WYBHBM ~~ Chapter 20 part 2
ANNE POV
"Cyfer !" hindi sya lumingon at patuloy lang na naglakad na para bang wala syang naririnig. Kanina ko pa sya sinusundan. Halos patakbo na ang ginagawa ko makahabol lang sa paglakad nya.
"Cy !" hindi pa din sya lumilingon.
"Cy-fer please. . ." tawag ko ulit sa kanya habang humihingal. Nakakapaod pala. Nakakapagod pala yung ganto. Yung habol ka ng habol, tawag ka ng tawag pero parang hangin lang lahat ng effort at boses mo. Nakakafrustrate pero ayokong sumuko. Ayokong sumuko sa isang laban na hindi man lang sinusubukan kung kaya kong manalo o hindi. Ayoko. Ayokong isuko si Cyfer. Kahit pa. . .kahit pa parang nagmumukhang tanga na ko. Gusto kong makita nya na kaya ko syang ipaglaban kahit na nga ba sa siwasyon na parang sumuko na sya sa pakikipaglaban para saken. Hinawakan ko sya sa braso at pumunta ako sa harap nya para harangin sya.
"Cy please. . . Please talk to me." I plead. I expect him to say something pero wala syang sinabi. He just gave me a cold stare na para bang nagsasabi nang 'i-don't-know-who-you-are.'
Hindi sya nagsalita. Inalis nya ang kamay ko sa braso nya at lumakad ulit. Onti na lang. Onti na lang talaga maiiyak na ko. Imbis na lumayo, sinundan ko pa din sya at humabol. Oo, alam ko. Mukha na talaga akong tanga. Certified na tanga na ako sa ginagawa kong 'to. But I love him. I still do. Gusto kong lumaban kahit para sa sarili ko na lang. Selfish na kung selfish pero ganto ako. Ganto ako mamahal. Ngayon lang nagmahal ng ganto. Hindi, mali. Sya lang naman ang minahal ko. Kaya di ko matanggap na kung kailang nagiging maraya na ako kasama sya, bigla naman syang kumalas. Nakipaghiwalay sya saken ng walan binibigay na dahilan. Ayaw nyang magbigay ng dahilan. Ayaw nya ko kausapin matapos ang araw na yon. . .
FLASHBACK
Saturday afternoon. 1:47 pm, I recieved a text message from him.
"We need to break up" - that was his message. Akala ko namamalikmata lang ako or maybe he was just joking me o kaya naman may nakapulot ng phone nya at napagtripan lang akong i-text ng ganun. On second thought, imposibleyung panghuli dahil wala namang nakakaalam ng relasyon namin. Siguro nga binibiro nya lan ako.
Nag-reply ako sa kanya.
"hey babe, please don't joke me like that. It's not funny. " I waited for his reply but he didn't text me back. I message him again and again and again. . .
-"Cyfer?"
-"ey babe, what's wrong ?"
-"babe?"
-"babe please txt me back."
-"Cy, ur joking ryt?"
I don't know how many messages I did sent to him. I lost of count. Still, there was no reply from him. I called his number but it was out of reach. I'm starting to worry not to mention, scared.
Natatakot ako na baka nga hindi nya ako binibiro.
Two hours passed, wala pa din ni isang text or call sa phone ko. So, I decided to go in his pad. Baka andun sya. Wala naman akong alam na lakad nya ngayon.
Nagbakasakali ako.
But to my dismay, walang sumasagot sa loob. It's either walang tao o ayaw nya lang talaga akong pagbuksan. Ano ba? Ano bang nangyayari ?
I texted him again.
-"wer r u babe? Andito ako sa pad mo. Please, usap tayo." after a fewminutes nakatanggap ako ng reply from him saying a simple word 'no'.
I felt like crying . Totoo ba to? Ano bang nangyari? May nagawa ba ko?
4:30 pm nagtext ulit ako sa kanya.
-"let's talk, Cy. Maghihghntay ako sa park. Please come. . ." on the way na ko sa park ng mga oras na yon. Hindi na naman sya nagreply but I'm still hoping that he'll come at maayos din namin to. Kung may nagawa man ako, magso-sorry ako. Kung may nangyari man, gusto kong malaman ang buong kwento sa kanya at iintindihin ko. Wag lang ganto. Please. Wag lang nya kong iwan. I love him so. . .
6:45 there was still no sight of him pero umaasa pa din ako. Umaasa pa din akong darating sya.
