WYBHBM ~~ Chapter 29


HEIRA POV


"Xan, sorry na. . ."

". . ."

"uy,Xan. . ."

". . ."

T___T

Hindi pa din ako pinapansin ni Xan. Akala ko naman okay kami kagabi. Nagtatampo pa din ata. Pinag-alala ko daw sya ng sobra. Di na ko iniimik. Ako lang ang naihatid nya papuntang school. Maaga daw pumasok sila Cyfer at Xandie. Solo nga kaming dalawa, di naman kami nag-uusap. Ayaw nya naman ako pansining.Paano na ba 'to? T___T

"Xan,please." huminto na yung sasakyan sa tapat ng academy. Baba ba ako ng di man lang kami nakakapag-usap ? Naman oh. . .

"male-late ka na. . ."

Pinapababa na ba nya ako? Ayaw nya ba talaga ako kausapin? I feel rejected. . .

.

"akala ko ,okay tayo. . ." I said in low voice.

"okay lang ako."

"e pano ako?"

"di ka ba okay?"

"pano ako magiging okay? e di mo nga ako kinakausap. . ."

". . ."

"Xan. . .sorry na. Di na mauulit . Promise. Na-excite lang ako masyado kahapon ,first time ko kasi pumunta sa ganong lugar. Sorry kung nag-alala ka. Sorry kung di ko nasagot yung mga tawag mo saken.Sorry na kasi. Bati na tayo. . ."

"you don't need to say sorry. "

"e galit ka eh. . ."

"i told you I'm not. I'm just. . ." he sighed.

"just what?"

"wala yon. Pasok ka na. Male-late ka na naman nyan."

Ano ba yan. . . Pinagtatabuyan na nga ata talaga ako.

"Ayoko na pumasok. . ."

"what? Why?" he frowned.

"Alis na lang tayo. . ."

"huh? San tayo pupunta?"

"kahit saan."

"Heira, andito na tayo."

"gusto ko bumawi. Please,Xan. Ngayon lang naman ,eh. . ."

"hindi pwede." he said firmly.

"ayaw mo lang ata ako kasama eh. . ."

"wala akong sinabing ganyan."

"e bakit ba binibigyan mo ko ng cold treatment?" naiiyak na ko. Tsk. Di naman kami ganto ,eh. Di ako sanay na may gantong eksena sa pagitan namin. Na para bang tinataboy nya ako at ayaw makasama. Yung Xandrei na kilala ko, laging andyan para saken at lagi akong kinokonsola. Pero ngayon. . .

Inalis nya yung seatbelt nya at lumingon saken. He leaned closer and huggged me tight.

"I'm the one who needs to say sorry. I know it was so stupid of me to think that you might fall in love with someone else pero diko maiwasan. Cyfer is my brother and I trust him pero pwede ka pa din nya magustuhan gaano man kaliit yung possibility non. And I trust you too but my jealousy and insecurities are eating me. I can't help it. I just love you so much. . ."

.

.

.

(->ww/\ww<-)

Meghesh.

Dati hindi ko naiintindihan kung bakit nakakakilig yung situation na nagseselos ang mga lalaki. Now, I know. . .KYAAAAAH.

*PAK PAK PAK*

"aww,babe! Para san yon-"

*PAK PAK PAK*

"ouch. Ba't ka ba namamalo?" =____=

"e ikaw kasi eh. . . Wag ka ngang ganyan !" (->wwoww<-)

"anong 'wag ganyan?' linawin mo nga-" I don't want him to speak again that's why I grabbed his head, pressed my lips to him and kissed him. I saw his eyes go wide . He didn't expect me doing those things.

I broke the kiss and touch his cheeks.

"alam mo. . .kahit masyado ka ng OA minsan at sobrang corny mo na, nakakakilig ka pa din." (-^.^-)

"Xan, kahit korny pakinggan sasabihin ko pa din sayo na mahal na mahal kita. Tsh. Ang corny sa pandinig no? Pero masmasarap yan pakinggan kesa 'Ilove you.' e ! Ang corny ko na din. Nahahawa ako sayo. HAHAHA."

"di mo kailangang mag-selos,Xan. Di naman ako maghahanap ng iba eh. Di mo rin dapat pinagseselosan si Cy kasi may mahal pa din yang iba. Saka sabi mo may tiwala ka naman saken. Sana hindi ka magduda. . .Masmahal pa din kita." I smiled and winced . "ang korny korny talaga nito pramis! HAHAHAHA." the next thing I knew is he's already laughing with me wearing a big smile in his face as his eyes sparkled with love. Chos ! With love talaga? XD NYAHAHAHA.

He kissed me once again and let go.

"thank you,babe. Mahal din kita ."

