WYBHBM ~~ Chapter 33 part 3
WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR.
BOOK 1 of 3 worth : P109.50
You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores nationwide.
-
HEIRA POV
8:37- wala pa din si Xandrei. Hindi pa sya bumabalik mula nang umalis sya kanina. Nag-aalala na ko. Saan kaya sya pumunta?
Hays. Di naman kasi nya ako kinausap kanina . Mula sa ospital, hindi nya ako kinibo. Di ko alam kung galit sya o nagtatampo . . .basta na lang sya umalis.
*sigh*
May kasalanan ba ko? Ano bang ginawa kong masama? Kanina ko pa nirereplay sa utak ko ang mga nangyari. Hindi ko naman masiguro sa sarili ko na wala akong kasalanan.
*sigh again*
Sa dami kasi ng madadatnan ni Xan, yun pang eksena na yun. At sa dami din ng paraan na pag-sorry, yakap pa ang napili ni Cyfer. Pero infairness, ramdam ko yung sincerity nya. Ang kaso nga lang, wrong timing din. Naman eh. Sumasakit tuloy ang ulo ko.
I should be resting by now. Yun yung payo ng doctor . Pero gustong-gusto ko din makausap si Xan. Ayoko namang ipagpabukas 'to. Mahirap na pag nakasanayan. . .
. . .9:00. . .
. . .10:15. . .
. . .11:20. . .
Inaantok na ko. ~.~ pero nilalaban ko pa din. . .
Kasi naman eh. . .
15 minutes. . .pag wala pa din sya, siguro kailangan ko na talagang matulog. Nilalamok na ko dito sa garden ,eh. Saka, nilalamig na din ko.
Wala namang tawag o text man lang sa cellphone ko. Di nya rin naman sinasagot yung tawag ko. Wala din ni isang reply. . .
Grabe naman.
Parang gusto ko ding magtampo .
Ganun ba kalaki yung kasalanan ko ?
*sigh again and again*
"hachoooo !" uh-oh. . .this is not a good sign. Kailangan ko na talaga pumasok.
"bakit gising ka pa?!"
"ay nanay mo!" napatalon pa ko sa pagkagulat.
"naospital ka na nga , di ka pa din nadadala, stupid!"
Si Cyfer pala yung nasa likod ko. Grabe naman ! Kailangan talaga akong gulatin ? =____=
"bakit ka ba nanggugulat?!"
"at bakit din ba napakatanga mo? Pumasok ka na."
"makautos to. . . May hinihintay po ako!"
Natahimik sya sandali. Then ,he sighed. Muling nagsalita.
"kung hihintay mo si Xandrei, sa loob ka maghintay. Hindi dito sa garden. Magagalit din yon sayo kung sakaling madatnan ka nyang naghihintay dito."
Ako naman ang natahimik. May point si Cyfer. Tumango na lang ako at pumasok sa loob. Sumunod sya.
"I'm sorry kung nagulat kita kanina."
"o-okay lang."
"dapat nagpapahinga ka na,Heira."
"si Xan kasi-"
"bukas mo na sya kausapin. Mapupuyat ka kung hihintayin mo pa sya. You look sleepy . . ."
"hindi ba sya uuwi ngayon?"
"I have no idea. . ."
"di mo ba alam kung saan sya pumunta?"
Umiling si Cy. Na-disappoint naman ako. Nakaka-depress lalo.
"matulog ka na." utos nya. Wala akong nagawa kundi tumango.
"goodnight,Cy."
"Night."
Pumasok na ko ng kwarto.
CYFER POV
It's already 1:30 am. Hindi pa din dumadating si Xandrei. I tsked. Kung nagmatigas si Heira na maghintay, mapupuyat lang sya.Buti kung wala syang sakit o maganda na ang pakiramdam nya .Pero hindi eh,kagagaling lang nya ng ospital.
Eto namang kapatid ko,di man lang nagpasabi kung saan sya pupunta.Hindi man lang ata nagpaalam sa fiancee nya.Di ba nya alam na nag-aalala sa kanya si Heira?
I heard the door opened. Napalingon agad ako.Dumating na sya. Nakita nya ako. He frowned.
"ba't gising ka pa?"
"ba't ngayon ka lang?" tanong ko naman.
"I finished some paper works. . ."
"Hanggang madaling araw?"
"I can stay at the office kahit anong oras."
"I see. . ."
"why are you still awake?"
"Gusto kitang makausap."
Umiwas sya ng tingin.
"tungkol saan?"
"sa nakita mo kanina."
"you don't need to explain."
"I still want to explain it ."
"no need."
"I insist." pagpipilit ko. He stared back.
"ok. Go on. Explain it."
