WYBHBM ~~ Chapter 45 part 3
WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR.
BOOK 1 of 3 worth : P109.50
You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores nationwide.
-
MIYU POV
Napabangon ako ng makita kong hindi ito ang hotel room ko. Kasabay non yung pagkakaalala ko sa nangyari kanina.
May humablot saken sa daan at tumakip sa bibig ko. . .at. . .wala na kong maalala.
Napatingin ako sa sarili ko. I still have my clothes on. Pati boots ko suot ko pa din. Nakaramdam ako ng konting relief. Akala ko naman kung anong nangyari saken. Ang malaking tanong sa isip ko ngayon. . .
Nasaan ako?
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si. . .
O____O
"a-anong nangyari sayo?"
Si Xandrei . . .may pasa sa mukha at dumudugo ang gilid ng labi. May stain din ng dugo ang laylayan ng t-shirt nya. What happened to him? His face is grim. Hindi nya ako pinansin at naupo sa sofa .
"hey. Tinatanong kita."
"shut up." he said in a cold voice. Problema nya?
"nakipag-away ka?"
". . ."
Wow ha. Nice talking to him. =__=
"WILL YOU PLEASE ANSWER ME-"
"pwede ba? Sa susunod naman mag-isip ka muna bago ka gumawa ng mga bagay-bagay? Hindi mo kasi alam kung may madadamay ba sa katangahan mo."
"WHAT THE-?! Sinasabihan mo ba ko ng tanga?!" hindi nya diretsahang sinabi pero parang ganun na din yon! Makainsulto 'tong bakulaw na 'to!
"kasalanan ko ba kung napaaway ka? Ikaw ang tanga!" naiinis na dagdag ko .
"napaaway ako ng dahil sayo! O ano? Satisfied ka na ba?! Kung di kita natanaw agad, makikidnap ka!" Natahimik ako.
Napaaway sya dahil saken?
Kidnap?
"lumabas ka ng hotel ng di ko alam. Paano kung di ko naisipang balikan ka sa kwarto mo? Paano kung di ko nalamang umalis ka? Kung nahuli ako ng ilang minuto, malay ba nating dalawa kung buhay ka pa ngayon!" singhal nya saken.
Tumayo sya at hinawakan ako sa balikat.
"listen Miyu, responsibilidad kita. Kaya kong sakyan ang ibang kalokohan mo pero pag napahamak ka dahil lang sa pinipilit mo ang gusto mo, ako ang mananagot. Nasa saken lahat ng sisi and at the end of the day I have no other choice but to blame myself. Kahit inis na inis ako sa mga kinikilos mo, hindi ko gustong mapahamak ka. Tandaan mo yan. Imagine, umalis ka ng hotel dahil lang . . .dahil lang di kita pinayagang mag-bar? Grow up,Miyu! Hindi ka na bata. We're both 20 for pete's sake! Daig ka pa ng high school mag-isip."
Napahigpit ang hawak nya saken at napapa-igik na ko.
"nakita kitang walang malay at nasa kamay ka ng tatlong lalaking yon. Natakot ako para sayo dahil hindi mahirap isipin kung anong gusto nilang gawin. . . I need to run fast para lang maabutan kong bukas ang kotse at hablutin ka." he sigh .
Nag-uumpisa naman akong mahiya at. . .umiyak.
"hindi ka nila binigay saken. They fight me and I have to fight for myself. . .and for you. Thank God they are just goons at nakayanan ko silang labanan kahit tatlo sila but that's not the point. Kahit ilan pa sila,babae man o lalaki,basta masamang tao may magagawa silang hinding hindi mo magugustuhan. Pag pinairal mo ang pansamantalang inis, you'll end up doing something you'll regret later. Ayoko nang maulit yon,Miyu. Ayokong mapahamak ka dahil din lang sa mga kalokohan mo."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Sa lahat ng sinasabi saken ni Xandrei parang napakawalang kwenta ko. Muntik na kong mapahamak at sya ang nagligtas saken.
Naiinis ako. This time, di na kay Xandrei kundi sa sarili ko at sa pagkakataon.