"eh ! Ang korny mo ! " (->wow<-)

"korny daw pero sobrang kinilig. Hahahaha. No kidding ,babe. I mean it." ^___^

"oo na po. Dami mo kasi drama eh. Hahaha. Baba na po ako. Bye."

"ako susundo sayo mamaya."

"dapat lang." :P

"HAHA. Yes,boss."

Bumaba na ko ng kotse . Magba-bye pa sana ako ulit ng marinig ko ang last bell.

"My gosh. Late na ko." T_T

Tinakbo ko na ang elevator dahil kung di ko maabutan ang 1st sub,nga-nga ako ng isang oras.

-BREAKTIME-

"yan. HAHAHA. Late ka ha. Tsktsk. Ang dami mo tuloy susulatin na notes." pinagtatawanan pa ko ni Rhea. Ampness. Sad to say , hindi ako nakaabot sa 1st sub. Napatambay tuloy ako sa rooftop ng isang oras. Tapos may pinasulat palang napakahabang note si ma'am Gomez at kailangan din daw ipasa ngayon . Ihahabol ko na lang yung akin. Kailangan ko tuloy i-sacrifice ang appetite ko para magsulat ng notes. Saklap

"ba't ka ba na-late kanina, Heira?" tanong ni Anne. As usual sila ang kasama ko pagbreaktime. Sila kumakain, ako dinala ko ang notebook at pen ko sa cafeteria para makasama sa kanila.

"uhm. . .ah. . .na-late ako ng gising." alibi ko. Kung sasabihin ko namang nag-away kami ng boyfriend ko, mahaba-habang paliwanag yon. XD

"gising gising din kasi ng maaga."

"at wag magpupuyat."

"siguro may ginawa kayo ng bf mo kagabi no?" naloka naman ako sa gustong ipahiwatig ni Rhea.

"o-oy! Wala no!"

"HAHAHA. Defensive ka masyado ,ah! Wala naman akong sinabing gumagawa kayo ng hmmm. HAHAHA." BISEEET. =_= kungkailan nagmamadali akong magsulat saka ako napagtripang asar-asarin ni Rhea. Si Anne, nangingiti lang.

Pinagpatuloy ko ang pagsusulat.

3 minutes later. . .

"hi!" napatigil ulit ako para lumingon sa likod. Maski sila Rhea at Anne napatigil sa pagkain.

Sya yung babaeng nag-hi saken nung nakaraang araw.

Si Jen.

May hawak syang camera .

"naaalala nyo pa ba ako?"

Sabay-sabay kaming tatlo na tumango.

"Jen ,right?" sabi ko.

"yep. Gusto ko sana kayong makausap."

"tungkol saan?" chorus naming tatlo.

"naghahanap kasi ako ng mga girl models. I'm a freelance photographer. May ate akong professional ,ako ang pinapahanap nya ng magiging modelo nya. Nagpapaturo kasi ako sa kanya kung pano kumuha ng magagandang shots. Pero kasi, hanggan ngayon, wala pa din akong mahanap na models. Baka interesado kayo."

Nagkatinginan kaming tatlo .

"anong klaseng pagmo-model ba ang gagawin? Para bang sa kalendaryo? Yung naka-bathing suit tapos- ouch!" kinurot namin ni Anne si Rhea. Grabe. Straight forward ang tanong ha -.- baka ma-offend siJen kaya si Anne na lang ang nagsalita.

"pagpasensyahan mo na 'tong kaibigan namin. Uhm, para saan ba yung mga kuhang pics?"

"ilalaban namin sa foreign competition sa Rome." nakangiting sabi ni Jen.

"woah ! Bigtime ka pala." *O* sabi ko naman.

"bakit kami ang kinukuha mong models?" tanong ulit ni Anne.

"bakit hindi kayo? Maganda naman kayo ah. Saka si ate ang mag-iisip ng concept." ^__^

"pwedeng pag-isipan muna namin?" singit ko.

"of course. Eto nga pala number ko. Contact me kapag nakapagdecide n kayo. Una na ko." iniwan nya yung calling card nya samen then she left.

"model? Wow. Parang exciting." sabi ko pa.

"baka mapahiya lang tayo kung papayag tayo. Narinig mo ba yung sinabi nya? Prof ang ate nya tapos tayo puchu-puchu lang? Pft." paismid na sabi ni Rhea.

"why dont we try it? Pwede naman sigurong mag-back out kung mahirap talaga."

"saka hello?! Di pa nga natin masyadong kilala yung Jen na yon tapos papayag tayo na maging model nya? FC lang?"

"ang KJ." sabay na sabi namin ni Anne. Umirap lang si Rhea.

"oydi ba may tinatapos kang notes? Magsulat ka na. Matatapos na breaktime oh."

"waaa! Oo nga pala !" T___T

Nagsulat na lang ako ulit ng notes at tuluyan ng nawala sa isip ko ang tungkol sa alok ni Jen.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112