WYBHBM ~~ Chapter 37
WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR.
BOOK 1 of 3 worth : P109.50
You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores nationwide.
-
XANDREI POV
So,ok. Nandito kami ni Miyu the rolling eyes sa isang resto malapit sa DVI. She's eating with gusto . Mukhang gutom nga talaga.
"ba't di ka kumakain."
"ah. Ikaw lang ang gutom di ba?"
She shrugged her shoulders at pinagpatuloy ang pagkain.
"pagtapos ko dito meeting na ba agad?"
"yes. Bakit? May balak ka bang ibang gawin?" di sya sumagot sa tanong ko.
"saan ka nakatira?"
"ba't mo tinatanong?"
"dahil gusto ko ng magpahinga muna . Baka pwedeng i-resched mo na lang yung meeting? I'm tired and-"
"wait ! Ibig sabihin sasama ka saken pauwi ?"
"e ano ba dapat? Gusto mo talaga akong matulog sa kalye?"
"no ! Not that. . .I mean. . .hindi ka pwede sa bahay. . ." paano kung magkita sila don ni Heira ? Oh no. No way.
"so saan pwede? Gusto ko na talagang magpahinga."
"I have a condo. Dun ka muna mag-stay. . ."
"bahala ka na . Basta ako gusto ko agad magpahinga pagtapos ko dito." sumubo ulit sya ng pagkain.Ako naman medyo nakaramdam ng relief.Buti na lang pumayag sya.
Teka. Ba't naman sa condo ko pa? Pwede ko namang i-check in sya sa kahit saang hotel. Ako na lang ang magbabayad.
Tss. Di bale na nga. Nasabi ko na,eh. Alangan namang bawiin ko pa.
"kailan pupunta dito ang Daddy mo?"
"hindi ko alam."
"not in good terms with your Father?"
"good guess."
"why?"
"Isn't it obvious? He's forcing me to marry you. Geez. We're now in computer age ! Wala na tayo sa dark ages for petes sake. And he's treating me like a child." she rolled her eyes once again.
"against ka din sa arrangement na 'to. . ."
"ikaw din naman di ba?"she encountered.
"yes." I sighed. "and I want to back out pero masyadong malaki ang mawawala saken."
"In short word - unfair."
"exactly. Kaya baka pwede mong mapakiusapan ang Daddy mo."
"I doubt it."
"try it first." I insist.
"wag mo nga akong utusan. You sound like my Dad." umikot na naman ang mata nya.
I sighed frustratedly. Ang hirap nyang kausap.
"kasama ko naman si Riyu . Sya ang kausapin mo tungkol sa bagay na yan. Wag ako."
"who's Riyu?"
"Dad's lawyer."
She stands up "I'm finished eating. Malayo pa ba ang condo mo?"
Napahawak ako sa noo ko at sandaling napapikit. I count one to five para humaba pa ulit ang pasensya ko. Tss. This girl acts like a boss ! Hell.
"hey?! Ano na ?" she snapped her fingers. Parang gusto kong lagyan ng tape ang bunganga nya. Inis.
I wave at the maitre'd para sa bill namin. Naglapag ako ng pera at lumabas na kami ng resto.
"malayo ba ang condo mo?" tanong ulit nya. She sounds like a broken record. Paulit-ulit. Bwisit.
"not very far from here. Sakay na."
"hindi mo ba bubuksan yung pintuan ng kotse para saken?" sarcastic na naman. Kalma,Xandrei. -.-''
"may kamay at paa ka. Sumakay ka na lang." -.-
Pero nasa loob na ko ng kotse, nanatili pa din syang nasa labas. The eff. This girl really wants me to lose my temper.
Bumaba ulit ako at binuksan ang pinto sa passenger seat. She smiled sweetly to the point of rudeness and say "thank you" in a mocking way. Bwisit to ah.
Nagpakawala ako ng naiiritang buntong-hininga at sumakay ulit ng kotse.
"you mad?" nakangiti na sya, nang-aasar nga lang. Ako naman 'tong napikon na talaga. I glared at her .
"Shut up ."
She just laughed at me. Great. Really great . At magpapakasal ako sa tulad nya? Damn all rolling eye girls to hell ! Sama nyo na 'tong katabi ko ngayon. Kabwisit,eh.
