WYBHBM ~~ Chapter 33 part 2

WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR. 

BOOK 1 of 3 worth :  P109.50

You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores  nationwide. 

-

XANDREI POV


"anong sabi ng doctor?" kausap ko si ate sa telepono. Kanina pa sya tawag ng tawag para malaman kung anong nangyari kay Heira.


"weak ang immune system nya. Hindi din ganon kalakas ang katawan nya sa mga simpleng sakit. Yun yung sabi ng doctor."


"and?"


"tinatanong ng doctor kung may alam ako sa medical record nya pero wala akong masabi. Wala naman nasabi si Heira na may sakit sya." nababahalang sabi ko.


"tulog pa din ba si Heira? Hindi pa din sya nagkakamalay?"


"hindi pa. Doctors here were doing a series of test. Hindi ko alam kung tapos na sila."


"si Cyfer?"


"andito." liningon ko si Cyfer na nakaupo sa waiting area at nakayuko. Parehas lang kaming nakapantulog pa.


"papauwiin ko din sya maya-maya para makapagpahinga."


"sige. Para ako naman ang pupunta jan." 


"don't bother. Alam kong napuyat ka din,ate. Bawiin mo yung tulog mo."


"okay. Okay. Papapuntahin ko na lang si Xandie jan pagkagising nya."


"okay. . ."


"Sana okay lang si Heira,Lil bro."


"I hope so. . ." kung di lang sinabi ng mga doctor kanina na bumaba na ang lagnat ni Heira, hindi ako mapapakali.

Nahahapong umupo ako sa tabi ni Cyfer. It's almost 6 in the morning. Tatlong oras kaming naghintay ng mga resulta ng mga test kay Heira.


"you should go home now, Cy."


"I'm sorry. . ." napabaling ako sa kanya.


"for what?"


"kasalanan ko 'to."


"what do you mean?" naka-kunot noong tanong ko.


Kinwento nya saken ang nangyari kahapon sa garden sa pagitan nilang dalawa. Sinabi nyang nainis sya kay Heira sa mababaw na dahilan.


"hindi ko alam na madali syang magkasakit. I didn't held my temper longer than I always do. Masyado akong naging pikon." lumingon sya saken.


"please let me stay. I want to apologize to her pagkagising nya."


Gusto ko mang tumanggi , hindi ko ginawa. Ano bang dapat kong maramdaman? Magalit sa ginawa nya kay Heira? O magalit sa sarili ko dahil wala ako ng mga oras na nangyari yon? Tahimik akong tumango at bumuntong hininga.


"hindi sinabi saken ni Heira ang tungkol jan. Akala ko nahawa lang sya dahil uso naman ang ganong sakit ngayon." sabi ko. 

"hindi naman din sya yung tipong nagsusumbong saken kapag may nangyaring di maganda sa kanya." 


"I'm sorry again."


Hindi ulit ako sumagot.


"do I really need to stay away from her?" he asked in a lower voice. "hindi ba talaga ako pwedeng maging close sa kanya?"


Di ako makasagot. Paano ko ba sasagutin ang bagay na yon ng di ako nagmumukhang makasarili? 


"she's yours but I need a friend." dagdag pa nya. "a friend who can understand me. . .bare with me. And she can bear my unexplainable attitude. I need someone like her. . ."


"maraming tao ang pwedeng maging kaibigan mo pero bakit si Heira?"


"'cause she's special. . ."


"And she's special to me too."


"meaning you dont want to share?"


"damn it! Wala akong sinabing ganyan . Ang akin lang hindi ko maiwasang . . ." magselos. Hindi ko maituloy. Magmumukha akong katawa-tawa sa harap ng kapatid ko. 


"friendship is all that I can offer to her. No more no less. Paniwalaan mo yan." tumayo na sya. "okay. Uuwi muna ako . Babalik na lang ako mamaya. Magpapalit ako ng damit."

hindi na ko umimik at tumango na lang. Saktong umalis si Cyfer lumabas ang doctor na nag-check kay Heira.


"kamusta na po sya ,doc?"


"she's getting better. No serious illness. Negative ang mga exams nya. Unti-unting na ding bumaba ang lagnat nya. Hindi lang talaga kinaya ng katawan nya ang sobrang taas na temperatura. I suggest na pagpahingahin na lang muna sya ng ilang araw para hindi ma-stress. Enough rest will do the trick. Kapag nagising na sya, pwede nyo na syang ilabas."


"can I see her now?"


"of course. She's on room 155."


"thank you, Doc." tinanguan lang ako ng doctor at umalis na din. Ako naman, dumiretso agad sa room ni Heira.


Nakahinga naman ako ng maluwag ng masiguradong walang seryosong sakit si Heira. Tinawagan ko si ate para ipaalam na okay na sya. 


