WYBHBM ~~ Chapter 28 part 1



HEIRA POV

 

"oh my g-" napatakip ako ng bibig ng mabasa ko yung pangalan ng bibigyan ko ng regalo sa christmas party.

Ngayon na kami nagbunutan dahil 12 days na lang ,christmas party na.

At ang nabunot ko ay si. . .

Napatingin ako kay Cyfer . Nagulat ako nang makita kong nakatingin din sya saken na para bang alam nyang sya ang nabunot ko. Asdsasdsasdsa !

Oo, sya nga. Makulit lang ? =__= ang laki ng problema ko ngayon ! Si Cyfer nga ang nabunot ko. At dahil sya ang nabunot ko, bibilhin ko sya ng regalo . At dahil bibilhan ko sya ng regalo, hindi ko alam kung anong bibilhin ko. At dahil hindi ko alam kung anong bibilhin ko, kailangan kong malaman ang gusto nya. At para malaman kung anong gusto nya, di ko na alam kung anong susunod na gagawin ko. T.T

"Heira, sinong nabunot mo?" tanong saken ni Anne.

O ngayon? Anong sasabihin ko? T.T

"class, bawal magtanong kung sino ang mga nabunot ng mga classmate nyo. Bawal din sabihin kung sino ang nabunot nyo. Para naman may thrill ang exchange gift natin. Maliwanag?"

haaay. Buti na lang sumingit si Ma'am Gomez. Wew! >O<

"bawal daw sabihin e." sabi ko kay Anne.

"okay lang."^_^

Tsk. Balik tayo sa problema ko, ano bang gusto ni Cyfer? Ampness ! Wala akong ni isa o kahit kasing liit lang na langgam na idea. Nabobo naman ako bigla. =_=

Dahil bawal ipaalam kung sino ang nabunot ko, kailangan kong magtanong ng pa-sekreto. Aba. Parang detective conan lang. XD teka, krimen bang regaluhan si Cyfer ? Tsktsk. Regaluhan ko kaya ng bato ? Sabihin ko yon ang past life nya. Isa syang dakilang bato noon. HAHAHAHAHA. Tapos ibabato nya saken yung niregalo ko. Hahahaha. Aruy . Iyak. Wag na lang. =__=

Magtatanong na lang ako kay Xandrei o kaya kay ate Xandra. Ang hirap naman kasi eh ! T_T

Bukod pa sa di ko alam kung ano bang gusto ng lalaki. Kung si Xandrei nag-aaral pa tapos magka-klase kami ngayon at sya ang nabunot ko ? Psh. Sisiw. Hahalikan ko lang yon . Solb na. Yun na yung gift ko . E alangan namang halikan ko si Cyfer di ba?Baka suntukin ako non. Saka ayokong maakusahang taksil no.

Loyal ako sa babe ko. Uy babe daw oh. :"""">

Pero ba't kasi sya pa ang nabunot ko? T__T

-BREAK TIME-

"Heira, sasabay ka ba samen pababa?" tanong ni Rhea.

"busog pa ko,eh. Mamayang lunch na lang ako kakain."

"ok. Baba na kami ha."

"sige. Eatwell."nakapangalumbaba na lang ako ng lumabas na sila Rhea ng room. Yung totoo, na-stuck sa isip ko na si Cyfer ang nabunot ko at namoroblema pa din ako. Kabanas ! =_=

Speaking of Cyfer the Stone, nasaan na kaya yun? Baka pwede ko nang i-start ang self investigation ko tungkol sa kanya? Imbestigador ang peg.xD

Anong lugar ba dito sa academy ang madalas nyang puntahan?

Hmm. . .

Tumayo na agad ako at tumakbo palabas ng room. Hinanap ko yung fire exit na another way para makapunta sa rooftop.

Oo, sa rooftop. Magbabakasakali ako na nandun sya. Yun lang kasi ang alam kong pwede nyang puntahan.

Nung andun na ko, nakita kong may taong nakaupo sa bench. Bingo! Si Cyfer nga. Ang galing ko talaga manghula. NYAHAHAHA. XD

Kaya lang wala na kong next step . Paralang akong estatwa na nakatayo sa pinto .

"uhm. . .ehem. . ." I winced silently. Gasgas na 'tong style na 'to e! Masyadong Old school.

Napalingon sya. Kinabahan ako. Ano ba yan ! Kinakabahan ako tuwing kaharap ko sya. Pano ba namang hindi e nakatikim na ko ng kasungitan nyang abot langit. =_=

Ang swerte ko kapag nasungitan nya ko ulit. Tsk.

