WYBHBM ~~ Chapter 15 part 2

WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR. 

BOOK 1 of 3 worth :  P109.50

You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores  nationwide. 

-

XANDREI POV

Nagising ako dahil sobrang likot ni Heira matulog. =____=

Tatlong beses na ata akong nagising buong magdamag dahil bugbog sarado ako sa mga galaw nya. Eto nga oh, paa na ang katabi ko. Pambihira.Yung ulo nya nasa paanan ko na din. Grabe tong babaeng 'to. Nag-a-around the world sa kama ko.=___=

Kanina nagising ako dahil sinisiksik nya ko. Nahulog pa nga ako, eh. Yung pangalawang gising ko naman may naramdaman akong basa sa dibdib ko. 'Yun pala nakasiksik yung ulo nya tapos naglalaway na sya. HAHAHA. Napailing na lang ako. Maniniwala kaya sya saken pag sinabi ko sa kanya kung paano sya matulog? Hahaha. Hindi siguro.


Akala ko pag nakauwi na ko, makakapagpahinga ako ng maayos. Di rin pala. Si Heira kasi eh.

Bumangon ako saka nag-inat. Ay grabe. Saket ng katawan ko. =____= ikaw ba naman mahulog sa kama eh.

Binuhat ko si Heira at inayos ko ng higa saka ko sya kinumutan.
Napatingin ako sa clock, 4:45 pa lang. Mukhang di na rin naman ako makakatulog kaya nagpasya akong lumabas na lang ng kwarto.Nagulat pa ko ng makita ko si Ate na nakaupo sa harap ng pintuan ng kwarto ko.

"what are you doing there?"

"Good morning, Lil bro !" WTH?! Ang aga namang mambulahaw nito. =____=

"Lower your voice. Natutulog pa si Heira."

"Sorry naman." tumayo ito. May bitbit pa pala itong malaking unan.

"ano ngang ginagawa mo sa labas ng kwarto ko?"

"naghihintay ng mga ungol." ano daw ? =___=

"ungol?"

"ungol nyo ni Heira. Di pa ba kayo gumagawa ng hmmmmm?"

"CRAZY." =___=

"HAHA. I know that already. Ang gusto kong malaman ngayon eh kung nakagawa na kayo ng pamangkin ko. Naka-shoot ka na ba ha , lil bro? Di ko naman kasi marinig ang mga ungol nyo. Soundproof ata ang kwarto mo." ^________^

Nilayasan ko si ate. =_______= di ko talaga akalaing may ata akong ganyan. Psh.


"hoy, lil bro . Kwento ka naman. Di ko naman ipagsasabi eh. Hahahahaha."

"ang aga-aga pa, ate. Baka pwedeng pakihinan yang boses mo. Magigising mo lahat ng tao dito eh." kala mo naman kasi nakalunok ng mic kung magsalita. =___=

"oo na. Oo na. So,ano? Meron na ba?"

"wala."

"weh ? Hindi ako naniniwala."

"e di wag."

"lil bro naman e. " T_____T

"wala nga kasing nangyari !"


"di talaga ko naniniwala. Yung totoo kasi."

Psh. =____= ang gulo kausap. Dapat dito di na pinakikinggan e.


"pst uy. Ano nga?"

"wala ngang nangyari. Kulit mo."


Pumunta ako ng sala. Sinundan pa din ako ni ate.

"what?" =____=

"ano ba yan ,lil bro . Ang sungit sungit mo ha."

"ang aga-aga kasi ang ingay mo."


"4:30 pa lang po."

"umaga na din yon."


"wala pang araw."


"whatever." =___= dapat pala di na ko lumabas ng kwarto ko.

"wala ngang nangyari samen."


"sayang naman." mukhang mas nanghihinayang pa sya saken. Tss. Di ba dapat ako yung mas disappointed? Pero kung titignan mo si ate, para syang nalugi sa negosyo. Abnormal talaga. =___=


"akala ko ba mamaya o bukas ka pa uuwi ? Bakit parang napaaga ka?"


"I decided to go home earlier than I planned."

"sus. May na-miss ka lang eh." eto na naman sya. Mapang-asar talaga. =__


"shut up, ate."

"Pano ba yon? HAHAHAHAHA." nabaliw na naman. Di matinong kausap kahit kailan.

Ilang segundong katahimikan bago sya nagsalita ulit.


"so, nasabi mo na ?" di ako naka-imik.

"di mo pa nasasabi no?"


". . ."


"nice talking to you , lil bro ! Ang daldal mo ha. Sarap mo kausap . Promise." she said in sarcastic way. Di ba sya pwedeng maghintay na sumagot ako. =____=

*ehem* ano nga bang sasabihin ko ? =______=

"babalik ako don. . ." sa wakas. Nakapagsalita na din.

"and ?"

"isasama ko sya . . .


