WYBHBM ~~ Chapter 36
WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR.
BOOK 1 of 3 worth : P109.50
You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores nationwide.
-
XANDREI POV
Naghinhintay ako dito sa private office ni Ate. Si Atty ang susundo kay Mr.Tamaki sa airport. Naghihintay lang din ako ng confirmation kay Atty. Delgado.
Hindi ako mapakali. Iniisip ko na kung anu-ano ang mga dapat kong sabihin pero paulit-ulit lang ang mga salitang pumapasok sa isip ko at lumalabas sa bibig ko. Bwisit. Bahala na nga mamaya.
I need to keep my composure . Ayokong ma-intimidate sa kanya - I know all businessmen are intimidating, shrewd, tyrant and dominant. Walang exempted sa isang tulad ni Mr.Tamaki na batikan na sa pagpapalakad ng malaking kumpanya.
Kung magpapakita ako ng konting pagaalinlangan at takot, he'll take advantage. I'm sure of that. I sighed heavily.
Masyadong mabigat ang topic na pag-uusapan namin ngayon. Dapat handa ako pero. . .*sighed*
*phone rings*
-Atty. Delgado calling. . .
"Hello, atty. Nakalapag na ba ang private plane ni Mr.Tamaki? Kasama mo na ba sya?"
"Xandrei, may problema. Hindi makakapunta si Mr.Tamaki."
"what?!"
"Lumapag na ang private plane pero hindi si Mr.Tamaki ang sakay. . ."
"wait. . .wait. Anjan yung plane pero wala si Mr.Tamaki? Anong silbi nun?" naiiritang sabi ko. Damn! Nakakainis kasing isipin na pinaasa nya akong darating sya. Isa pa, ayokong mag-aksaya ng panahon dahil gusto kong maayos agad ang problema ko sa addendum. Tapos eto? Hindi sya pupunta ? Nakakainsulto.
"let me finish. May representative sya. A lawyer and-"
"walang silbi yan ,Atty ! Gusto ko syang makausap ng personal ! Hindi lang mga abogado."
"calm down,hijo. And please pakinggan mo muna ako."
I sighed irritatedly. Naiinis ako . Sobra. Pagod ako at halos walang tulog tapos umasa sa isang usapang di naman pala ako sisiputin.
"go on,Atty. . ." there's a resignation in my voice. Ano pa bang magagawa ko? Wala naman,di ba? Dammit.
"Sabi ko nga may representative si Mr. Tamaki. His lawyer and . . . His daughter."
"his lawyer and his dau-W-WHAAAT?!" O__o
Napatayo pa ko sa kinauupuan ko dahil sa sinabi ni Atty.
"Miyu Tamaki is. . .with you? She's already here?"
"yes,Xandrei."
Napasabunot ako sa buhok ko. The hell?!
"bakit sya,Atty?"
"i don't know,hijo. Hindi rin nagpasabi si Mr.Tamaki saken. Hindi din naman masyadong sumagot si Miss Tamaki sa mga tinanong ko sa kanya."
Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Hindi ko na alam kung ano pang mga mangyayari. Parang sasabog ang utak ko. Ang gulo. Sobrang gulo.
"Xandrei? Are you still there?"
I cleared my throat and closed my eyes tightly. "yes,Atty. . ."
"hintayin mo na lang kami jan. Nasa DVI ka na ba?"
"yes. . ."
"good. Paalis na kami. I'll hang up." call ended.
Binaba ko ang phone ko at nilapag na lang kung saan. Sumandal ako sa swivel chair at huminga ng malalim. This is too unexpected. Kung kanina di ako mapalagay, lalo na ngayon.
Sa tingin ko nga masmakakaya kong harapin at kausapin si Mr.Tamaki kesa sa Miyu na yon.
What now? Anong sasabihin ko sa kanya? Mag-iisip na naman ako ng mga bagong litanya. Shit.
Problema pa ngayon,di ako makapag-isip ng maayos.Nagkarambol-rambol lahat ng bagay sa isip ko. Di ko alam kung anong uunahin ko.