I drove fast. Mukhang balewala naman din sa kanya. Akala ko naman matatakot, wala palang epekto .
Ang bilis tuloy naming nakarating ng condo ko.
Bumaba na ko ng kotse.
"oh? Di mo ba ko aalalayang bumaba?" nang-aasar na naman sya.
"hindi ka naman lumpo para alalayan pa kita. Ang swerte mo naman. Kapag di ka bumaba jan,jan ka na lang sa kotse matulog." sinarado ko ng malakas yung pinto sa driver's seat. Tatawa-tawang lumabas si Miyu sa kotse. The eff. She's one crazy girl. Napapailing na lang ako.
Matagal-tagal din akong di nakakadaan sa condo ko pero sigurado akong nalilinis yon araw-araw.
Hindi ko na sya kinibo mula sa pagpasok namin ng building hanggang sa makarating kami ng pinto ng condo ko.
Nang makapasok kami, sa higaan agad sya dumiretso.
"ang liit naman ng condo mo." she rolled her eyes.
"whatever. I'm going."
"oy wait . May pagkain ba dito?"
"wala."
"e paano kung magutom ako? I told you, I have no money."
Para wala na syang masabi, I gave her my extension card.
"gamitin mo kung may bibilhin ka. I'm going."
"wait !"
"ano na naman?!"
"anong number mo? Let's exchange numbers. Para magpapasundo ako sayo kung mabagot ako dito."
"gagawin mo kong common driver ?! "
"oo."
Shit.
"mag-taxi ka na lang!"
"e anong gusto mo? Ibayad ko 'tong card mo sa taxi driver? Common sense."
I breath out harshly. This girl is really pushing me to my limit.
I gave my calling card .
"anything else?" my face is grim. Dammit. Buti di ko nasapak 'tong Miyu na 'to.
"wala na. Lock the door when you leave."
Tumalikod na ko.
"ay teka."
I turned to her irritatedly. "you know what? Kapag napuno ako sayo, ihahagis kita pabalik ng Japan." binagsak ko pasara yung pintuan. Kumalma muna ako ng onti. Baka makasapak na ko ng tao ng walang dahilan. That Miyu girl is one hard headed specie. Ilang layers kaya ang bungo nun?
"oy pst, shoe stoler." there she goes again. Di pa ba sya tapos mang-inis?
"ano na namang kailangan mo?"
"pikon . May sasabihin lang ako."
"ano?"
"may utang ka pa saken na sapatos . Baka nakakalimutan mo."
The eff. Di pa nya nakakalimutan yung sapatos na yon?!
"whatever."
"ay meron pang isa."
"ano na naman?!"
"ba-bye."and she laughed pagtapos pumasok na ulit sa loob.
She really pissed me off. Ang galing nyang mang-inis. Mabi-bwisit ka ,maiirita ka na, maasar ka pa. Gifted. -.-''
I called Atty at ipina-resched ko ang meeting. I'ts almost 1 pm. Makakauwi ako ng maaga at masusundo ko si Heira.
*phone rings* unregistered number .
"hello."
"hi,Shoe stoler."
Asdasasdsasdsa ! =.=
"what do you want?!"
"chineck ko lang kung sayo nga talaga yung number. Bye." call ended.
Dammit. Ge lang, mang-inis ka pa. =.=
Hanggang kailan pa ba dito yung Miyu na yon? Sana talaga si Mr. Tamaki na lang ang pumunta dito. Mukhang lagi akong mabibwisit sa anak nya. In short, sira ang araw ko.
-AAA-
HEIRA POV
"oy! Malapit na matapos ang lunchtime, andito ka pa din." inistorbo ko si Cyfer sa rooftop. Wala lang. Ang tahimik kasi nya ,eh. Oh well, ano bang bago? Lagi naman syang tahimik.
Umupo ako sa katabing bench.
Hindi sya umimik. Nanatili syang nakahiga . Nakatakip yung libro sa mukha nya. Di ko tuloy alam kung tulog o gising.
Hintayin ko lang tumunog yung bell tapos iiwan ko na dito si Cy.
"Heira. . ."
