WYBHBM ~~ Chapter 18 part 3
WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR.
BOOK 1 of 3 worth : P109.50
You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores nationwide.
-
HEIRA POV
"argh. . ."
"are you alright? Konting tiis na lang."
"di ko na talaga kaya. . ."
"just concentrate, babe."
"eeeeeh ! Lalong akong. . ."
"sshh. . ."
O ! Anong iniisip nyo ? Wag kayong green mga,readers. Nasa eroplano na kami. At eto na naman ako, nasusuka na nahihilo. Kung di nga lang ako nagkakasigurado na wala talagang nangyari samen ni Xandrei nung nasa Australia kami, malamang mapagkamalan ko ng buntis ang sarili ko.
Asdsadsasd naman kasi ! Nakakaewan talaga sumakay ng airplane. T________T
Di na ko sasakay ulit nito. Promise!
"here." may inabot si Xandrei. Parang candy tablet ?
"chew it. Para medyo mabawasan ang hilo mo."
Tumango ako.
Then hinawakan nya yung kamay ko.
"haist. Di ka naman nagka-ganyan nung papunta tayo ah."
"e kasi po, ang seryoso ng mukha mo. May hiya naman po ako."
"tch. Kahit na. Dapat sinabi mo saken."
"e natiis ko naman ah!"
"o yeah. Pero dapat sinabi mo pa din."
"oo na po." ngumuso na lang ako. Hays.
*chup*
O_O
"wag kang gumanyan dito, babe.It's hell. I'm tempted pero dikita mahalikan. Hayst. Ang daming tao ,oh." >/////////<
"t-tumigil ka nga !"
"hays. Ikaw nga pinapatigil ko eh."
"e bakit ? Ano ba ginawa ko ?" >///////<
"masyado kang pa-cute."
Pa-cute ? =_______=
"kapal neto ! Di ako pa-cute no !" medyo napalakas ata ang sigaw ko at nagsilingunan ang ibang passengers sa pwesto namin.
(_______ __________''ll) BV.
Siniko ko si Xandrei sabay bulong. "ikaw kasi e. . ."
Naramdaman ko naman syang tumatawa. Asdsasdsadsa! Pinagatawanan pa talaga ko. T_______T
You asdsasdsasdsa ! Di kita papansinin jan ! Kala mo ha . =______=
Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Hohoho. Wala naman akong makita kundi mga ulap. Natural. =____= eroplano nga sinakyan di ba ? Alangan namang dagat makita ko ?
Psh. Ang corny cornyyy.
"pst. Babe. . ."
". . ."
"babe. . ."
". . ."
"babe, galit ka ?"
". . ."
"uy, babe."
". . ."
"babe naman eh."
". . ."
"babe, pansin naman jan oh."
". . ." BAHALA KA SA BUHAY MO !
"babe. . ."
". . ."
"babe, bati na tayo. Pansinin mo na ko. Please."
". . ."
"please. . ."
Hosyeeete. >////<
"babe, uy !" sabay yakap.
>//////< asdsasdsasdsa ! Pano ko ba to mare-resist?
"pag di mo pa ko pinansin, hahalikan talaga kita kahit maraming tao dito."
>///////////<
"tumigil ka nga jan ! N-nakaka. . .nakakahiya !" saka nakakakilig. >////////<
"tampo kasi agad."
"sabi mo pa-cute ako. " =__= pa-cute ?! Asdsasdsa.
"ano bang pagkakaintindi mo?"
"never pa kong nagpa-cute sayo no !"
"hays. I didn't mean that way. Ang ibig ko lang sabihin non, you're too cute para di kita mapansin. Tas nate-tempt pa kong halikan ka . Hays. Alam mo ba kung gaano kahirap magpigil ?" =____=
So. . .ganon pala yun.
.
.
.
>////////////<
"sorry naman. . ."
"hmp." bumaling sya sa ibang direksyon.
