WYBHBM ~~ Chapter 42

WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR. 

BOOK 1 of 3 worth :  P109.50

You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores  nationwide. 

-

HEIRA POV


"hey. . ."


"Cy."


"ang aga mong nagising ,ah."


"uhm. . .hehe."


"o baka naman wala kang tulog?"


Bistado. Hindi ako nakasagot. Kasi naman,eh. May sumulpot na namang mind reader sa tabi ko. Dapat pala hindi na lang ako tumambay dito sa garden. . .


"wala kang tulog no?" tanong nya ulit.


"ba't ang aga mong nagising. 5:45 palang,oh." pag-iiba ko ng topic. Sana nga lang di nya ako barahin.


"balak kong mag-jogging. . ." 


"ahhh."


*krooo krooo krooo ~ awkward alert *


"malamig dito. Dun ka na lang dapat sa loob."


"okay na ko dito. . ."


*silence*


*silence*


*silence unlimited*


-sheeems. =_= ang benta ng silence.


"gusto mong sumama mag-jogging?"


Napatingin ako sa kanya. Akala ko nga umalis na sya dahil ang tagal nyang magsalita ulit. Ngayon naman niyaya nya akong mag-jogging.


"e. . .uhm. . .madali lang ba?"


"sisiw."


"sigurado kang isasama mo ko?"


"ayaw mo ba?"


"uhm. . ."


Wala naman akong gagawin dito sa garden. Tunganga lang habang nakatingin sa mga bulaklak na nandito. Wala naman sigurong masama kung sasama ako sa kanya di ba? Sabi nya sisiw lang mag-jogging. Para na din malibang ko ang sarili ko at mapagpahinga ko ang utak kong pagod na sa kakaisip- aish! Erase. Erase.

"ano na?"


"wait. Ganto lang ako,pwede?" may nagjo-jogging bang naka-pajama?


"magpalit ka ng sweat shirt and leggings. Walang nag-jo-jogging ng nakapajama, for pete's sake. " =__= - poker face.


Sabi ko nga di ba? Tanga much . Amp. >__<


"I'll give you 5minutes. Mag-rubber shoes ka din."


"okay." tumayo agad ako at tinungo ang kwarto ko. Nakakahiya yun,ah. Jogging in my pajamas? Geez. =_= ang mangmang mo,Heira.


Binilisan ko magpalit then tinali ko din yung buhok ko . Ponytail. Amp. Nakakapanibago. Minsan lang ako mag-ganito. Parang ngang ngayon lang,eh. Nakakahiya mang aminin, ngayon lang ako magja-jogging sa buong buhay ko. Kawawang nilalang. XD


Lumabas agad ako. Andun pa din si Cy sa garden.


"ok na." napatingin sya saken saglit sabay talikod. 


"let's go"


~


Hutaminaaaam! Sabi ni Cy, sisiw lang mag-jogging! Masasapak ko 'tong bato na 'to, eh!

Syeeems~! Lahat ata ng pawis sa katawan ko ,nailabas ko na. Hinahabol ko yung pagtakbo ni Cyfer pero. . . ay grabe! Hindi ko sya maabutan! Weak mo,Heira. =__=


"o-oy ! *hingal hingal* wait lang!" napaupo na ko sa kalye. Walanjo! Kung alam ko lang na ganto kahirap mag-jogging di sana di na ako sumama! Boset.


"anyare sayo?" o? Nasa harap ko na agad sya? Parang kanina lang ang layo nya saken ,ah?

Nag-teleport o may lahing ala flash si Cyfer? =__= 


"bwisit ka! Sabi mo sisiw lang 'tong jogging?!"


"sisiw nga lang. Mahirap ba?"


"ay hindi. Hindi mahirap. Enjoy na enjoy nga ko,eh. Hindi ako hinihingal at hindi sobrang pagod." sarcastic na sabi ko. Sheeems naman kasi. Wala atang parte ng katawan ko ang hindi basa,eh. Maski ata singit ko di nakaligtas. =_= sisiw pala ha.


"wala pa tayong 30 minutes tapos pagod ka na?"


"ay sorry po,master. Hindi po kasi unli ang energy ko katulad mo." inis. =__=


"haish. Tara nga." hinila nya ako patayo at umupo kami sa gilid ng daan. Anong pinagkaiba? Atleast ngayon sa gilid lang, di yung nasa kalye talaga. Pero pagod na talaga ako, pramis. =___=

"o tubig." inabot nya saken ang isang bottled watter.