"ay nanay mo!" nagulat pa ko ng bigla syang magsalita. "gising ka ba?"
Inalis nya yung libro sa mukha nya.
Gising nga.
"nagulat naman ako sayo. Bigla-bigla ka na lang kasing nagsasalita jan." nanatili lang syang nakatingin saken. "a-anong. . .bakit ganyan makatingin?" nakakailang naman 'to tumitig.
Ilang segundo ang lumipas bago sya magsalita ulit.
"anong gagawin mo kung. . ." hindi ko narinig ang mga sumunod na sinabi ni Cyfer dahil malakas na tumunog ang bell.
"ha? Ano ulit yon?" sabi ko.
Umiwas na sya ng tingin . "wala. Bumalik ka na sa room."
"o-okay.E ikaw?"
"susunod ako."
"ok."tumayo na ako at lumabas ng pinto. "sumunod ka ha." nakita ko naman syang tumango kaya tuluyan na kong umalis.
Buti di nya ko sinungitan. Bait nya ngayon,ah. Haha. ^__^
CYFER POV
"anong gagawin mo kung magpakasal si Xandrei sa iba?" kasabay ng tanong ko na yon ay ang pagtunog ng bell. Tapos na ang lunch time.
"ha? Ano ulit yon?" mukhang di nya nga narinig ang tanong ko. Umiwas na lang ako ng tingin at umiling. "wala. Bumalik ka na sa room mo."
"o-okay.E ikaw?"
"susunod ako."
"ok." tumayo na sya at pumunta sa pinto. "susunod ka ha."
Tumango na lang ako. Nang masiguro kong wala na sya, napabuntong-hininga ako. Mabuti na rin siguro na hindi nya narinig ang tanong ko dahil sigurado akong magdududa sya. I should be careful next time.
Umupo ako at napatingala.
Narinig kong nag-uusap si Ate at si Xandrei nung nakaraang araw. Tungkol sa addendum. . .
Shit lives. Kung kailan balak na nyang magpakasal kay Heira, lalabas naman ang addendum na kailangan nyang magpakasal sa iba. What now? Tutupad ba sya o magpapakasal pa din sya kay Heira? May balak din ba syang ipaalam yon saken at kay Xandie? Sasabihin nya din ba ang bagay na yon kay Heira? Sa tingin ko, wala pa ding alam ang girlfriend nya tungkol sa addendum na yon. What makes me worried is the consequence he need to face if he refuse to agree in that particular testament. Mawawalan sila ng shares sa DVI. Hindi birong halaga ang mawawala sa mga de Vera. Mahihirapan silang makabawi. Hindi ko alam kung masasama ang pangalan ko sa mawawalan, I don't really care kung mawalan man ako ng mana, pero pano ang ate ko,si Xandrei at si brat?
And there's another person na wala pa ding alam hanggang ngayon. Masasaktan si Heira pag nalaman nya . At kung malaman man nya, lalaban ba sya o iiwan na lang nya si Xandrei para walang problema. Ang gulo. Sobrang gulo.
Kung meron mang taong pinaka-naguguluhan ngayon,si Xandrei yon. Nasa kanya lahat ng desisyon. If he refuse, tatlo silang mawawalan. If accept it, isang tao ang masasaktan.
Tumayo na ko at lumabas papunta sa room namin. Mukhang wala naman akong maitutulong. Ayoko ring makialam. Kung anuman ang nalalaman ko ngayon, sasarilinin ko na lang. Total, aksidente lang naman kaya ko yon nalaman. Ang akin lang, sana malutas ni Xandrei ang problema nya .
Anong klaseng ama ba naman ang mag-iiwan ng ganong problema sa anak nya? And to think na parehas din kami ng ama. How ironic, ama pa ang nagpapahirap sa anak. Mamatay na nga lang gusto pang kontrolin ang buhay ng iba. I don't want to be in Xandrei's place.
Saka na lang ako tutulong kung may hihingin syang pabor saken. . .
Sa ngayon, wala akong magagawa para matulungan sya.
MIYU POV
No food. No tv. No stereo. No cd. No dvd. No dvd players. No computer. No nothing. How boring ! How can I survive living in this place ? I'll die in boredom kapag nanatili pa ko sa condo na 'to . =.=
Ganito ba ka-boring yung Xandrei na yon? O wala lang talaga syang hilig sa mga ganon?