Asdsasdsasdsa ! =O=" wag mong sabihin sya naman ang nagtatampo ngayon ?
Haist.
"uy, Xan. . ." siniko-siko ko sya.
". . ."
"uy. . ."
". . ."
"uyy. Akala ko ba bati na tayo ?"
". . ."
Asdsasdsasdsa ! =______=
"hey. . .lingon ka. . ."
". . ."
"Xan, lingon ka na please. . ." then unti-unti syang humarap saken.Hingang-malalim.
JUST DO IT, HEIRA!
I cupped his face and kissed him. Nakita ko pang nanlaki ang mata nya.
Sandali lang yon. Mga 3 seconds. Tapos humarap ulit ako sa bintana.
My gulaaaaaaaaay. >///////< ewan ko kung anong mararamdaman ko e. Mahihiya ba ko o kikiligin o ewan. . .
Then I felt his arms around me.
"thank you. That's. . .that's more than enough." he's sniffing my hair. Haysh. Bat ba sobrang sweet mo, Xan ? T______T
Pag ako nasanay, hahanap-hanapin ko yan. . .
Now, di na ko nahihilo o nasusuka. Mas na feel ko yung yakap nya eh. HAHA.
Kahit papano, nakakausad na ko. Kahit papano, nakakaya ko ng tanggapin lahat.
Pa, I'm trying to be happy. . .
Hayts. Heira, wag ka ng umiyak ! Pag nahalata ka ni Xandrei mag-aalala ulit yan sayo. . . Sabi ko sa sarili ko.
Huminga ako ng malalim at pumikit.
"you alright,babe ?" nag-aalalang tanong nya saken.
Tamo. May radar ata tong lalaking to para malaman kung nalulungkot ba ko o hindi e.
Tumango ako.
"I'm okay. . ."
"don't lie to me,babe. I can understand you."
Napangiti ako. A mind reader.
"nahihilo ka pa?"
"hindi na. . ."
"good." hinigpitan nya yung yakap saken.
"u-uy. Umayos ka nga . . . B-baka may makakita saten."
"kanina pa nila tayo nakikita,babe. They're enjoying the view." napalingon ako sa iba pang pasengers.
Oh my Goodness! >//////<
Nakatingin nga talaga sila samen. Some of them are smiling. Tapos may matandang babae na ka-line lang namin na kinindatan ako at nagthumbs up pa !
>/////< ngumiti ako kahit alanganin. Hays.
"siguro akala nila honeymooners tayo." then he chuckled.
Honeymooners talaga ?! >////< ibang level yun ah !
"d-di ka ba nahihiya ?" tanong ko.
"nah. I love what I'm doing. Bat ako mahihiya?"
"e. . .nakatingin sila oh. " >////<
"hayaan mo sila mamatay sa kilig ,babe."
O yeah. Like the way you're killing me now. >/////<
Then minutes later, naramdaman kong bumigat yung ulo nya sa balikat ko.
Pag lingon ko , nakatulog na pala sya.
"are you Filipinos, darling ?" napalingon ako sa babaeng katabi namin.
Tignan mo ! May katabi pala kami dito at babae pa. Kakahiyaaaaaaa. >///<
"y-yes." ngumiti ako sa babae.
Siguro mga nasa thirty plus na sya. Pero maganda. Angelic yung face mukhang mabait.
"newly weds kayo no ?" hala syaaaa. Yun talaga tingin nya ? >/////< Pilipino din pala ang katabi namin.
"ah. . .eh. Hindi po. Hehe."
"talaga ? Maybe he's your boyfriend. "
"uhm, o-opo." mas-ok na rin kung yun ang isasagot ko. Kesa naman sa honeymooners di ba ? Maslalo naman kung baby maker. =____= nawiwindang ng bongga tong kausap ko for sure.
"he's sweet."
"ehehe. Oo nga po eh. Nasobrahan."
"anyway, cute kayo tignan. You look good together. Sana sa simbahan ang tuloy nyo."