Ano bang klaseng babae ang Miyu na yon?
Tignan nyo. Wala akong alam na kahit ano sa kanya. Pangalan nya lang ang alam ko. Ni photograph wala. Biodata man lang o kahit anong pagkakakilalan ng nilalang na yon. Kung may katiting man lang akong idea kung sino sya, baka mapag-isipan ko kung anong mga dapat na unahing sabihin o gawin. Na-f-frustrate na naman ako. Bwisit talaga.
Babalik na lang ako sa salitang 'bahala na' naman. This is not me.
Sigh again. Hindi ko alam kung nakailang buntong hininga na ko. Ilang minuto din akong nakapikit.
Gusto kong i-relax saglit ang isip ko. Pakiramdam ko ,ilang sandali na lang sasabog na ang utak ko.
*intercom rings* - secretary calling. . . I picked it up.
"yes?"
"sir, andito na sila Atty. Papapasukin ko na po ba?"
"sige." binaba ko na agad. Andito na sila. Here we go. . .
Someone knocks and open the door. Si Atty ang unang pumasok and then sumunod ang isa pang japanese man. I assumed he is Mr. Tamaki's lawyer. And then behind him is a girl. . .a familiar girl.
Hindi ko lang matandaan kung saan . . .kung kailan. Basta pamilyar.
Nakita ko ding kumunot ang noo nya .
Pagkalipas ng ilang segundo , nanlaki ang mata nya at bigla na lang akong tinuro.
"ikaw yung. . .YUNG MANG-AAGAW NG SAPATOS!" she burst out.
What?!
Ako ? Mang-aagaw ng sapatos?
Then flashback came into my mind. Nung dumaan ako sa isang mall at bumili ng isang pares ng sapatos para kay Heira bago ako pumunta ulit ng apartment nya.(chapter 4)
FLASHBACK
Bihirang-bihira ako dumaan ng department store. Pero mas lalong bihira akong dumaan sa women section para lang bumili ng sapatos ng babae. Kailan ko pa ba huling nagawa yun? Siguro nung kasama ko pa yung dalawang kapatid ko.
Pero ngayon, ako lang mag-isa. Nakakailang. Pinagtitinginan ako ng mga ilang babaeng bumibili at ilang saleslady. I ignore them all. Parang balewala akong patingin-tingin pero yung totoo naaasiwa ako.
Hanggang sa nakakita ako ng isang sapatos na sa tingin ko babagay kay Heira.
Akmang kukunin ko na yon ng may isang babaeng bigla na lang din humawak dun sa sapatos na kukunin ko.
"I saw it first." sabi nya. O e ano kung sya ang unang nakakuha? Ako naman unang nakahawak. Psh.
"I'm sorry but I got it first." hinila ko na yung sapatos pero di pa din sya bumibitaw.
What the. . .
"no way . This is mine ."
"I'm going to give to my girlfriend." e ? Girlfriend? Kahapon ko pa nga lang nakita at nakilala yung Heira na yun ,eh.
Hinila ko ulit yung sapatos pero di pa din nya binibitawan. Nakipag-tug of war sya saken. Hindi nga lang lubid ang gamit na pinag-aagawan namin kundi isang jelly high heeled shoes.
"Let go. I saw it first."
"I'm the one who got it." nagmatigas pa din ako. This is so unlike me. Di naman ako nakikipag-agawan dati sa babae. Lalong di ako nakikipag-agawan para lang sa isang sapatos. Maybe because I really wanted to buy that girl a new footware. Naka-yapak lang sya ng sumakay sya ng kotse ko kahapon. Ay hindi pala sya sumakay. Hinablot ko pala sya pasakay ng kotse ko.
"please. Madami pang ibang sapatos. Baka may stock pa sila. Ibigay mo na saken 'to."sabi ko.
Nilingon ko ang isang saleslady na kanina pa ata nakatingin samen . "Miss,may stock pa ba kayo ng gantong style ng sapatos?"
"wala na po ,Sir. Last na yan."
Last na pala,eh. Akin na talaga 'to.
