CAPÍTULO VEINTITRÉS


CHAPTER TWENTY-THREE

STILL GREAT. Wynter thought to herself as she lies down on her bed, catching her breath. Nasa magkabilang gilid naman niya ang dalawang binata. It's already one in the morning and they've just finished.

"I'm hungry," Wynter mumbled, causing Dan to chuckle.

From the prone position, Daniel moved to supine before he looked at her. "Yung totoo, may sawa ba riyan sa tiyan mo?"

Wynter rolled her eyes. "Eh sa nagugutom na ako eh," pagdadahilan niya.

Mike then spoke. "Me too. I'm hungry." Tiningnan nito si Dan. "How about you cook us something."

Mahina namang natawa ang binata. "Ayoko nga. Masosolo mo na naman si Emy," pabiro nitong reklamo.

Mike just shrugged. He was really planning that. Ipinalupot naman nito ang braso sa bewang ng dalaga. "Imagine, she eats a lot but her body stays the same," komento nito.

Mahina namang tinampal ni Wyn ang braso nito. "That's because I'm great." Nilingon niya si Dan. "Anyways, I'm really hungry." Sa 'di malamang dahilan ay may tinitingnan si Wynter sa mga magiging galaw ng binatang umaming mahal siya.

Dan smiled, softly caressed her face before kissing her forehead. "Fine. Ipagluluto na po kita, kamahalan."

"Ako rin ha?" Mike even raised his hand.

Nakatayo na si Dan at nakapagsuot na ng boxers saka humarap sa kanila, specifically kay Mike. "Hindi ka kamahalan, kamura-mura ka," pang-aasar nito sa kaibigan.

Babatuhin sana ni Mike ng unan si Dan pero nakalabas na ito ng kwarto. Bumalik na lang ang binata sa pagyakap sa dalagang agad namang inalis ang braso niya't umalis ng kama. "Where are you going?"

Wynter went to her walk-in closet and grabbed an oversized shirt and underwear, wears them, and went back to her room. "Imma just go clean up the mess in the living room. You can just stay here if you want." Without further ado, Wyn left Mike.

Totoo namang magliligpit siya ng kalat nila kanina, pero may isang parte sa isip niya na gustong makita o makasama si Dan. Now, what the hell is wrong with me?

Alam ni Wynter na dapat ay hanggang sala lang siya ngunit natagpuan niya ang sariling naglalakad pa papuntang kusina. Realizing what she was doing, Wynter went straight to the refregirator to grab herself a drink.

Nahalata naman niyang napatingin sa kanya si Dan saka nakangiting naiiling. "Gutom ka na talaga?" narinig niyang tanong ng binata.

Inubos muna ni Wyn ang isang boteng tubig bago sinagot ang binata. "Nauhaw lang muna. I'm gonna clean the living room." Pagkasabi noon ay tuluyan nang bumalik si Wyn sa sala. She froze for a second after seeing Mike picking up their glasses. Napansin siguro ng binata ang presensya niya kaya nag-angat ito ng tingin. "I'll help you."

Wynter just shrugged. "If you say so."

Nagsimula na silang magligpit na dalawa. May mga nahulog din na popcorn dahil sa kalokohan nilang tatlo kaya kinailangan pang magwalis. Sakto naman nang matapos sila ay nakapaggawa na ng bacon cheese sandwich si Dan.

Kumain na lamang silang tatlo sa sala habang nagk-kwentuhan. "By the way, I'll be gone for a month at least," wika ni Dan na nagpatigil sa pagkain nila Wynter at Mike.

Wyn wanted to ask but Mike did it first. "Bakit?"

Daniel smiled mysteriously. "I have to fix something."

The lady blinked numerous times before having the guts to speak up. "Take care, then." She wanted to say more but opt not to.

"Saan ka pupunta?" tanong na naman ni Mike.

"Secret, pero rito lang din naman sa Pilipinas," nakangiti pa ring sagot nito.

Maybe about his work. But why wouldn't he say it directly? Why leave it a mystery? Napabuntong hininga na lang si Wyn. "Are you guys leaving? I'm already full. I wanna sleep now," walang emosyong sabi niya sa dalawa.

Una namang umimik si Dan. "I can go back to my unit now—"

"Great. I'll sleep here if you don't mind, Wyn," nakangiti namang sabi ni Mike.

She finished her sandwich and drank her juice before standing up. "Sure. Dan, lock the door when you leave. Thanks again for the food," wika niya bago tuluyang bumalik sa kwarto niya.

Hindi na kasi maintindihan ni Wyn kung bakit apektadong-apektado siya sa pag-alis ng binata. He even said that one month would be the least. Pwedeng-pwede na isang taon bago makita niyang muli ang binata. Eh ano naman? That shouldn't matter. She'll just get back to the way she used to before he came back.

Pinilit ni Wynter na makatulog pero iba ang gusto ng isip niya. Naramdaman pa tuloy niya ang pagbukas ng pinto ng kwarto niya't pagsara nito. She then felt an arm wrapping her waist and lips softly kissing her nape and shoulder.

After seconds of doing those, the man stopped and sighed. "You're affected."

It was her turn to sigh. "A little. I don't know why."

"You still have me, Wyn. You have always had me," halos pabulong ni Mike.

Hindi na lang ulit nagsalita si Wynter at pinilit ang sariling matulog. Baka mag-away lang na naman sila ni Mike kapag nagkataon.

Morning came and Wynter had to work. Nang magising siya ay naguguluhan siya sa inaakto ni Mike. Hindi ito umalis bago siya magising katulad ng nakasanayan. Nagpumilit din itong sabayan siya habang nag-uumagahan. Nakita pa tuloy siya ni Angelo na binigyan ng mapang-asar na ngiti si Wyn.

In short, Mike acted like Dan. At sa totoo lang ay naiirita na si Wyn. Mike's trying to be someone he's not and it's pissing Wynter off.

"I'm off to work. Go home already," saway ng babae nang makalabas sa kwarto na naka-ayos na ng pamasok.

Agad namang tumalima si Mike saka ngumiti. "Ihahatid na kita sa trabaho mo," saad nitong nagpataas ng kilay ni Wyn.

"Anong trip mo?" Halatang naguluhan si Mike sa tanong ng dalaga. "Come on, Mike. Don't play dumb on me. Anong gusto mong mangyari? Ba't ka nagkakaganyan?"

He's even more confused. "Ano bang sinasabi mo?"

"Stop it. Ngayon pa lang itigil mo na 'yang plano mo—"

"Pero kung si Dan, ayos lang? Ganon ba 'yun?"

Wynter stressfully let out a sigh. "So here we go again, huh? Paulit-ulit na lang ba tayo sa usapang 'to, Cabrera?" Nagsisimula na siyang mapikon at ganoon na rin ang lalake..

"Yes, Vazquez," Malakas ang boses na sagot ni Mike. "And this all began when Daniel came into the picture—"

"Ano na naman ba? May iba rin naman akong nagiging lalake noon pero hindi ka ganito mag-react. Trip mo ba si Dan?"

"'Wag mo kong dinadaan sa kalokohan, Wyn."

"At 'wag mo rin akong tinataasan ng boses," she coldly said. "Continue to bring up this bullsh*t topic, and I assure you, you'll lose me." Wynter went out of her unit and completely left the building.

Iritado pa rin siya hanggang sa makarating sa trabaho. Napipikon siya sa ikinikilos ni Mike. Aaminin na niyang nagkakaroon ng puwang sa buhay niya si Dan, pero wala na dapat pakialam si Mike sa usapang iyon.

Buong araw tuloy wala sa mood si Wynter.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top