"ehehe. S-sana nga po." sana po talaga. (-/\-)
"by the way, I'm Hannah . You can call me Tita." wow. Bait naman nya. For the first time, may matatawag akong tita. \m/
"ako naman po si Heira. Sorry po, di ako makakapag-shakehands sa inyo. Hawak nya kasi yung kamay ko e." nahihiyang sabi ko. Tas tumawa yung babae.
"I don't mind. Sweet talaga yung boyfriend mo. Natutuwa akong panuorin at pakinggan kayo kanina."
Megheeeed.
Narinig nya kami kanina ?
Oh my gheeee.
"oh don't be embarrased. Dati sobrang naiinis ako kapag may mga kabataang mas-PDA pa samin ng asawa ko. Ibang-iba kasi ang generation nyo sa generation namin. Pero seeing both of you makes me remember our times. Kami ni Jared nung magkasintahan palang kami." Jared must be her husband. And this woman was obviously inlove with him. I smiled.
"uhm, asan po ang husband nyo?"
"actually, nasa US sya. May hotel and resort kasi kami don." may kinuha itong kung ano sa bag nito at inabot saken.
"saken po ?" tumango si Tita Hannah at ngumiti. Wow. Tita na talaga tawag ko sa kanya. ^______^
Tinanggal ko sandali yung kamay ko sa pagkakahawak ni Xandrei at kinuha ang inaabot nya saken.
"a-ano po 'to ?"
"A gift certificate. Sana makadalaw din kayo ng BF mo at mapuntahan nyo ang 5 star hotel namin . May branch din kasi kami sa Pilipinas. " woah. *o* 5 star hotel.
"n-nakakahiya naman po. Kakakilala ko lang po sa inyo."
"Ok lang. Natuwa naman ako sa inyo eh. Ipakita nyo lang yan sahotel personnel. I-a-assist din nila kayo agad." grabe. Ang yaman ng kausap ka ngayon. >___< may-ari ng isang 5star hotel at may branch sa US. Woooow.
Ang dami din naming napag-usapan ni Tita Hannah. Ang sarap nyang kausap. Magaan din ang loob ko sa kanya.
Ilang oras ang lumipas, salamat naman ! Nasa pilipinas na kami. Eto si Xandrei, gising na. Buti pa sya mahaba ang tulog. =____=
Ako, di man lang ako nakaidlip.
Di rin naman kasi ako inaantok dahil may kausap ako.
Nung pababa na kami ng eroplano, kumaway at nagpaalam saken si tita Hannah.
"who was that ?"
"sya yung katabi mong babae kanina. At dahil tinulugan mo ko, sya na lang ang kinausap ko."
"sorry,babe. Ngayon lang ako nakabawi ng tulog. Ilang araw na kong di nakakatulog ng maayos."
Ngumiti ako. "ok lang."
Sa bagage area, tumawag muna si Xandrei sa ate nya para sabihing pauwi na kami.
Ngayon, ako naman ang nakakaramdam ng antok. Isama pa ang pagod.
Sa bahay na lang ako babawi ng pahinga. Pauwi na rin naman kami.
Nagtaxi na lang din kami pauwi sa mansion.
"take a nap,babe. Alam kong di ka naman nakatulog . Ang haba-haba ng time natin sa plane, di ka man lang inantok ?"
"hindi talaga eh."
"idlip na. Isang oras mahigit naman ang byahe natin." tas pinasandal nya ko sa balikat nya.
"alam mo bang ang bigat-bigat ng ulo mo ? Nangalay nga ko nung nakatulog ka sa plane eh."
"sorry naman."
"anong sabi ni Ate Xandra ?
"she sounds strange."
"strange ? Bakit ? May problema ba ?"
"I don't know. Ang sabi nya may sasabihin sya saken pag andun na tayo sa mansion ."
"emergency ba?"
"i don't think so. Di naman yun magpapaligoy-ligoy pa kung emergency ang sasabihin nya."