Nanatili akong nakayuko at tahimik na umiiyak. Oo na,kasalanan ko na. Wala akong ibang masisisi kundi sarili ko lang. . .
"hush now. I dont want to see you crying kahit napakatigas ng ulo mo."
He brushed my tears with his fingers.
"sorry. . ."
"I'm expecting you to say that word. . .and a single thank you. Kahit yun man lang ang bayad sa pagkakaligtas ko sayo." binitawan nya ako at bigla syang lumabas ng kwarto. I'm about to say thank you tapos bigla syang lumabas. Aish. Labo nya. Umupo na lang ako sa gilid na kama.
What now? May malaking utang na loob ako sa lalaking kinaiinisan ko ng sobra. Hindi ko tuloy alam kung paano ako makakabawi. Is a single thankyou enough? Parang lugi ata. . .
Bumalik sya na may dalang medicine kit. May kinuha lang pala.
"oh. Gamutin mo ko."
=___= SRSLY? Akala ko naman emote emote lang. Bigla na namang umepal yang attitude nya.
"nasaan tayo?"
"sa hotel."
"hindi naman eto suite ko ah."
"di naman sayong suite to. Room ko 'to,eh. Sige na. Gamutin mo na ko."
inabot nya saken ang med kit at isang ice pack. Bumabalik ang inis ko sa kanya. Ewan ko kung bakit. Pft. =__=
Pero kahit ganon yung feeling, ginamot ko pa din sya.
"akala ko kanina nakita mong nakikipagsuntukan ako."
"paano ko makikita e tulog nga ako?" dahan dahan kong dinampi sa pisngi nya ang ice pack. Nagsisimula nang magkulay itim ang bahaging yon. "tinurukan ka nila ng pampatulog."
"a-alam ko." nandun pa din yung takot na naramdaman ko kanina. Naramdaman ko rin kasi ang pagtusok ng isang bagay sa braso ko.
"di sana napanuod mo yung mala-action star kong moves.hahaha." napadiin ang paglapat ko ng ice compress sa pisngi nya.
"aray."
"wag ka ngang mag-joke!"
"di ako nagjo-joke." =_=
"manahimik ka na lang."
"wag mo nga ko gamitan ng ganyang tono. Malaki kasalanan mo saken. Dahil sayo nabawasan ang kagwapuhan ko." =__=
"napakakapal mo . Alamoyon?"
"may tao bang manipis-aray!"
"seryoso kasi!" =_=
Bwisit na tao 'to. Hindi ko alam kung may pagka-autistic ba sya o sadyang moody lang? May mood na mabait,may mood na masungit at may mood na ewan. Para syang timang. =_=
"hindi ka mabiro. Pinapagaan ko lang ang sitwasyon. Inis pa din ako sayo.
Ikaw kasi e."
Ayan na naman ang tono nyang nangongonsensya.
"nag-sorry na ko di ba?" yung gilid naman ng labi nya ang ginagamot ko. Eto lang ba ang sugat nya? Psh. Parang nanghihinayang pa ko na eto lang natamo nya sa tatlong lalaking nakalaban nya. =__=
"kulang pa yon."
Oo,alam ko kulang pa yon. Wala na ko sa mood mag-thank you. Ano bang dapat gawin?
"may naalala ako. . ." bigla nyang sinabi. Napatigil ako sa paglilinis ng sugat nya at napatingin sa mga mata nya.
"last time, babae ang nakasuntok saken. Dumugo din ang labi ko. Hahaha."
Baliw na sya.( ,--)
Nasuntok na nga, tumawa pa? Baliw.
"babae ang sumuntok sayo?"
"oo. Ang lakas nga,e. Masmalakas pa sa suntok saken ng isa sa mga lalaki kanina. Hahaha."
"tapos tumatawa ka pa? You crazy?" naalog ata pati utak nya nung nakipagsuntukan sya kanina. Baka kailangan ko na syang dalhin sa ospital.
=__=
"wala lang. Natutuwa lang ako pag naalala ko yun. . .yun kasi yung unang pagkakataon na may sumuntok saken na babae. . ." nakatingin sya sa kawalan at nakangiti pero may lungkot akong nakikita sa mga mata nya.