Ah basta. I want to get out of here.
Nakapagpahinga ako ng tatlong oras,it's already 4 pm. Baka pwede ko na ulit ma-istorbo si shoe-stoler.
I called him. Four rings bago nya sinagot.
"what do you wan-"
"ang tagal mo naman sagutin. Nainip ako ha."
"ano na namang kailangan mo?"
"Gusto kong mag-mall."
"e di mag-mall ka." Naiiritang sagot nya sa kabilang linya. I smiled silently. Ang dali talaga nyang maasar.
"e di ba ikaw ang magda-drive saken papunta don?"
"malapit lang ang mall jan. Kaya mong lakarin."
"kahit na. Ipagdrive mo ko."
"tss. May pupuntahan pa ko."
"bukas mo na yon puntahan."
"hindi pwede. Mamaya ka na lang mag-mall."
"e ! Mamatay na ko dito ! Ang boring dito sa condo. No tv, no stero, no computer- my god ! Tagabundok ka ba?"
He breath harshly.
"maghintay ka. Kung gusto mo talagang mag-mall, hintayin mo ko."
"ok. 5 minutes."sabi ko.
"what?! Wala akong powers para mag-teleport ,ok? At may pupuntahan pa ko. 30 minutes."
"30 minutes? Gosh ha. Ang tagal nun !"
"30 minutes or no mall at all. Bye."
"what-"call ended.
Binabaan na lang ako bigla. How rude of him . =.=
Kung di lang kinuha ni Daddy lahat ng gadgets ko baka di ako na-bo-bore ng ganto. Hmp.
I'm going to wait for him in 30 minutes?! How great ! =.=
XANDREI POV
Shit. Shit . Shit.
Iniistorbo talaga akong babaeng yon ng sobra-sobra. Susunduin ko na dapat si Heira tapos bigla syang tatawag na nabo-bore daw sya, gusto nyang mag-mall at gagawin daw nya akong driver. Hiyang-hiya naman ako sa kanya . =.=
I already text Heira na susunduin ko sya. Ika-cancel ko pa? No way ! Maghintay sya kung gusto nya talagang mag-mall. Bwisit pala sya ,eh.
Bahala nga !
Nagiging fave word ko na ata yung 'bahala' na yan. Tss.
Sumakay na ko ng kotse at nagdrive papuntang AAA.
Sakto dismissal na pagdating ko. Natanawan ko na din si Heira. . .at si Xandie at si Cyfer. Hindi ko pala sya makakausap ng maayos. Mukhang sasabay pauwi si Cyfer at Xandie.
Great timing. =.=
"hi,Kuya. Na-miss kita." sabi ni Xandie at sumakay na sa backseat. Sumunod si Cyfer. Binuksan ko naman yung passenger seat para kay Heira.
"Hi." ^___^
"Hi,babe." gusto ko sanang halikan kaya lang may mga kasama kami. Hays. Nanatili na lang akong tahimik at hindi umimik hanggang sa makarating kami ng mansion.
Nang bumaba na sina Xandie at Cyfer, nagkaroon na ko ng pagkakataong makausap si Heira.
She made the first move. She touch my cheeks and place a kiss on the tip of my nose.
"you look tired. Pahinga pahinga din dapat pag may time ka. . ."
"Masyadong busy ,babe. Gahol pa minsan sa oras. . ." I hugged her. "sorry kung nawawalan ako ng time sayo. Babawi din ako. Promise."
"naiintindihan ko naman ,eh." she smiled.
I feel guilty dahil nagsisinungaling ako sa kanya. O mas tamang sabihin na may tinatago ako sa kanya. Napaisip na naman ako. Tama ba 'tong ginagawa ko?
"I love you,Xan."
Parang biglang may sumapak saken. Hanggang kailan ko itatago 'to sa kanya? Wala ba syang karapatang malaman ang tungkol sa addendum?
Confused and worried, I stared at her. She frowned.
"may problema,Xan?"
"no. . .nothing." I tried to smile para mawala ang pag-aalinlangan nya. She smiled back.