"baka importante lang talaga."
"hays. Di ba pinapatulog kita ? Bat kinakausap mo ko ?" =_________= ang sungit po nya. Porket nakatulog sya ng mahaba, masungit na ? Ayos toh ah.
"oo na po. Sungit." sumiksik ako sa dibdib nya.
Haaaaaaaaay.
HEAVENNN. . .
Kung ganto lang lagi ang unan ko, bah ! Sisipagin talaga ako matulog.
Then minutes later, nakatulog na din ako. . .
-de Vera Mansion-
XANDRA POV
Huuu ! Mamen ! Kinakabahan ako. =_______= uuwi na sila Lil bro ngayon. Nasa taxi na daw sila. Ilang minuto na lang andito na sila ni Heira.
"ate." lumingon ako . Si Xandrea yung tumawag saken.
"Si Cyfer sunget asan na ?"
HAHA. Ambitter nitong bunso namin . E kasi naman po, ayaw daw syang tawaging ate ni Cyfer. Mygosh naman no ! Masmatanda nga si Cyfer sa kanya eh ! Oh well, 4 months lang naman ang tanda ni Cyfer.
"tumigila ka nga jan . Bakit ba tinatawag mong sungit yung new brother natin ?" i prefer to call him like that. Masmaganda sa pandinig ko ang 'new brother' kesa 'half brother'.
"hmp . Nagre-request lang naman ako na tawagin nya akong ate eh."
"ilang beses ko bang sasabihin sayo na masmatanda sya ? Hindi pa ba halata sa height ?"
"hmp . Kahit na. Saka, tignan mo nga yung mukha . Poker face lagi. Tas di man lang ngumingiti."
"o e ano ? Gwapo pa din naman ah."
Nanlaki ang mata ng kapatid ko.
"Mygod ,ate ! May gusto ka kay sungit no ?"
=__________=
"you and your big mouth ! Masyado ka naman , lil sis. Hello ? He's our half brother . Kaya ko sinabing gwapo dahil wala namang panget sa lahi natin ."
"ahhhhhh. Tama ka jan, ate. Tama ka jan."
"ay mali pala. May isang meron." ngumisi ako. HAHAHA. Mapagtripan nga tong si bunso.
"huh ? Sino ?"
"ikaw ! HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." sabay takbo palayo sa kanya.
"you ! Hindi ako panget no ! "
"HAHAHAHA. Nyenye. U SO UGLY, lil sis."
"Grr. Ateeeee ! I'm gonna scratch your face pag naabutan kita ." sabay habol saken.
"kung maaabutan mo ko. Nyenye. HAHAHAHAHAHAHAHAHA."
"grr. Maabutan din kita-aray !"
O_____________________O
Uh-oh.
.
.
.
Bumangga si bunso sa tinatawag nyang Sungit .
"argh. My nose. . ."
"you stupid. Ba't di ka tumitingin tinatakbuhan mo ?"
=O=""""
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Tinawag nyang stupid si Lil sis !WHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. This is good. Nagugustuhan ko na ang ugali ng new brother ko .
"w-what?! You called me stupid ?!"
"do you want me to repeat it ?"
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. BASAAAAAG !
"you ! Ang sungit sungit mo talaga ! Argh ! i hate you !"
"well,the feeling is mutual."
HAHAHAHA.
"arggggghh! Bakit ba ang sungit mo saken ?! Bakit kay ate hindi ka ganyan ?!"
"kasi ang ingay mo."
"at si ate hindi ? Sus. Pakitang-tao lang yan. Masmaingay pa yan saken."
=___________= I'M GONNA KILLL YOU , LIL SIS !
"maniwala ka jan ! Ang bait bait ko eh."
POKER FACE lang si Cyfer. Talakan pa kami ng talakan ni bunso.
Tas paglingon ko. Dyaraaaaaan! Wala na si new brother. Wow men. =______= kabute lang ang Peg .