"nakakamiss. . ."
Miss? Nakakamiss ang masuntok o namimiss nya yung taong sumuntok sa kanya?
Malay ko ba.
Pinagpatuloy ko ang paglilinis ng sugat nya sa mukha. Hindi naman ganun kalala. Maliit lang naman sugat nya sa labi. Medyo halata nga lang yung pasa sa kaliwang pisngi nya.
"Miyu,seryoso ako sa mga sinabi ko kanina. Sana di na talaga maulit 'to. Baka next time wala ng magligtas sayo."
I give up sigh and nod.
"sorry ulit at. . .at thank you. . ."
He smiled.
"di ba? Wala namang mahirap sa pagsabi nyan. Wala din namang mawawala sayo kung pasasalamatan mo ko paminsan minsan kahit damang-dama kong labag sa loob mo."
"b-bakit mo nga pala ako hinanap?"
"di kasi kaya ng konsensya ko na may kaaway ako at babae pa." =.=
"psh. Lagi naman tayong magkaaway."
"yeah. Pero pinakamalala yung kanina. Bakit ba gusto mong mag-bar?"
Hindi ko alam kung dapat ko bang banggitin sa kanya kung bakit. Tinatantya ko kung sasagutin ko ba o hindi. Sa huli, ngapagpasyahan kong sabihin na.
"birthday ko ngayon."
XANDREI POV
Napaawang ang bibig ko ng sagutin nya ang tanong ko.
"BIRTHDAY MO?!"
"Oo nga! Kelangan paulit-ulit?"
"you should have told me!"
"sinabi ko naman sayo ah!"
"I mean EARLIER! E di sana-"
"gusto ko uminom mag-isa. I dont feel like celebrating. Gusto ko ngang kalimutan na lang yung tungkol don. Kaya nga gusto ko magbar para uminom na lang at di ko maalalang birthday ko ngayon."
"21 ka na?"
"hindi. Hindi. Twenty pa din. Marunong ka ba talaga magbilang?" =_=
"ayan na naman yung mga banat mong maspilosopo pa kay Socrates. Dammit! Masmatanda ka pa saken tapos mas isip bata ka pa sa kapatid kong bunso."
"HEH! Kailangan talagang ipaulit-ulit mo yang line na yan?"
"inuulit-ulit ko baka sakaling tumatak jan sa isip mong pang-fetus!"
"binabawi ko na yung sorry at thank you ko!"
"o ayan! Isip bata talaga. HAHAHAHA! Kawawa naman ang mapapangasawa mo." natawa na lang ako sa kanya. HAHA.
"o talaga? Kawawa ka naman pala. Ikaw kasi mapapangasawa ko. How sad."
she's grinning right now. Ako naman nahinto sa pagtawa.
"seriously?" sabi ko.
Sya naman ang natawa.
"Hahahaha! What a face,Xandrei! You look horrified! Hahahaha!"
"psh. Di maganda yung joke mo."
"hahaha. As if naman nagjo-joke ako."
"tsk. Tama na nga. Bumabalik inis ko,eh."
"hahahaha! Pikon talo."
"psh. Hindi ka pwedeng joker. FOUL."
"hahaha. Don't worry! Pwede pa namang mabago yan!"
"dapat lang. . ." bulong ko. Huminto naman sya sa pagtawa at tinitigan ako ng matiim.
"tell me the truth ,Xandrei. Do you have a girlfriend?"
Here we go. Lumabas din ang topic na yon sa bibig nya. Alam kong darating sa punto na sasabihin ko din ang totoo. Ayoko lang umpisahan dahil baka makita nya ang weaness point ko - si Heira yon.
Na kapag nalamam nya ang totoo, magkaron sya ng kontrol saken at ako ang susunod sa kanya. I don't want that kind of set up. Baka di ako makawala kung sinabi ko sa kanya ng maaga.
Bakit ko pinatagal ng ganto?
To know Miyu more. Her story, weakness and my advantage. You may say that I'm such a bastard for doing this pero hindi nyo ako masisi. Desperado ako at gusto kong maging masaya. Desperado ako at ayokong masaktan ang mga taong importante saken and let them sacrifice for me. Kung may magagawa ako to make things better, I'll do it kahit pa mahirap ang mga pagdadaan.