"I gave my apologize to her. Yun lang yon."
He sighed.
"I believe you. . ."
Yes, I know he believes in me. But I know he has doubts about me. Hindi na ko nagsalita ulit kahit madami akong gustong sabihin sa kanya.
"aakyat na ko. Goodnight." bago pa ko makapunta ng hagdan nagsalita ulit sya.
"how's Heira?"
"you can check her yourself. All I can say is she waited for you and she's worried. You should be guilty." saka ako umakyat.
Dammit. Bakit kailangan ko pang sabihin yung huli ?
Am I really that concern ?
XANDREI POV
"you can check her yourself. All I can say is she waited for you and she's worried. You should be guilty." sagot ni Cyfer sa tanong ko.
. . .she waited for you and she's worried. . .
My conscience kept nagging me.
. . .You should be guilty. . .
And yes, I'm guilty. Guilty as hell. I should have stay at home . I shouldn't have go to work. I should have take care of Heira instead.
Di ba yun naman talaga ang balak kong gawin? Nabago lang nung. . .nung iba ang madatnan ko sa hospital room.
Shit. Naalala ko na naman .
I tried to forget all about that . Binabad ko ang sarili ko sa paper works sa opisina ni ate .
Tapos ngayon, kinausap ako ni Cyfer. Tsk. Parang balewala ang pag-stay ko sa office ng ilang oras.
Pagod ako. Wala akong kinain mula pa kanina sa ospital. Gusto ko na magpahinga .
But I can do it later, I'll check her first.
Pumunta ako sa guest room. I opened the door.
Tulog na si Heira. I sighed. Tahimik akong lumapit sa kama at umupo. I touched her forehead,may konting sinat pa.
She opened her eyes and smile.
"Xan. . ."
"ssshh. . .go back to sleep."
"let's talk. . ."
"we'll talk but not now. You need to rest."
"promise?"
"promise." I smiled a little. I kissed her forehead. "goodnight." akmang tatayo ako ng hawakan nya ko sa kamay.
"stay. . ." I stare at her. She look helpless, pale and stressed. Parang sinasampal ako ng salitang 'guilty'.
"you want me to stay?"
She nodded.
"then I'll stay."
"thank you." she said in little voice and close her eyes . Inalis ko ang sapatos at medyas ko tapos nahiga ako sa tabi nya. I watch her sleep for minutes.
Ba't kasi ang dali kong magpadala sa selos ?
HEIRA POV
-December 27
Maaga akong nagising. Feeling ko wala na kong sakit. ^__^
E ikaw ba naman may makatabing gwapo sa kama tapos yakap-yakap ka pa, di mawawala yung sakit mo? Nyahaha. Ang hyper ko na naman. \(^o^)/
Lagnat laki lang ata yung nangyari saken eh. XD
Ako nagluto ng breakfast. Hotdog, egg , friedrice at hotdog, egg , friedrice at hotdog ,egg, friedrice. XD ang sarap no? Specialty ko yan. Chos ! Asa naman kasing may iba pa akong alam lutuin maliban sa hotdog, egg at friedrice. XD
Tulog pa silang lahat. Mga katulong lang yung maagang nagising para maglinis. Ako naman ,nakigulo dito sa kusina. Nilagay ko sa tray yung dalawang platong may lamang pagkain, syempre alangan namang plato lang di ba?
Sa guest room ako kakain. Para sabay kami ni Xan.
Ayos. Shushal ! Breakfas in bed ang peg ! XD
Bitbit ko yung tray , bumalik ako sa kwarto ko.
Si Xan, ayun oh. Tulog pa din. Nakakakonsensya gisingin. Anong oras kaya sya dumating ? Saan kaya sya nagpunta? Galit kaya sya saken?
Parang bigla akong nalowbat sa mga tanong na pumasok sa utak ko.
Si Xan, kahit may eyebags, gwapo pa din. Tulog o gising, gwapo pa din. Ang swerte nya sa mukha nya. Yung iba pag tulog lang, gwapo eh. XD
Di sya humihilik, naglalaway lang. Djk ! Wala naman akong nakitang trace ng panis na laway eh. HAHAHA. Puro ako kalokohan pero yung totoo, natatakot ako na pagkagising nya, hindi pala kami okay. Aww. SAKLAP.
He stirred. Oh god. Ayan na. Magigising na sya.
Pagkamulat na pagkamulat ng mata nya, ngumiti ako at bumati ng "g-good m-morning." o di ba? May nginig-nginig pang kasama. Boset. Ba't ba ko nag-stammer? =__=
He smiled and greet me back.
"morning ,babe."
Nakahinga ako ng maluwag. Mukhang maganda naman ang gising nya.