"saan mo nakuha to?" 


"sa kanal." =__=


"weee?" =__=


"di mo ba nakitang dala ko yan?"


"ay sorry naman." hindi ko naman talaga nakita,eh. =__=


Uminom ako . Nakalahati ko yung laman nung bote. Aish. Grabe talaga. Hindi ko na gustong ulitin 'to. >__<


"ang hina mo naman. Tss. Jogging lang,eh." sabi nya.


"e first time ko po kasi." makalait tong si bato. =__=


"grabe. Tsh. Buong buhay mo ngayon ka lang nakapag-jogging?"


"e ganun,eh!" =__=


"tss. Weak. . ."


E DI AKO NA WEAK! Boset to. =__=


*silence*


Ayan na naman ang katahimikan. Umaatake na naman. 


*awkward alert awakward alert*


"okay ka na ba?" tanong nya pagkalipas ng ilang segundo.


"oo. Basang-basa lang yung sweat shirt ko sa pawis." sagot ko.


"hindi yan ang tinutukoy ko. . ."


*silence*


Aish. Akala ko hindi na sya magtatanong. Akala ko mananatili na lang syang walang imik at magkukunwaring hindi nya alam ang nangyari kagabi.


Akala ko lang pala yon. . .

Akala ko din kasi matatago kong hindi ako naapektuhan. Umaakto lang ako na hindi nasasaktan pero yung totoo. . .ang sakit sakit na. -aish. Ang OA ko na naman.


"Heira. . ."


"ok lang ako."


"tss. Ayan ka na naman sa 'okay lang ako' mo. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na di mo ako madadaan sa ganyan?" galit na ata sya.


What's new? Lagi namang mainit ang dugo nyan saken. Ay di na pala lagi. Minsanan na lang. Pero kahit na, ganun pa din yon.


"bakit pa kasi magtatanong ng ganun kung halata namang hindi ang sagot?"


Sya naman ang natameme. May point naman kasi ako. Obvious na, tatanong pa. Medyo nakakainis kaya yung ganon. Mapipilitan kang magsinungaling para lang di sila mag-alala tapos pag di sila naniwala, kasalanan mo pa. 


"just be honest,Heira."


Honest. . .


Denial lang ako pero hindi ibig sabihin non sagad-sagaran na ang pagsisinungaling ko.


I sighed heavily. I used to be honest with my feelings. . .before. Ewan ko kung bakit naging ganto ako ngayon.


"remember what I said last night?"


Tumango ako. Nakatatak na yon sa isip ko.

. . .trust him. . .he loves you. . .


Napapikit ako. Nagsisimula na namang gumulo ang takbo ng pag-iisip ko. Hindi ako magtataka kung mababaliw na ko ngayon.


Last night, Xandrei came home. Tuwang-tuwa ako. Syempre masaya ako. Sumaya ulit ako. Hindi na kailangang mag-explain. Basta masaya ako.


Then he said something na sumira sa saya ko. . .


FLASHBACK


"I'm going to Canada. . ."


Canada. . .


Canada. . .


He's going to Canada. . .


Hindi pa agad na-process ng maayos sa utak ko ang sinabi nya.


Canada. . .


Canada. . .


I stared at him with my eyes wide in shock.


"y-you're l-leaving. . . me?" I stammered.


Kinakabahan ako sa magiging sagot nya o sa magiging confirmation nya. Ang dami kong gustong itanong ng mga oras na yon pero walang salitang lumabas sa bibig ko. Nakatitig lang ako ng matagal sa kanya. Ganon din sya saken.


"I promise you. . .babalik ako. . .as soon as possible. . ."


I closed my eyes. I prayed na sana panaginip lang 'to. Pero pagbukas ko ng mata ko, nasa harap ko pa din sya. He's worried. He's sad. He's hurting too. Nakikita ko yun lahat sa mga mata nya.

"w-why?"


"I need to finish something. . ."


"finish what?"


"I can't tell you."


"I'll come with you." desperation in my part. I miss him so much . Ngayon ko lang ulit sya makakasama then. . .then aalis sya papunta sa isang lugar na milya-milya ang layo saken.


"Xan please. . ." 


He closed his eyes. Put his hands in my cheeks and press his forhead to mine.


"You can't come with me. . ." namamaos na sabi nya.


Naiiyak na ko.


