WYBHBM ~~ Chapter 45 part 1


XANDREI POV


I'm texting Heira. Hindi naman pala sya galit sakin. Hindi lang sya nakareply dahil walang load. Pinakaba lang pala ako. -___-


Gamit nya cellphone ni Cyfer.


Heira : sorry. T.T di me makareply. No load. </3


Napangiti agad ako.


Reply agad.


Me : it's okay. Akala ko naman galit ka saken. Breaktime nyo pa din? 


Sent.


It'll take a minute bago ko marecieve yung reply. Naiinip tuloy ako.


Heira : bakit naman ako magagalit? XD


Me : akala ko nagtatampo ka pa din.


Heira : di na po. Naiintindihan ko naman. 


Me : thank you ,babe.


Heira : madami bang maganda jan?


Muntik ko nang mabitawan yung cp ko dahil sa message nya. Haha.


Me : hmmm, madami. XD


Heira : manchichicks ka? XD


Me : hahaha. Di no! E di pinatay mo ko. Haha.


Heira : haha. Buti lam mo! :D


Me : harsh mo,babe. :)


Heira : hahaha. Joke lang. :) Sure ka na wala kang chicks jan?


Hindi ko alam kung anong irereply ko. Argh! Wala akong babae pero. . .may kasama akong babae. Si Miyu. Guilty na naman ako. Shet.


Me : wala po.


Aish. Parang may pumupukpok na sa dibdib ko. Shet talaga.


Heira : buti naman po. Anong oras na ba jan?


Me : 7:15 ng gabi :)


Heira : kumain ka na? Wag kang magpapabaya jan ,ah. Kutusan kita. 


Hahaha. Sweet pero harsh. Reply ulit.


Me : opo. Tapos na po. Ikaw? Kumain ka ba? Breaktime nyo ,ah.


Heira : opo. ^__^ ay,may tatanong ako sayo. Kailan ka uwi?


Di ko na naman alam irereply ko. Aish.


Me : hmm, di ko pa alam,babe. Pero I'll text you pag nalaman ko, ok?


Heira : ay ganun ba? *sad face* sana makauwi ka bago mag-feb 14.


O___O SHIT.


Feb 14?!


SHIT SHIT SHIT.


Napatingin agad ako sa kalendaryo.


Feb 1 na sa susunod na araw! Napasabunot ako sa buhok ko. Paano ko nakalimutan yung feb 14?! AISH!


Me : uuwi po ako bago mag-feb 14. Promise.


Sisiguraduhin ko talagang makakauwi ako. Grabe. Hindi pwedeng mamiss ko yun!


Heira : yehey! May surprise kasi ako sayo nun! 


Awwts. Eto na naman ang konsensyang nanununtok ng dibdib. Mukhang paghahandaan nya talaga samantalang ako kung di pa nya nabanggit ,di ko maaalala. Mag-iisip din ako kung anong magandang gawin sa feb 14. Sa dami ng iniisip ko nitong mga nakalipas na araw, hindi ko na namalayan kung anong date na ngayon. 


Me : ako din. Isu-surprise kita. :)


Heira : yhiee! Sabi mo yan,ah. Tapos na breaktime namin,Babe. May klase na ko ulit. Maya na lang,ah. Hintayin ko tawag mo. Miss you. I love you very much. Mwuah! :*


Me : I love you too,babe. Miss you mo-


"sino yang katext mo?" napatayo ako bigla sa sofa. Nabitawan ko pa cellphone ko. Si Miyu!


"bakit ka nanggugulat?!"

"hello?! Nagtatanong po ako hindi nanggugulat. Malay ko bang magugulatin ka pala."


Aish. Badtrip na naman ako. As in.


"sino ba yung katext mo?" pinulit nya yung cp ko. Ay shit! Nabitawan ko nga pala.


Hinablot ko yun sa kamay.


"wag ka ngang makialam!"


"wag ka ngang sumigaw! Di naman ako bingi!"


"dun ka na nga sa kama mo!"


"hello?! Kaya nga ko pumunta dito dahil nagugutom ako! Sa tingin mo ba lalapit ako sayo kung may pagkain na don?"