Time passed by
8pm
9pm
10pm
Di ko namalayang magmamadaling araw na. Naiiyak na ko. No. Umiiyak na pala ako. Tumingin ako sa cellphone ko. No messages. No calls.
-". . .we need to break up. . ."
. . .we need to break up. . .
. . .we need to break up. . .
Is he serious about it? Oh please no. . .
I called his number again. Nagri-ring pero walang sumasagot. Yung mgasumunod na tawag ko voice prompt na lang ang naririnig ko.
. . .Cyfer, ano bang nangyayari sayo ? Ano bang nangyayari saten?
2:58 am - It was almost three ng madaling araw. Alam kong mapanganib pero hindi ko yun inintindi. Masnararamdaman ko kasi yung sakit,kaba,takot at pag-aalala.
Ewan ko nga ba kung paano pa ko nakauwi. Basta ang naaalala ko lang nun is mag-uumaga na. Papasikat na ang araw. Naglalakad siguro ako ng wala sa sarili. Pagdating ko sa bahay umiyak ako ng umiyak . Gusto kong may makausap. Gusto kong maglabas ng lahat ng nararamdaman ko. Gusto kong magkwento kay Rhei. . .
Now, halos kainin ako ng guilt. Tinago ko ang bagay na 'to maski sa taong pinakamalapit saken. Ngayon, pinagbabayaran ko ang pagtatago ng sekreto sa bestfriend ko. Ni hindi ko man lang nagawan i-except man lang sya. Hindi ko tuloy sya mapagsabihan ng nararamdaman ko ngayon. Lahat ng 'yon sinarili ko lang. Di ko matandaan kung paano ako nakatulog.
Sunday afternoon, 2:17 pm, mahaba-haba pala ang naitulog ko. Pero parang andamingmasakit saken . My head was aching, my eyes were swollen, my body was in pain and my heart was shattered. Barado din ang ilong ko dahil siguro sa sobrang pag-iyak. Tumingin ako sa full length mirror, gosh. Di ako to. Para kong zombie na magang-maga ang mga mata at nangingitim ang ilalim dahil sa eyebags. My hair was messed. I looked pathetic . Hinanap ko ang cellphone ko . May isang message. Galing kay Cyfer !
Agad ko yung binuksan at binasa.
-"find someone who will you too, Anne. I don't deserve you. I dont need to give you more details nor any reasons why. I want this. I need this. Let's break up. Goodbye. Thanks for the memories."
My hands start to tremble. My tears were falling again.
No.
No.
I can't be. . .
I. . .I thought he love me too? He told me so !
And I used to see it in his eyes, in his little efforts, in his simple smile, in his kisses. . .sa lahat ng pinapakita nya. . .
Na-decieve lang ba ako ? Pinagtripan ? Pinaglaruan ? Ano ba ? Ano bang dahilan ?
I cried myself to death. I feel so alone. Pain,ache and confusion is killhng me. It was too sudden ! I couldn't even think straight. Nalilito ako. Bakit ganto ang nangyayari ? We seem so happy together . And I thoughgt that my happy moments with him would last forever. Guess, I was wrong. . .
O ganun nga lang ba talaga yun ?
END OF FLASHBACK
Heto ako, hanggang sunod lang sa kanya. Nasa room na kami, I tried really hard to act normal kahit parang magbabagsakan na naman ang mga luha ko.
Then I saw Heira. Nakaisip ako ng paraan.
-BREAKTIME-
Kinausap ko na si Heira, ang sabi nya tutulungan nya daw ako. Medyo gumaan na din ang pakiramdam ko dahil nasabi ko ang bigat na nararamdaman ko kahit papano. Medyo. Medyo lang talaga. Ang sakit pa rin kasi ,e. Iniiwasan ako ni Cyfer, oo. Halatang halata nga ko. Hindi nga nya gustong tumingin saken. Magkatabi lang kami but I feel invisible.
-DISMISSAL-
I saw Heira standing at the main gate. She looked like she's waiting for someone. Then I saw Cyfer palabas ng main gate . Lalapitan ko na sana ulit sya ng maisip kong bakangayon na sya kakausapin ni Heira. Nagtago ako. Nakita kong hinila ni Heira si Cyfer. Papunta sa isang lugar . Patago ko silang sinundan. Gusto kong marinig ang pag-uusapan nila. Nang huminto sila. Nagtago ako sa likod ng isang kotse. Nakita ko nang paluin ni Heira si Cyfer sa braso n malakas.