"where is he ?'! Di pa kami tapos nun ! "
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA. Para kang salamin na binagsak at tinapak-tapakan kanina. BASAG NA BASAG KA NYA. Durog ka na no ? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA."
"WAAAAAH ! I hate you both ! Susumbong ko kayo kay kuya Xandrei !" T________T
"HAHAHAHA. Sus. Pag-untugin ko pa kayo eh. Sample U WANT?"
"kidding aside, ate. . .ano kayang magiging reaction ni Kuya kay Cyfer ?"
"Di ko mahuhulaan. Padating naman na din sya mamaya eh. Malalaman din natin yan." eto na. Seryoso na naman. Di talaga ako sanay ng seryoso eh .Tsk. Bakit pa kasi dakilang ate an role ko dito? Haays.
"makapunta nga sa kwarto ni sungit."
"anong gagawin mo dun ?"
"makikipagrambulan. Di pa kami tapos mag-tuos." tapos umakyat na sya sa taas. HAHAHAHA. Di ata nya makasundo ang new brother namin e.
Natawa na lang ako. Haaay. Kahit na may instant digmaan sa pagitan ni bunso at ni new bro, masaya ako. Atleast hindi na boring dito sa mansion namin.
Sana nga lang, matanggap ni Xandrei ang new brother namin.
*door bell*
My gulaaaaay. >_____< si Lil bro na yan. Sure ako.
*Dub dub dub dub dub dub dub dub dub*
Bumalik yung kaba ko.
Ako na ang nagbukas ng pinto.
"Welcome back, lil bro ! Welcome back , Heira ! Namiss ko kayong dalawa ! Ano ? Nakagawa na ba kayo ng pamangkin ko ? Made in Australia ba yan ?"
=________= -> chura ni Xandrei.
>/////////////> -> chura ni Heira.
"HAHAHA. Joke langs. Tara na. Pasok na kayo."
"where's Xandrea?"
"nasa taas. Sa kwarto ni-" halasyaaa. Di pa alam ni Xan na may bisita kami. "uhm, lil bro. May bisita nga pala tayo."
"sino ?"
"makikilala mo din sya." tas nilapitan ko si Heira na mukhang bagong gising lang at inaantok-antok pa. Halatang pagod tong isang to.
"Heira, condolence ha. Halika, samahan kita sa room mo para makapagpahinga ka na." liningon ko si lil bro. "Hintayin mo ko sa living room." tas inakay ko na si Heira sa guest room.
Ayun. Nakipagkwentuhan muna ako sandali kay Heira kaya lang di ko na din pinatagal dahil halata namang pagod na pagod yung tao. Sabi nya , wala naman daw silang nabuong pamangkin ko. HAHAHA. Sayang naman.
Ilang sandali pa, lumabas na ko ng guest room at pumunta ng living room. Si Xandrei, umiinom ng juice.
"anong meron ?"
Di muna ako umimik.
GO XANDRA ! GO ! Keri mo to ,girl ! Whooo !
Ganyan ko i-motivate sarili ko e. Bakit ba ? =____=
Ehem. . .eto na. Seryoso na to. Wala ng biro biro.
"hey. Ano yung sasabihin mo saken?" umupo ako sa katapat nyang upuan.
"na. . .nakipagkita si Atty. Delgado saken. Akala ko kasi ikaw ang sadya nya at dahil lang nya ako tinawagan ay dahil hindi ka nya ma-contact. Hindi pala. Ako pala talaga ang kailangan nyang makausap."
"it's about the company shares ,Xandrei. Hindi naman lingid sa kaalaman ngboard members na sa ating magkakapatid mauuwi ang shares ni papa. Sa 66 % controlling interest, 30% ang mapupunta sayo. Pero dahil sa iniwan nyang testament, hindi mo agad-agarang makukuha yon unless nagawa mo na ang pinapagawa nya sayo. Naiintindihan mo naman yon di ba ?" tumango si Xandrei kaya nagpatuloy ako.
