CAPÍTULO VEINTIDÓS
CHAPTER TWENTY-TWO
SABAY-SABAY ring nakatapos ang tatlo sa pagkain at ang mga kasama nila ay kasalukuyan pa ring kumakain. Ayan! daldalan pa kasi, Wynter commented.
Nang mapansin ng lahat na tumigil na sa pagkain ang tatlo ay sinimulan na ni Summer ang pang-iinterrogate. "So, Mike, Dan, do you have a girlfriend?"
Mike was the first one to talk. "I'm still not interested in relationships, Tita," nakangiti nitong sagot.
"May inaayos pa pong kasalukuyan pero may plano naman pong magkaroon," magalang namang sagot ni Dan.
Napatango naman si Summer. "So as of now, you're more on flings? 'Coz I know for sure that that's what my Wynter here has been doing," natatawang saad ng ginang.
Wynter just shrugged. As if it's not true. Mom knows it anyway.
Pareho namang nahihiyang tumango ang dalawang lalake, pero nakuha pa ring sumagot ni Dan. "May sineseryoso naman po ako kaya lang po hindi pa siya handa."
Sakto namang pumasok ang mga maid na may dala-dalang dessert para sa kanilang tatlo at kahit papaano ay may kinabu-busyhan si Wynter.
Nakangiti habang malalaki ang mga matang nakatingin si Summer sa binata. "Sana lahat may sineseryoso. Ito kasing si Wynter eh walang sineryosong tao. Masyado ata siyang nagseryoso sa pag-aaral at trabaho na hanggang ngayon ay walang naging kasintahan."
"I don't want another headache, Mom," depensa ni Wyn sa sarili.
"Wala pa ho siyang nagiging kasintahan?" takang tanong ni Dan. Mukhang hindi ito aware na inilihim lang nila ni Mike ang naging relasyon.
Summer shook her head dramatically. "Kaya nga ang laki ng pag-aalala kong baka tumandang dalaga 'yang batang 'yan eh. Gusto ko pa naman din ng apo."
Wynter flatly looked at her mom. "I can adopt a child and provide for her or him without a husband, Mom."
Nagkunwari namang naluluha si Summer. "See? Masyado akong pinag-aalala ni Wynter."
Napailing na lang ang dalaga saka bumalik sa pagkain ng dessert. Mahina namang natawa ang iba pa nilang kasama sa hapagkainan hanggang sa magsalita si Manuel, ang ama ni Mike. "Si Mike rin eh inaalala namin. Ang hilig mambabae nung mga nakaraang taon pero agad namang tumigil. Akala nga namin eh dahil may nakapagpatino na sa kanya pero ang rason niya lang ay gusto na lang niyang seryosohin ang pagdo-doktor," naiiling na wika ng matanda.
Agad naman itong sinegundahan ni Pearl. "That's true! Nako! Kaya nga sinabihan ko 'yan na itatakwil ko siya kapag hindi pa siya nakahanap ng pakakasalan sa edad na bente-nuebe eh."
"Mom," pagsaway ni Mike sa ina niyang hindi rin naman siya pinansin.
"How about you, Dixie and Darius? Kailan balak ni Dan magpakasal?" tanong ni Pearl sa mag-asawa.
Darius shrugged. "Kung kailan niya gusto."
"As soon as he solves his own problems and finds a woman who'll love him unconditionally, he can marry. Sana nga lang ay hindi siya abutin ng siyam-siyam."
"Ma naman," saway rin ni Dan sa ina na hindi rin naman siya pinansin. "Parang wala ako rito ah," bulong naman ni Dan na narinig ng katabi niyang si Wyn at ng kaibigan niyang si Mike.
"Same," sabay na bulong nung dalawa.
Tumigil naman na sa topic na iyon ang mga nag-uusap, kaya lang ay nagsalita ulit ang ina ni Mike. "Pero seryoso, gusto ko na ng apo."
"Pareho tayo," agad namang sagot ng ina ni Wynter. Napailing na lang sila Wyn at Mike at sabay na napabuntong hininga. Nagpatuloy na lang sa pagkain ang dalawa, nang muling umimik si Summer. "How about let's arrange Mike and Wynter? What do you think?" Agad natigilan ang dalawa.
