EPILOGUE


EPILOGUE

THE FIRST couple of months were special for Wynter and Daniel. Their honeymoon was in Alicante, Spain, her father's hometown. Silang dalawa lang ang naroroon at parehong naka-vacation leave. Si Damien naman ay pinag-aagawan ng mommy ni Dan at mommy niya. Kaya naman kampante silang dalawa na iwan ang bata.

Damien actually cried at their wedding. Dinaya raw kasi siya ni Dan. Dapat kasi si Damien ang pakakasalan ni Wynter. Tawa tuloy nang tawa ang mga bisita.

Noon niya lang din nalaman na matagal na pa lang pinlano ni Dan ang kasal kaya lang ay hindi ito maka-tyempo sa kanya kaya nakipagkasundo na lang ang lalake sa mga kaibigan niya at sa pamilya niya. Sila-sila na lang din ang nagplano.

As of the moment, Wynter is inside her office. Tinatapos na lang niya ang mga kailangang ayusin sa psych center niya at magre-resign na siya as a psychiatrist. Napag-usapan na rin nila ito ni Dan. Hindi naman siya magiging full-on housewife, she'll still be working, but no longer as a doctor but a businesswoman.

"Señorita, everything's set," Ella informed her.

She smiled at her. "Thank you for everything, Ella. Sasabay ka na pala sa akin ng resignation."

For the first time, her secretary smiled genuinely. "Si, señorita. Nakapagtapos na ng pag-aaral ang mga kapatid ko, at nakapagpatayo na ng sariling bahay at clothing shop ang mga magulang ko. Malaki na rin ho ang naipon ko sa bangko, pwede na po akong magpahinga at isipin naman ang sarili ko."

Wynter felt emotional but chose to stop herself. "That's great to hear, Ella. I'm proud of you. You really deserve to go and take care of yourself. Finally, makakapag-enjoy ka na rin sa buhay."

Ella remained smiling. "Muchas gracias, señorita."

Ilang saglit pa silang nagkwentuhan tungkol sa buhay ni Ella, hanggang sa napagdesisyunan na nilang lumabas ng opisina niya. She was surprised by her employees. Ang ilan dito ay umiiyak na habang karamihan naman ay nakayuko lang.

"I think they're still not ready to say goodbye, señorita," bulong naman sa kanya ni Ella.

Wynter rarely smiles at them so she was truly surprised to see them emotional like this in front of her. "Hey, what's going on?"

"M-Magpapaalam lang po... sana, Doc," wika ni Nurse Ann habang pinipigilang umiiyak.

"Salamat... po sa lahat... Doc Vazquez," sabi naman ni Nurse Lyn habang humihikbi.

"Hey, it's fine. Hindi pa naman ako mamamatay. You might still see me around," pagpapagaan niya ng loob ng mga ito.

Nurse Janett took a step forward and slightly bowed. "Malaki po ang utang na loob po namin sa inyo, doc. Kaya ho hindi pa ho namin lubos matanggap na aalis na po kayo rito. Maraming salamat sa lahat po ng itinulong niyo po sa bawat isa sa amin. Mami-miss ka po naming lahat."

Hindi na napigilan ni Wyn na maluha. She never knew she had this effect on people. "Thank you all for putting up with my attitude for the past years. Keep helping other people, okay? I'm going to miss you all too."

At tuluyan na ngang nag-iyakan ang mga nurse at ilang guard ng psych center niya. I never knew quitting my job would feel like this.

"MASAKIT BA, Emy? May kailangan ka ba? Food. Do you want anything to eat? Or maybe drink? Hindi ba dapat umupo ka muna?" sunod-sunod na tanong ni Dan sa kanya.

She flatly looked at him. "Dan, chill the eff out, will you? Sabi ng doktor, I have to walk around." Mas mukha pa ata siyang manganganak kesa sa akin eh. Napailing na lang si Wyn.

Natawa naman si Mike na katabi ni Dan. "Oo nga naman. Mukhang ikaw yung nagdadalang tao, pre eh."

"Kuha mo," sagot pa ni Wyn.

Sinamaan naman silang dalawa ng tingin ni Dan. "Pinagtutulungan niyo pa akong dalawa eh. Sinasabi ko sayo, Mike. Kapag nakita mo nang nasa sitwasyon ni Emy yung asawa mo, magpap-panic ka rin katulad ko."

Pareho na lang silang nailing ni Mike. Sakto namang kararating lang nila Anurak, Dominique, at Narae. "Nanganak na?" tanong ni Anurak na agad sinamaan ng tingin ni Wyn.

"Mukha bang lumiit na yung tyan ko?" pabalang na tanong ni Wyn.

"So it's true that your sarcasm doubled when you got pregnant," komento ni Dom saka tumingin kay Dan. "So, you're still not regretting getting her pregnant?"

Tumawa naman ang mga tao roon maliban kay Wynter. "Ang laki ng pasasalamat kong hindi ako sayo naikasal," litanya ni Wyn sa matalik na kaibigan.

"Malaki rin ang pasasalamat ni Dom kasi malaki ang biyaya ng ipinalit niya sayo," makahulugan na sagot ni Anurak.

Wynter rolled her eyes. "Don't mention my brother's d*ck. Thank you very much."

Napailing na lang ang mga tao roon. Bigla namang nagsalita ang nananahimik na si Narae. "Masakit mag-labor, Unnie?"

Agad niyang tiningnan ang babae. "Subukan mo para malaman mo."

Narae smiled mysteriously. "Malapit na, Unnie."

Saglit na natahimik ang lahat hanggang sa nakuha ni Wyn ang ibig nitong sabihin. "You're pregnant?" Narae nodded. Wynter quickly walked towards her to give her a hug.

"Emy! Dahan-dahan naman," saway sa kanya ng asawa.

Hindi niya naman ito pinansin saka muling itinuon ang atensyon sa ilang taon niyang itinuring na nakababatang kapatid. "Congrats, Narae. Mukhang nabasag mo na rin ang kainosentehan niya ah."

Mahina namang natawa si Narae. "Natagalan pero worth it, Unnie. Fast learner naman kasi eh, fast f*cker din," pilyang kwento ng babae.

"Siraulo ka talagang bata ka," natatawang sabi niya.

"Congrats, nóng săao. Ilang weeks na?" tanong ni Anurak.

Narae was about to answer when Wynter felt pain around her tummy. Napahigpit tuloy ang hawak niya sa braso ni Narae. "Unnie! Are you okay?"

"I'm fine—" Wynter tried to smile but failed. The pain was visible on her face. She tried to hide it but it keeps getting unbearable.

Agad siya inalalayan ng asawa saka ipinatawag na ang doktor. "Hang in there, Emy. Breathe in, breathe out," paulit-ulit na sabi sa kanya ng asawa.

Nang makarating ang doktor ay isinakay na siya sa stretcher saka dinala sa delivery room. We're almost there, Winstella Destiny. Prepare to rock the world, mi hija.

~*~The End~*~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top