=_________=


Inis.


"oo na! Mag-ayos ka na! Bababa tayo!"


"wag ka ngang sumigaw!"


"e naninigaw ka din,eh!"


"ikaw nanguna!" 


Walkout na lang ako para walang away. Tss. Sabi ko na nga ba,eh. Napredict ko na talaga na ganto ang mangyayari samen. =__=


Pag may nagcheckout na ibang guest , lilipat na ko ng ibang room. May storm signal kasi dito sa Canada. Lalo tuloy lumamig. Tinamad ako lumipat sa ibang hotel. Hinihintay ko lang talaga na may mabakanteng room. Iiwan ko dito si Miyu. Bwisit talaga. =__=


Sinend ko yung message kay Heira na dapat kanina ko pa na-send ng bigla namang may asungot na nanggulat saken.


"tara na!"


Nakasigaw pa din sya. Lagyan ko kaya ng takip bibig nya? Aish.


MIYU POV


Nakakainis talaga yung Xandrei bakulaw na 'to,eh! Makasigaw naman saken paran alila nya ko. Ang saya nya huh! Sana pala nagmatigas na lang ako na maiwan dun sa pinas. E di malaya ako. Wala akong kaaway at di ako masisigaw sigawan ng bakulaw na yon. Inisip ko naman kasi , paano ako magsusurvive sa condo nya ng wala sya? Right, na saken pa din extension card nya pero di naman nya ko bibigyan ng cash! Ang nakakainis pa, ginamit nyang pamblackmail yun saken. Bakulaw talaga. =___=


Ayaw kong sumama dahil baka mag-away na naman kami ng mahal kong ama. Tuwing nakikita pa naman ako nun, lahat nalang ng mali ko uungkatin nya. Kahit yung mga di ko naman sinasadya, babanggitin nya. Ang nakakainis pa don, kahit may nakakarinig, papagalitan nya pa din ako. Paano na lang kung gawin nya ulit yun saken tapos sa harap pa ng bakulaw na si Xandrei? Baka tawanan lang ako ng tawanan ni bakulaw.

Aish. 



Sino naman kasing katext non?



Ay teka ,



may girlfriend ba yun?



CYFER POV


Nag-cutting ako. Pagtapos kong makausap si Anne, umalis na ako ng academy. Tamang-tama naman na walang guard na nakatoka sa gate E. 


Pagdating ko sa mansion, diretso agad akong kwarto. Pabagsak akong umupo sa gilid ng kama ko.


Ano bang nangyari sa araw ko?


Binagsak ko ang katawan ko pahiga at pumikit.


Pabalik-balik sa isip ko ang paguusap namin ni Anne. . .


FLASHBACK


"I love you. . .pero di na pwedeng maging tayo ulit. . ." yes,I still love her. Sa wakas,naamin ko din sa sarili ko na mahal ko a din sya.Most of all, naamin ko din sa kanya. . .


Pero hanggang dun lang yon. Hanggang dito na lang talaga kami. Hanggang dito lang ang pwede kong ibigay sa kanya. Hindi ko kayang lumagpas pa dito. Hindi ko sya dapat idamay sa magulong buhay ko.


Yes,magulo.


Sobrang gulo.


Kung uungkatin lahat ng bagay na may kinalaman saken, malalaman ng lahat na di ako karapat-dapat sa kanya . . .o sa kahit na sinong babae.


Masakit man amimin pero . . . walang pwedeng magmahal saken. . .


Yes, kaya kong mahalin lahat ng tao sa paligid ko pero bibihira lang ang mga taong kayang suklian o higitan ang kung anong kaya kong ibigay.


I was born to be alone, hated and ignored .


I may look a hard man outside but I'm empty inside. 


I was actually lucky when I met Anne. She learned to love me. She teach me how to love her.


Pero sabi ko nga, hanggang dito na lang kami.


"ayaw na kitang saktan. Takot na kong masaktan ka. . ."


She started crying again.


"please,Anne. Let's end this. . ." masakit? Oo. Hindi ko na nga kayang tantsahin kung gaano kasakit. Kung tatanungin nyo ako ngayon kung anong pakiramdam, para akong sinasakal. . .hindi ako makahinga.


