CAPÍTULO VEINTISIETE
CHAPTER TWENTY-SEVEN
NARAE, ANURAK, and Dominique stared at Wynter's puffy eyes. She was on the floor, head on the side of her bed, and she was unconscious in the real world.
May usapan kasi silang apat ngayong umaga na sabay-sabay silang mag-aalmusal sa bahay ng mga Vazquez, kaya lang ay nakailang tawag at text na ang tatlo sa babae pero hindi pa rin ito sumasagot.
Tinawagan ni Dom ang sekretarya ni Wyn at tinanong kung sobra ba itong busy kaya lang wala naman daw ito sa trabaho.
Narae called Autumn, and Anurak called Angelo. Both ask if she's in their mansion already but the siblings answer no as well.
Kaya naman napagdesisyunan ng tatlo na puntahan na lang ang dalaga sa unit nito, at katulad ng hinala nila ay naroon lamang ang babae. Ang hindi nila inaasahan ay ang kasalukuyan nitong sitwasyon.
Si Narae ang unang nakabawi sa pagkakabigla. "This... is..."
"New," sabay na pagtatapos nila Anurak at Dom sa sasabihin nito.
"I... Am I dreaming?" Hindi pa rin makapaniwala si Narae.
Mahina namang tinapik ni Anurak si Dom kahit ang mga mata ay nasa kaibigan pa rin nilang tulog. "Is it possible that she cried all night over a movie or a book?"
Dominique shook his head. "I haven't seen her like this. Ever."
Saglit na naman silang nabalit ng katahimikan bago muling umimik si Anurak. "What happened to her?"
Pare-pareho naman silang walang maisagot. "How about let's prepare something for her?" suhestyon ni Narae.
Agad naman silang tumangong lahat at nagsimulang kumilos. Anurak went to her kitchen and started cooking. Narae assisted her cousin. While Dominique carried Wynter and placed her properly on her bed. Inayos din nito ang kumot at unan ng babae.
"What happened to you, Wynter?" pabulong na tanong ni Dom habang hinahawi ang mga buhok niyang nakaharang sa mukha niya.
Naalimpungatan naman si Wyn sa ginagawa ng lalake saka dahan-dahang idinilat ang mga mata.
After adjusting, Wynter finally got a hold of the figure in front of her. "Dom. Anong ginagawa mo rito?"
Bumukas naman ang pinto ng kwarto niya't pumasok si Narae na may bitbit ng tubig. "Hi! Gising ka na. Finally," masayang wika nito saka tuluyan nang lumapit sa kanya at inabot ang baso ng tubig. "Here. Drink, Unnie. Baka na-dehydrate ka eh."
Walang lakas na naupo si Wynter sa kama saka tinanggap ang baso. She was quite an obedient dog that morning. Hindi rin naman siya tinatanong ng tatlo sa kung anong nangyari sa kanya at kung bakit ganoon ang itsura niya. She was actually thankful for their silence. Kahit naman kasi siya ay ayaw magkwento tungkol sa nangyari.
Ayaw ni Wynter na ipaalam na umiyak lang naman siya dahil sa isang lalake. Just because he rejected her intentions and asked her to stop, she cried relentlessly last night. Hindi ito ang Wynter Vazquez na kilala ng lahat. Hindi siya umiiyak. Hindi siya nagkakaganito dahil sa lalake. The world knows that she's a player, not a love sick fool.
"How are you feeling?" Anurak asked after she finished the breakfast he made.
Wynter showed a small smile. "Better. Thanks, An."
Narae gave her a side hug and caressed her back. "Nandito lang kami, Unnie."
"I know, Nar. Thanks for that," she softly replied.
Niligpit naman na ni Anurak ang pinagkainan niya saka lumabas ng kwarto. Dominique then tapped her shoulder. "Are you gonna be okay?"
Wyn nodded. "I can handle myself, Dom. Thanks for asking."
Saglit pa ulit silang nanahimik hanggang sa muling pumasok si Anurak sa kwarto at ipinaalala ang meeting nila with the owner of MG Styles. Everybody moved and left Wynter to fix herself.
Katulad ng ginawa noon kay Anurak, balak ng tatlo na libangin si Wynter hanggang sa maging maayos na ang pakiramdam nito. Walang iwanan sa tropahang iyon.
