WYBHBM ~~ Chapter 40

WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR. 

BOOK 1 of 3 worth :  P109.50

You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores  nationwide. 

-

CYFER POV

 

"what's your answer,Miss Guzman?" nakatingin kaming lahat kay Heira. Naghihintay ng isasagot nya sa tanong ng adviser namin. Madali lang naman yung tanong. Actually, paulit-ulit na ngang sinabi ni ma'am ang sagot. Malinaw naman ang pagpapaliwanag ni ma'am sa lesson namin pero bakit parang di alam ni Heira ang isasagot nya? 


"Miss Guzman?" untag ulit sa kanya ni Ma'am. Nagsisimula ng magbulung-bulungan ang ibang classmate namin. Yung iba nagtatawanan pa. Ang sarap batuhin ng makapal physics book.


"I-I'm sorry,ma'am. . .but I don't know the answer. . ." yumuko na lang siya.


Pinaupo sya ni ma'am at sinabihan na makinig daw sya ng mabuti at tigilan ang pagdi-daydream. Nagtawanan naman ang ilan sa mga kaklase namin.


Naiinis ako. Naiinis ako ng walang dahilan. Hindi naman ako yung napahiya pero parang gusto kong gantihan 'tong physics teacher namin at yung mga kaklase kong nagsisitawanan pa din hanggang ngayon.


Napalingon ulit ako kay Heira. Nakayuko sya . Aakalain mong nagbabasa pero sigurado ako na nakatulala na naman sya. Kanina pa sya ganyan. Mula pa ata nung umalis kami ng mansion. Wala nga ata syang balak pumasok kung hindi pa sya tinanong ni Xandie kanina. 

I sighed. Di na kailangang itanong kung bakit sya nagkakaganyan.


Hindi umuwi si Xandrei. Ano bang problema ng isang yon? Bakit di man lang naisipang umuwi kagabi? Hindi ba nya alam na may girlfriend syang naghihintay sa mansion at alalang-alala kung anong nangyari sa kanya? Dammit.


Kanina sa kotse habang ihahatid kami ni manong dito sa AAA, katabi ko sya. Nakita kong namamaga ang mata nya at nangingitim ang ilalim non. Sanhi siguro ng pag-iyak at hindi pagtulog . Hindi sya nagsasalita maliban na lang kung tatanungin sya. Nakakapanibago.


Hanggang dito sa school,ganyan pa din sya.Tapos pagtatawanan sya ng mga taong akala mo alam nila lahat ng nangyayari.


Nakakabwisit lalo na sa isang tulad ko na may alam pero walang magagawa sa sitwasyon.
Alangan namang sabihin ko na may pinagdadaanan ngayon si Xandrei dahil sa addendum. Syempre magtatanong sya kung ano yon at baka masabi ko pa yung totoo.

Ang akin lang, bakit di man lang gumawa ng paraan si Xandrei? Kahit sandali lang para makasama si Heira? Isa pa yun,eh.


Gustuhin ko mang magalit, wala akong karapatan. Gustuhin ko mang tumulong, wala akong magagawa. Hanggang ganto lang talaga ako. . .

HEIRA POV


-BREAKTIME-


"Heira, okay ka lang?"


"May sakit ka ba?" tanong saken ni Rhea at Anne. Sila agad ang lumapit saken pagkatunong ng bell.


Marahan akong tumango at pilit na ngumiti.


"wag mo nga kaming ngitian ng ganyan. Halatang pilit,eh. May problema ka ba?" tanong ulit ni Rhea. Umiling ako.


"e bakit parang umiyak-"


"Rhea. . ." may warning sa likod ng boses ni Anne. Hinila nya ako patayo at pilit na inakay palabas ng room. Sumunod si Rhea.


"s-saan tayo pupunta?" tanong ko.


"kakain. Ang tamlay mo. Baka wala ka lang energy. Kulang sa kain."


"hindi ako gutom. . ."


"hindi gutom o walang balak kumain?"


Napatahimik ako.Wala naman talaga akong kinain kaninang umaga.Muntik pa nga kaming ma-late nila Xandie at Cyfer kanina ng dahil saken. Nagmadali na lang akong kumilos at hindi na kumain.

