin."
Humakbang sya palapit saken. Gusto kong umatras palayo sa kanya pero parang pinako ako sa kinatatayuan ko ngayon.
Huminto sya sa tapat ko at niyakap nya ko.
*dub dub dub dub dub dub dub dub dub*
Argghhhh! >__<
What to do? What to do? T__T
Itutulak ko na naman ba sya? Sasapakin ko ba ulit? Ano na,Heira?
"ginawa ko yon kasi gusto kong malaman kung. . .kung kaya ko pang magkagusto sa ibang babae maliban kay Anne."
WHAAAAAT?! O__O
"o-oy Cy,a-ano bang pinagsasabi mo-"
"patapusin mo muna ako please." lalong humigpit ang pagkakayakap nya saken.
KAILANG! >___<
"You see, Anne was the only girl I let in. She is my first love. She changed me. Because of her, I learn to care for others. Sya lang ang babaeng napalapit saken ng husto. When I broke up with her, my world shattered in to pieces."
"h-hey! Kinausap kita dati . Sabi mo di mo na sya mahal-"
"I lied."
"w-why?"
"I can't tell you."
Ibig sabihin may malalim talagang dahilan kung bakit sya nakipaghiwalay kay Anne.
At sya lang ang nakakaalam non.
"then I met you. I dislike you at first, ang tanga tanga mo kasi."
Kailangan talagang ipaalala? =___=
"pero nakilala ko din yung tunay na ikaw. Oo,tanga ka at di na ata magbabago yon." pinagdiinan pa talaga nya ang salitang TANGA. Grr. Gusto ko syang tuhurin. Nagpatuloy sya. "pero kahit ganon ka,may kakaiba sayo. Ang dali mong mahalin. . ."
*dub dub dub dub dub dub dub dub dub*
Speechless ako. Masmalakas pa yung tibok ng puso ko kesa sa boses ni Cyfer.
"kung di ko lang mahal si Anne, baka nga may chance na mahalin din kita."
BOOOOM!
"si Anne, sya ang first love ko. Ikaw naman ang pinakaunang naging kaibigan ko. . .kahit ang tanga mo,kahit iyakin ka, kahit ang daldal mo at nakakainis ang kakulitan mo minsan, tinanggap ko na maliban kay Anne, may isa pang babaeng nakapasok sa sistema ko. Of course, anjan din ang ate at kapatid ko . Iba nga lang ang turing ko sayo."
"I have so many moments with you. Nung nabunggo mo ako at napilayan ka,dinala kita sa clinic. Sa rooftop, nung natuklasan mo ang sekreto namin ni Anne. Sa star city. Sa ospital. Nung christmas party. Nung photoshoot-"
"b-bakit mo ba sinasabi yan?" >__<
"kasi gusto kong maintindihan mo kung bakit kita hinalikan nung gabing yon."
>__<
Ang tagal nya ulit magsalita. Binalik-balikan ko sa isip ko lahat ng sinabi nya.Still,wala akong makitang tamang dahilan.
"gusto kong magmove on."
O__o
"hinalikan kita kasi gusto kong kalimutan si Anne. . .kahit sandali."
"hinalikan kita kasi sa tingin ko ikaw lang ang makakatulong saken.Ikaw lang naman ang kaibigan ko. . ."
Reaction ko?
NGA-NGA.
Sino ba namang di magugulat sa mga pinagsasabi nitong si Cyfer? >__<
Na-shock ako.As in SHOCK with matching laki mata.
Ang gulo tuloy ng takbo ng isip ko. Kinurot ko sya sa tagiliran.
"aray. Ba't mo ko kinurot?" =__=
"ang gulo mo kasi!" >__<
"ako pa magulo e napaliwanag ko na nga lahat sayo."
"e sa haba non expect mong matatandaan ko lahat? I-summarize mo!"
"SLOWPOKE." =__=
"e ba't ayaw mo magsorry? Mali yung ginawa mo no!" >__<
"'cause it made me realize so many things."
"anu-ano?"
"isa-isahin ko pa?" =__=
"sasabihin mo o kukurutin ulit kita?" =__=
"pag kinurot mo ko ,hahalikan ulit kita."
