WYBHBM ~~ Chapter 10
WILL YOU BE HIS BABY MAKER IS ALREADY PUBLISHED UNDER LIB/PHR.
BOOK 1 of 3 worth : P109.50
You can grab your copies now. Available at Precious Pages Stores nationwide.
-
HEIRA POV
Biglaan namang bumibira 'tong si Luke. xD
First day na firstday ko dito sa AAA, gusto akong ligawan? Geesh. Hahaha. Ang haba ng hair. Chos!
Pero di ako ganun no. -.- saka may Xandrei na ko. Wow . Inangkin talaga HAHAHA. De joke. Ambisyosa mode na naman. XD
*PAAAK*
"aray!" daing ni Luke. Binatukan sya ni Rhea sabay hila sa tenga. Aruuuy!
"aray! Ouch! Ouch! Uy,pinsan-"
"IKAW! Kabago-bago lang ni Heira dito tapos gaganyanin mo sya? Mahiya ka nga sa balat mo!"
"awww! Yung tenga ko." T.T
"umayos ka ha? Wag mong isasama tong si Heira sa mga trip mo. Pipilasin ko talaga tong tenga mo." banta ni Rei at binitawan ang tenga ni Luke. Hinimas-himas naman ni Luke ang ang tenga nya ng nakangiwi.
"sakit ah. Tsk. Ang brutal mo talaga."
"eh bwisit ka,eh." lumapit saken si Rhea. "wag kang maniniwala sa mga pambobola nyan. Babaero yan ,eh."
"oy! Paninirang-puri yan,pinsan. Ang lakas mong maka-discourage. Palibhasa wala nanliligaw sayo. Tomboy ka kasi-aray!" sinipa naman sya ni Rhea.
"MAY SINASABI KA?" nanlaki ang mga mata ni Rhea habang pinapatay nya sa tingin ang pinsan nya. Nag-pout na lang si Luke at may binubulong-bulong. Si Anne naman parang sanay na sa eksena ng magpinsan. Grabe lang makabugbog tong si Rhea. HAHA. Kawawa naman si Luke . Buti di napilas yung tenga nya. XD
Humiwalay samen si Luke dahil may tumawag sa kanya . Isa pa, todong-todo ang pagtataboy sa kanya ni Rhea. Grabe langs. Magpinsan ba talaga sila? Hahaha.
Nilibot ako nila Rhea sa building namin habang pinapaliwang saken ang rules ng school. Pwedeng-pwede maging tourist guide 'tong si Rhea ,eh. Si Anne paminsan-minsan sumisingit. Tahimik lang talaga sya pero friendly. Tuwing lilingon ako sa kanya, ngingitian nya ko. Aww. Grabe. I'm so in love. Kung naging lalaki lang ako,sya sigura ang ideal girl ko.
"may 3 department ang AAA. Regular department tayo. Boys and girls. Meron din AGD at ABD. AGD means All-girls Department. Well, kung pabonggahan at paartehan ng building, panalo talaga ang department nila-"
"Rhei." singit naman ni Anne.
"eh bakit? Totoo naman ,ah! Nung nandun tayo sa department na yon last 2 years gusto kong ingud-ngot lahat ng classmates natin, eh. Ang aarte!" lumingon naman saken si Rhea. "doon kasi kami nag-1st year hanggang 2nd year. E last year, di ko na talaga na-take ang kaartehan nila. Nagpalipat ako ng department."
"exclusive ang AGD for rich and famous. Well,isama na ang looks at posture. Yung na na-assign na admin don, masyadong strict at girly." sabi naman ni Anne.
"at maarte, mataray, mabunganga, matapobre at-"
"Rhei, sinisira mo na ang image ng AAA kay Heira." -.-
"hindi ko sinisira. Nagsasabi lang ako ng totoo. Hmp."
Okay. Parang nag-aaway na yung magbestfriend. XD Wala naman akong masyadong maintindihan sa sinasabi nila. Haìa. Basta ang description ko sa AAA ay sobran bonggang school!