And now, umaayon saken ang pagkakataon. Hindi ko palalampasin 'to. Hindi ko na kailangang itago pa total andito na kami sa Canada and soon we'll face her Dad.
"yes. I have a girlfriend."
Hindi sya nagulat. I can't read her face expression.
Katahimikan. Walang nagsasalita saming dalawa.
She broke the silence.
"minsan iniisip ko na din ang bagay na yan. May kutob na ko kung bakit gusto mong makawala sa addendum na iniwan sayo. . .I don't know. Madaming reasons ang pumasok sa isip ko kung bakit. Hindi lang naman yung idea na may girlfriend ka na. Minsan naisip ko na hindi lang talaga ikaw yung tipong magpapatali sa isang arrange marriage, o kaya naman wala ka pang balak magpakasal. . ."
"I know you dislike me and the feeling is mutual. We don't have that kind of attraction na pwedeng maging tayo sa huli- err! Kahit naman ako tutol dito at alam mo naman yon pero. . .gusto kong malaman kung alin don. Alin yung totoong rason?" tumingin sya ulit saken.
Hindi na ko magpapaligoy- ligoy. Sasamantalahin kong nakakausap ko sya ng maayos. . .
"I'm about to marry my girlfriend kung di lang lumabas ang addendum, nagpaplano na sana kami ngayon. . ."
"WHAAAAAAT?!" O____O
"hindi nya alam ang tungkol sa addendum. Hindi nya din alam ang tungkol sayo kaya ingat na ingat ako nung nasa Pinas pa tayo. Hindi ko gustong malaman nya-"
"bakit hindi mo sinabi sa kanya?!"
"she might leave me. . ."
"bakit naman nya gagawin yon?! Kung mahal ka nya she'll fight for you-"
"you don't know her,Miyu. She's strong. Yes. Pero maspipiliin nyang iwanan na lang ako para hindi ako mahirapan. Kapag iniwan nya ko, I'll end up marrying you. Hindi mawawala ang mana ko at ng mga kapatid ko. Hindi mawawala ang kompanya saming magkakapatid. See? Advantage ko lahat pag iniwan nya ko. . .pero sa huli,di ako magiging masaya. . ." I smile bitterly.
"bastard. I want to punch you,right now." she hissed.
"bugbog sarado na nga ako, susuntukin mo pa ko?" =__=
"'cause you are selfish. SELF-ISH. S.E.L.F.I.S.H. Arggghh! Kung ako ang girlfriend mo, magagalit pa ko sayo! Sinasarili mo problema mo! Jerk! Natanong mo ba sya kung anong mararamdaman nya? Hindi mo dapat sya pinapangunahan! Nakuuu~ gusto kitang kutusan!"
"my instinct told me so."
"instinct instinct mo mukha mo! Hindi ka naman manghuhula para hulaan kung anong nararamdaman ng mga tao sa paligid mo." =__=
"words of Miyu, is that really you? Bigla bigla ka nalang nagtatransform,eh."
"sus. Na para namang kilala mo na talaga ako. Judgemental ka!" =_=
"tss. Totoo namang utak fetus ka." =__=
"shut up! Dapat pinakilala mo ako sa girlfriend mo!"
"nu ka chix? Wag na no."
"lololol. Takot ka lang na may masabi ako sa kanya. HAHA!"
"dapat pala hinayaan na lang kitang kunin ng mga lalaki kanina." =_=
"NAPAKASAMA MO!" =O="
Para kaming mga tanga. Seryoso biglang pikunan tapos biruan tapos seryoso ulit mapupunta na naman sa pikunan. Paulit-ulit. Moody ang convo? Hindi din.
Si Miyu ang baliw kausap.
"pwede na ba ko bumalik ng room ko? Tapos na kita gamutin."
"di ka tatakas ulit?"
"baliw ka? Hindi naman ako tumakas kanina. Lumabas lang ako dahil inis na inis ako sayo." =_=
"ganun na din yun."
"penge muna akong number ng girlfriend mo."