"sure ka na jan ?"

Hindi pa. . . Wala pa kong final decision. Yung sinabi ko, isa lang yun sa mga choices ko. . .

"okaaay. Nice talking na naman." I glared at my sister.

"patapusin mo muna ako pwede? "


"e ang tagal mo kasing sumagot."


Haaay. =_____=

"hindi ko pa kayang sabihin kay Heira. . ." sabi ko. Totoo. Wala akong lakas ng loob. Pranka ako pero umuurong ang dila ko tuwi naiisip kong sabihin sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa. Nag-aalala ako sa magiging reaksiyon nya. Alam kong dadating sa punto na kailangan kong ilabas lahat ng alam ko pero sa ngayon,wala akong lakas para sabihin yon.

Ayoko syang saktan. Ayow kong makita syang nasasaktan.


"ako ang magsasabi." napatingin ako kay ate. Seryoso ba sya ?


"joke lang ! Hahaha. Ayoko nga . Baka umiyak pa sya sa harap ko." nakng******** =____=

"wag mo nga kong kausapin !" inis e. Seryoso tapos babanatan nya ko ng joke nya ? Psh.

"HAHAHA. Eto naman. Nagbibiro lang eh. Pero kung gusto mo talagang ako ang magsabi sa kanya, eh di go ! Magiipon ako ng powers."

Seryoso na sya nyan ? =____= ayoko patulan. Baka joke na naman.


"wag na." mas-ok na din siguro kung saken magmumula ang paliwanag tutal ako naman ang totoong may alam.

"ano ba to. Gulo mo, lil bro. Tutulungan na nga kita, ayaw mo pa ."

"tss. Malay ko ba kung puro kalokohan na naman ang maisip mo."

"HAHAHA. Ganon talaga ang genius."


Ge ge. Pagbigyan. =____=

Iniwan ko sya sa sala . Bumalik ako ng kwarto ko.

What the ?!

Si Heira nasa lapag na !

(_ _,,) ang likot talaga matulog.


Binuhat ko na naman sya.


"Xandrei. . ." nagising ata.


"hey. Bato ba yang katawan mo ? Nahulog ka na sa sobrang likot mo.

"b-bakit ang aga mong nagising ? Iiwan mo na naman ako no? Aalis ka ulit. . ."

"hindi."


"talaga." I nodded.

"tulog na ulit." yumakap sya saken. I hugged her back. Di ko alam kung anong nangingibabaw sa damdamin ko.

Konsensya o pag-aalala.

Parehas siguro. Parang may martilyong pumupukpok sa dibdib ko habang pinapanuod ko syang matulog. Yung isip ko naman todo sigaw na sabihin sa kanya ang totoo pero yung lalamunan ko parang barado. Hindi makapagsalita ng kahit isang sentence lang para malaman nya ang dapat nyang malaman. Ang gulo. Masmadali pa palang makipag-usap kay Ate na puro kabaliwan ang alam kesa sabihin ang totoo kay Heira.

Napahigpit ang yakap ko sa kanya habang isa-isang bumabalik ang mga nangyari nung nakaraang araw. . .

FLASHBACK

Yung gabing pumunta si Kara sa mansion nakatanggap ako ng overseas call mula sa doctor ng Papa ni Heira .

"Sir, you need to come here as fast as you can."


"is there any problem ?"


"the patient has stopped breathing few minutes ago. " namanhid ako bigla.

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Hindi ako magtataka kung madudurog 'to. Shit


"sir ?"


"I'll call you back."


Napaupo ako sa sofa. What now ? Hindi ko napaghandaan 'to. Hindi ko alam kung paano ko to haharapin. Paano ko sasabihin kay Heira ? Paano? Paano ?


"Damn it!"


"Lil bro ?" napaangat ako ng tingin kay Ate. Hindi pa pala sya natutulog .


"what's the problem? Ba't ganyan ang itsura mo ? Si Kara ba? Nag-away ba kayo ni Heira ?" umiling ako.

"then what is it ?" umiling ulit ako. Arghhhh !

"Xandrei ano bang problema ?"

"Heira's father. . .H-he's stopped breathing. . ." natahimik si ate. Napahawak ako sa ulo ko. Kasalukuyang natutulog si Heira nung mga oras na 'yon. Gigisingin ko ba sya ? Sasabihin ko na ba agad ? Ano bang dapat gawin ?


"shit. Shit . Shit." nafu-frustrate ako. Hindi nagfa-function ng mabuti ang utak ko.


"what are you going to do now ?" mababakas sa boses ni ate ang pag-aalala. Parehas lang kami ng concern. Si Heira.

 

"I . . .don't know." tumayo ako at bumalik sa kwarto ni Heira. Ang akmang pag-gising ko sa kanya ay naantala. I stopped on my tracks. Parang di ko kayang ihakbang pa ng isa ang paa ko. Masasaktan sya. . .

