WYBHBM ~~ Chapter 48

WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR. 

BOOK 1 of 3 worth :  P109.50

You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores  nationwide. 

-

HEIRA POV

Wag naman kayo mag-isip ng kung ano.

Andito lang ako kasi sabi nya kailangan nya ako.

Kailangan nya daw ng makakausap. Naguguluhan daw sya.

Hindi man nya nakwento ang buong pangyayari,sinabi nya saken kung anong nararamdaman nya. . .

FLASHBACK

"stay. I need you here tonight. . ."

Hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin. Humihigpit ang hawak nya sa kamay ko at ayaw nyang bitawan.

Umupo ako sa tabi nya.

"ano bang problema,Cyfer?"

". . ."

"kung di ka magsasalita,pano ko malalaman kung anong kailangan mo?"

"kailangan ko lang ng makakausap. . ."

"e kinakausap naman kita ah! Hindi ka naman sumasagot sa ibang tanong ko. . ."

". . ."

"o tignan mo ngayon. Hindi ka na naman umiimik." =__=

". . ."

Hays. Labo nya. Sabi nya kailangan nya ng kausap tapos ganyan naman sya.

Sa ilang sandali, walang ibang maririnig kundi ang paghinga namin at ang ingay na nagmumula sa tv.

"bakit ganon?" nagsalita din sya. Nakikinig lang ako.

"bakit ganto yung pakiramdam ko?"

"Masakit." lalong humipit ang pagkakahawak nya sa kamay ko. Napangiwi pa nga ako dahil medyo masakit.

"Ako ang may kasalanan nito . . .pero bakit ako ang nasasaktan?" he smiled ironically.

"Gawa ko 'to,eh. Ako ang may gusto pero parang ako din ang nagpapahirap sa sarili ko. Ba't ganon?"

"Naguguluhan ako. . ."

I sighed. Tama ang hinala ko. Si Anne ang problema nya.

Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi pa ko nakakaranas ng heartaches o break-up. Wala akong maipapayo.

"hindi kita matutulungan,Cy. Hindi ko kasi alam yung pakiramdam na ganyan. . .nasasaktan at nahihirapan ako,oo . . . Naguguluhan din minsan pero hindi umabot sa punto na hinayaan kong mawala ang taong mahal ko." sabi ko sa kanya.

"pero ,Cy. Gusto mo ba talaga na mauwi sa ganto lahat? Ginusto mo ba talagang maghiwalay kayo?"

Nakita kong kumunot ang noo nya at lumalim ang paghinga. Napapikit pa sya at napayuko.

"hindi. . ."

"then why? Bakit sinabi mong ayaw mo na kung may nararamdaman ka pa sa kanya?"

hindi sya sumagot.

Ako naman ng huminga ng malalim.

Maski ako naguguluhan sa kanya. Kung di nya talaga gusto, bakit hinayaan nyang mangyari lahat ng 'to? Sya pa nga ang nagsabing ayaw nya nang makipagbalikan di ba?

Tapos ngayon sasabihin nyang di naman talaga nya gusto. Sobrang labo . . .

"hindi mo man sabihin saken alam kong meron kang dahilan." nginitian ko sya.

"Siguro may isang bagay na kailangan mong i-prioritize kesa kay Anne o kaya naman, mas inuna mo ang kailangan mong gawin kesa sa gusto mong mangyari. Di ba madalas ganon yon? Magkaiba kasi ang salitang 'need' sa 'want'." 
Napatingin lang sya saken ng matagal. Gusto ko na ngang mailang. Then ,he sighed.

"thank you. . ."

"thank you for what?"

"basta."

Basta daw? Arggh. Ang labo nya talaga.

Binitiwan nya ang kamay ko at tumayo sya pero pagtayo nya bumagsak sya at napaluhod sa sahig.

"Cy!" dinaluhan ko sya. Nakahawak na naman sya sa ulo nya.

"b-bakit? Anong masakit sayo?" natataranta ako.

"I'm-okay. . ."

"sigurado ka ba? Hindi ka naman mukhang okay. . ."

"masakit lang ang ulo ko." 

"tsk. Nasobrahan ka siguro sa alak. Bakit kasi uminom ka ng ganon kadami?"

". . ." di na naman sya nagsalita.

Napabuntong hininga na lang ako at inalalayan sya patayo. Ang bigat nya. =_=

Pinaupo ko ulit sya sa kama.