"another 30% ang paghahatian namin ni Xandrea at ang natirang 6% ay ipinagkaloob ni papa sa iba't-ibang institution at mga pinagkakatiwalaang tao kasama na si Atty. Delgado. . .pero may. . .may sinabi saken si Atty na may nakatagong shares sa company na inilaan lang ni papa sa nararapat na tao."
"what ? Baka nagkamali lang si atty. Dumadaan sating dalawa lahat ng computations ng kabubuang profit ng DVI kahit pa nung nabubuhay ang papa . I don't understand-" pinutol ko ang anumang sasabihin ng kapatid ko.
"listen . May isang board member na nagbenta sa isa pang board member ng shares nya. Father brought back the shares. Sya ang nakakuha ng 9% shares ni Mr. Chey. Itinago nya yon saten at sa lahat ng board members. Si Atty. Delgado lang ang nakakaalam."
"what?! Pano nangyari yon ?"
"ang fair at legal process ay usapan lang sa pamamagitan ng mga abogado. Kaya naitago yon ni Papa. Hindi naman din napansin ng board members yon . Maski si Mr. Chey, hindi yon alam. Patuloy kasi ang naging pagtaas ng profit in the last 6 months or so."
"okay. Naiintindihan ko na yung part na nagtago si papa ng shares ng company. Pero para kanino? Another institute? Masyadong malaki ang 9%. Baka naman may bina-back-up-an na company ang DVI ?"
"no,lil brother. Iisang tao lang ang makakatanggap nun."
"then who ? Iilan lang naman ang malalapit na kaibigan ni papa. Kilala din naman natin lahat di ba ?"
"hindi lang sya basta kaibigan lang, Xan. 'cause he's . . .Papa's son. We have a half brother, Xandrei."
"W-WHAT ?!?!"
Nakita ko ang pagkabigla sa mukha ng kapatid ko. Kung di nga lang talaga seryoso tong topic namin e matatawa ako.
Nang makabawi ay agad naman syang nagtanong.
"who is he ? Kilala ba natin ? Asan sya ngayon ? "sunud-sunod na tanong ni Lil bro.
"nakilala na namin sya ni Xandie. AndLil bro, sya ang sinasabi kong bisita natin."
"he's here?!"
"uhum. Another thing, parang ikaw sya. Poker face. Di ngumingiti. Hindi nga lang kayo magkamukha. Masbata sya sayo ng 3years."
"kasing edad lang sya ni Xandie kung ganon. .."
"yup."
"pano nagawa yon ni papa kay mama? I thought. . ."
"yan din ang pinagtataka ko eh. The most horrifying part is nung nalaman ko kung sino ang mother ni Cyfer."
"sino?"
"do you remember Tita Gia ?"
"Tita Gia. . .of course. . She's mom's bestfriend ,right ? Lagi nya yung sinasabi saten nung mga bata pa tayo. Don't tell me sya ang mother ng-"
"she is." napaungol ang kapatid ko.
Ganyan din ang reaction ko ng sabihin saken ni Cyfer kung sino ang mommy nya.
"maliban don ? Ano pa ?"
"wala na kong alam lil bro. Hindi naman dumating sa punto na nakapagtanong ako ng ibang detalye kay Cyfer."
"Cyfer. . .yun ba ang pangalan nya?" tumango ako.
"my god. What's going on in this family ?"
"well, tama ka nga sa sinabi mo saken noon tungkol kay papa. Puro problema ang naiwan nya saten."
"bakit sya andito sa mansion?"
"sya mismo ang pumunta dito,Xan. He said wala na syang ibang mapupuntahan."
"what does he mean ?"
"hindi ko alam. Nahihiya akong magtanong. At mas nakakahiyang tumanggi. Ayoko namang ipagtabuyan sya ng dahil lang sa kapatid natin sya sa labas." napangiwi ako. "err. . .ang sakit sa tenga. That's why i prefer to call him 'new brother' kesa 'half brother'. Maliban pa don, gusto ko syang i-welcome ng may kasamang warmth. Ayoko namang magmukhang bastusing ate no. Gusto ko din sya bigyan ng chance. Ikaw. . .matatanggap mo ba sya ?"