While on the drive to the MG Styles' main boutique, Wynter grabs a hold of her wallet and noticed a card. She took it and recalled how she got it. Wait. I remember it now. The persistent restaurant guy. She was about to crumple the card when she realized something. I shouldn't be devastated just because of a man. Wynter planned to make this experience nothing but a one-night event. Tonight, she'll play like how she used to. Tonight, I'll play wildly like before.
WEEKS AFTER the non-stop preparations for the anniversary blast, Wynter found herself performing and enjoying every second of the party. Walang tigil niya ring pinipikon ang matalik niyang kaibigan dahil mukhang wala pa rin itong planong umamin sa kapatid niya. Madalas tuloy siyang tanungin ni Angelo kung bakit panay pa rin ang pag-oo niya sa mga lalakeng mag-aalok ng pampainit sa gabi.
Nag-vacation leave na rin muna si Wynter. Isang buwan muna siya sa Thailand at dito pansamantalang mananatili habang nagpapahinga. Nandito rin naman kasi yung tatlo kaya lumagay na rin siya sa bansa kahit gusto niya sanang mag-iiikot sa mundo.
She also planned visiting her father's country kaya lang baka next week na lang at gusto talaga siyang makasama ng tatlo, lalo na si Narae. Habang busy kasi ang bunso nila sa tropa para sa anniversary ng LUST DAWN ay busy rin si Anurak sa kasal nito. Kaya ang Narae ay grabe na lang sa pagka-clingy sa kanya.
Naiiling na lang si Wynter nang makitang nakabusangot si Narae habang kumakatok sa nakabukas naman niyang pinto ng kwarto. Kasalukyan silang nasa penthouse at sa totoo lang ay na-miss ni Wyn ang kwarto niyang iyon.
"What is it?" tanong niya sa dalaga.
Narae pouted even more and went to her bed to hug her. "Unnie, ikakasal na si An," nanlalambing na sabi nito.
"I know. Nakalagay naman sa invitation," pang-aasar ni Wyn.
Sinamaan naman siya ng tingin ni Nar saka muling ngumuso. "I'll miss him."
She slowly caressed the baby's hair. "Eh bakit mo sa akin sinasabi? Besides, it's not like he's gonna die—"
"Unnie naman eh." Mas lalong sumimangot ang babae. "I don't know why but I just feel a bit sad. I would no longer be his baby."
Napangiti naman si Wyn. These two's relationship was more than just as cousins. They were brothers and sisters. Kaya naman naiintindihan ni Wyn ang isipin ng babae. "It's normal, Narae. But remember this, Anurak would always be your older brother and you'll always be his baby sister."
Narae let out a deep sigh. "Yeah. I guess so. Ang importante ay maging masaya si An at mahal siya ng taong pakakasalan niya."
"Yes, indeed."
Inangat ni Narae ang tingin sa kanya. "By the way, Unnie. Ready ka na for the dress fitting tomorrow? I'm so excited," nakangiti nang wika nito na ikinangiti rin ni Wyn.
"Don't tell me too much skin will be exposed," pagtataray ni Wynter. Iba kasi ang kislap ng mga mata ni Narae eh.
The lady grin even more. "An asked for my suggestions about our dresses, ibinigay ko lang naman ang mga gusto ko. Plus sa beach naman daw ang wedding at reception, edi ang daming guys na topless sa kabilang part, diba?"
Napailing naman si Wyn habang mahinang natatawa. "Baliw ka talaga. Palibhasa ina-arrange ka na rin ng dad mo."
Muling nawala ang mga ngiti sa labi ni Nar. "Ito namang si Unnie, pinapaalala pa eh." Natawa na lang si Wyn. "But yeah, I'm enjoying my single life. Kasi naman pakiramdam ko malapit na ring mag-propose 'tong si Dom, Unnie. I can see him surfing the internet for wedding proposal themes and ideas." Napangiti lalo si Wynter sa narinig. Finally. "Eh ikaw, Unnie? Kailan mo planong magpakasal?"
She shook her head. "I have no plans to get married, Nar." Halata namang hindi siya pinaniwalaan ng dalaga pero hindi na lang ito umimik. Wala naman na talaga siyang planong mag-asawa. No plans of getting married, not even falling in love. Nothing at all.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top