"wait lang. Kukuha lang ako ng tubig sa baba." lumabas ako ng kwarto at pumunta ng kusina. Pagbalik ko sa kwarto nakahiga na sya at nakapikit. Nang lumapit ako, nagmulat sya ng mata.

"drink this. Maligamgam 'to para medyo mainitan ang sikmura mo."

Bumangon sya at uminom ng tubig. Nakakalahati lang sya. Sobrang ironic na nakabuos sya ng napakaraming lata ng beer tapos pag tubig di pa nangangalahati ang baso ayaw na nya. =_=

"ano bang gamot ang iniinom pag masakit ang ulo? Pang-hangover?"

"wala."

Humiga na lang ulit sya.

Pft. =_=

Babatukan ko na lang sana sya,baka sakaling mawala ang sakit ng ulo nya pero humawak na naman sya sa kamay ko.

"stay here tonight. . .pero kung ayaw mo,hintayin mo na lang ako makatulog. Please. . ."

Haluuuh! Nag-please sya. O__O

Iniisip ko kung tatanggihan ko ba o ano? Parang napakawalang puso ko naman kung aalis agad ako ng kwarto.

E kasi. . .

NAKAKAILANG!

"o-okay. Hihintayin na lang kitang makatulog. Nakakailang kasi kung dito ako magpapalipas ng magdamag."

"okay. Salamat."

Dalawang beses na sya nagthank you saken ngayon. Maalala nya pa kaya 'to bukas? Baka nga lasing 'tong taong 'to. (_ _")

Nagkipagkwentuhan pa sya saken bago sya tuluyang nakatulog. Kung anu-ano lang naman. Baka antukin kayo sa convo namin.

Pinatay ko yung tv para walang istorbo sa tulog nya.

Nung aalisin ko yung kamay ko sa pagkakahawak nya bigla syang umungol.

Tumaas baba ang dibdib nya at pabaling-baling sa higaan. Patuloy sya sa pag-ungol.

He's having a nightmare!

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gigisingin ko ba o hindi?

WHAT TO DO?! T___T

I lean closer and . . .

. . .and I hug him.

Whisper some comforting words kahit di ko alam kung tama ba 'tong ginagawa ko o hindi. ARGGHH! KAILANG. T.T

Seconds later, kumalma na ulit sya.

Hindi ko na magawang tanggalin ang kamay ko sa kamay nya.

Hindi lang isang beses nangyari yon.

Dalawa. . .tatlo. Nababahala na nga ako dahil baka bangungutin 'tong si Cyfer kaya di na ako umalis ng kwarto. Nasa tabi lang nya ako habang hawak nya ang kamay ko.

Hindi ko na din napigil ang sariling antok at nakatulog sa tabi nya.

END OF FLASHBACK

Hanggang ngayon nakahawak pa din sya saken.

Ano ba ang napanaginipan nya?

Tungkol saan?

Hays. Kahit naman magtanong ako ng magtanong dito hindi nyo masasagot yon.

Si Cyfer . . .si Cy lang ang makakasagot ng lahat ng tanong ko.

Hanggang ngayon di pa nawawala ang pagiging mysteryoso nya.

Napatingin naman ako sa cellphone ko.

T__T

Binubugbog ako ng konsensya ko.

Alam ko kasing di ito magugustuhan ni Xan .

Pinagselosan nya ang kapatid nya minsan di ba?

Pero anong gagawin ko?

Alam nyo naman kung gaano ka-loner si Cyfer. Kailangan nya din ng taong magko-comfort sa kanya at mapagsasabihan nya ng problema. . .at nagkataon namang ako ang taong yon.

As a friend, I'm here for him.

Pero bakit ganon?

Kahit valid ang reason ko di ko maiwasang makonsensya?

Bakit feeling ko nagtataksil ako kay Xan kahit di naman?

Ang OA ko na ~ sheeems! T.T

Almost 4pm, di na ko makatulog. Bangag na naman ako sa school nito mamaya.

This time inalis ko na talaga ang kamay ko sa pagkakahawak ni Cyfer. Bumangon na din ako.

Nilinis ko ang kwarto ni Cyfer. Ang kalat kalat kasi! Mamaya makita pa 'to ng mga ate nya

kung hindi, baka makitim pa sya ng sermon dun.