"eto ba talaga ang gusto. . .mo?" she asked.


"yes. . ."


"bakit,Cy? Bakit ganto?"


. . .kapag minahal mo pa ko, they will hate you. . .everybody will hate you. . . I don't want that to happen. . .


"cause you deserve someone better. . .better than me. . ."


"can we be friends? Kahit. . .kahit yun na lang. . ." 


"no. After this, magpanggap ka na di mo ako nakilala. . ." tinanggal ko ang pagkakayakap sa kanya and kiss her for the last time. . .


"goodbye,Anne. . ."


and I left her standing there crying over me.


END OF FLASHBACK


Now, we officially broke up. Wala na talaga. 

Kinapa ko ang bulsa ko at hinana ang cellphone ko. . . Na kay Heira nga pala.


Speaking of Heira, madami sigurong nagtataka kung ano ba talaga sya saken?


I'm attracted to her. Inamin ko yon. 


She's a friend. Yes, I consider her my friend. Total naman nakakasama ko sya ng madalas. Sa isang bahay kami nakatira, sa isang school kani pumapasok.


Hanggang dun lang din. 


Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi pwedeng maging kami dahil fiancee sya ng half brother ko? Bukod pa sa hinding hindi yon magkakagusto saken.


Kulit nyo,eh. =__=


Sa totoo lang, pinipilit kong magbago para makibagay sa mundong hindi ko naman kinasanayan. 


Hanggang kailan ako magiging ganto?


Hanggang kailan ko itatago ang tunay na ako?


XANDREI POV


Kakatapos ko lang makausap si Heira sa phone. Anong napag-usapan namin. Madami. Tatlong oras ata kaming magkatelebabad. Mga adik lang. Haha. Na-miss ko boses nya,eh. Kung di pa nga sya tinawag ng mga kaibigan nya, di ko pa ibaba ang phone. Haist. 


Wala namang magawa dito sa hotel. Ayoko namang magbar. Tinatamad naman din ako bumaba. Dito na lang ako sa kama.


Yes, may nag-check out na. Ibang room na ang gamit ko. Magkahiwalay na kami ni Miyu the rolling eyes nang kwarto. 


Bukas pag medyo gumanda-ganda ang panahon, baka puntahan ko na si Mr.Tamaki. Haist. Ayoko ng matagalan dito.


Tinawagan ko naman si ate Xandra.


Ilang ring lang may sumagot agad. 


"hello?"


"ate. . ."


"waaa! Lil bro! Ano nang balita sayo? kwentuhan mo ko dali."


"tss. Wala akong ikukwento sayo." =__=


"aish. Ang boring naman ng buhay mo jan, umuwi ka na nga lang ! Wala akong katulong dito sa office. Mamamatay na ko sa sobrang dami ng trabaho ko." T___T


"tss. Kaya mo yan!"


"aish . Anong klaseng kapatid ka ba? Papabayaan mong mamatay ang ate mong maganda."


"tss. Ang OA mo,ate."


"OA ka jan! Totoo naman madami akong paper works. Pwede bang i-email ko sayo yung iba tas ikaw na lang gumawa? Pleeeease!"


"di ko dala laptop ko." =___=


"haish. La kwents. Beyeeen. Ba't ka tumawag?"


"nakauwi ka na ba?"


"di pa nga,eh. OT ako,eh. Dami nga kasing paper works."


"haist. Sabi kasi ni Heira ,hindi na pumasok si Cyfer pagtapos ng breaktime nila."


"luh?! Pumasok kaya si new bro! Nag-cutting ?"


"I don't know. . ."


"teka,ittxt ko."


"wag. Na kay Heira phone nya."


"ngek. Bakit?"


"pinahiram nya kay Heira."


"para makausap ka? Aynako! Kayong dalawa parang kinakawawa nyo si new bro,eh."


"haist. Favor lang,ate. Minsan lang naman ako humingi ng pabor. Gusto ko lang din magthank you sa kanya."


"wow. Close na kayo ni new bro? Ahaha. Nakakatuwa naman! Sila kaya ni lil sis kailan magiging close?"