Ako - =______=
"hahahahaha! Pikon. Hahaha! Bukas kwentuhan mo ko tungkol sa kanya."
"ayoko nga."
"damot hmp." palabas na sya ng kwarto ng tawagin ko ulit sya.
"happy birthday."
"s-salamat."
"ayaw mo talaga mag-celebrate?"
"ayoko. Matutulog na lang ako." sabay labas sa pinto.
Loner na naman.
Hindi ko alam kung malas o swerte ang araw ko ngayon. Neutral siguro.
May part ko na medyo relief dahil walang nangyaring masama kay Miyu.
Nasabi ko na din yung totoo sa kanya at nauunti-unti ko na ang problema.
Inis dahil masakit ang panga at labi ko.
Naguguluhan dahil sa mga sinabi ni Miyu. Kailangan ko bang makinig sa utak fetus na laging umiikot ang mata?
Satisfied dahil unti-unti nang nilalabas ni Miyu ang sarili nya.
Nababagot na ko dito. Gusto ko ng makita si Heira. . .
Soon. . .malapit na 'to matapos. . . Sana. . .
MIYU POV
Nakatulog naman ako. Mga ilang oras nga lang . 6am palang. Usually tanghali ako nagigising.
Ang dami ko kasing iniisip kagabi. Nakalimutan kong tanungin si bakulaw kung anong pangalan ng girlfriend nya.
Infairness to Xandrei,sa pinagsasabi nya saken kagabi, halatang mahal nya yung babae. Akala ko pa naman takot yon magpakasal.
Seryoso ako huh, gusto kong makilala yung girlfriend nya ang give her a piece of my mind. Baka sakaling matauhan sya at iwan nya si bakulaw. Hahaha.
Just kidding.
Gusto ko lang inisin si Xandrei.
Bumabalik sa isip ko ang mga pinagusapan namin kagabi. Ang dami pala.
Mga importanteng bagay at walang kwentang pambabara sa isa't-isa.
Ang haba ng sermon nya saken kagabi no? Hindi ko nga natandaan lahat. Ang pinakamasaklap pa,napaiyak nya ko. Bwisit yon.
Oo na! Alam kong ako ang mali. Inis na inis kayo saken at gusto nyo akong mawala sa storya na 'to pero kayo rin, walang thrill kung wala ako. Hindi ko pa din nakakalimutan yung muntik na kong mapahamak. Still giving me chills pag naaalala ko.
Sincere ang sorry at thank you ko kay Xandrei kagabi, di lang halata.
Bumangon ako ng di na ko makatulog ulit. Nagugutom ako. =_=
Bulabugin ko kaya si bakulaw? Hindi pa ko nagdinner kagabi.
Nahinto ako sa paglalakad ng may makita akong box sa round table.
Box ng cake! May note pang kasama. . .
"Ayaw mo magcelebrate,eh. Papayagan pa naman sana kitang mag-bar.
Happy Birthday. May ice cream pa sa fridge. Sweets a day keeps depression
and stress away. . ."
Ok. I'm smiling stupidly. Hindi dahil kay bakulaw. Dahil may cake,chocolate at ice cream ako. Hindi ko na kailangang mambulabog.
Sayang din pala kagabi. Dapat pumayag na ko magcelebrate, bar na naging bato pa.
Anyways, it doesn't matter. Okay na ko sa sweets.
May mabuting kaluluwa naman pala si Xandrei Bakulaw.
Sinisimulan ko ng papakin yung cake. Saan kaya nya binili 'to? Masarap.
Papabili pa ko mamaya . Hahaha!
Umagang-umaga, matamis ang kinakain ko. Well,minsanan lang naman.
Ang dami ko na atang utang sa lalaking yon. Ok lang ba talaga na 'thank you' lang? Kung ako siguro ang gumawa ng napakaraming pabor, di ako papayag sa ganun.
I owe him big time. . .
An idea came into my mind.
Isa lang ang alam kong way para makabawi. Sana effective . . .
Kinuha ko kaagad ang cellphone ko at tinawagan si Riyu, my dad's lawyer.
"hi Riyu. Please gave me my father's address here in Canada. . ."
To be CONTINUED. . .
KHIRA1112♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top