WYBHBM ~~ Chapter 31
WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR.
BOOK 1 of 3 worth : P109.50
You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores nationwide.
-
-CHRISTMAS PARTY-
HEIRA POV
Grabe. Ako lang ata may malaking regalo dito. Yung mga classmate ko kasinlaki lang ng shoebox yung mga dalang wrapped gifts tapos ako may dalang gitarang malaki. Oh well, di naman malalaman na gitara yon kasi naka-wrapped din sya. Para akong may dalang mini ref. XD ampness. Kakahiya.
Nilapag ko muna yung regalo ko sa isang tabi . Sino kayang nakabunot saken? Masyadong akong na-focus sa ireregalo ko kay Cyfer kaya di ko na naisip kung sinong magreregalo saken.
Matapos ang batian, onting kwentuhan at kainan,nagkabigayan din ng regalo. Lumapit na lang daw sa taong nabunot namin. . .
Nahihiya akong iabot kay Cyfer yung regalo ko, ang laki kasi e! XD
Nung hinanap ko sya, nakita ko syang nakatingin saken. E? O__o
Tapos lumapit sya saken.
Haluuuh. . .>__<
Baka alam nyang ako ang nakabunot sa kanya. Pero wala naman akong sinabihan ah. . .
Hindi sya huminto sa tapat ko pero may narinig akong binulungan.
"sa rooftop. . ."
Then lumabas sya ng room. E? O__o
Pinapapunta nya ako ng rooftop ? Anong gagawin namin don? Haluuuh. . .
Tumingin-tingin ako sa paligid. Busy ang lahat sa pagbibigay ng mga regalo. Mataktika akong lumabas dala ang regalo ko kay Cy. Naman oh. Ba't kasi sa rooftop pa? Anong kailangan nun saken? Pagtapos nya akong iwas-iwasan nitong mga nakaraan araw bigla syang gaganun-ganun? Ang labo.
Bago ako pumasok ng tuluyan sa pintong papasok ng rooftop, huminga ako ng malalim. Keri ko 'to!
Nakita ko syang nakaupo sa bench na pinag-upuan nya din noon. Paborito nya ata yung bench na yon.
Tumikhim ako para malaman nyang andito na ako. Umupo din ako sa bench.
"bakit mo ko pinapunta dito?" tanong ko.
Hindi sya nagsalita. Ano ba naman yan?! =__=
Nag-effort pa akong lumabas ng room , umakyat ng hagdan at pumunta dito tapos tunganga lang pala ako. Psh. Naman oh.
"hey . Ano bang-"
"oh." natigila ang pagsasalita ko ng may iabot syang isang maliit na box. Yung parang pinaglalagyan ng mug. Di kaya mug ang regalo nya saken? Walanjo- O__O
Si Cyfer nakabunot saken ?! O______________O
"a-ano to?"
"regalo. Obvious naman di ba?"
Hindi sya lumingon saken,nakatingin lang sya taas habang nakasandal sa upuan.
"a-ako ang nabunot mo?" hindi na naman sya sumagot. I took it as a yes. Ako nakabunot sa pangalan nya at sya ang nakabunot sa pangalan ko. Ang galing naman ! XD
"ano 'tong niregalo mo?"
"buksan mo na lang."
Dahan-dahan kong inalis yung gift wrapper. . .
O__O
Wait. . .
Eto yung. . .
Napatingin ulit ako kay Cyfer. Hindi sya lumingon pero nakatuon na ang mga mata nya saken.
Binalik ko ulit ang atensyon ko sa regalo nya. Snow Globe. Ito yung nakita ko sa souvenir shop dun sa star city, masmalaki nga lang 'to.
"h-hindi mo naman 'to binili nung nasa star city tayo ah. . ."
"binalikan ko."
"r-really?"
Di na sya sumagot. Di ko man aminin, gusto ko talagang bilhin yung snow globe na 'to nung gabing yon, wala lang talaga akong pera.
Tumingin ako kay Cyfer at nginitian sya.
"salamat,Cy." ^_^
He just smirked. Then, naalala kong magbibigay din pala ako ng regalo sa kanya.
"uhm, ako nga din pala nakabunot sayo." pag-amin ko. XD
"alam ko."
"e? Paano mo nalaman ?" o__o
"secret."
Secret ? Psh. =__=
"eto na regalo mo oh." inabot ko yung gitara.
"ang laki naman nyan." =_=
"wag ka na magreklamo jan. Buti nga may regalo eh." -__-
"psh." inabot nya yung regalo ko.