HEIRA POV


Hindi ko agad maimulat ang mga mata ko. Sobrang bigat din ng pakiramdam ko . I stirred. Pinilit ko pa ding magmulat. 


Ang namulatan ko ay puting kisame. Nilibot ko ang mga mata ko. Hindi pamilyar ang lugar saken. Hindi ito ang kwarto ko. . .

"how are you feeling ?" napatingin ako sa kanan ko. Nakita kong nakatayo si. . .


Cyfer?


"nasaan ako?"


"hospital."


"h-hospital?" bakit? Ano bang nangyari saken? Pilit kong binalikan sa isip ko ang nangyari saken kagabi. I woke up in the middle of the night . . .went out of my room . . .and then . . . ?


"you collapsed."


"w-what?!"


"you gave Xandrei a scare of his life." kinuha nya ang isang silya at umupo sa gilid ng kama ko.


"nasaan sya?"


"bumili ng pagkain. Babalik din yon agad."


"bakit pa ko dinala dito?"


"hindi namin alam ang gagawin nung mahimatay ka. Natural lang na ideretso ka dito sa ospital." sabi nya habang binabalatan ang isang sunkist.


"sorry. Naabala ko pa kayo. . ." inabot nya saken yung sunkist.


"s-salamat."


"ako dapat ang magsorry sayo." nahinto ako sa akmang pagkain ng sunkist at napatingin sa kanya. Nakatingin din sya saken. His face was void of any emotion but his eyes was expressing an opposite meaning. 


"Sorry kahapon. Di ko dapat ginawa yon.Di ako dapat umasal ng ganon.It was so childish."

"o-okay la-"


"alam kong hindi yon okay kahit ilang beses mo pang sabihin ang salitang 'okay lang'. Hindi na mauulit. Hindi ko din naman alam na ito ang magiging resulta ng ginawa ko. Humingi na din ako ng dispensa kay Xandrei. . ."


"sinabi mo kay Xandrei?" O/\O 


"yeah. Akala ko nga nagsumbong ko sa kanya pero hindi nya pala alam. Hindi naman daw kasi ikaw yung tipong nagsusumbong."


Napa-facepalm ako bigla. Patay ako nito ! Sigurado akong lilitanyahan na naman ako ni Xandrei ng pagkahaba-haba!


(Y_Y)


Sunud-sunod ang pagkagat ko sa sunkist dahil kinabahan ako bigla. Argh. T__T


"gusto mo pa?" nagbabalat na naman pala si Cyfer ng sunkist. Tumango na lang ako dahil punung-puno pa din ang bibig ko. Yung katas nung sunkist tumulo na sa kumot. Ang dugyot ko kumain. =___=


Inabot nya saken yung sunkist, nung kukunin ko na bigla naman nyang nilayo. Walanjo ! Kung kailan kain na kain na talaga ako saka nya ako pagtitripan? =__=


"do you forgive me now?"


"huh?" di ko pa sya maintindihan nung una.


"stupid girl." =_=


"ano ba yun?" o__O?

"tsk. Yung ginawa ko kahapon? Nag-sorry ako di ba? Tinanggap mo na ba yung sorry ko?"


"ahhh. . ."


"tsk. Whatever. O ayan na sunkist mo ." binigay nya na saken yung sunkist at tumayo. Naglakad palabas ng pinto. Aba. Umiral na naman ang pagiging walk out king nya ?! =___=


"oy !" binato ko sya ng balat ng sunkist. Sapul sya sa likod ng ulo. Aba. Ang galing ko pala mamato. \m/


"para naman tong ewan! Sincere ba yang sorry mo? Masosorry ka tapos biglang walk out? " =__=


"stupid. If you think its easy for me to say sorry to anyone, think again!"


Ma-pride naman sya masyado. =__=


"Mr. Pride ,kung gusto mong maging sincere ang pag-tanggap ko sa sorry mo, magsorry ka ng maayos,ok?"


"hindi pa ba sincere sayo yun?" =_=


"saan ba banda yung sincerity mo dun? Sa pag walk out mo? Wow ha. Hiyang-hiya naman ako." =_=


Then he gave up a frustrated sigh. Umupo sa gilid ng kama at. . .


O___O


He. . .


He. . .
.
.
.
Hugged me. . .


*dub dub dub dub dub dub dub dub* 


"I'm sorry. I really am. . . "
*dub dub dub dub dub dub*

"u-uhmm. . .ehehehe. . .hehe. . .o-oy. O-kay na. . .b-bakit may y-yakap pa?" nakakailang ! As in super duper mega over ! Niyayakap . Napatid ata yung dila ko dahil utal-utal ako magsalita. Nyare ba dito kay Cyfer? Ano ding nangyayari saken? >__<


Hindi sya nagsalita pabalik.