~

5pm nang lumabas ako ng kwarto ni Cyfer. Kailangan kong bumaba agad baka may makakita pa saken at mapag-isipan kami ng masama. >__<

7am palang nakaligo at nakabihis na ako. Baka kasi makatulog pa ako ulit pag sumampa na naman ako sa kama. Maaga tuloy akong kumilos. =__=

Umakyat ulit ako ng second floor -sa kwarto ni Cyfer. Nakasalubong ko pa nga si Xandie na pupunas-pungas pa.

"good morning,ate Heira. *yawn* ang aga mo naman . Maaga ka ba papasok?"

"morning din,Xandie. Ah,hindi. Maaga lang ako nagising. Hehe."

"saan ka pupunta? Ba't andito ka sa second floor?"

"sa kwarto ni Cyfer. Hindi kasi pumasok yon kahapon."

"oo nga,ate . Feeling ko nga may problema yang si Sungit. Sabi ni yaya,di daw lumabas ng kwarto maghapon tapos di pa ko sinabayan mag-dinner. Loner din tuloy ang peg ko."

I sighed and smile at Xandie.

"don't worry, kukumbinsihin ko syang pumasok."

"that's the spirit,ate Heira! Kapag di pa din sya papasok sabihin mo raransakin ko kwarto nya."

Natawa na lang ako sa huling sinabi ni Xandie. Kahit kailan talaga, napaka hyper ng babaeng 'to.

Pagpasok ko sa kwarto ni Cy, gising na sya pero di pa bumabangon. Nakasandal lang sa headboard ng kama.

"good morning. Hindi na ba masakit ang ulo mo?"

"ah. . .hindi na."

"that's good. Meaning, papasok ka na ngayon?"

Tumango sya.

"then bumangon ka na jan. Baka malate tayo."

Doon nya napansin na nakabihis na ko.

"ang aga mo."

"maaga akong nagising e. Nga pala, nilinis ko kwarto mo kanina. Ang kalat kasi."

"salamat."

"you're welcome." 

"salamat din sa pag-stay dito kagabi."

"a-ah. Wala yon! Hehe."

Nailang na naman ako. Naalala ko kasi nung niyakap ko sya tas kung anu-ano pa pinagsasabi ko.

GESH! GUSTO KO MAPA-FACEPALM BIGLA. T.T

Tapos may naalala ako. Yung panaginip nya.

"ahm,Cy. Pwede magtanong?"

"ano yon?" bumangon na sya .

"k-kasi kagabi parang. . .parang nanaginip ka."

Napahinto sya sa paglakad at napatingin saken.

"nightmare ba? Kinabahan kasi ako sayo kagabi."

"ah yeah. Kapag. . .kapag nalalasing ako madalas nanaginip ako ng. . .masama." umiwas sya ng tingin.

Kaya pala ayaw nya kong paalisin kagabi!

"next time kasi wag ka ng iinom ng ganon kadami! Aish. Sumbong kita sa ate mo jan,eh." =_=

"Heira. . ."

Nakatalikod sya saken at papunta na sya ng banyo.

"salamat talaga." tapos pumasok na sya ng tuluyan sa CR at ako naman naiwan dito na nakatunganga.

Napangiti ako.

Akala ko kasi hindi nya maaalala yung kagabi tapos susungitan nya lang ako ngayong umaga. . .hindi naman pala.

Yun na ata ang pinaka-sincere na thank you ni Cyfer saken.

MIYU POV

Nagugutom na ako. =_=

Wala na naman akong pagkain.

Nagaalangan naman akong magpakita kay bakulaw.

Baka kung ano na namang sabihin nya at uminit na naman ang ulo ko.

Hindi nga ko nakatulog ng maayos dahil sa sinabi nya saken.

"ARGGGHH! BWISIIIT!" sigaw ko habang nakasubsob ang ulo ko sa unan.

*knock knock*

Napabangon akong bigla at binuksan ang pinto. Alam ko naman kung sino yon.

Nagulat lang ako kasi nakabihis sya ng formal attire, coat and tie!

"ba't nakaganyan ka-"

"oh." may inaabot sya sa akin na. . .credit card?

Napatitig ako kay Xandrei.

"ano? Ayaw mo?"

"hindi! GUSTO KO!" hinablot ko bigla yung card sa kamay nya.

"sige. Alis na ko."

E? YUN LANG?! SAAN SYA PUPUNTA? O__O

"hoy! Don't tell me iiwan mo ko dito sa hotel."

"talagang iiwan kita."

"WHAAAAAAT?!" nasara ko bigla ang pinto. "WHAT DO YOU MEAN ?! SAAN KA BA PUPUNTA?"

