CAPÍTULO VEINTIOCHO


CHAPTER TWENTY-EIGHT

ANURAK'S MOST awaited day has come. Wynter saw how happy her friend was. The love was obvious on his and his partner's faces. That's something Wynter can never achieve. Bawi na lang siguro sa next life. Napailing na lang si Wyn.

"...have promised to give yourselves to one another, to love each other through your sacred vows, and through the giving and receiving of these rings, I have the great honor and pleasure to now pronounce you married! Seal this ceremony with a kiss!" wika ng judge na nagpahiyaw sa mga bisita.

Anurak and his lifetime partner shared a kiss in front of their guests, family, and friends. He looked so in love and satisfied with the event. Siguro nga iyon talaga ang nararamdaman ng isang taong nagmamahal at minahal. Something I would find difficult to feel. Wyn let out a small smile.

"Ayy bongga oh! You're smiling. Kinikilig ka, Unnie? O naiinggit na? Magpakasal ka na kasi." Sunod-sunod ang mga sinasabi ni Narae na hindi na maintindihan ni Wynter kung ano ang mararamdaman.

"As if naman madali lang maghanap ng pakakasalan. Palibhasa may nakalaan na para sayo," sagot naman niya sa babae.

Inirapan lang naman siya ni Narae. "Appa talked to me. If I won't be able to find the perfect man for me, he'll wed me to this Mr. Park. See, Unnie? Pangalan pa lang parang ang tanda na. Hala! What if bad guy siya? Unnie, help me convince Dad to stop with the marriage."

Napailing naman si Wyn. "Then start looking for your perfect man." She even quoted in the air at the mention of the perfect man.

"Opo na. Hindi na nga madaling maghanap ng pakakasalan," pag-alala nito sa sinagot niya kanina. Pareho naman silang natawa saka muling tiningnan si Anurak. "They're happy, 'no Unnie?" Wynter nodded as she smiled. "Kailan kaya tayo? Paniguradong next year na si Dom eh."

Mas lumaki ang ngiti ni Wyn. "Buti naman kung ganon. But like I said, wala naman kasi talaga akong planong magpakasal so bahala na." Nilingon niya ang babae. "How about you?"

Narae shrugged. "Dad wanted me to get married at twenty-eight," she casually replied.

"Pero hanap muna kay perfect man habang twenty-six, ganon?"

The lady chuckled. "Yeah."

Saglit pa silang nag-usap tungkol sa iba't ibang plano sa buhay pati na rin ang pasko nila hanggang sa mag-announce na lilipat na raw ng lugar para sa magaganap na reception.

Nasa iisang lamesa sila Wynter, Narae, Dom, Angelo, Autumn, at ang kaibigan ng asawa ni Anurak. Hindi naman sila naiilang magkwentuhan, well... maliban kela Angelo at Dom.

Napailing na lang si Wynter. My best friend's as slow as a sloth, and my brother is as dense as the water. What a great combination. Note the sarcasm.

Nang matapos ang programa at isa-isa nang nagsi-uwian ang mga bisita ay umupo na rin sa pwesto nilang magkakaibigan ang bagong kasal, saka sila nagkwentuhan at inuman bago tumuloy ang mag-asawa sa honeymoon.

"Bakit pala walang bato-bato ng kahit ano para sa susunod na ikakasal?" nagtatakang tanong ni Angelo sa mag-asawa.

Natawa naman si Narae. "Kasi Oppa, alam na raw kung sino ang susunod na ikakasal. Am I right, Dom?" Ngumisi pa ng nakakapang-asar ang babae.

Agad naman itong sinamaan ng tingin ni Dominique saka inubos ang champange sa baso. Natawa na lang din tuloy si Wynter. Nakita niya rin ang pagbabago ng emosyon sa mukha ng kuya niya na mas ikinatawa niya. Ayan! Let me guess, Hermano thought it was mine and Dom's wedding next year. Napailing na lang siya.

"How about you, P'Wyn? Any plans settling down?" tanong ng asawa ni Anurak.

Nakaisip tuloy ng kalokohan si Wynter. She put her arm around Dominique's shoulder before saying, "I may have, once Dom proposes." She even smiled.

Nakita niya ang lalong pagsama ng mukha ni Dom at ang pag-iwas ng tingin ng kuya niya sa kanila. Natawa lang naman sila Autumn, Narae, at Anurak. They do know what she meant anyway.

"Eh paano naman ang ating Autumn? Bawal kang kumawala, girl." Narae tapped her younger sister's shoulder.

Autumn frowned. "I still am busy with Heaven's taste. Saka bata pa ako," sagot naman nito. "Halos magka-edad lang din naman tayo, Nar ah. Ikaw ba? Do you have plans?"

Mabilis na umiling si Narae na para bang nandidiri. Natawa na lang siya dahil napag-usapan naman na nilang dalawa ang bagay na 'yun.

"How about you, P'Angelo?" tanong ng kaibigan ng asawa ni Anurak.

May munting ngiti sa labi nito na halatang pilit. "I choose to be a free bird, until someone plans to catch me." Pasimple pa nitong tiningnan si Dom na ikinangiti nilang tatlong magkakaibigan. Mukhang napansin nila ang mga tingin na 'yun maliban sa madilim na mukhang si Dom.

Nagkwentuhan pa silang magkakaibigan hanggang sa maubos na nila ang mga inumin at napagdesisyunan nang umuwi na. Kakailanganin pa rin naman kasi ni Wyn na bumalik sa Pilipinas dahil may trabaho pa siya bukas at wala na siyang vacation leave na magagamit.

Sumabay naman sa kanya ang dalawa niyang kapatid. Narae stayed there with the other best man. Si Dom naman ay pumunta na lamang sa lugar ng ama nito para roon magpalipas ng gabi. Sa hindi namang malamang dahilan ay naisipan ni Wynter na magpakalasing sa bar ng private plane nila. Napilitan tuloy sila Autumn at Angelo na ihatid ang dalaga unit nito.

Actually, Wynter knew the reason why. Ayaw niya lang na namang magsabi sa mga kapatid. Dahil sa kasal-kasal na 'yan eh naalala na naman niya si Dan.

She swears she was just waiting for Dominique to make a move and clear everything to her brother so she could clear her feelings for Daniel as well. But since her best friend is taking too much time, she remained attached to him. Kahit gustuhin niya sanang ipagpilitan ang sarili kay Dan ay hindi niya magawa.

Kahit ang totoo ay sa ilang buwan na nakalipas ay hindi niya makalimutan ang lalake. Na ang totoo ay pinipilit na lamang niya ang sarili na maniwalang naka-move on na siya pero ang totoo ay hindi. Na ang totoo ay minahal naman talaga niya ang lalake kahit hindi niya pa alam noon.

That was the sole reason why she treats him differently from Mike. That was the real reason but she was too busy to even admit that to herself before.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top