"o-oy. . .okay na talagag. . .tinatanggap ko na sorry mo. . ." saka ko lang naramdamang lumawag ang pagkakayakap nya. Sakto namang bumakas ang pinto. 


O___O


O___O 


Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Xan . Nagulat sya sa nakita nya. Nagulat ako sa pagdating nya. Tuluyan na ding bumitaw si Cyfer at lumingon sa pinto. Walang emosyon ang mukha. . .


Seconds later, Cyfer broke the silence. He stood up and look down at me. 


"I guess we're okay now. . ." wala akong ibang naging reaction kundi tumango. He nod back .

Lumakad na si Cy palabas . Nagtama pa ang paningin nila ni Xan bago nilagpasan ang nakakatandang kapatid. 


Then, Xandrei's eyes fixed to mine. His face was masked now. I can't see any emotions too. Kung magkamukha sila ni Cy, baka napagkamalan ko syang taong-bato. He finally stepped in. May dala syang plastic . I guess he take-out his meals. 

Anong gagawin ko? Parang may pader sa pagitan namim. Magsasalita ba ko? Anong sasabihin ko?


Nilapag nya ang dala nya sa side table. 


"kumain ka na ?" tanong nya nang hindi nakatingin.


"s-sunkist lang."


"you should eat something than that. . .here." inabot nya saken yung pagkaing nasa styro. Nag-aalangang inabot ko yun. Hindi pa din sya tumitingin saken.


Umupo sya sa kinauupuan kanina ni Cy. He's pacing the floor.


I bit my lower lip. What have I done? O may ginawa nga ba akong mali? Masgusto ko yung Xandrei na magagalit at sesermunan ako ng paulit-ulit kesa sa Xandrei na kasama ko ngayon. He's giving me a silent treatment.


"X-xan. . ."


"eat up. Talk later." he's still pacing the floor. Ilang beses ako nagbuntong-hininga . Binuksan ko yung styro at nagumpisang kumain. . .kung pagkain mang matatawag yung ginawa ako. Para ngang nilaro-laro ko lang yung steak. Nakailang subo lang ako pero parang di ko naman malunok ang pagkain ko. Wala pa din syang kibo. Suddenly, I feel empty, insecured and a little bit guilty. He saw us. He saw Cyfer hugging me. Sa side ko, ano bang dapat gawin? Di ko naman pwedeng ipagtabuyan si Cy di ba? Nagso-sorry lang sya. Napaka-bastos ko naman kung pinagtabuyan ko sya. Kay Xan, inamin nya saken dati na pinagseselosan nya ang kapatid nya. He told me to stay away from his brother. Ginawa ko ba? I mentally said 'I didn't'. 

"Xan-"


"don't worry. I'm okay. . ." his head is still bow down.


. . .no ,you are not okay. I know you better than that. . . -gusto ko sanang sabihin yon pero tinikom ko na lang ang bibig ko.


"Lalabas muna ako." then he stood up . Walking out without looking at me.


"s-san ka pupunta?" my voice is broken. He must have sense it. He stopped in his tracks for awhile . Pero hindi pa din ako nilingon.


"I'll fix your discharge papers." then he's gone.


Feeling ko lalo akong magkakasakit. Nilapag ko sa side table ang styro, nahigang muli at pumikit . Mali na naman ba ako? Ano na ,Heira?

-


Hanggang sa makalabas ng ospital at makauwi sa bahay, hindi pa din ako kinakausap ni Xan. Ang awkward nga ng atmosphere nung nasa sasakyan kaming tatlo . Si Xan, ang bilis magmaneho. Si Cyfer, nakatingin lang sa bintana. Ako , di mapakali. Sa bahay, wala pa din kibuan. Maliban kina ate Xandra at Xandrea, wala ng kumausap saken.Si Xan , umalis ulit.Si Cyfer,nagkulong sa kwarto nya.Nung hinayaan na akong makapagpahinga ng mag-ate, hindi naman ako makatulog sa mga nangyari. Magso-sorry ba ko kay Xan kahit di ko naman kasalanan kung niyakap ako ni Cy? Lalayuan ko ba si Cy? Naguguluhan ako. Ano bang dapat gawin ? 

To be CONTINUED . . .


A/N : Sorry kung di kayo satisfied sa mga latest updates ko . XD
By the way, sa lahat ng nag-aabang ng updates ng 10 WAYS TO BE A LADY,meron na po.Sorry kung natagalan.May update din bukas yon. Pambawi.Sana po basahin nyo yung stories ni Rhei at Ren.

Thanks for reading,readers ! GODBLESS ! I love you all !


KHIRA1112♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112