"CYFER!" O___O
"joke lang." =__=
"walang joke dun." =__=
"Kaya kong mag-move on basta tutulungan mo ko."
E?
PINAGSASABI NA NAMAN NG BATONG 'TO? >__<
"ako? Tutulungan kitang magmove on?"
"ayaw mo? Wala kang kwentang friend." =__=
"may sinabi ba akong ayaw ko?! Aish. Sapakin kita jan e! Ano lang. . .anong gagawin ko? Wala naman akong alam sa mga ganon. Hindi pa ko nabo-broken hearted." >__<
"hayst. Wala ka palang matutulong saken. Hinalik-halikan pa kita tapos-aray!"
"wag mo nga ipaalala yon!" >__<
"Heira. . ."
YAN NA NAMAN YANG TONO NA YAN!
Para syang. . .para syang si Xandrei. . .
Takte.
Eto na naman ang martilyong todo mamukpok ng konsensya. Bugbog sarado na ang puso ko.
"alam kong mahal mo sya. . ." nagsalita ulit si Cyfer. "pero sana habang wala pa sya,tulungan mo muna ako."
Waaaa! Naloko na! T.T
MOVE ON IN 5 DAYS? Meron bang ganon? >__<
Hihindian ko ba?
Sabi nya ako lang ang kaibigan nya.
Ako lang ang makakatulong sa kanya.
Ako lang daw.
Waaaa!
Brain twister . >__<
Hindi naman masamang tumulong di ba?
Wala naman akong ginagawang masama.
Si Xan, sya pa din mahal ko.
Si Cyfer, naaawa lang ba ko sa kanya?
Napakahirap naman i-analyze ng sitwasyon ko. >__<
O ano na?
Agad agad na ba 'to?
Aish.
BAHALA NA SI BATMAN!
"oo na! Oo na! Oo na! B-basta wag ka ng manghahalik,takte! Magpapatulong ka lang pala magmove on manghahalik ka pa!"
"payag ka na?"
"nag-oo na ko di ba? Gusto mo bawiin ko?" =_=
"to naman." =__=
"saka pwedeng wala na yang payakap-yakap na yan. Nakakadami ka na,ah." >__<
"sorry." >__>
Binitawan nya na ako at parehas kaming ilang na ilang.
AWKWARD.
Tignan nyo 'tong taong 'to, payakap-yakap pa tapos maiilang din pala sa huli.
"so,ano?"
"tara na."
"ha? Saan tayo pupunta?"
"kahit saan."
"may lugar bang kahit saan?" =__=
"tara na kasi. Dami tanong."
"e anong gagawin natin sa 'kahit saan' na yan?" =__=
"magmo-move on."
Enebenemenyen.
Nakakaloka talaga ang mga lumalabas sa bibig ni Cyfer.
MOVE ON.
May matutulong ba ko sa kanya?
Aish.
XANDREI POV
Ahh grabe. Pang-ilang batch na ba ng mga papeles 'tong pinipirmahan ko ngayon? 24th? 25th?
Papatayin ba ko ni Mr.Tamaki? =__=
Tinigil ko muna ang ginagawa ko at nag-inat.
Maaga akong pumasok para lang matapos agad ang mga trabaho ko para sa araw na 'to pero useless din pala dahil nanganganak ata ang mga papeles na yan. Imbis na matapos ako, dumudoble sila. =__=
Tatlong araw.
Tatlong araw nalang akong magtatrabaho dito sa ASYLVIAR.
Tatlong araw na lang, makakawi na ako ng Pinas.
Last week, nagkaayos na si Miyu at ang Daddy nya.
Syempre,masaya yung mag-ama. Masaya din ako dahil nagawa ko ang deal. . .meaning, wala na ang addendum.
It's not official yet pero pag natapos ko na ang trabaho ko, si Mr.Tamaki daw mismo ang tatawag kay Atty.Delgado para ipawalang bisa ang addendum.
Finally,nakahinga ako ng maluwag. Worth it naman pala ang pagpunta ko dito at pagkausap ko kay Mr.Tamaki ng personal.
Kung meron man akong marereklamo ay ang pagsalo ko sa trabaho ni Mr.Tamaki. =__=
Paano ba naman? Laging umaalis ang mag-ama. Naiiwan ni Mr.Tamaki ang trabaho nya saken.
