WYBHBM ~~ Chapter 18 part 1


XANDREI POV

*phone ringing*

Kinapa-kapa ko ang side table pero di ko maabot ang phone ko. Napilitan akong magmulat ng mata at bumangon.

It's already 6:50 in the morning pero pakiramdam ko wala pang isang oras ang tulog ko. I answered the phone call.

"hello. Xandrei speaking . . ."

"lil bro. "

"ate. Ba't ka napatawag ?"

"Uuwi ba kayo ngayon ?"

"yeah."

"anong oras ang flight nyo ?"

"12 noon. Australian time."

"uhmm. . .ok."

"what is it ? May problema ba?" she sound strange . Not the Xandra I used to talk to. She's so hyper kahit pa may problema. Mas hyper pa nga sya kay spongebob eh. =___= pero ngayon, parang may mali sa kanya.

"how's Heira ?"

"Crying all night. Buti nga nakatulog na eh."

"Ganun ba."

Napabangon ako. Mr. frown is starting to form in my forehead.

"hey,sis. Are you alright ?"

"uhm. .yeah. Of course, I'm alriht. Oh well, not really. Uhm. . . Pagdating nyo na lang tayo mag-usap."

"no . Tell me now."

"masyadong komplikado. Gusto kong mag-usap usap tayo. Ikaw, ako and si Xandie." i hearher sigh.

"emergency ba ?"

"h-hindi naman. But a serious matter. Call me bago kayo sumakay ng eroplano. Bye." she disconnected the phone call. Napatingin na lang ako sa phone ko. Is it one of her tricks ? I know my sister knew all the tricks in the world just to annoy me. Pero. . . Hindi naman dumating sa punto na seryoso nya kong kinausap sa phone. Maliban kanina. Siguro nga mahalaga ang sasabihin nya .

Ano kaya yon ?

Damn.

Curiousity is killing me now.

Bumalik ang tingin ko sa kama.

I sighed again.

Kanina . . .

kanina nagulat ako sa mga narinig ko sa kanya. Kay Heira.

She. . .she encouraged me to do IT . Ang sabi nya wala na daw syang pakialam kung mabali ko ang pangako ko sa kanya. There's no need to wait for six months . Tutal, dito rin naman daw mauuwi lahat.

Napatingin lang ako sa kanya ng matagal nun. Shocked . Hindi ko inaasahang sa kanya manggagaling yon.

I was tempted.

But. . .

Pinagana ko ang utak ko .

She's vulnerable. Nawalan ng ama. Nasasaktan . Nalulungkot. Pero hindi yon sapat na dahilan paragawin AGAD namin YON. Hindi ngayon. Hindi pa. I don't want to break my promise dahil lang sa nagpatalo ako sa tawag ng laman. Ayoko ng ganon. And I respect her. So much. That I can also feel pain sa tuwing pipigilan ko ang sarili kong gawin YON. Remember, madaming beses ng nangyari to. Three ? Four ? Di ko na matandaan. Basta lahat ng yon pinigilan ko.

It was pure hell.

Kailangan kong ipangingibabaw ang tama sa gusto kong mangyari. I don't want to scare her. I don't want her to think na yun lang talaga ang kailangan ko sa kanya.

Sabi ko, hindi dapat namin madaliin ang mga bagay-bagay. Kung anong napagkasunduan, yun na lang ang gawin namin dahil baka pagsisihan din namin sa huli ang gagawin namin ngayon. Unti-unti syang tumango . I smiled at her para hindi nya isiping ni-reject ko sya o ipinahiya . I whispered soothing words hanggang sa makatulog sya.

Ako naman, pinapanuod lang syang matulog hanggang sa dalawin na din ako ng antok.

Kung ibang babae lang ang katabi ko ngayon , malamang may nangyari ng milagro.

This girl suffered enough pain. I don't want to be the one to give her more heartaches and regrets na makapagpapadagdag lang ng bigat sa nararamdaman nya.

Still, hindi ko naman mapipigilan kung anong mga mangyayari. Ang magagawa ko na lang is mag-stay sa tabi nya . Giving her more than enough security na pinaka-kailangan nya sa ngayon.

Bumalik ako sa kama. Pumapasok na ang sinag ng araw sa kwarto. Sa tingin ko, di na ulit ako makakatulog. Panunuorin ko na lang ulit sya matulog. Tutal, habit ko naman na 'to. Tell you what, nakakaadik tong ginagawa ko.

HEIRA POV

Gising na ko pero di ko maimulat ang mata ko. Dunno why . Nasobrahan nga siguro ako ng iyak kahapon. Nanatili akong nakapikit ng ilang minuto hanggang sa maimulat ko na ang kanang mata ko.

"good morning." si Xandrei agad ang nabungaran ko. He's smiling.

Sounds foolish pero pag nakangiti sya ng ganyan, I feel lightened. Gumagaan ang pakiramdam ko kagaya ngayon. I smiled back.

"what time is it?"

"8:20"

"sorry kagabi ." aish. >////< kakahiya. Ako papa talaga ang nag-banggit.

Oo, aaminin ko nadala lang ako ng sakit. Ewan ko ba. Ganon pala pag sobrang lungkot mo na. Nagiging impulsive. Hindi nag-dadalawang isip. Ang pinagpapasalamat ko lang is hindi ginatungan ni Xandrei ang pagiging impulsive ko. Naiintindihan nya ako,oo. But he know his limits.

Hays.

Sana lahat ng lalaki katulad nya. E di sana maliit lang ang population ng mundo.