Haay. Bayolente talaga sya.
"what was that?"
"nabubwisit ako sayo. Peste ka!"
"hey,stupid girl. Wala akong ginagawa sayo."
"saken wala ! Pero kay Anne meron !"
Natigilan si Cyfer.
"kinausap ka nya."
"at sinabi nya saken na nakipagbreak ka daw sa kanya ! You jerk ! Buti kung binigyan mo sya ng rason para magbreak kayo pero hindi mo naman daw sya kinausap . Basta mo na lang sya iniwan. Anong klaseng lalaki ka ba ?!"
"wala kang alam kaya wala kang karapatang magsalita saken ng ganyan." kalmadong sabi nya.
"oo. Wala akong karapatang makialam sa relasyon ninyo ni Anne pero Cyfer naman. . . wala syang ibang mapagsabihan ng nararamdaman nya dahil walanamang ibang nakakaalam ng relasyon ninyo kundi ako. Nasasaktan yung tao. Sinasarili nya ang problema nyong dalawa. Bukod sa ako lang ang mapaglalabas nya ng loob, kaibigan nya din ako. Hindi ka man lang ba naaawa sa girlfriend mo?"
"hindi ko na sya girlfriend."
Nasasaktan ako sa mga naririnig ko ngayon.Maiiyak na naman ako.
"hindi mo man lang nirespeto si Anne. Bigla ka na lang nang-iwan. Ganyan ka ba talaga ? Bastos? Pinangangatawan moang pagiging bato mo? Wala ka ba talagang pakialam kung nakakasakit ka na?"
"shut up."
"ayoko ! Gusto kong marinig mo kung gano ka kasama ! Sana, kung di mo kayang irespeto si Anne bilang babae, sana nirespeto mo man lang sya bilang tao ! Hindi yung iiwanan mo lang sya kung kailan mo gusto !"
"tapos ka na?"
"hindi pa ! Hindi pa ko tapos ! Kung di ko nga lang iniisip na baka masaktan si Anne kapag binugbog kita ngayon, makakalimutan ko sigurong tao ang kaharap ko. Ay mali ! Di ka nga pala tao , Bato ka ! "
"and so?"
Hindi nakapagsalita si Heira pero alam kong nagpipigil sya ng galit. Ako din naman nagpipigil. .
Nagpipigil ng mga luhang nag-aambang bumagsak. . .
"wala ka namang magagawa kahit pa talakan mo ko buong maghapon. Magsasayang ka lang laway at uubusin mo lang ang boses mo sa kakasalita. Iniwan ko na sya. Hindi mababago ng kahit na sino ang desisyon ko."
So . . .totoo? Totoo nga lahat ng sinabi nya sa text ?
"kausapin mo si Anne."
"wala kang karapatang utusan ako."
"bigyan mo sya ng rason kung bakit mo sya iniwan !"
"hindi ko na sya mahal."
. . .hindi ko na sya mahal. . .
. . .hindi ko na sya mahal. . .
. . .hindi ko na sya mahal. . .
Di ko na napigilan. Umiyak na talaga ako. I'm starting to fall into pieces. I bit my lower lip , afraid to burst out crying and they might notice me eavesdropping.
"hindi pa ba sapat na dahilan yon?"
"pero. . .mahal ka nya."
"love is a two way traffic. Wala ring kwenta kapag nag-iisa na lang syang nagmamahal."
Wala nga ba ? Siguro nga. Pero di naman ako basura na dapatlang itapon basta basta di ba?
Tao ako na pwedeng masaktan.
At nasasaktan ako ngayon. . .
Grabe. Para akong sinasakal. Hindi ako makahinga. I feel like dying too.
Hanggang sa umalis na si Cyfer naiwang tulala si Heira. Heira did her best to convince Cyfer. She did her part. Ayaw lang talaga ni Cyfer.
Hindi nya na ko mahal. . .
Yun yung dahilan.
Why ?
Nagkulang ba ko sa effort? Ano bang nagawa kong mali ? Cyfer bakit ? Bakit mo ko ginaganto ?
Paglingon ko sa direksyon ni Heira, wala na din sya.
Naiwan na naman akong nag-iisa.
Gosh.
Parang di ko na ata kaya . . .
The last thing I remember is I'm falling. . .literally. Then everything went black.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top