Sa totoo lang, nararamdaman ko na ang pagkalam ng sikmura ko pero wala talaga akong gana.


Umiwas na lang ako sa tingin ng dalawa at pumasok sa elevator. 


"Heira what's wrong?"


"kung may problema ka,pwede mo naman kaming sabihan,eh. . ."


Napayuko akong lalo. 


"okay lang ako. . ."


"okay ba yan? Hindi nagsasalita. Walang kagana-gana. Okay ka pa ng lagay na yan? Kaibigan mo naman kami,eh. Wag mo na sarilinin yang problema mo. . ."


Hindi na ako umimik sa sinabi ni Rhea. Pag nagsalita pa ako baka. . .


Narinig kong nagbuntong-hinimga ang dalawa. Nanahimik na lang din.


Nung nasa cafeteria na kami, sila ang nag-order para saken.


"kainin mo yan ha. Hindi tayo aakyat sa room hangga't di mo nauubos yan!" sabi ni Rhea.


"sige na,Heira. Kumain ka na. . ." sabi naman ni Anne habang nakangiti. 


I sigh and nod. Napailitang galawin ang pagkaing nasa harap ko. Nakatingin lang ako sa plate pero ibang ang nasa isip ko. . .


Masakit ang mata ko. Dala ng hindi pagtulog kagabi. Masyado kong pinuyat ang sarili ko sa pag-iisip . . .at pag-iyak.

Halos mag-a-ala una na ng madaling araw ng makatanggap ako ng text mula kay Xan. Di daw sya makakauwi. Something came up. . .


Tatawagan ko sana sya pero ayokong maging abala. Pinilit ko na lang ang sarili kong unawain na may mga bagay talaga na kailangang unahin si Xandrei kesa saken . . .


And it hurts.


Di ko alam kung bakit ako nasasaktan. Hindi ko alam kung mababaw lang talaga ako mag-isip o ano. Umiyak ako ng magdamag na wala namang katuturan ang iniiyakan ko. 


And I keep saying to myself na busy lang sya. Busy lang sya. Busy lang sya. Babawi rin sya pagtapos non. . .


Pero di nawawala yung doubt. Ano bang meron? Ano bang nangyayari? May problema ba talaga sa kumpanya?


O baka kami na ang may problema?


That thoughts made me cry all night. Wala akong alam pero may nararamdaman akong hindi tama.Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.Ang sumunod ko na lang na naramdaman ay may humahagod na ng likod ko at pinupunasan ang luha ko. 

"Heira,tahan na. . ."


"hindi ka naman namin pipiliting sabihin kung ano ba talagang problema mo. Just don't forget na may mga kaibigan ka. Andito kami ni Anne."


Ngumiti ako at ako na mismo ang nagpunas ng luha ko. Nakakahiya talaga ako. Umiyak pa ako sa harap nila. Ang babaw ko talaga. . .


"t-thanks. . ." ngumiti na lang sila . Nakita ko ang pag-aalala sa mga mata nila pero nanatiling tahimik. Atleast hanggang sa mga sandaling 'to, di ako nawawalan ng karamay. . .


Ang akin lang, hanggang kailan ako magiging ganto?


ANNE POV


-Comfort room-


Tapos na kaming kumain. Nasa room na din si Heira. Ganon pa din, tulala na naman. Ano kayang problema nya?


"malapit ng mag-bell. Balik na tayo ng room agad." sabi ni Rhea.


"Rhei, ano kayang problema niya?"


"parehas naman tayong walang alam,eh. Di din naman sinabi ni Heira. . ."


"ngayon ko lang sya nakitang ganon."


"me too. Nakakapanibago."


Naghugas ako ng kamay.Ganon din ang ginawa ni Rhea. Nakatingin sya sa reflection ko.


"sasabihin mo pa din ba kay Heira?"


Napatitig din ako sa reflection nya.

"oo naman. Pero di pa ngayon may problema pa yung tao. . ."


"pero next month na ang-"


"Let's not talk about it. Malayo pa naman."


"ang ikli na lang ng one month. . ."


"sasabihin ko din. Kaibigan ko din naman sya. Hindi ko kailangang itago. . ."