"tara na. Pasok na tayo sa loob." yaya nya .
"Sorry, babe. May. . .may babalikan pa kong trabaho sa DVI." I can see her disappointment. Lalo akong na-guilty.
"Ganun ba. . .Maaga ka uwi?"
"I'll try,babe. Pasok ka na sa loob."
"Sige." biglang nanamlay ang boses nya. Parang gusto ko nang suntukin ang sarili ko. This is my fault.
-no, this is not your fault. Hindi lang talaga umaayon sayo ang pagkakataon. Sabi ng isip ko.
I sighed . I didn't mean to make her sad. The least thing I want to do is hurt her and make her cry. Masyado lang talagang komplikado ang mga nangyayari.
I look at my phone. It keeps on ringing . Bumalik na naman ang inis ko. Hindi para kay Heira kundi para kay Miyu. Sinilent ko na nga ang phone ko dahil walang tigil sa kaka-ring. Tsk. Kahit labag sa loob kong umalis ulit ng mansion, nag-drive ako pabalik sa condo ko.
Shoe stoler to Fiancee to common driver. Ipa-deport ko kaya si Miyu Tamaki? The idea is great but it would be foolish to do so. Wala akong magagawa kundi sakyan muna ang trip nya habang nandito sya.
-MALL-
It's already past 9 at malapit nang magsara ang mall pero andito pa din kami ni Miyu. Takteng babae to. Hindi lang ako ginawang common driver, ginawa pa talaga akong tagabitbit ng mga binili nya. Argh ! Bwisit na bwisit na ko kanina pa. Lahat ata ng botique dito sa mall na to napuntahan na namin. Di ako magtataka kung sobrang laki na ng nabawas na halaga sa extension card ko. Parang wala syang kapaguran. Samantalang ako, sumasakit na ang paa at nangangawit na ang mga kamay at sumasakit na ang ulo ng dahil sa kanya. Gusto ko ngang ilaglag sa escalator kung di lang talaga ako magmumukhang masama .
Eto, nasa 6th floor na kami. Sa section ng mga gadgets. Kanina pa sya namimili ,eh. Wala namang binibili. Bwisit na yan.
"matagal ka pa ba dyan? Magsasara na yung mall."
"anong maganda? Blackberry , Iphone , samsung o nokia?" pinakita nya saken yung mga brand ng cellphone. Di man lang pinansin yung tanong ko.
"pwede ba? Umuwi na tayo. Gabi na. Baka pwedeng bukas ka na mag-shopping ulit." naiinis ng sabi ko.
"hmmm. Mukhang masmaganda tong Samsung. Pero sabi ng katabi ko dito kanina ,masmatibay daw ang blackberry. Masmaganda naman daw ang features ng IPhone. So, nokia is out of the list." parang ibang tao ang kausap nya. Ako lang naman ang katabi nya ngayon dito. Is she talking to herself? Tss. Maybe.
Bakit nga ba sya pumipili ng cellphone? May cellphone naman na sya ah?
Argh. Basta. Gusto ko ng umuwi.
"Miyu Tamaki, I'm tired. Umuwi ka na lang mag-isa kung matagal ka pa jan." finally, she turned to me. Nakataas ang kilay.
"di pa ko tapos mamili."
"e di tapusin mo. Basta ako uuwi na."
"so,iiwanan mo ko dito?" namewang sya . Feeling boss? Tss.
"bahala ka sa buhay mo." nag-walk out na ko. Binitbit ko ulit yung mga pinamili nya. Buti nga binitbit ko pa ,eh. Di naman ako ganun kasama. -.- dadalhin ko to sa condo tapos uuwi na ko.
"if something happens to me, di mo na kailangang mag-back out sa kasal. Automatic na mawawala sa inyo ang company nyo. Magagalit ang Daddy ko. Gusto mo yon?" I gritted my teeth. Napilitan akong bumalik. Na-blackmail pa ko ng wala sa oras. She grinned.
"bilisan mo jan." iritadong sabi ko.
Tinawanan na lang ako ni Miyu. I start counting one to ten, pero naging one to one hundred dahil inis na talaga ako. Nang makita kong nakapili na sya ng cellphone, I sighed. Buti naman. . .
Minutes later, lumapit na sya saken.