"bakit ka aalis? Please tell me,Xan. . ."


"sasabihin ko din sayo, babe. Pagbalik ko. . ."


*silence*

walang ibang maririnig kundi ang mahinang pag-iyak ko. Ganun pa din ang ayos namin.


"k-kailan ka babalik?"


"hindi ko alam. . ."


"h-hindi mo . . .hindi mo alam?!" di makapaniwalang gagad ko.


Anong kalokohan 'to? Biglaan syang aalis. Walang sinabing dahilan. Hindi alam kung kailan sya babalik. Ano bang nangyayari?


"explain it to me,Xan. I'll listen and I'll be very considerate."


"please give me some time. Let me settle what I need to settle. After this, we'll gonna marry."

"Xan. . ." multiple sobs came from me. He hugged me tight. 


"I don't want to leave but this is what I need to do,babe. . ." he cupped my face again and kissed my tears. "I hate to see you cry and I'm hating myselft right now knowing that I'm the cause of it." 


"I miss you so much and I'll miss you more. Can I beg you to stay?"


"Please don't. I really need to go kahit hindi ko din gusto 'to. . .and you don't know how much I miss you. . ."


*silence again.*


Kahit gustong gusto ko sya pigilan ,hindi ko ginawa. Kahit gusto kong sumama,di ko pinilit. He said he need to do this. Need. Sometimes I wonder why people do something against their will. Dahil dati naniniwala ako na walang makapipilit sa isang tao na gawin ang isang bagay na labag sa kalooban nya. After what I have been through, nagbago ang pananaw ko sa bagay na yon. I, myself experience to do things impulsively because I badly need it. I became a baby maker dahil ang deal namin ni Xan ang pinakamagaan na way para makalusot ako sa problema ko. Dahil akala ko mabubuhay pa ang papa ko. . .Then my father died. Wala nang nagawa ang modern science at pera para isalba pa sya. But Xandrei was there. He said he'll never leave me. . .whatever happens he'll be there beside me.

Sunud-sunod ang magagandang nangyari saken. We became a couple-officaly. He proposed to me and I became his fiancee. We fall in love.


Pero ngayon bakit sunud-sunod ang mga nangyayaring di maganda. Pakiramdam ko pa hindi dito magtatapos ang lahat ng problema ko. . .namin.


"I know it's so unusual to ask this but. . .do you trust me?"


I raised my teary-eyes on him.


"I trust you,Xan. You know that."


"do you love me?"


"I love you. So much. . ."


"then believe me when I say I love you too. Please wait for me. . .matatapos ko din lahat ng 'to. Wag mong pabayaan sarili mo ha? I'll check on you day by day." he lean and kiss me tenderly.God. I miss his kisses. I miss the way he kiss me.The way I put my arms in his neck like what I did right now.The way he held me so close to him. The way I responded to his kisses, kissing him with equal passion and love.

"wag kang manchi-chicks dun,ah! Uupakan kita." biro ko para medyo gumaan ang pakiramdam naming dalawa. He chuckled. Kiss me in the forehead .


"promise,babe."


*silence*


Sa mahabang sandali, magkayakap lang kaming dalawa. 


"I need to go now."


Ang bilis naman. . .


"go back to sleep. . ."


"ihahatid kita sa labas." akmang tatayo ako ng ihiga nya uli ako sa kama.


"no,babe. I don't want you to see me go. . .it's heartbreaking." he smile sadly. "sleep now."


"I love you. . .kahit paulit-ulit." sabi ko. Wala akong pakialam kung marindi sya saken. Naiiyak na naman ako. . .pesteng mga luha to.


"sleep,babe. Don't open your eyes once you've closed it."


Sinunod ko sya. I closed my eyes. He gave me a smack kiss and whisper something.


" don't think that I'm doing this for nothing. I'm doing this because I need to. I'm doing this because I love you." I feel something on my cheeks. Is he crying?


Napamulat ako.


He's gone.


End of Flashback

Back to reality. Nalulungkot na naman ako. Kung wala lang si Cy sa tabi ko ,iiyak na naman siguro ako. Haist. Umiyak na nga ako kagabi hanggang madaling araw tapos iiyak na naman ako ngayon. OA ko na masyado. 


"hey. . ."


"hmm. . ."


"balik na tayong bahay. May pasok pa tayo."


"ok. Pagod na rin naman ako,eh."