"kain tayo. Ako nagluto ng breakfast." kinuha ko yung tray sa side table at nilipat ko sa kama.
"dyaraaaan !" hiyang-hiya naman yung hotdog, egg at friedrice saken. Ang shushal daw ng pagkakaluto ko sa kanila. XD
"hotdog, egg and friendrice?" amuse na sabi ni Xan. "sobrang hirap lutuin nyan ,ah." biro nya.
Nagkunwari akong na-offend. Nag-pout ako.
"ang hirap kayang magbukas ng kalan. Ang hirap kayang maglagay ng mantika sa kawali. Ang sakit kayang matalsikan ng mantika. Madali kayang masunog ang hotdog at itlog- kailangan talaga binabantayang mabuti, nakakangalay din kayang maghawak ng sandok. Saka, ang special yan no! Ang tawag jan - hotdog,egg and friedrice with love infinity. " XD
He chuckled. Kumagat sya sa hotdog.
"Aminin mo. Yan ang pinakamasarap na hotdog na natikman mo sa tanang buhay mo." natawa na sya. Tumawa na din ako. Atleast, medyo magaan ang atmosphere sa pagitan namin di tulad kahapon.
"hey, ok ka na ba? Baka masobrahan ka sa pagod , mabinat ka."
"hindi yan. Lagnat laki lang yan. Hmmm, sarap talaga ng luto ko." natawa na naman sya. It feels good to hear him laugh after what happened yesterday . Di ko talaga makakalimutan yung silent treatment nya saken.
Nagpatuloy kami sa pagkain, may konting biruan at kwentuhan pero wala pang nagbabanggit sa nangyari kahapon. I-o-open up ko na ba? Baka bigla syang manahimik na naman.
Pero ayoko namang manatili lang yon na hindi napaguusapan. Gusto kong masarado na ang topic na yon para hindi na kami ma-bother pareho.
Hinintay kong matapos syang kumain bago ako magtanong tungkol don.
"Uhm. . .Xan."
"Hmm?"
"g-galit ka ba saken ? I. . .I mean. . .nagalit ka ba saken kahapon dahil dun . . .dun sa nakita mo? Kung nagalit ka , sorry. Hindi ko naman kasi alam na gagawin yon ni Cy. S-saka nag-sorry lang naman sya. . .kung . . .kung mali yung pagkakaintindi mo, sorry-"
"you don't need to say sorry, Heira. Wala ka namang ginawang masama. . ."
"pero di ba-"
"sa totoo lang, ako dapat ang mag-sorry. Nagpadala na naman ako sa selos. . ."
Sabi na ,eh. Nagselos na naman sya sa kapatid nya. I sighed.
"pero di ba hindi naman natin mapipigilang hindi magselos lalo na kung yung taong mahal mo yakap ng iba? Hindi sa wala akong tiwala. Of course, I trust you. And I trust my brother ,too. Di ko lang talaga ma-imagine na baka may mas gusto ka ng iba kesa saken." he smiled. "hindi naman ako vocal kapag naiinggit o nagseselos ako. Masgusto kong manahimik. Alam ko rin naman kasi na magso-sorry si Cyfer sayo. Nagselos lang talaga ko. Sorry kung hindi ako nagpaalam sayo kahapon. Pumunta ako ng DVI, tinapos ko yung mga trabaho ni ate. Para na din makalimutan ko yung nangyari."
"I was worried."
"I know. Di na mauulit."
"no more silent treatment?"
Umiling sya. I smiled.
"so okay na tayo?" tanong ko.
"okay naman tayo,eh." he hugged me. "hindi naman ako galit. Selos lang pero hindi galit. Magkaiba yon, hmm. . ."
"okay." ^__^
"tapos bukas iluluto mo ulit ako ng hotdog, egg and friedrice mo."
"mali ka naman. Hotdog, egg and friedrice with love infinity nga yung tawag ko jan."
Natawa na lang sya.
Okay na kami. ^__^ ang hirap palang magkaroon ng boyfriend na seloso no? Pero masgusto ko na yung tipo ni Xan kesa sa lalaking wala namang pake sayo. Nyay! Lalim. XD
To be CONTINUED. . .
A/N : WAHAHAHAHAHAHA. Sobrang corny ng update ko grabe. Nag-re-read ako, gusto kong baguhin pero tinatamad na ko,eh. Pagtyagaan nyo na lang po,please. XD
Lutang siguro ako nung tina-type ko to. Shemaaay ! XD
Sa mga magpapa-dedic, comment below. Madami pang bakanteng chaps. ^___^
Oh btw, support 10 ways to be a lady.Sana ma-read nyo din. -/\-
Godbless,readers ! I love you ,all ! :*
KHIRA1112♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top