"Sigurado ka na ba?"


Sandali akong natigilan pero sumagot pa din.


"oo naman. . ."


"I hope you change your mind. . ."


"hindi naman ako ang dapat mag-decide."


Napabuntong-hininga na lang si Rhea.Then, narinig na namin ang last bell.


"tara na. Baka di pa tayo makapasok ng next subject." lumabas na si Rhea ng comfort room at sumunod ako.


JEN POV


"Cyfer!" napahinto sa paglalakad si Cyfer ng tawagin ko sya.Mukhang nagmamadali na nga eh.Tumunog na kasi ang bell.Tapos na ang break time.


"Si Heira?"

"ewan ko." 


Sungit nya ha.Bakit kahapon sa photoshoot,di sya ganon kasungit?

"pwede mo bang sabihin sa kanya na bukas ko na lang ibibigay yung mga copies nya?"


"okay."


"do you want some copies too?"


"ng ano?"


"ng mga pics ninyo sa photoshoot?"

"ah.Bahala ka na." 

"okay." ^__^


"una na ko." then tumalikod na ulit sya at naglakad papuntang room nya. Hindi pa nga ako tapos magtanong,eh. Psh.


Hayaan na nga lang. Susundan ko na lang sila ni Heira mamaya pag-uwi. . .kung ha. . .kung magkasama sila mamaya.


*phone rings* -unregistered number.


"hello?"


"wazzup? May nalaman ka na ba?"


Boses ni Kara ang nasa kabilang linya. Ano ba to. Bakit papalit-palit sya ng number? Kung alam ko lang na sya ang tumatawag, di ko 'to sasagutin. =_=


"wala pa."


"ang bagal mo namang magtrabaho. . ."


Aba't nagreklamo pa. Bwisit.


"magagawa ko din 'to."


"ok. Basta wag kang sasablay. Anyway, nasa akin na pala ang contract ng small business nyo. Meaning nakasanla samin ng kumpanya nyo."


"WHAT?!" pano nangyari yon?!


"paano mong. . .I mean-"


"I told yah. Sisiw lang yan. Madali lang naman kausapin si Daddy. . ."


Pinigilan kong magsalita dahil baka mamura ko si Kara. F*ck this bitch! 


"so, goodluck na lang sayo.Bye." she hang up. Nagpupuyos ang dibdib ko sa galit. Is it true? Nakasanla ang kumpanya namin?

Kung hindi totoo yon, blackmail lang lahat ng sinasabi ni Kara at kayang-kaya ko ng mag-back out. Pero kung hindi, desperada na talaga sya. Wala akong ibang choice kundi ilabas ang mga nalalaman ko.


XANDREI POV


Napabalikwas ako ng bangon ng makita ko ang oras. 11 na ng umaga! Shit!
Napatingin ako sa kama. Nakahiga pa din si Miyu. Hindi pa din ata gumigising.


The hell. . .


Napahaba ang tulog ko. Dala ng matinding pagod at wala pang tamang tulog.


Nag-inat ako at tumayo. Nilapitan ko si Miyu. Gising na pala sya.


"gising ka na pala."


"kanina pa. . ."pinilit nyang bumangon at sumandal sa headboard. "bakit hindi ka umuwi?"


"you can't expect me to leave you here na lasing na lasing at sinisinat."


"sinisinat? May sakit ako kagabi?"


"yes. Nagkalat ka pa nga sa banyo nang sumuka ka ng sumuka. Masyadong marami kang nainom."


"di ko maalala."


"pano mo maalala kung lasing na lasing ka?" lumapit ako sa kanya at sinipat ang init ng leeg nya.


"may sinat ka pa din."


"medyo masakit nga ang ulo ko."


"masyado ka kasing pasaway."

tinignan ko sya ng masama. "kung di pa kita binuhat pasakay ng kotse, di pa kita mapipilit na umuwi."


She looked puzzled. Hindi nya siguro maalala kung paano kami nakarating ng condo.


"my head hurts. Medyo nahihilo nga ako kaya di ako agad bumangon."


"yan ang consenquence ng katigasan ng ulo mo." sermon ko sa kanya.