Sumunod ako sa kanya. E ang damuhong, tumakbo pa. Anaknantinapa. =__= emote na emote ako tapos hahabulin ko pa sya? Aish. No thanks. Mag-jogging sya pauwi, ako tamang lakad lang. I'm tired physically. 


Deep inside me, I feel empty. Tsk. Tama na nga 'to, maiiyak na talaga ako,eh. Hayst. Drama queen.


CYFER POV


Here at school. Sabay-sabay kami nila brat at Heira pumasok. Mukhang okay naman si Heira. . .mukha lang. Magaling din magpanggap yung isang yon pero sorry na lang sya, di nya matatago yun saken.


Hindi ko ine-expect na darating sa punto na kailangang umalis ni Xandrei at iwan si Heira. Parang masmalala pa ata to sa inaasahan ko. 
Naalala ko tuloy yung pakiusap ni Xandrei saken kagabi, pagkalabas nya ng kwarto ni Heira.

FLASHBACK


Hindi ko alam kung bakit naghintay pa kong lumabas si Xandrei . Bakit kaya ngayon lang yun umuwi? Ang tagal nya lumabas, mag-i-isang oras din siguro. I saw him close the door at nagulat pa ng makita nya ako.


"anjan ka pa pala. . ."


"nasaan si ate?" wala akong masabi kaya yun ang natanong ko.


"nasa airport."


"airport?"


"aalis sya?"


"hindi."


Nasa airport pero hindi aalis? 


"may hinihintay."


"oo."


"sino?"


"ako."


Medyo malabo ata. . .wait. . .


"ikaw ang aalis."


Hindi sya sumagot pero nagsalita after a minute.


"do me a favor,Cyfer. . ."


Favor. . .


Bihira 'tong mangyayari. 


"what is it?"


"please take care of Heira habang wala ako."


What?!


Bakit nya sinasabi yan? Matagal ba syang mawawala?


"saan ka ba pupunta?"

"Vancouver, Canada."


"Canada?"


Nagulat ako pero hindi ko pinahalata. Anong gagawin nya sa bansang yon?


"bakit ka pupunta don?"


"I need to attend an important gathering. . ."


Important gathering? Hindi kaya may kinalaman 'to sa addendum? Will he meet his fiancee there? Or he already did?


What's going on? 

"matagal ka don?"

"as of now, hindi ko alam."


Hindi nya alam?! What the heck! Kaya pala pinabantay nya saken si Heira.


"I need to go. . .I'm counting on you,Cy. Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan kong pwedeng tumingin sa kanya. . ."


"umuwi ka lang para magpaalam sa kanya?"


Umiwas sya ng tingin. So, parang ganun nga 'yon? 


"Ingat." yun na lang ang nasabi ko.


He nod at lumabas na ng bahay.


Kaya ba hindi nakakauwi yon dahil lumalala ang problema nya? At the first place, ano pa bang mas pinoproblema nun ngayon?


Fuck up lives. Minsan talaga ang sarap murahin ng buhay. Nakakagago.


Napatingin ako sa kwarto ni Heira. Paano nya kaya tinanggap yun? Pinayagan nyang umalis si Xandrei?


Nagiging tsismoso ako ng wala sa oras. =__=


Umakyat na ko ulit ng kwarto ko pero di agad nakatulog. Paulit-ulit na nagrerewind ang mga sinasabi ni Xan saken.


His favor.


. . .please take care of Heira habang wala ako. . .
. . .I'm counting on you. . .
. . .Ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko. . .


And I'm left with no choice. I'll do it. 

END OF FLASHBACK


Nasa isip ko pa din ang mga sinabi nya. Pero kahit naman di nya sabihin, yun din ang gagawin ko. Yun lang din kasi ang alam kong paraan para matulungan ko sila ni Heira na wala pa ding kaalam-alam hanggang ngayon.


Sino ba namang di maawa kung alam mo ang sitwasyon nila? 


Canada? Damn. Ang layo nun ,ah. 


Hindi nga alam ni Brat na umalis na ang kuya nya. Kaninang umaga nya lang nalaman. In-explain naman n ate sa kanya.


May important gathering daw ang isa sa business associate ng company. Naniwala agad si Xandie at Heira. Ako ,hindi. Tss. Siguro kung wala akong alam,maniniwala ako. Pero hindi,eh. Kahit papano may idea ako kung bakit. Di ko nga lang alam kung tama.