Di agad nakapagsalita si lil bro at tumingala sa kisama.
"this is too sudden. . ."
"yeah. . . " sang-ayon ko. "Xan, di naman nya kasalanan kung bakit may kapatid tayong tulad nya. I'm sure, walang tao sa mundo na gustong maging anak sa labas. . . Kung may galit o pag-aalinlangan ka, pwedeng i-set aside mo muna yan ? "
"sino namang may sabing nagagalit ako ? Hindi ko lang ini-expect na nangyari to. Hindi ko din naman sya sinisisi.Masyado lang mabilis ang mgapangyayari. Isa pa, bat mo sinasabi yan ?"
"Gusto ko lang bigyan mo sya ng chance. Yun lang. Para. . .para kahit papano, hindi tayo magkailangan sa mansion. Ang sabi nya kasi saken, hayaan ko syang manatili dito kahit ilang araw lang naman daw. . .pero gusto ko syang tumira dito hangga't gusto nya. . .I mean I want this house to be this home din. Na kapag andito sya, hindi nya maiilang satin." tumingin ulit ako kay lil bro na matiim na nakatitig lang din saken. "what?"
"nakakapanibago . Ikaw pa din ba ang ate ko ?" naiiling na sabi nito.
Binato ko sya ng maliit na unan.
"nak ng tipaklong naman,lil bro ! Ang hirap hirap maging seryoso eh! Pinagpapawisan na nga ko ng malamig para lang ipaliwanag sayo lahat tapos ganyan pa itatanong mo ?" =________= bastusing kapatid.
"hey . Easy . Nanibago lang ako."
"so . . .ano ? Mapapayagan mo ba syang mag-stay dito ?"
"pag di ba ko pumayag, papaalisin nyo sya?"
"hindi. I'll let him stay."
"e di tapos ang usapan. Bakit pa ko aangal kung wala din lang manyayari ?"
"hays. Walang kwenta naman yang sagot mo eh. Mamaya magsuntukan kayo dito. Wala kong balak maging referee nyo no !"
"sino bang nagsabing makikipagsuntukan ako sa sarili kong kapatid ? You and your imagination ." =_______=
"syempre-" teka. Ano nga ulit yung sabi nya ?
. . .sino bang nagsabing makikipagsuntukan ako sa sarili kong kapatid . . .
Sarili kong kapatid. . .
Sarili kong kapati. . .
"waaaaaaaaaah!"Napayakap ako bigla sa kanya.
"h-hey ! Get off me ! Ang bigat mo !"
"tanggap mo na sya ?" *______*
"may sinabi ba kong ganon?"
Ay. =________=
"umayos ka nga." hinila ko sya paakyat sa 2nd floor.
"san tayo pupunta ?"
"san pa ? E di papakilala kita sa kanya. Ayaw mo ba syang makilala?"
Nung nasa tapat na kami ng kwarto ni Cyfer nakarinig kami ng malalakar na kalabog.
Tas parang may nabasag pa
Huluuuuh?!ano yuuun ?
O____________________O
"what was that?! Bat ang ingay s loob."
"dunno." binuksan ko na agad yung pinto. At ang nabungaran namin. . . .DYARAAAAAAN !
Si Cyfer may hawak na lampshade at si Xandrea may hawak na maliitna upuan. Parang magbabatuhan. At di lang yan,parang ni-ransack ang kwarto ni Cyfer.
MY GOODNESS. =__________=
Nagulat pa ang dalawa ng makitang may nagbukas ng pinto. Si Xandie agad na sinugod ng yakap si Xandrei.
"kyaaaaah ! Kuya,I miss you ! May pasalubong ba ko sayo ?"