"haaay. Hanggang dito pa naman sinesermonan mo ko."


"ang tigas kasi ng ulo mo."

"tss. Para kang si daddy."


"speaking of your dad. Sabi ng abogado nyo, next month pa sya pupunta dito-"


"meaning one month pa ko dito sa condo mo?"


My face is grim. Kahit pa sumalungat ako ng sumalungat ,walang mangyayari. One month pa si Miyu dito. Meaning, one month din na ganto ang set up? Shit. Ako pa ang mag-a-adjust.
Kaya pala walang pera 'tong si Miyu ay dahil todo tanggi din syang magpakasal saken. She end up fighting her father. Damn it. 


Ako naman di makahanap ng tyempo makausap si Mr.Tamaki. Kung hihintayin ko ang one month, maatraso pati ang mga balak ko.


Ang dami ko pan dapat asikasuhin. Paano na lang ang kumpanya namin? Tambak ang trabaho ni ate? Di ko nga alam kung kaya nya yon mag-isa? Paano si Heira? Hanggang kailan ako magdadahilan ng magdadahilan sa kanya? Masyado na kong madaming excuses. Hindi pa nga ako sigurado kung kailan ako makakabawi. Ano na lang ang mangyayari samen nito?

I miss her so much. Kahit umuwi pa ako ngayon, di ko sya makikita. Nasa school na yon kanina pa. 


Paano ang kasal namin?


Makakasal pa ba kami ng lagay na 'to?


Ayokong isipin na hindi. Gusto ko pa ding ituloy. . .


Pero paano ko matutuloy kung ganto ang sitwasyon?


Sa sobrang dami ng problema ko ngayon, hindi na ko makahanap ng oras para kay Heira.


Natatakot pa din akong ipaalam. Yes,takot ako. Takot ako sa kunganong pwedeng maging reaction nya. Takot ako sa magiging desisyon na kung saka-sakali. 

"anong balak mong gawin ngayon?"napatingin ulit ako kay Miyu.


"uuwi muna ako. Babalik na lang ako dito mamaya to check you."


"no need. Kaya ko sarili ko."

"sure?"


"oo. Pero pwedeng ibili mo muna ako ng pagkain bago ka umuwi?"


Ayan na naman sya sa mga utos nya. =__=

In the end, sumunod na lang din ako. Sana naman may magandang bunga lahat ng paghihintay at mga ginagawa ko ngayon. . .


*phone rings*  -Xandra calling


"hello."


"lil bro, hindi ka umuwi kagabi. Bakit?"


"galing kaming bar-"


"BAR?! Anong ginawa mo don?"


"Tss. Nag-aya lang si Miyu pagtapos ng meeting. Wag kang mag-isip ng kung ano jan."


"e malay ko ba. . .teka. . .nasaan ka ngayon?"


"nasa condo."


"Condo? Condo mo? E bakit ka anjan? Dyan ka ba nagpalipas ng gabi? May nangyari ba sa inyo ng-OH MY GOD!"


"wala ,ate! Ano ka ba naman. Tsk. Hinuhulaan mo lang yung mga nangyari,eh."


"lil bro, basta naiisip ko walang imposible don. So, bakit ka nga anjan? Ba't di ka umuwi?"


"lasing na lasing si Miyu tapos sininat pagkauwi namin. Alangan namang iwan ko bigla. Kahit inis ako sa babaeng yon,di naman ako ganon ka-heartless."


"nagiging pabigat na ba sya sayo?"


"sobra. Kung alam mo lang."


Hindi agad nakapagsalita si ate.Ilang minuto muna ang pinalipas nya bago magsalita ulit.


"uuwi ka ba ngayon?"

"yes. Actually, I'm on my way."


"sana sinubukan mong umuwi kahit sandali,Xan. . ."


"bakit? May nangyari ba?" kinabahan ako bigla.


"wala naman pero sana wag mo kalimutang may taong walang alam sa mga nangyayari sayo at naghihintay na umuwi ka." alam ko kung sino ang tinutukoy ni ate. Hindi na kailangang banggitin pa ang pangalan. 


Nagpatuloy si ate sa pagsasalita.