"yung ABD (All-Boys Department) naman, exclusive for boys. Rich and famous. Male chauvanist pigs, mga babaero, mga malalakas ang trip, mga mayayabang-"
"hays. Ako na nga lang ang magk-kwento kay Heira.Ang panget ng mga sinasabi mo,eh." lumingon saken si Anne at ngumiti. "Pasensya ka na, over sa pagka-nega yang si Rhea."
"hindi kaya! Nagsasabi lang ako ng totoo!" sabi pa ni Rhea.
Na-a-amuse na ko sa kanila. Pramis. Hahaha.
Di pinansin ni Anne ang sinabi ng bff nya at sya na ang nagpaliwanag saken.
"Sa ABD kasi lalaki lang talaga ang nag-r-rule don. Actually, dominating talaga ang department na yon. Pero kahit ganon sila, isa din sila sa nagpapahatak ng todo sa popularity ng AAA. They excell both on academics at sports. Lagi silang nanalo sa inter-school competitions. Bukod pa don, yung ibang lalaking student ng department na yon, artista,singer o dancer. Mga sikat at may mga sinasabi din sa buhay. At dahil public figure sila, madaming teenagers ang nangangarap na makapasok ng AAA."
Wow. Bigatin. *O*
"too bad, the academy has limitations when it comes to accepting new students. Kaya swerte mo kasi kahit 2nd grading na pinayagan ka pa din ng admin na makapasok dito."
Tumango-tango ako. Ang swerte ko nga talaga .
Pero kung tutuusin di ko naman talaga inakala na dito ako i-e-enroll ni Xandrei. Nung nalaman ko na dito ako mag-a-aral, nanlula talaga ako. Saka I was already enrolled at that time. Nakakahiya kay Xan naman kung tatanggihan ko pa.
"Ang maganda sa Regular Department, lahat tayo pantay-pantay. Hindi man kasing taas ng estado ng AGD at ABD, masmababait ang students ng department dito."
"pwera na lang kay. . ." lumingon si Rhea sa kanan. Napalingon din kami ni Anne. Nakita ko yung lalaking napagtanungan ko kanina pagpasok ko. Yung suplado at mukhang di marunong ngumiti.
Papunta sya ng direksyon namin. Nagkatinginan kaming tatlo nila Anne at Rhei.
Tapos bigla ba namang dumaan sa gitna namin ni Anne! E? Wala man lang excuse excuse? Wow ha.
"bastusin yon ah! Sarap kutusan." Rhea hissed.
"Rhei,ano ba. . ."
"o yan ka na naman. Ipagtatanggol mo na naman sya ! Tsk. Why do you have soft spot for that rude guy?"
"He's not that rude. . ."
"di ba rude yon? E di nga nag-e-excuse." sabi ni Rhea. -.-''
Ayan na naman sila. Feeling ko ma-o-OP ako pag lagi silang magba-bangayan. Nagbuntong-hininga na lang si Anne at di na nakipagtalo kay Rhea.
"ay! Meron pang isang masamang tao dito, si Ren kumag."
BWAHAHA. Ang laki ng galit ni Rhea dun ,eh. Mortal enemy. Yung tipong magkakatitigan palang sila,sasabog na . Mata palang, gyera na. XD astig. Hahaha.
"Heira, wag mong pansinin si Luke ha. Adik din yon,eh. Playboy talaga yung pinsan ko na yon."
"lagi ba syang ganun? I mean , sa lahat ng babae?"
"oo." magkasabay na sagot ng magbestfriend.
"basta maganda, liligawan agad."
"saka matinik yon. Ang dami nga nyang gf ngayon,eh. Magkakaibang-section. Tsktsk."
Tindi ni Luke. -.-
Speaking of Luke, eto na naman sya.
"Hi, Heira. Di ko natanong kung may Bf ka na ba." bumibira na naman. -.-''
"ayan ka na naman ha. Suntukin na kaya kita?" banta na naman ni Rhei.
"nagtatanong lang ako. Chillax,couz. Ano ,Heira? Meron ba?"
Maski sila Anne at Rhea nakatingin saken.
E?
Anong sasabihin ko? T.T
Sasabihin ko bang meron?