"hays. Miyu, ang aga-aga ang ingay. Sa ASYLVIAR ako pupunta."

"Ao gagawin mo don?"

"magtatrabaho."

"WHAT?! YOU'LL WORK WITH. . .WITH HIM?"

"oo."

Sakop na ng mata ko ang buong mukha ko for sure. WATDAHEL!

"kasama yon sa deal namin para makawala ako sa addendum."

Wala akong masabi. Nakanga-nga pa din ako.

"and Miyu,seryoso ako sa sinabi ko sayo kahapon. Kapag di nangyari yon, malabong makawala ako sa addendum. . ."

Nakalabas na sya ng pinto pero ganun pa din ang ayos ko.

Makikipag-ayos ako sa ama ko o matatali ako kay Xandrei?

CHOICES BA TALAGA ANG DALAWANG YAN?! =O="

JEN POV

Nakita ko na si Cyfer na pumasok. Nakahinga ako ng maluwag, kahapon kasi wala sya. Wala tuloy akong pictures na nakuha. Puro si Heira lang kasama si Anne , Rhea at isama pa si Ren. Close din pala sya sa anak ng may ari ng AAA.

Nagiging hobby ko na talaga ang pagiging spy ni Heira. Hays. Saka aaminin ko na sobrang thrill na thrill ako sa ginagawa ko.

Isa pa,gusto ko pag magkasama sila ni Cyfer, ang ganda kasi nila tignan sa lense ng camera ko. NYEHEHE. 

Pero wala pa akong binibigay sa bruhang Kara na yon. Manigas muna sya. =_=

Ikaw ba naman araw-araw bulabugin ng impakta,tignan ko lang kung di ka mainis.

Nagmamatigas din ako na wala pa talaga akong alam. Inis ako sa kanya,eh. Bwisit.

Balik tayo kay Cyfer at Heira, pag magkasama kasi ang dalawang yon, feeling ko ang dami-dami kong malalaman.

Speaking of Heira, makakasalubong ko sya.

"Hi,Heira!"

"Hello,Jen!"

"kamusta?"

"hehe. Okay naman." ^__^

Okay e parang ang laki ng eyebags nya.

"nakita ko nga pala kayo sa Quantum kahapon."

"o? Nandun ka din? Dapat nagpakita ka samen."

"nahiya akong lumapit ,eh." XD

"ikaw talaga." XD

Ang saya lang din kausap ng babaeng 'to eh. Walang kaplastik plastik sa katawan hindi katulad ng ibang babaeng estudyante dito sa AAA na gawa ata sa factory dahil sobrang paplastik makisama.

Kung pipili ako ng isang kaibigan dito sa AAA, si Heira ang pipiliin ko.

Kaya di ko maintindihan kung bakit ganon na lang ang galit ni Kara kay Heira.

Sus,saksakan siguro ng insecure yung impaktang yon dahil kahit simple 'tong si Heira masmaganda ito kesa sa kanya kahit pa magmukha syang coloring book sa kapal ng make up nya.


Take note : si Heira down to earth si Kara down to hell. As simple as that.

Pero ako,malaki pa din ang problema ko. Nakakainis talaga yung impakta, iniipit ako.

Nakauwi na nga pala ang ate ko. Tinutulungan nya ang parents ko sa negosyo namin. Kahit sabihin nila saken na magiging ok din ang lahat ,di nila matatago na nahihirapan din sila.

ARGGHH! KARAAAA! ISA KANG MALAKING IMPAKTA!

XANDREI POV

Grabe. First day na first day ganto agad ang trabaho ko?!

Kung makikita nyo lang ang desk ko ngayon, four sides non may mga nakalagay na folders.

GRABE. =_=

Pinakilala ako ni Mr.Tamaki bilang acting VP-GM ng kumpanya for a week or so, depende sa performance ko. Temporary lang talaga.

Hindi pala 'to kasing dali ng inaasahan ko. =__=

Isa pa si Miyu. Tsk. Kailangan kong umuwi before 14 kaya dapat matapos ko lahat ng 'to. =__=

Gusto ko sanang tawagan si Heira ngayon pero alam kong may klase pa yun.

Hindi ako sigurado kung matatawagan ko sya mamaya dahil tignan nyo naman,tambak agad ang trabaho ko.

Di bale na. I'll try later.

To be CONTINUED. . .

KHIRA1112♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112