JEN POV


Hindi ako pumasok. Haist. Nababadtrip ako. Sobra. Paano ba naman? Boses ni Kara ang unang narinig ko paggising ko. Naalimpungatan ako dahil walang tigil kakaring ng phone ko. Sinong di mababadtrip non?


Isa-isa kong binasa ang mga files na nasa harap ko. Nakapag-research ako tungkol sa Steel and Stones. What I've found out?

May connection ang company na yon sa company nila Kara. Hindi nga lang agad-agadang malalaman dahil maraming company din ang involve. 


Ang pinagtataka ko, hindi naman kalakihang kumpanya ang Steel and Stones pero nakaya nilang bilhin ang controlling shares namin. Hanggang ngayon naguguluhan pa din ako. Sa totoo lang, wala sumasakit na ang ulo ko kakaisip ng mga bagay-bagay. Bakit ba kasi napunta ako sa gantong sitwasyon? Haist. Hirap.


Napatingin naman ako sa isang bagay na nakalagay sa table ko. Napabuntong hininga ako ng malalim.


Sa pagalis ko kagabi, nakita ko pa sila Heira at Cyfer na magkasama. Hindi ko ineexpect na makikita ko sila sa daan. Parehas pa din silang naka-uniform. Yakap ni Cyfer si Heira . Umiiyak naman si Heira sa dibdib ni Cy. Hindi ko naririnig ang pinaguusapan nila dahil medyo malayo din ang kinalalagyan ko. 


Sakto namang dala-dala ko ang camera ko and I took pictures of them. 


Sa ibang pagkakataon, matatawa na ko,eh. Umaayon saken lahat ng sitwasyon pagdating sa pagmamanman kay Heira. Iniisip ko nga kung may namamagitan na ba sa kanilang dalawa. Kung meron, malaking gulo yun. Curious na curious ako. 

But what happened to Heira's fiancee? What is his name again? Xander . . .oh yes, Xandrei. What happened to him? Hindi ko na sya nakikitang kasama nya si Heira. Naghiwalay ba sila? Nag-away? Amp naman. Ang dami kong tanong. 


Baka maakusahan akong tsismosa. Hayst. Hindi naman sa ganon. May mga bagay lang na sadyang magulo kaya di ko maiwasang hindi magtaka, maintriga at magtanong.


Paano na 'to?


Kakalabanin ko ba si Kara o ibibigay ko lahat ng pictures ni Heira?


*phone rings* napatalon pa ko sa gulat with matching mura. Inis yan! =__= gusto ata ng author na mamatay ako sa gulat,eh! 


Unregistered number na naman! Si Kara to for sure. Arggh~! Punung-puno na ko dito sa Kara na 'to eh!


"ano na naman?!" bungad ko. Wala akong pakialam kung mainis sya e ako nga malalagasan na ng buhok sa sobrang inis. =__=


"ganyan ka na ba sa ate mo ngayon?"


O__O


OMG! Hindi si Kara ang nasa linya! Si. . .si ate! Sheet.

"ay sorry,ate! Sorrrry!"


"may kaaway ka ba at ganon ang bungad mo saken?"


"uhm, wala naman ehehe. Medyo nairita lang." XD


"Mom called me last night . She ask if maluwag ba ang sched ko. Pinapauwi nya ako. May problema ba,Jen?" 


"uhm. . .kasi ate hindi dapat ako ang magsasabi sayo."


"no. Tell me now." hays. Para di na kami magtalo sa phone, sinabi ko na.


"nakasanla ang company natin."


"WHAT?!" she exclaimed . Expected ko na yon. "bakit? Paano nangyari yon?"


"I don't know the whole story. Hindi pa nakukwento saken ni Mommy. Sabi din kasi nya saken, magkakaroon ng family meeting. Don na lang daw nila sasabihin."


"kailan pa 'to?"


"last two months pa daw."


"ganon na katagal?!Bakit ngayon lang ninyo ako tinawagan?!"


"Sorry,ate . Kailan ko lang din nalaman. Kung hindi ko nga pinilit si Mommy na ipaalam sayo, hindi ka pa nya tatawagan."


"Uuwi agad ako. Magpapabook ako ng flight today."


"okay,ate. Ingat ka." then she ended the call.


Bumalik ako sa kama ko at humiga ulit.Stress na ako ng bongga.


Ano Jen? Keri mo pa? 

To Be CONTINUED. . .

 KHIRA1112♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112