E si Xandrei? Di ko naman sya boyfriend ,eh. Baby maker nya ako. Alangan namang sabihin ko yun di ba? Grabeng kahihiyan naman yon. =__=
At dahil nakatingin sila saken. Kailangan kong magsinungaling. BWAAA! T.T sorry,Xandrei.
"yes. M-may bf na ko."
"sino?" sabay-sabay na tanong nila.
Bakit pati yon?! x__x
"student din ba sya ng AAA?"
"sya ba dahilan kaya ka lumipat?" magkasunod na tanong ng magbestfriend.
WAAAA ! Anong sasabihin koooo? T___T
"a. . Eh. Hindi. Hindi sya student hmm."
"ahh. Sayang naman. Sana makilala namin sya."
"oo nga."
Ngumiti na lang ako kahit medyo alanganin. Huhu. Sorry Lord, may kasalanan na naman ako. T.T
"kailan kayo magb-break?" muntik na kong mapaubo sa tanong ni Luke. Sinipa ni Rhea ang pinsan nya. Napailing na lang si Anne. HAHAHA. Adik tong si Luke. Babaero nga talaga.
"dun ka na nga! May ketong ka , eh. Baka mahawaan mo kami. " pagtataboy ulit ni Rhea dito. Natawa na lang kami ni Anne.
Then nag-ring na yung bell. Tapos na ang lunch break. Pumasok na ulit kami sa room.
-DISMISSAL-
Waaaa! Di ko alam kung pano ako makakauwi. Ang sabi ni Xan saken, susunduin nya daw ako. Di ko naman natanong kung saan ko sya dapat hintayin.
"o Heira? Ba't andito ka pa?" magkasama si Rhea at Luke.
"hmm. . .may hinihintay lang. Si Anne? Bakit di nyo kasama?"
"may kukunin pa daw na gamit sa locker. Mauna na daw kami. Sinong hinihintay mo? Boyfriend mo?"
"ah. . .hehe. O-oo." lagot ka Heira. x__x
"sya ba susundo sayo?"
"o-oo. Sabi nya." napangiwi ako ng lihim sa sinabi ko.
"eh ba't dito ka naghihintay ? Baka nasa parking yon."
"pero, di nakakapasok ang mga kotse ng basta-basta lang dito sa AAA. Baka sa isa sa mga gates. Saang gate ka ba pumasok kanina?"
"sa-sa main gate ata. Di ko na matandaan,eh."
"tara. Samahan ka namin."
"hala. Wag na. Okay lang kahit hindi na. Hehe. Kayo ko naman."
"ano ka ba. Bago ka lang dito,eh. Samahan ka na namin sa main gate."
Wala na kong nagawa ng bigla na lang akong akayin ni Rhea. Sumunod si Luke. Waaaa! Lagot na talaga ako nito pag nakita nila si Xan. Ano ba yan. T.T Bakit pa ba ako nagsinungaling? Patong-patong tuloy ang problema ko ngayon.O ano na ,Heira?Ano nang gagawin mo? Ilang minuto lang kaming naghintay sa main gate, then may nakita akong pamilyar na sasakyan. Yon yung sasakyan ni Xan! Alaaaa ! x__x lagot na meeee.
Sa tingin ko, nakita agad nya ako kaya huminto sya tapat namin nila Rhei at Luke.
Bumaba na sya. Lagot ka na talaga ,Heira. T.T
Lord,Heeelp. . .
Napakunot-bigla ang noo nya ng makitang may kasama ako.
Siniko naman ako ni Rhea at bumulong "sya ba ang boyfriend mo?"
Patay na. T.T anong sasabihin ko?
"de Vera. . ."
"Hi,Luke. Nice to meet you again. . ."
Parehas kaming nagtaka ni Rhea dahil parang may tension bigla na namagitan kina Xandrei at Luke.
Magkakilala sila?
"magkakilala kayo?" tanong ko.
Walang sumagot. Ok. Sorry. Wala ako dito,eh. -__-
Pagtapos nun bigla akong hinila ni Xan pasakay sa kotse.
Sinubukan kong lumingon kay Rhea at nag-ba-bye. Nag-wave din sya and say her goodbye. Narinig ko pa syang nagtanong sa pinsan nya na kung anong meron?