"alam kong pagod ka at napaka-inconsiderate ko naman kung di kita hahayaang magpahinga pero kung nakita mo lang ang itsura nya kanina, maawa ka sa kanya. Sa tingin ko, hindi nya tinulog ang magdamag para hintayin ka. . ."


Hindi ako sinisi at inaakusahan ni ate pero pakiramdam ko ang sama-sama kong tao. Bumibigat ang pakiramdam ko at pabagal ng pabagal ang pagpapatakbo ng kotse.


Napilitan akong huminto sa gilid ng daan.


"Xan, hanggang kailan mo balak itago sa kanya 'to?"


"hindi ko alam. . ." napasandal ako sa driver's seat at nagpawala ng mahaba-habang pahinga. I closed my eyes at blinanko ng sandali ang isip. Sumasakit na naman ang ulo ko sa kakaisip ng mga bagay-bagay.

"Hindi sa nakikialam ako ,lil bro. . .pero sa lahat ng taong pwedeng maapektuhan, sya ang pinakamasasaktan. Hindi ka nga lang umuwi dito sa mansion, nababalisa na sya ,yun pa kayang malaman nyang magpapakasal ka sa iba? May karapatan syang malaman,Xan. Habang patagal na patagal mong tinatago sa kanya ang tungkol sa addendum, pabigat ng pabigat ang kasalanan mo. At masaklap,sa iba pa nya ang tungkol don. Gusto mo bang pahirapan syang lalo?"


"alam mong di ko gusto 'to. Pare-parehas lang kami. . .tayo na nahihirapan. Wala namang may gusto nito,eh. . ."


"alam ko. Ayoko lang isipin ni Heira na sa bandang huli ,pinaasa mo lang sya."


Para akong sinasapak ng paulit-ulit sa mga sinasabi ni ate. Nakakabugbog ng konsensya. Nakakawala ng lakas.Nakakapanghina.


"anong gusto mong gawin ko,ate?"


"tell her."


Napapikit akong lalo.


"hindi ko magagawa yan. . ."


"it's not that easy but please try."


"iiwan nya ko. . ."


"what?"


"iiwan nya ko pag nalaman nya."


"paano ka nakakasiguro?"


"remember when she became my baby maker? Hindi nya talaga gustong maging baby maker ko. Pumayag lang sya dahil nasa kritikal na kondisyon ang tatay nya. Sinakripisyo nya ang sarili nya para maging okay lang ang tatay nya. Parang ganun din ang pwedeng mangyari kung sakaling malaman nya ang tungkol sa addendum. Baka isipin nyang magiging pabigat lang sya. Iisipin nyang sya yung dahilan kung bakit di ko magagawa ang nasa addendum. And I'm sure that she'll sacrifice again. She'll leave me ,ate. . .and I don't want her to do that. . ." I said agonizingly.

"para ka na din nagsisinungaling sa kanya,Xan. . ."


"I know that. . .ilang beses na nga akong nawawalan ng tiwala sa sarili ko. . .pero di naman pwedeng sumuko na lang basta-basta. Pano na lang kaming dalawa?"


"wala akong magawa,lil bro. And I hate myself-"


"don't feel that way,ate. Hindi naman kita sinisi. . .Please, hayaan mo munang ako ang gumawa ng paraan. Hihingi ako ng tulong pag hindi ko na kaya. . ." I hang up.


I need to think fast. Decide for what is best. 


Hanggang sa may mabuong desisyon sa isip ko. Hindi man sang-ayon ang damdamin ko sa sinasabi ng isip ko, sa tingin ko, masmaganda kung papairalin ko ang diskarte ko . . .sa ngayon. Pagtapos ng lahat ng 'to, I'll follow my heart. I'll do what I want.

For now, I need to go. . .

To be CONTINUED. . .


A/N :  nahanap ko na yung group ng WYBHBM readers. ACHECHE xD admin pala ako don,ngayon ko lang din nalaman - napaka-ignorante ko na ba? Haha.

Eto yung site oh - https://www.facebook.com/groups/WYBHBM/?fref=ts

Thanks for reading! I LOVE YOU ALL! Godbless you!


KHIRA1112♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112