I'm thankful. Thankful dahil there is someone who insists to stay with me . Yung nakakaintindi ng lahat ng pinagdadaanan ko. Wala na ang papa ko dahilan para manghina ako at bumagsak. . .pero may isang taong sumalo saken. Isang taong hindi inisip kung gaano ako kabigat pasanin.

Thank you, Lord. Thank you dahil pinahiram nyo saken si Xandrei kahit temporary lang.

Temporary. . .

Pansamantala. . .

Hays. Alam ko kasing may katapusan din lahat . Pati ang mga oras na kasama ko sya. May deadline ang kontrata. Ayoko ng maging positive dahil ayoko ng paasahin ulit ang sarili ko. Nagpapasalamat na lang ako dahil kahit ngayon lang, syaang kasama ko ngayon.

"whatever happens , I'll always be here. . ."

Hindi ko dapat panghawakan sa pangmatagalang panahon ang sinabi nyang yon. Naniniwala ako sa kanya, oo. Pinagkakatiwalaan ko sya, oo ulit. Pero. . .ayoko na talagang umasa sa wala.

Masakit e.

Dapat ko na sigurong i-expect na magkakahiwalay din kami .

Hays.

Iniisip ko pa lang ngayon, nasasaktan na ko. Pano pa kaya pag nangyari na ?

"forget it,babe. Wala yun. I understand." nakangiting sagot nya.

Oh yan, ganda na naman ng ngiti nya.

Hays.

I-enjoy ko na lang dapat ang time ko with him.

Hindi yung kung anu-anong iniisip ko.

Super nega na at ako eh. >__<

"yung mata mo. . .parang kinagat ng ipis oh." he kissed me in the eyes.

"e bat mo kiniss ? Para ka na ding nakipag-lips-to-lips sa ipis." I chuckled. Natawa naman sya.

Then natigilan ako.

"I shouldn't be laughing like that. Kakamatay lang ni Papa."

"don't feel bad, babe. You need to move on. Start it now. Don't feel guilty na kaya mong tumawa sa kabila ng lahat . I'm sure your fatherdoesn't want you to prolong the agony. And babe, andito lang ako. "

Argh. Xandrei naman eh. Bat ka ba ganyan ka-sweet ? >////<

"gusto mo na bang umuwi ?" tanong nya.

"di ko alam." yun yun totoo. Parang di ko ata kayang magbyahe ngayon. First time kong sumakay ng eroplano kahapon . Kung di nga lang seryoso yung mukha ni Xandrei nun baka sumuka na ko sa harap nya. Ay grabe. Ganun pala ang feeling nun. =____=

"i'll cancel our flight."

Huh ? o.o bat naman ?

"b-bakit ?"

"let's stay here for a day. Saturday pa lang naman e. Bukas na tayo ng umaga umuwi."

"e ano namang gagawin natin dito ?"

"uhm, mamasyal ? Maganda naman dito ,e. Well, gusto ko lang ma-enjoy mo kahit papano. Ayokong ipasok mo jan sa isip mo na hindi maganda ang moments mo dito dahil lang sa dito nabawian ng buhay ang papa mo." natahimik ako. Actually, yun nga ang impression ko ngayon sa bansang 'to. Hays. Mind reader talaga tong lalaking 'to.

"s-sige." di ko naman din alam ang gusto kong gawin ngayon eh. Kailangan ko ng konting time para mag-isip.

Ipapa-cremate ko na lang ang mga labi ni papa.

Papa, madaya ka ah. Iniwan mo agad ako. . .

Hays . . . Iiyak na naman ata ako.

Pa, bantayan mo ko lagi ah. Alam ko, masaya ka na jan. . .kasi. . .kasi di ka na nahihirapan.

Argh. Tumingala ulit ako sa kisame para hindi bumagsak ang mga luha ko. Nakakahiya na kay Xandrei.

"don't try to be brave when you feel weak , babe. The strongest person in the world is the one who accepts pain and aches. Let your tears fall. . ."

Nakakainis. . .kahit anong tago ko ng mga luha ko sa kanya, napapansin pa din. Ganun ba ko ka-transparent sayo , Xan ?

"i'll close my eyes for awhile. Bukod kasi sa alam kong nahihiya ka saken, ayoko ng makita kang umiiyak." dagdag pa nya. Then he closed his eyes.

. . .ayoko ng makita kang umiiyak. . .

 

. . .ayoko ng makita kang umiiyak. . .

. . .ayoko ng makita kang umiiyak. . .

Lord, thank you talaga. I feel so blessed dahil andito sya. . .

Yan. Umiiyak na naman ako.

Hay tears, di mo ba balak magpahinga man lang ? Kahit isang oras lang oh. . .

I gave him a smack kiss dahilan para magmulat sya ng mata.

"thank you. . ." mahinang na lang ang pagkakasabi ko pero yun ata ang pinaka-sincere na thank you na nasabi ko.

"thank you talaga. Thank you sa lahat. . ."

Wala syang sinabi. Ngumiti lang. Yumakap ulit sake. I hugged him too. Hays. Nasasanay na ko sa mga ginagawa nya. Hahanap-hanapin ko to . . .

Walang nagsasalita samen. Walang ibang maririnig sa kwarto kundi wait ang paghikbi ko.

Kahit wala syang sinasabi , alam kong gusto nya kong protektahan. Protektahan sa lahat ng sakit na pwede kong maramdaman.

Thank you, Xan.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112