"anong ginagawa mo?" tanong namin dalawa ni lil bro. Napaayos naman ng tayo si Xandrea at tinuro si Cyfer. Nakanguso pa.
"inaaway nya ko, kuya !"
"tss. Ikaw ang sumugod dito tas sasabihin mo ,ako ang nang-away sayo ? Brat. . ."
"arghh! Kuya did you hear that ?! Sinabihan nya ko ng brat ! Ang sungit sungit nya pa saken !"
"are you Xandrei ?"
"yeah. And . . . You're Cyfer,right?"
"nice too meet you. I'm glad na may kapatid akong lalaki . Sana di ka kasing ingay ni brat."
"you asdsasdsa! Hindi ako brat ! At tawagin mong kuya si Kuya Xandrei ! He's older than you !"
"i want to call him Xandrei at wala akong pake sayo, brat ."
"oh kuya ! Narinig mo yon di ba?"
"tss. Natural . Narinig nya yon. Sa lakas ng boses mo.At hindi sya katulad mo.BINGI."sagot ulit ni Cyfer.
"I HATE YOU ! I REALLY REALLY HATE YOU ! Kuya, suntukin mo nga sya pleaaase !" T__________T
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." di ko napigilang tumawa ng malakas. "HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA." nakatingin na silang tatlo saken na para kong nababaliw.
"HAHAHAHA. Sorry. Natatawa lang ako. HAHAHAHAHA."
"obvious ba ? You really are crazy." sabi ni Xandrei.
"nakakatakot si ate Xandra no, kuya ? Pangmangkukulam yung tawa." sabi naman ni Xandrea.
Mangkukulam ? =_______=
"shut up, brat."
"arghhhh ! Pati ba naman ikaw,ate. " T__________T
"e tinawag mo kong mangkukulam eh."
=_________=
"enough. Ang ingay nyong dalawa." napagsabihan tuloy kami ni Xandrei.
Hinila ko palabas ng kwarto si Xandrea.
"kayong dalawa naman ang mag-usap. Dalawa naman kayong lalaki e. Basta walang suntukan ah. Ako ang susuntok sa inyo pareho. " ^_______^ sabay alis bitbit si Xandie. Bitbit talaga? HAHAHA.
"uy, ate. Baka naman magsuntukan sila don."
"hindi yon."
"weee? Pano mo nasisigurado ha? Ha ? Ha ?"
"wala lang feeling ko lang. You know what, lil sis, I'm really happy right now. Having a half brother is not that bad naman pala. The best thing to do now is hayaan na natin yung mga nangyari dati."
"alam mo ,ate, nakakatakot ka kapag seryoso."
=__________=
"ano ba naman yaaaaan ! Minsan na nga lang ako mag-seryoso, inookray nyo pa ko ! Parehas talaga kayo ni Xandrei ! Matulog ka na !"
"ay. Sumungit ka bigla ,ate. Nahahawa ka kay Cyfer sungit. Hmp. Mana talaga sya sayo." tas sinaraduhan ako ng pintuan ng kwarto nya !
Bastusing kapatid. =___=
Yipeeeee ! Di na boring sa mansion namin ! May thrill na . BWHAHAHAHAHAHAHAHA. I don't mind kung laging magbabasagan yung dalawang bunsong kapatid ko. Mayaman naman kami, kaya namin yan palitan. ^______^
Psh. Sisiw lang pala ang task ko for today e ! La~la~la~la. Hihintayin ko na lang lumabas si lil bro sa kwarto ni new bro. ^o^
Di naman siguro sila magsusuntukan no ?
Kapag nagsuntukan talaga yung dalawa, may bonus din silang sapak saken. ^__^
Pero aminin nyo ! HAHAHA.
Nabaitan kayo saken no ? HAHAHA. Sabi ko sa inyo e ! Dakilang ate ako dito.
Sana di na ko bigyan ni author ng seryosong role evah. =________=
To be CONTINUED . . .
KHIRA1112♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top