 

Masasaktan sya. . .


Masasaktan sya. . .


Paulit-ulit na sabi ng utak ko. Parang sirang plaka.

 

Masasaktan sya. . .


Masasaktan sya. . .

Di ba ? Kaya nga nya tinanggap ang alok ko ay dahil gusto nyang gumaling ang papa nya ?

 

Masasaktan sya. . .


Masasaktan sya. . .

Di ba . . .kaya sya pumayag sa lahat ng gusto ko ay dahil na din sa ikakabuti ng lagay ng papa nya ?

Masasaktan sya. . .


Masasaktan sya. . .

Mahal na mahal nya ang papa nya to the point na hindi na nya inisip kung anong magiging lagay nya.

Masasaktan sya. . .


Masasaktan sya. . .

Handa nyang isakripisyo ang sarili nya mabuhay lang ang ama nya. . .pero ngayon ? Ngayong wala na ang taong pinahahalagahan nya ng sobra . . .para saan pa ang lahat ng ginawa nya ? Para saan pa lahat ng sakripisyo nya ? Wala.
Nawalang parang bula.

Nasasaktan ako. . .hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi alam ko ang pakiramdam na mawalan ng ama.

Lumapit ako. Umupo sa gilid ng kama. Hindi ko sya ginising. Pinagmamasdan ko lang sya matulog.


"papa . . ." bulong nya. Nanigas ako sa kinauupuan ko. She whispered her father's name.



Shit. Di ako makahinga. Argh. Parang may pumipiga sa dibdib ko.



Damn.


I kissed her lips and whispered "I won't let you face the pain. . .alone."


lumabas ako ng kwarto. I called someone para magpa-book ng flight. Agad-agaran. Then tinawagan ko din yung doctor. Sinabi kong pupunta ako sa Australia. I packed my things. Naguguluhan pa din ako pero aware ako sa ginagawa ko. Isa lang ang iniisip ko ngayon. Si Heira. Si Heira lang.


Nakasalubong ko si Ate sa hagdan.
"don't tell her. Hintayin mo kong makauwi. Ako ang. . .ako ang magsasabi." tumango lang si ate.



"ingat, lil bro." saka ko lumabas ng mansion. By chance passenger, nakarating ako sa Australia in record time. Para kong nakalutang. Kinakausap ako ng mga doctor pero di ko ma-absorb angmga sinasabi ilan sa sinasabi nila.



Ang alam ko lang. . .machine na lang ang bumubuhay sa pasyente. Tinatanong nila ako kung ipapatanggal na ang machine.
Ipapatanggal ko nga ba ? Wala ako sa posisyon. . .wala akong karapatan. "Sir ?" untag saken ng mga doctor. Naguguluhan akong umiling.


Shit brain ! Makisama ka naman ! Mag-isip ka. Isip.
Gusto ko ng murahin ang mga kaharap kong doctor. Bakit di nila nagawan ng paraan ? Bakit di nila nagawang iligtas ang pasyente? Gusto ko silang sisihin. Pero nakapag-isip ulit ako. Hindi sila Diyos. Hindi sila ang magpapasya kung hanggang kailan mabubuhay ang papa ni Heira. Hindi sila. Hindi ako. Hindi din si Heira.
Kahit alam kong wala ng pag-asa, hindi ko pinatanggal ang mga tubong nakakabit sa papa ni Heira. Siguro, kailangan ko muna syang dalhin dito.


Mula sa pagaasikaso ng mga bills, pakikipag-usap sa mga doctor. Hindi ko alam na lumipas na ang mga oras.
Parang di ko pa kayang magpakita kay Heira. Hindi ko pa kayang sabihin sa kanya. Paano ko ba sya haharapin ? Paano ko sisimulan ?


Damn.


END OF FLASHBACK

 

Now. Yakap ko sisya. Lalo akong nilalamon ng konsensya. Pag gising na sya. . . Makakaisip din ako ng tamang gagawin.

.
.
.

HEIRA POV


Nagising ako dahil sa mabigat na bagay na nakadagan saken. Pag dilat ko si Xandrei agad ang nakita ko. La-la-la-la.mukhang maganda ang simula ng araw ko ha. Sya agad nakita ko. Wafuuu talaga. >/////< mainggit kayo saken ! MAIINGGIT KAYO ! Whahahahaha.

Nakayakap sya saken. Yung braso nya pala ang mabigat. HAHA.

Tulog pa sya. Makakatsansing ako. Yhieeee ! HAHAHA.

Unti-unting kong linapit ang mukha ko sa mukha nya.


"what are you doing ?" nanlaki ang mata ko ng bigla syang magsalita. Gising na sya agad ?! O////O henebeyen. Walang tsansing .