"di mo ba bubuksan ?"
Binuksan naman nya. Woah. Ang tindi nya magpunit ng wrapper. Baka mapunit din yung gitara. XD
"gitara?" o__o
"ayaw mo?"
di sya nakapagsalita. Aba. Na-speechless ang sungit. HAHAHA.
"ikaw ang bumili nito?"
"hindi no. Si Xan bumili nyan .As if naman may pambili ako ng gitara. Ako lang yung pumili ng design. Ganda no? Nagustuhan mo ba?" ^__^
"useless. Parang di naman ikaw ang nagregalo saken." =__=
"oy! Di pa kasi ako tapos magbigay ng regalo. O eto pa." dinukot ko sa bulsa ko yung guitar pick at binigay sa kanya.
"sorry. Yan lang kaya ng budget ko eh. Haha. Oy ! 50 pesos din yan no. Binili ko yan kasi cute din yung design. Bagay sa gitara mo. " ^__^
Nakatingin lang sya saken ng matagal. Gusto ko na ngang mailang ,eh. XD
Pagtapos bigla na lang sya nagsalita.
"thank you."
Uy oh ! Nag-thank you sya saken?! O__O woah. For the first time. Nakakatuwa naman.
"thank you din kay Xandrei. Sabihin mo sa kanya."
"okay. Uhm, marunong ka ba mag-gitara?" ^___^
"oo."
"wow ! Ang astig mo naman ! Pwedeng sample?" ^__^
Akala ko hindi sya papayag .
Namalayan ko na lang tinitipa nya na yung gitara. Di nga? O__o
Pinagbigyan nya ba ako?
Kakanta talaga sya?
Oh my god, baka umulan ! Nasa rooftop pa naman kami. NYAHAHA. Joke.
(Song : "Young Love" by Jedward acoustic version )
"♫Yeah yeah. . .
Yeah yeah. . .~♫"
O___O oh em. . .
"♫ . . . I was with my friends.
Third street walking the promenade
Then you passed by like a shooting star
I started falling for you,
without a warning. . .♫~"
Hindi ko akalaing ganto kaganda ang boses ng masungit na lalaking 'to. Woah. Sana naging boses na lang sya. . .
Pero seryoso. Ang ganda talaga ng boses nya. Malamig. . .parang ugali nya.
"♫. . .In my dreams I'm asking your name,
Put your number down.
Then I wake up and I chickened out.
This part I hated,
Young love so complicated. . .♫"
Hindi ko alam yung kantang kinakanta nya. Wala nga kong idea kung new or old song yun eh. Pero parang ang ganda ng message. . .
Parang pinaparating na na-in love na talaga 'tong si Cyfer. . .
"♫. . .I know what people say,
Don't get carried away
Say boy got your whole life
Ahead of you
But what am I supposed to do. . .♫"
Tumingin sya saken at ngumiti. O///O bakit parang kinikilig ako? NO WAY!
NOOOO ! Hindi ako kinikilig ! Nata-touch lang ako ! Nata-touch lang akooo ! Kase . . .kase pinagbigyan ako ni Cyfer. Nata-touch lang talaga ako ,promise ! -sabi ko sa sarili ko habang patuloy naman sa pagkanta si Cyfer. >_____<
"♫. . .Young love, is taking me over
Your love, I'm losing control
My heart stop - stops
When I get close to you
Like lightning striking out of the blue
Young love, stealing my sleep,
So what, If you're feeling me
Put your hands up, hands up,
All about the world,
Everybody in young love, young love. . .♫"
Waaaa ! Nakaka-in love yung kanta . Yung kanta ha ! Hindi yung kumakanta. (>___<) -> DEFENSIVE
"♫. . .Since that day
I've been walking the avenues
Hoping I would bump into you
Or you into me, but nothing
Just cold empty streets
I never thought that I would
See your face again
But just like that
I saw you walking in
Doors of my show sat down
In front of the row. . .♫"
Kung di lang talaga may ugaling bato si Cyfer, siguro nagustuhan ko sya. . .
O__O - NAGUSTUHAN?!
THE HEEECK ?! Saan nanggaling yon ? (>/////<) Heira,may Xandrei ka na ok? Wag kang feeling jan.
"♫. . .I know what people say,
Don't get carried away
Say boy got your whole life
Ahead of you
But what am I supposed to do. . .