"yun lang. Parang imposible yan." natatawang sabi ko. Si Xandie at Cyfer magiging close? Hahaha.


"oo nga,eh. Haha. Para pa namang pusa't daga yung dalawang yon. O sya, maya mo na ko istorbohin. Magtatrabaho pa ko para mabigyan ako ng POV ni author. Mwahahaha!"


Ano daw? Nababaliw na naman si Xandra. In-end ko na yung call .


Ano bang dapat kong gawin?


Hmm. . . 


*knock knock*


"oy de Vera!" boses ni Miyu. Aish. Ano na namang problema ng babaeng yan? =__=


Binuksan ko ang pinto.


"what?"


"gusto ko mag-bar!"


"mag-bar?! Aish. Ayoko."


"gusto ko nga,eh!"


"alam mo naman siguro kung anong nangyari nung huling pumayag akong mag-bar ka. Utang na loob, ayoko ng maging yaya mo." =___=


"aish! I'm so bored! Anong gusto mong gawin ko?!"


"bahala ka na sa buhay mo. Di kita papayagang magbar ulit." sinara ko ulit yung pinto.


"oy,de Vera! Oooy! Bakulaw ka talaga! Gusto ko mag-bar! Gusto ko mag-baaaaar!"


*facepalm*


Sheeeet. Nakakahiya sya. =________= 


Binuksan ko yung pintuan at lumabas. Hinila ko sya pabalik ng kwarto nya. 


"gusto ko mag-bar!"


"haish! Tumahimik ka nga! Nakakahiya ka!"


"wala akong pakialam!"


"ako meron!" binuksan ko ang pinto ng suite nya at pinapasok sya.


"oy ano ba! Gusto ko mag-bar! Ayoko pumasok!" pero wala namang syang nagawa dahil masmalakas ako sa kanya at nahila ko sya papasok.


"ano ba?!" 


"pwede ba,Miyu! Akala ko ba may truce na tayo? Haish! Umayos ka nga! Hindi tayo pumunta dito para magbar ka!"


"e naboboring ako,eh!"


"isa pa, hindi mo ko utusan na sasabihan mo lang ng mga gusto mong gawin ,ok? Respeto naman! Wala ka man lang bang ka-konsi-considerate? Ang dami ko na ngang problema, dinadagdag mo pa sarili mo!"


"pakialam ko sa problema mo?! Excuse me, hindi lang din ikaw ang may problema dito!"


"IKAW NGA ANG PROBLEMA KO,EH! ANG TIGAS NG ULO MO! STOP BEING CHILDISH! NASA TAMANG EDAD KA NA! UMASTA KA NAMANG MATURE KAHIT MINSAN,PWEDE?!"


"WAG MO NGA AKONG UTUSAN!"


"HINDI KITA INUUTUSAN! SINASABIHAN KITA! PARA KANG REYNA KUNG UMASTA,DI KA BA NAHIHIYA?!"


"o e pakialam ko sa nararamdaman mo?!"


"now I know kung bakit lagi kayong nag-aaway ng papa mo." napailing ako. Natigilan naman sya. Naningkit ang mata.


"wala kang alam,ok? Kaya wag mo kong pagsabihan!"


"kung ayaw mo mapagsabihan ,gumawa ka ng tama. Hindi yung puro na lang kahihiyan."

Nanahimik sya ng isang minuto pagtapos ay tumalikod.


"leave." yun lang at wala na sya sa paningin ko. Did I say something wrong? Tss. Nagdadrama lang siguro yun. E sya kasi! Hindi na sya bata para umasta ng ganon. Pasigaw sigaw pa. Tss. Napaka-childish.


Ano bang meron sa bar at gustong-gusto nya don? Kahit naman inis ako sa kanya, ayoko syang mabastos ng kung sino na lang. Mamaya maging kargo ko na naman sya at tuluyang di makawala sa arrangement. Tss.Inis talaga.Lumabas na ko ng kwarto nya at bumalik sa kwarto ko.Ngayon lang ako nabwisit ng ganon sa isang babae. Kay Miyu lang.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112