CAPÍTULO VEINTISÉIS


CHAPTER TWENTY-SIX

BUT OF course, Wynter is still a stubborn lady. Kahit sarili niya ay hindi niya pinakinggan. Kapag nagkakaroon ng pagkakataong nagkakasalubong sila ng binata sa condominium o kahit sa mismong tapat ng kanya-kanyang unit ay pilit pa ring kinakausap ng babae si Dan. Katulad na lamang ngayon.

"Hi, umm... gusto mong mag-lunch sa Heaven's Taste? Pupunta ako ngayon doon eh," pagyayaya ni Wynter. She's hoping that her seventh try will be a successful one.

Ngumiti naman saka umiling si Dan. "Sa susunod na lang, Emy." 'Yan din ang sinabi mo sa akin nung isang araw, at noon pang nakaraan. "Magluluto na rin kasi ako ng tanghalian ko. Salamat na lang." Kumaway pa ito bago tuluyang pumasok sa unit nito.

Bumagsak naman ang mga balikat ng babae saka walang emosyong dumiretso sa elevator. Bumabawi ba siya? Alam ko namang hindi niya rin ako mapilit noon pero seryoso? Binabawian niya ako? Naiiling na lang si Wynter habang naghihintay.

Wala pa rin sa sariling nakarating si Wyn sa Heaven's Taste. Totoo naman kasi talaga siyang pupunta roon dahil may usapan silang apat na magpa-plano para sa magaganap na anibersaryo ng club nila. But she really wanted to ask Daniel out for lunch. She badly wants to deny it but what's the purpose anyway? Obvious naman nang miss niya na ang lalake.

"At nakabusangot na naman siya," wika ni Anurak nang makarating si Wynter sa table nila.

Nagpalumbaba naman si Narae na katapat niya. "Tinanggihan na naman ang offer mo, Unnie? So sad," pang-aasar nito.

Nakita naman niyang umiiling ang katabi niya. "The infamous Wynter Emerald Vazquez keeps getting rejected by the same guy. Magpapa-party ba tayo?" sarkastikong tanong ni Dom.

Wynter's glare automatically flew from Narae to Dominique. "Shut the hell up," wala sa mood niyang sabi.

The three kept on tsking and shaking their heads. Sa ilang araw nilang pananatili sa bansa ay parati na lang nilang nakikitang nakabusangot ang dalaga. Wala nang pinagbago. Lagi na lang itong bigo sa pagyayaya sa lalake.

Personally, Narae was a bit confused. Natatandaan pa kasi niya ang usapan nila ng lalake noon sa LUST DAWN bago nag-walk out si Wynter. Kaya naman nagtataka siya kung bakit kung kailan lumalapit ang Unnie niya rito ay saka ito ang lumalayo't umiiwas. What's happening?

Wynter was preoccupied All throughout their lunch. Hindi na kasi siya makaisip ng iba pang paraan para mas masinsinan na makausap at makumusta si Dan.

From being the most stoic and player of the group to being the one who chases someone. Wynter could have never imagined herself in that situation. May sumpa ba talaga sa aming magkakaibigan at pagkatapos nila Dom at An ay ako na?

Simula kasi nang matapos ang totoong relasyon nila ni Mike, sinigurado niya na sa sariling hinding-hindi na siya muling mahuhulog sa kahit sino. Because for her, no one deserves Wynter Emerald Vazquez but herself.

Pero sa sitwasyon niya ngayon, bakit parang handang-handa siyang ibigay ang sarili kay Dan? Bakit parang sa isang iglap, nagbago ang isip niya? At bakit sa dinami-raming lalakeng nakilala niya, mukhang bumalik pa rin siya sa lalakeng una niyang nagustuhan noong high school pa siya?

Napailing na lang si Wynter saka ibinalik ang atensyon sa mga papeles. Nakabalik na siya't lahat sa opisina niya pero ang isip niya eh naiwan sa lakakeng nakatira sa unit na katapat ng kanya.

Anurak, Narae, and Dominique continued searching for the MG Styles' shop. Ang mga siraulo niya kasing mga kaibigan ay ayaw hanapin ang address ng shop sa internet kahit pwedeng-pwede naman. Ang rason nila? "We're idolizing Dora."

Muling napailing si Wynter. Mga baliw nga ang mga kaibigan niya pero nung mga panahong paulit-ulit nare-reject ang offer niya ay nakaalalay naman ang mga ito.