Nakangiti namang tumango-tango ang ina ni Mike. "I would like that—"
"Ma!" sabay na sigaw nila Mike at Wyn. Parehong nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya-kanyang ina.
"Wynter, don't raise your voice at me," seryosong salita ni Summer.
"Mike, umayos ka riyan," Peal threatened her son.
Humarap muli si Summer kay Pearl saka ngumiti na para bang walang nangyari. "As I was saying, bagay naman sila. Pareho pang doctors and they're friends. Panigurado ring magaganda't gwapo ang mga magiging apo natin—"
"No," matigas na saad ni Wyn. She seriously faced her face. "With all due respect, Mom, I don't want another fixed marriage." Natahimik ang lahat sa sinabi niya. Kahit sila Autumn at Angelo ay nag-aalalang nakatingin sa kanya. "No more arranged marriage, mom. I'm already fed up with Dom's," pagrarason niya. Hindi pa rin naman kasi alam ni Angelo na hindi na matutuloy ang kasal nila ni Dom at itong nanay niya ay nagpadalos-dalos sa desisyon. She stared at her mom meaningfully. "I'm still attached to Williams, am I right, Mother?"
Mukha namang nakuha ni Summer ang ibig niyang sabihin saka tumango at ngumiti kay Pearl. "Right, I forgot about that man. Ilang araw ko na rin kasi siyang hindi nakikita," pag-iiba ni Summer ng usapan. "Forgive me, Pearl, but my daughter is already arranged with our friend's son."
Alanganin namang ngumiti ang ina ni Pearl. "That's okay. We were just overwhelmed."
Napatingin naman si Wynter sa kuya niya. She saw how his expression changed at the mentioin of hers and Dominique's wedding. Ang bagal naman kasing kumilos ng lalakeng 'yun eh. One of these days, uunahan ko na talaga siya.
Tuluyan na ngang nanahimik ang lahat at tinapos ang hapunan. Nagkanya-kanyang uwi naman sila pagkatapos ng dessert. Wynter then approached her mom and talked to her privately.
"I admit that forgetting about the Williams and your brother's situation is my mistake, but matching you with one of those bachelors isn't," huling sabi ng kanyang ina bago nito inihatid ang mga mag-asawa.
Napabuntong hininga naman si Wynter saka lumabas na rin ng kanilang bahay. Katulad ng pagdating nila ay sasabay ulit siya kay Dan pabalik sa condo. Nang makapagpaalam na sa isa't isa ay mapayapa silang nakabalik na tatlo sa unit ni Wyn. But then of course, it won't be peaceful once we get inside. Naramdaman ni Wyn ang excitement.
"So... engage ka pa rin after the failed wedding? Pinasabog yung simbahan, diba?" nagtatakang tanong ni Dan nang makasakay sila sa elevator.
"Napanood mo naman ata sa balita, so yes. Pinasabugan lang naman kami," walang ganang sagot ni Wyn. Hindi naman kasi aware ang dalawa sa maaksyong parte ng buhay niya. Also, according to the news, nadamay lang ang kasal nila ng isang terrorist attack.
"When will the wedding be?" tanong naman ni Mike.
All she could respond was a shrug. Hindi naman na kasi matutuloy ang kasal. Dominique is for my brother. Pero sana naman bilisan niya ang galaw, diba?
"But what you're doing... I mean your relationship with Mike, is it okay with your fiance?" nag-aalangan na tanong ni Dan.
Sakto namang bumukas na ang pinto ng elevator at nakababa na sila. "Yeah. I mean we're open. Kapag nakasal na edi doon titigil. Right, Mike?" Bahagyang nilingon ni Wyn ang binatang nasa kaliwa niya.
"Yeah," halos mahinang sagot nito.
Binuksan ni Wyn ang pinto ng unit niya saka sila pumasok. "So how about we eat snacks first, hmm? Nagutom ako sa byahe," Wynter suggested, loosing up the building tension among the three of them.
Pumayag naman ang dalawa saka nagsimulang magluto ng popcorn si Dan at nagtimpla naman ng juice si Mike. Si Wynter na ang nag-ayos ng mga baso at bowl na gagamitin nila.
Nang matapos ang lahat ay pinagsaluhan nila ang pagkain at ang init ng kanilang mga katawan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top