"anong ginagawa mo dito?"

"ah. . .eh- magpapahangin? Hehe. Ikaw ? Di ka ba kakain?"

"busog pa ko."

"ah. Parehas lang pala tayo." alanganin akong lumakad sa bench na katabi nya."uhm. . . Ang sarap dito no? Hehe. Mahangin."

". . ."

"kaya siguro gustong-gusto mo dito."

". . ."

"ang ganda pa ng view di ba?"

". . ."

"ah. Oo, heira. Ang ganda ng view. Ang ingay mo pa. Wala ka namang kausap. Nice talking to you." sarcastic na sabi ko. Grabe lang. Para invisible lang ako sa kanya. =_=

"you shouldn't have come here."

"bakit naman?" =_=

"maingay ka kasi."

Ganon? =_= epal kang bato ka ! Inaano ba kita? Ba't ang sungit-sungit mo? Hulog kaya kita sa ground floor? Kainis. =_______= - isip isip ko.Gusto ko sanang sabihin yon sa kanya kaya lang baka ako ang buhatin nya at ihulog sa baba. Wag na lang.

"may kailangan ka ba?"

"h-ha?" pano nya nalaman na may kailangan ako sa kanya ?>____<

"bingi."

"hindi ako bingi." =_=

"k."

Bwisit. =_=

"hindi ka daw masusundo ni Xandrei mamaya."

"pano mo nalaman?"

"he called me and asked a favor. Samahan daw kita pauwi. Tutulungan nya daw kasi si ate sa office. Gagabihin daw sila ng uwi."

"ganun ba. . ."

"kaya lang di kita masasamahan."

"what?" =_=

"depende na lang sayo kung sasama ka saken."

"e? San ka ba pupunta ?"

"amusement park."

"e? Seryoso?" o.o?

"oo. Ang kulit."

"anong gagawin mo dun?"

"masyado kang matanong. . ."

"nagtatanong lang ,eh." -3-

"magpasundo ka na lang kay manong."

"pwede ba talaga akong sumama sayo?"

Lumingon sya saken."maboboring ka lang dun."

"okay lang." may hidden agenda nga ako di ba? Malay nyo, may malaman akong isang bagay na gusto nya . E di hindi na problema ang panreregalo ko sa kanya. \(^o^)/

"sasama ako ha."

"bahala ka."

Yes ! NYAHAHA. Excited na ko. \(^O^)/

Ano kayang gagawin namin sa amusement park? Dati pa ba pumupunta si Cyfer don? Naku-curious na naman ako.

"basta pag na-boring ka, umuwi ka mag-isa mo." dagdag nya.

Psh. Sungit again. =_=

"oo na po."

"wag kang magpapalibre saken."

"kuripot ka pala." XD

"close ba kita?"

Basag. =_=

KJ! Hmp.

"oo na!"

"wag ka ding magrereklamo."

"ang dami namang bawal." =_= parang ayoko na tuloy sumama.

"e di wag ka sumama."

"oo na nga eh. Di na na ako magrereklamo." =_=

Bwisit talaga. =_=

Ilang sandali pa,tumayo na sya at lumakad palabas ng pinto.

"gate c, 4 o'clock sharp. Pag wala ka don, wag ka ng sumama." then tuluyan na syang lumabas.

Utusan ba nya ako? Epal. =_=

Pero total, ako naman ang nag-insists na sasama ako sa kanya, susunod na lang ako.

Madami akong reason kung bakit ako sasama sa kanya.

Una, yung agenda ko.Pangalawa, na-curious ako sa kung ano ang gagawin nya don.Pangatlo, di pa ko nakakapunta ng amusement park. XD

Kinapa ko yung cp na binigay ni Xandrei na nasa bulsa ng coat ko.May two messages.Una kay Xandrei -Hindi nga daw nya ako masusundo ngayon. Sumabay na lang daw muna ako kay Cyfer. Nagsasabi ng totoo si Sungit.Yung pangalawa kay Xandie, textmate kami nito kahit may klase at kahit nasa kabilang room lang sya. Hahaha. Sabi nya may tutorial daw ulit sya mamaya kaya di sya makakasabay pauwi.

No choice ako. Kay Cyfer talaga ako sasabay.

Sana makahanap din agad ako ng maipanreregalo kay Cyfer.

Baka sumapit yung christmas party wala pa din akong regalo sa kanya. BV YON.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112