Wynter was actually thankful that Martina Gill stays in the Philippines, or else Narae and her friends wouldn't have thought of actually staying in the country for weeks.

Napabuntong hininga si Wyn nang matapos lahat ng papeles na kailangang pirmahan, mapa-Heaven's Taste man o sa psych center niya. Gugustuhin pa sana niyang magtrabaho pa para hindi niya maisip si Dan nang pumasok si Ella sa opisina para sabihing wala na silang kailangan pang gawin sa araw na iyon.

Napagdesisyunan na lang ni Wyn na hindi na tawagan ang mga kaibigan niya't dumiretso na lang siyang mag-isa sa mall para makapag-ikot ikot. Kaysa naman magmukmok siya sa unit niya, tapos iisipin niya lang nang iisipin si Dan.

Nang makarating sa mall ay naglakad si Wyn papunta sa kinaugalian niya. She browsed for books, and when nothing got her attention, she randomly took a novel and bought it.

Malapit na rin namang maghapunan kaya nagpunta na lang siya sa isang restaurant. She read some chapters of the book there as she enjoyed her meal.

Wynter was in the middle of the story's world and the savory taste of her steak, when a man sat on the chair across from her. Wala na sana siyang planong pansinin ito kaya lang tumikhim ang lalake, hudyat na gusto nitong makuha ang atensyon niya.

"Yes?" mataray na tanong ni Wyn.

The man with hazel eyes smiled and offered his hand. "Jacob Fayen."

Hindi naman ito pinansin ni Wyn. "What do you need?"

"You're Wynter Vazquez, right?" nakangiti pa rin nitong tanong.

Nawalan ng emosyon ang mukha ni Wyn. She did not talk anymore and focused on her book. Unfortunately, the man was persistent.

"A psychiatrist and a well-known businesswoman. Why does a beautiful lady such as yourself eat all alone?"

Hindi pa rin sinagot ni Wyn ang lalake at tuloy pa rin siya sa pagbabasa at pagkain. Pero narinig niya ang mahina nitong pagtawa.

"Well then, I guess the rumors are true. You don't talk to people who don't interest you." Narinig ni Wyn ang paglapag ng something sa lamesa, gawa ng lalake. "But I might have something you'll be interested in. I'm still taking my chances. Have a great evening, Dr. Vazquez." Tuluyan nang umalis ang lalake at hindi naman ito pinansin ng babae.

After finishing her dinner, she closed her book and was about to stand up and leave, when she saw a calling card on the table. She picked it up and read the name of the owner.

"James Fayen," pabulong niyang basa. Who the hell is he?

Napailing na lang si Wynter saka itinago ang calling card at tuluyan nang lumabas ng restaurant. Dumaan muna siya sa isang ice cream store bago napagdesisyunang umuwi.

After she arrived at the condominium, Wynter took a deep breath and sighed. Here I go again.

Wynter was still arguing with herself if she'll knock on Daniel's unit door and invite him for snacks or tomorrow's breakfast when suddenly he went out of his unit and blinked numerous times before smiling at her. "Good evening, Emy," bati nito sa kanya.

Agad namang natigilan si Wynter at naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso niya. Bagay na laging nangyayari sa kanya nitong mga nakaraang araw.

"I'll go ahead—"

"Wait," agad na pigil ni Wyn sa akmang pag-alis ng lalake. "I-I just wanna ask if you want to have breakfast with me tomorrow."

Halatang natigilan si Dan saglit bago nakabawi agad at ngumiting muli. "Sorry, Emy. Next ti—"

"Next time na lang?" She let out a humorless chuckle. "Don't get me wrong, Dan, but are you avoiding me?" deretsahan niyang tanong. "Let's clear it all out tonight para hindi na kita maistorbo bukas at sa mga susunod na araw," she casually said as if she can't feel her heart was shattering.

Napakamot naman ng batok si Dan saka nawala ang ngiti sa mga labi nito. "I'm sorry, Wyn, but please stop."

She hid every emotion that might've been visible on her face. All Dan could see was nothing. "Okay, then. Thanks for clearing it out. Goodnight."

Wynter acted like she wasn't affected at all. She went inside her unit and into her bedroom. And for the very first time, Wynter's tears came rushing down. Something she never wanted nor expected to do.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top