Saka. . . nakakahiyaaaaaaaaa. >///////< nahuli nya ko eh. E badterp. >///3///<

*chup*

O////o -> ako


^___^ -> sya.

WAAAAAAA. Akala ko ako lang yung mananantsing e sya din pala. Whahahahaha.

"good morning,babe."

"m-morning din. Kanina ka pa gising?" tumango sya.

"ikaw ha. Hahalikan mo ko kanina ha. HAHAHA. "ay lanya !

Talagang ipamukha saken na nananantsing ako. Ffuuu. =3=


*chup*

"o-oy ! Tama na nga yan."


"HAHA. Ako na nga humahalik, umaayaw pa."

"heh !" >/////<


"bangon na,babe." hinila nya ko patayo. "may pasok ka pa." ay oo nga pala. Friday ngayon. Akala ko saturday na . >_____<

*chup*

"nakakadami ka na ,ah." =____= sya na lang lagi humahalik saken. Pwede ako naman ang humalik sa kanya ? BWAHAHAHAHA. Ang landi. Ang landi landi. Hahaha. XD


"wala ka kasi sa sarili mo." nakangiting sabi nya. Wag kang ngumiti ng gonyooon. >/////> nate-tempt ako lalong halikan ka.


"t-tara na nga." hinila ko na sya palabas ng kwarto. He laughed. Pft. Wala namang nakakatawa ah. Baka nababaliw na. Nababaliw saken. Bwhahahahaha. Ambisyuuus me ! Ang saya ko no ? Halata nyo ? ^_____^

Bumaba kami ng magkaholding hands. Uhlala. What a wonderful day !

"ay wait. May ibibigay nga pala ako sayo." sabi nya saken. Umakyat ulit sya sa second floor. Ano kaya yon ? Baka singsing ? Magpo-propose na sya ? *o* Hayaan nyo na ko mangarap. Malay nyo di ba? Haha

Kapal ng fez.

Ilang sandali pa, nasa harap ko na ulit sya. May inabot sya sa aking box. Yung box na kasing laki ng notebook. Ang laki namang lalagyanan ng singsing nito. Hahahahaha. Ambisyosa talaga.

"ano to ?"

"buksan mo."

Binuksan ko.

Isang. ..

Cellphone .

Napatingin ako sa kanya.


"para matawagan mo ko pag may kailangan ka. Para na din matawagan kita para di ako mag-alala."

"uhm. . . Xan. . ."

"hmmm?"


"t-thank you p-pero. . ."


"may problema ba ? Ayaw mo ba ng ganyan ? Gusto mo papalitan ko ng model? O baka naman ayaw mo ng binigay ko sayo ?"

"h-hindi. W-wala dun sa mga sinabi mo. A-ano lang. . .uhm. . ."

"ano?"


"hindi ako marunong gumamit nito." >___< o wag kayong tumawa ! Kasalanan ko bang pinanganak akong mahirap kaya di pa ko nakakagamit ng cellphone ? =___=


"seryoso ?" mukhang nagulat sya. E sino ba namang di magugulat ? =_____= nasa 21st century na tayo tapos ako hindi pa din marunong gumamit nito ? Para kong tagabundok.


"alam kong cellphone to. Hindi ko nga lang alam gamitin . ." o ha. Speechless.


Pft. Kakahiya. Ako na di marunong ! =3=


"hindi ka pa ba nakakahawak ng cellphone?" tanong nya saken. Manghang-mangha sya.
"nakahawak na pero. . .di pa ko nakakagamit." totoo naman yun. Iba ang nakahawak sa nakagamit na. Di talaga ko marunong nyan.


"I'll teach you." tinuro nya saken yung mga basic demo , like pagtxt and pagtawag. Yung iba di nag-sink sa utak ko e. Hahaha. Sorry naman. T____T


"did you get it?" tumango ako kahit hindi ko naman talaga naintindihan. Haha. Pasaway.


"number ko lang ang nanjan." sabi nya.


E sino pa bang kailangan kong tawagan pag may kailangan ako ? Sya lang naman din eh.


"thank you ulit."

"you're welcome, babe." nakangiti sya. Buti naman wala ng sinabi. Kasi kung tumawa sya dahil di ako marunong gumamit ng cellphone, ma-o-offend talaga ko. >____<


"magligo ka na,babe. Baka ma-late ka pa." tumango ako at pumunta na ng guest room. Nung ako na lang mag-isa, di ko maiwasang ngumiti. Tinignan ko ulit yung cellphone na bigay nya.Iingatan ko to. First CP ko to e. Saka galing to sa kanya.

Kailangan talagang ingatan.


^______^ ligo na nga ko. Di ko sya natanong kung sya maghahatid saken pero feeling ko . . .sya. Hahaha. I love this day.

Thank you, Lord. . .sa lahat ng blessings. . . Mwuah. I love you.

To be CONTINUED. . .

KHIRA1112♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #khira1112