Maski ako di ko alam kung bakit bigla na lang nagbago ang atmosphere at naging tensyonado.
"Magkakilala pala kayo ni Luke ?" sabi ko kahit kinakabahan akong magsalita.
"don't ask." sagot naman nya. Medyo galit ang tono.
Nanahimik na lang ako. Mukhang na-badtrip ng todo. Kahit curious na curious ako, di ko na sya tinanong ulit.
Naramdaman ko ding bumilis ang takbo ng kotse kaya napakapit ako sa seat belt .
Nung nag-red ang traffic light,saka lang ako nakahinga ng maluwag.
"sorry." sabi nya.
Hindi ako umimik. Di rin ako lumingon dahil baka saken nya mabunton ang galit nya.
"Heira, I'm sorry."
Pinipigilan ko pa din ang sarili kong lumingon sa kanya.
Then he cupped my face and gently turned my head to him.
"speak to me please."his eyes are worried. Worried? Para saan.
"galit ka. . ."
"hindi naman ako sayo galit. Hindi ko lang inaasahan na makikita ko ulit si Luke. . ."
Kahit gustong-gusto ko na talagang magtanong na natili akong tahimik. Tumango na lang ako.
"galit ka din ba?"
"ako? Ba't naman ako magagalit sayo?"
"bigla kang tumahimik,eh. Di ako sanay. . ." he kissed my nose. Alaaa! He's being sweet again. >////<
"m-may sasabihin ako sayo. . ."
He stared at me.
"what is it?"
"tinanong ako ni Luke kanina kung may boyfriend na ba ako. . ."
Bigla na namang dumilim ang anyo nya.
"and then?"
"sabi ko boyfriend kita." pag-amin ko. >//////< "sorry,ah. E kasi. . .ang kulit nya,eh. Napilitan tuloy ako magsinungaling. . ."
"it's okay. Maganda nga yon,eh. Para tantanan ka na din nya."
"o-oo nga."
"and you're mine."
"h-ha?" bago pa ko makapagsalita ulit, he claimed my lips and gave me a punishment kissed. It's not gentle though he carefully stroke his tounge to mine.
Grabe. Na-e-eskanadalo ako. >/////<
Hanggang sa unti-unti akong nadala at ginantihan ang halik nya.
The kiss went deeper. He lean closer hanggang sa nakarinig kami ng sunud-sunod na busina.
Green na yung traffic light! Waaaaa! >____<
Parehas kaming natauhan at umayos ng upo. Nag-drive sya ulit . Ako naman napayuko sa sobrang hiya. Ang epic nun ah!
Then napatingin ako sa kanya.
"let's continue that later."
E?! >///< may continuation pa pala.Grabe na ituuu! XD
Then natawa na lang kami pareho. Hahahaha. Fail ang kiss in the car . XD
Kahit na nangangati pa din ang dila kong tanungin kung bakit may animosity sa pagitan nila ni Luke, kinalimutan ko na lang ang tungkol don. Total, wala naman akong kinalaman don. At isa pa, mukhang ayaw naman pag-usapan ni Xan ang tungkol don. Hanggang sa nakarating kami ng mansion tahimik lang ako.
May konting kilig at hiya dahil sa nangyari don sa kotse. MWAHAHA. XD
. . .you are mine. . . Yun yung sabi nya kanina di ba? xD ang possessive.
Possessive pero nakakakilig. ="""">
-MANSION-
Pagdating na pagdating ko , nakipagkwentuhan saken si Xandrea. Sya pa nga naghila saken papuntang kwarto nya , eh . Ang bibo at hyper lang nya. Mana sa ate nya. HAHAHA
Alam na din pla nya yung deal namin ni Xan . She can keep a secret naman daw.
Nung pababa na ako dahil kailangan kong magbihis , natigilan ako.
Napahawak ako ng mahigpit sa bakal na hawakan ng hagdan .
Si Xandrei. . .
May. . .
May kahalikan na babae . . .
To be CONTINUED. . .
A/N : In-edit ko to dahil nawala ang ibang parts . -.-"
Good day , Readers ! :*
KHIRA1112♥
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top