"Gutom na ko. Kain muna bago tayo umuwi."
Bwisit. -.- akala ko uwian na talaga e. Uwing-uwi na ko.
Di na ko nagsalita. Hinayaan ko na lang sya kung anong gusto nya. Magsasara na talaga yung mall. Wala na syang mabibilhan kaya nagdrive pa ko papunta sa pinakamalapit na restaurant.
Pina-take out na lang din nya yung pagkain. Sa condo na lang daw nya yun kakainin. Buti naman . -.-''
Nag-drive na ko pabalik ng condo. I'm dead tired. Pinipilit ko na lang kumilos. Para ngang pipikit na ang mata ko pero nilalabanan ko ang antok ko.
Nung malapag ko na lahat ng ipinamili nya then mabilis akong tumalikod.
"hey."
I turned to her. Di na ko nagsalita.Binigyan ko na lang sya ng malamig na tingin.
"di ka kakain?"tanong nya.
Umiling ako.
"sayang. Pandalawang tao pa naman ang in-order ko."
"bye." tinapos ko agad ang usapan. Tumalikod ulit ako at umalis na ng condo.
Nakarating naman ako ng mansion ng maayos. Pagod talaga ako. From head to toe. Maski ata energy ng kuko ko nagamit ko na-kung meron nga talagang energy sa kuko.
11 na ng gabi. Akala ko wala na kong madadatnang gising sa mansion pero nagulat ako ng si Heira pa ang nagbukas ng pinto .
"h-hi." bungad nya.
"ba't gising ka pa?"tanong ko.
"hinihintay kita. . ."
"it's late. Dapat natutulog ka na. May pasok ka pa bukas. . ."
"I'm worried. Di ka sumasagot sa mga tawag ko. . ."
"Sorry,babe. Naka-silent ang phone ko." inakbayan ko sya at tuluyang pumasok.
"you okay? Parang pagod na pagod ka."
"can I sleep on your room? Parang wala na kong lakas umakyat sa kwarto ko. . ."
"o-ok."
Pumunta na agad kami sa guest room. Para ngang inaalalayan na nya ako.
"I'm dead tired. . ." binagsak ko agad ang sarili ko sa kama.
"kaya nga may salitang 'pahinga' di ba? Di ba uso sayo yun?" she touched the surface of my face.
"tignan mo ,oh. Laki na ng eyebags mo. . ."
Ngumiti na lang ako. Pumikit at tuluyang dinala ng antok. . .
HEIRA POV
I watched him sleep . Nakatulog sya agad. I sighed. Pagod na pagod nga ata talaga sya. Tumayo ako at tinanggal ang sapatos nya. Sa sobrang pagod, nakalimutan din nyang tanggalin ang sapatos nya bago matulog.
Di naman pala kami makakapag-usap. . . na naman. Balak ko sanang banggitin sa kanya ang offer ni Jen. Magpapaalam na din na magta-trial photoshoot kami bukas. Kaya lang, nakatulog agad sya. Alangan namang gisingin ko pa di ba? Walang awa naman ako nun. Pagod na nga yung tao ,eh. Kinumatan ko sya tapos kiniss ko sa lips. Uy tsansing ! Hahaha.
"goodnight,Xan. Love you."
Tumabi ako sa kanya. Na-miss ko 'to. Nami-miss ko na yung mga times na magkasama kami. Nami-miss ko na sya. . .
Sabihin na nating lagi kaming magkasama dito sa mansion, ang problema nga lang madami syang ginagawa. Di ko naman sya maistorbo. O kaya naman, kung wala sya dito, nasa DVI sya. Di naman ako pwedeng sumama sa opisina di ba? Magiging distraction lang ako doon. Sana nga kaya ko syang tulungan sa mga paper works, pano ko naman gagawin yon? Wala naman akong alam don. . .
Hays.
Iniintindi ko na masmahalaga naman talaga ang kumpanya nila. Isa pa, kilala ko si Xan. Bumabawi sya pag may libreng oras na sya. Hindi ko lang maiwasang hindi ma-miss yung moments naming dalawa.
Sana makasama ko ulit sya ng matagal. . .
To be CONTINUED. . .
KHIRA1112♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top