"Come on,Miss. Marami pang ibang sapatos jan."
"ba't hindi ikaw ang kumuha?" naningkit pang lalo ang singkit ng mga mata ng babae. She looked like a japanese doll. Cute.
Pero akin pa din 'tong sapatos.
"look, my iba pang design oh. Masmaganda."
"I don't like it. I want this."
"I want this too. Pero hindi para saken. Para nga sa girlfriend ko. Please, she's special and I want to buy this shoes for her." mukhang makukumbinsi na yung babae. Konting tulak na lang. "please. . ."
Tumikhim ang babae at binitiwan ang sapatos. Tumalikod at naghanap na lang ng ibang sapatos.
I grinned like a pirate. Naisahan ko sya ha. Ayos. . .
Binayaran ko yung sapatos sa cashier. Fortunately, nakasalubong ko ulit yung babae. May hawak na syang ibang sapatos. Papunta sya ng cashier para bayaran yon. Inismiran ako nung babae. Woah. Hahaha.
Nagalit ata saken.
Naka-isip ako ng kalokohan. Asarin ko kaya. . .
"hey, miss. Thanks for the shoes. I'm going to give this to a girl . . .but she's not my girlfriend." napa-nga-nga yung babae. Natawa na lang ako at nag-salute. "happy trip." dagdag ko pa. Naiwang nagngingit-ngit yung babae. Hahaha.
Medyo bad boy. Ba't ko nga ba inasar pa? Wala lang talaga siguro akong magawa. Hahaha.
Nawala din sa isip ko yung babaeng inagawan ko ng sapatos.
Na-excite naman akong ibigay yung sapatos na 'to kay Heira. . .
End of flashback
Tapos ngayon nasa harap ko na ang babaeng nakaagaw ko dati ng pobreng sapatos. And she's Miyu Tamaki. The eff.
"lumabas muna kayo. " sabi nung Miyu sa dalawang abogado. Napalingon sa kanya yung dalawa, ako naman napataas ang kilay. Anong binabalak nya?
Napatingin din saken si Atty.Delgado , tinanguan ko na lang. Lumabas ang dalawang abogado at naiwan kami ni Miyu.
"nice meeting you. . .again."sabi ko. Psh. Malay ko bang nagkita na pala kami dati at malay ko din bang sya yung nakaagaw ko ng sapatos.
"I don't feel the same." she replied. Umupo sa isa sa mga couches.
Suplada pala. -.-''
"ikaw ba talaga yung Alexandrei de Vera?"
"call me Xandrei."
"I prefer formalities."
"K. Suit yourself."
Cold treatment sa isa't-isa? Oh well, maganda naman 'to. Ayoko rin namang magbigay ng warm welcome . Tss.
"I'm expecting Mr. Tamaki. Not you."
"I didn't expect myself to be here also, shoe-stoler." naningkit na naman ang mga mata nya. Anong tawag nya saken? Shoe-stoler?
"and I thought you prefer formalities." i said sarcastically. She just rolled her eyes.
Mukhang di talaga kami magkakasundo nito.
Good. . .
"and my Dad said your my fiancee."she said flatly. I turned to her. Nag-iba na naman ang mood ko. Tsk.
"ang papa mo ang gusto kong makausap tungkol sa bagay na yan-"
"at hindi ako?"she encountered. "to tell you frankly , Mr. Shoe-stoler, I don't want to be married by you o sa kahit na sino."
"good. Dahil ayoko ring magpakasal sayo. I'm about-" I stopped. I'm about to say that I'm about to marry the girl I love pero di ko tinuloy.
"You're about to what?" she snapped.
"I'm about to back-out."
"and my father said you can't."
I gritted my teeth. "why?"
"why are you asking me? Hindi ko naman dala ang utak ng Daddy ko para lang sabihin sayo kung bakit." she said philosophically. Nakakairita lalo.
"Fine. So ,useless din pala ang pagpunta mo dito. . ."
"he said he wants me to know you better."
"what?!"
"and I'll be staying with you."
"no way!"