Konting tiis, makakauwi na din ako.
Tumanaw ako sa labas ng tinted glass window .
Hindi na winter. Mainit na ang panahon. Tunaw na ang mga yelo. Hindi na delikadong bumyahe.
*knock knock*
Napalingon ako sa pinto ng may kumatok at ilang sandali pa ay bumukas iyon.
Si Miyu, may dalang maliit paper bag.
"hi." matamis na ang ngiti nya saken.
Nakakapanibago pa din.
Sobra.
Hindi na sya nagtataray saken.Minsan sumisigaw pero madalas nakangiti sya saken ng ganyan.
Yung araw na nagkaayos sila ng Daddy nya,yun yung simula ng pagbabago nya.
Pagbabago nga ba 'to o yan yung totoong Miyu?
"himala. Dumalaw ka saken." gumanti ako ng ngiti.
"wala lang. Naisip ko lang na puntahan ka. May kausap si Daddy sa office nya . Bukas na lang kami ulit aalis."
May nilapag syang paper bag sa desk.
"what's that?"
"lunch."
"Lunch? Binilhan mo ako ng lunch?"
She nods.
Woaah. That's new. Never ,as in never nya akong binilhan ng lunch. Ngayon lang.
"that's new."
"tanggapin mo na. Minsanan lang ako magbigay sayo."
Umupo ako sa swivel chair at inabot ko ang paperbag.
"thank you."
Nakakapanibago no?
Hindi ako sanay na ganto kami sa isa't-isa. Nasanay ako na lagi kaming nagsisigawan at nag-aaway sa walang kabuluhang mga bagay.
"uhmm, mukhang madami kang gagawin. Tambak pala ang trabaho mo." sinulyapan nya ang mga folders sa gilid ng desk.
"ahh yeah. Kailangan kong matapos yan bago ako umalis."
Tumango-tango sya.
"can I ask you something?"
"what?"
"pwede ba akong sumabay sayo pabalik ng Pinas?"
"why?"
Nagulat ako sa tanong nya. Sasama sya saken pabalik.
"kailangan kong bumalik. May gusto akong puntahan. . ."
"saan?" naku-curious ako. Akala ko kasi dito na lang sya sa Canada kasama ang papa nya.
"my Mom."
Hindi ko alam kung anong ipapakita kong reaksyon. Masyadong personal kung magtatanong pa ako.
Lumingon sya at ngumiti.
"nagpaalam na ko kay Daddy. Pinayagan nya ako. Actually, sya pa ang nagsabi saken kung nasaan na si Mommy." tumayo na sya at lumakad papuntang pinto.
"kainin mo yung lunch ha? Sayang yan." then lumabas na sya.
STRANGE AND AWKWARD.
Napatitig na lang ako sa paper bag.
Ano ba 'to? Thank you lunch? Peace offering?
*sigh*
Gusto ko sanang magtanong kay Miyu ng mga bagay-bagay tungkol sa kanila ng Daddy nya pero pinigilan ko ang sarili ko.
Hindi ko na kailangang makisawsaw sa bagay na yon. It is a family matter.
Ang mahalaga, maayos at masaya na sila.
Malapit na din akong maging masaya.
I smile like a fool ng maalala ko si Heira.
Nagkakausap pa din kami sa phone.Kahit gusto ko pang pahabain ang usapan namin, nagpapaalam agad sya saken dahil halatang pagod daw ako. Aminado naman ako.
Babawi na lang ako pag-uwi ko.
Sa ngayon, kailangan ko munang kumain at tapusin lahat ng trabaho ko.
Aish. Buhay businessman.
To be CONTINUED. . .
A/N : LAME? I know. -.- Huhu. May pasok na ko sa Monday.
pinilit ko magtype ng update kaya ganyan lang ang kinalabasan. Maikli. Nyahaha.
At dahil di ko lam kung kailan ang next update bigyan ko na lang kayo ng clue kung ano ang mga aabangan nyo.
Paano tutulungan ni Heira si Cyfer?
Miyu and her Dad's convo.
Pagbabalik ni Xandrei.
CYRA MOMENTS or XEIRA MOMENTS?
Comment below!
I LOVE YOU ALL! Godbless Ü.
KHIRA1112♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top