Young love, stealing over
Your love, I'm losing control
My heart stop - stops
When I get close to you
Like lightning striking out of the blue
Young love, It's still in my sleep,
So what, If you're feeling me
Put your hands up, hands up,
All about the world,
Everybody in young love, young love. . .♫"
"♫. . .I know what people say,
Don't get carried away
Say boy got your whole life
Ahead of you
But what am I supposed to do. . .♫"
Bakit ba ganto yung takbo ng isip ko? Kumanta lang si Cyfer naging ganto agad ako? Ano ba yung boses nya? May gayuma?
Pero kung ibang babae ang kinakantahan nya ngayon, I'm sure kikiligin sila.
What about Anne?
Kung si Anne siguro ang nandito ngayon at nakikinig kay Cyfer, I'm sure she'll appreciate this. Matutuwa yon ng sobra. . .
Kaya di ko maiwasang manghinayang para sa kanilang dalawa. Alam ko namang mahal pa ni Anne si Cyfer though she really tried hard to hide it from me and from Rhea. Si Cyfer? Ewan ko. Ewan ko kung anong nararamdaman nya. Wala akong idea. Hindi naman ako mind reader at lalong hindi ako magaling bumasa ng emotion ng isang tao. Hindi din naman mapipilit ang puso na mahalin ulit ang isang tao kung wala na talaga. Hindi mo din mapipilit ang sarili mong maging masaya pa sa relasyon nyo kung wala nang pagmamahal.Ganon siguro ang naramdaman ni Cyfer. . .
"♫. . .Young love, is taking me over
Your love, I'm losing control
My heart stop - stops
When I get close to you
Like lightning striking out of the blue.
Young love, stealing my sleep,
So what, If you're feeling me
Put your hands up, hands up,
All about the world,
Everybody in young love. . .♫"
"♫. . .I was with my friends
Third street walking the promenade
Then you passed by
Like a shooting star
I started falling for you,
Without a warning. . .♫"
tumigil na sya sa pagtipa ng gitara at sa pagkanta.
Automatic naman akong napapalakpak.
"WOW ! Ang galing mo kumanta ! Ang ganda pa ng boses mo! Ba't mo yan tinatago? Kung meron akong ganyang boses, hindi lang ako sa banyo bibirit."
"ang ingay mo." =__=
Ok. Wala na. Uwian na. Bumalik na ang dating Cyfer. Magsusungit na namam sya. Alert ! Alert ! -____-
Ang bilis naman nya magbago ng mood.
"pwede isa pang kanta?"
"hindi na pwede."
"sige na. Isa na lang please." */\*
"ayoko na." =__=
"isa na lang . Pleeease . . . Yung pusong bato ? Alam mo yon? Mukhang bagay yon sayo,eh. Narinig ko yon kay manong bieber ,eh. Soundtrip nya kahapon- hey! Saan ka pupunta? Oy may request pa kong kanta !" nag-walk out na naman sya oh. Tinungo ang pinto palabas ng rooftop .
"ewan ko sayo." sabi nya at tuluyang bumaba.
Napangiti na lang ako ng lihim. Di na lang ulit ako nagsalita. Di ko na rin sya sinundan. Chicks ba sya? HAHA. Joke lang. ^__^
Hinawakan ko na lang yung Snow Globe at inalog-alog. Ang cute talaga ng regalo ni Cyfer.
Di pa rin ako makapaniwala na may angking magandang boses sya. E di sya na ! Pagkalat ko kaya? NYAHAHA. Wag. Baka ako ang hampasin nya ng gitara. Masaya ako dahil unti-unti ko nang nakikilala ang totoong Cyfer. May nakita na naman akong ibang side nya. Yung talented side. Ano pa kaya ang ibang side ng misteryosong tao na yun? Gusto ko din malaman.
Inalog ko ulit yung snow globe at pinanood kung paano umikot-ikot at bumagsak ang snow sa loob nun.
Apat na araw na lang pasko na.
Ano kayang magandang regalo para kay Xandrei?
To be CONTINUED. . .
A/N : UNEXPECTED ? NYAHAHAHAHA . :D Just want to mention my sisie , AirGem . Ginagawa ko 'tong UD na 'to tapos sya ang nakapagbigay saken nung lyrics nung Young Love. Sana din po mabasa nyo yung story nya . (Untitled lovestory and Restricted Lovestory)
Isipin nyo na lang yung link na video sa gilid yun yung boses ni Cyfer. NYAHAHAHA xD
Thanks readers ! Godblessss ! :*
KHIRA1112♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top