"no way? Anong gusto mo? Sa kalye ako matulog?"
"sa hotel. You can stay-"
"I have no money."
"WHAT?!"
"pinutol ni Daddy ang linya ng mga credit cards , atm at bank cards ko. Damit ko lang ang dala ko. And don't say 'WHAT' again. Alam kong di ka bingi." she rolled her eyes once again. I glare at her. Nakakawala ng pasensya ang babaeng 'to. I tried to calm myself.
"what are you going to do now?" tanong ko.
"di ba dapat ako ang magtanong nyan. Obviously, I'm your responsibility-"
"responsibility?! Pano naman kita naging responsibilidad? Bigla ka na nga lang dumating dito tapos kargo na kita? Anong klaseng kalokohan yan?" unti-unting kumakawala ang pasensya ko. Damn it. Baka makalimutan kong babae ang kausap ko.
"hello?! Gusto ko din bang magpakargo sayo? Kung may pera lang ako, wala sana ako ngayon dito!"
"e bakit ka andito?"
"sinabi ko na sayo di ba? Gusto ni Daddy na makilala kita. Then I found out that he wants me to marry a shoe-stoler. How romantic!" sarcastic na naman ang kaharap ko ngayon. Itapon ko kaya sya palabas ng building namin? Nabibwisit na ko,eh. . .
"Pwede kang umurong sa kasal. . ."
"tss. Ikaw ang pwedeng umurong. Ako ,hindi na pwede dahil nakatali na daw ako sayo. That's what my Daddy said to me."
Napapikit ako . So,parehas kaming bawal umurong? What the hell!
"ano pang sinabi sayo ng Daddy mo?"
"na ikaw ang magde-decide kung kailan tayo ikakasal."
"shit." I muttered. "Pano kung ayoko? Alam mo ba kung anong kapalit."
"company ninyo. Maliban don, wala na kong alam."
"hindi mo alam an tungkol sa addendum?"
"hindi na." she rolled her eyes again. Habit nya siguro. Mannerism? Ah ewan. Naguguluhan akong lalo.
"I'll call the lawyers. . ." akmang lalabas ako ng hawakan nya ko sa braso.
"wait !"
"what?!" I snapped.
"Pwedeng pakainin mo muna ako? I'm starving. Hindi pa ko kumakain mula kahapon hanggang ngayon?" di daw sya kumain kahapon? Ang yaman yaman nila tapos di sya kumakain?
"bakit naman?"
"Hunger strike." she rolled her eyes again. Tss. Habit nga talaga.
"to rebel against your father?"
"good guess. Now, will you buy me a lunch?"
"why would I do that?"
"I'm your responsibility nga di ba? Ang kulit mo. Another thing, may libre pa ba ditong pagkain? I told you, wala akonp pera." umikot na naman ang mata nya. Ewan ko ba kung dahil sa gutom o sinasaniban na sya ng kung ano. Baka both. -.-''
"o ano?"
"tara." hinila ko sya palabas ng opisina. Tinawagan ko si atty na mamaya na lang ang meeting. Papakainin ko muna 'tong babaeng umiikot lagi ang mata . -.-''
Grabe. Eto ang first day ko with this girl?Wala pa ngang first hour parang sasabog kaming dalawa at walang minutong hindi umiikot ang mata nya. Nakaka-bwisit pa. Laging sarcastic at pilosopo.
Suddenly, I miss Heira. Gusto ko sana syang sunduin pero mukhang mamoroblema ako dito sa Miyu na 'to.
I'll give her a call pag may libreng oras. Kung bakit naman kasi ang aga nyang pumasok kanina. I missed her. Lagi ko syang nakikita pero kulang na kami sa oras. Lagi na lang dapat unahin ang mga trabaho sa DVI. Ayoko namang sarilinin ni ate ang mga trabahong yon. Kapag nagkaroon talaga ako ng pagkakataon, babawi ako sa kanya.
Sana nga lang hindi maging istorbo 'tong Miyu na 'to. Though I doubt it.
To be CONTINUED. . .
KHIRA1112♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top