CAPÍTULO VEINTICINCO
CHAPTER TWENTY-FIVE
"YOU'RE DAYDREAMING again, Vazquez," pangatlong beses na saway ni Dominique sa kanya.
Wynter heavily sighed. "My bad. What were you saying again?" tanong niya pero ang mga mata ay lumilipad papunta sa kabilang table.
He's here. I can finally see him. I'm not yet drunk, am I? Gulong-gulo na si Wynter sa iniisip.
Simula nang makapasok silang apat sa club at nakita niya ang lalake ay doon napunta ang buong atensyon niya. She's actually being st*pid for not knowing what to do and for overreacting.
Kailan pa siya nakabalik? Would he still stay in his unit? O baka naman mawawala ulit siya. Napailing na lang si Wynter sa iniisip hanggang sa maramdaman niyang may pumitik ng noo niya. "Hey! Who did that?" asar niyang tanong sa tatlong nakatingin pala sa kanya.
"I did. May reklamo ka?" nakataas ang kilay na tanong ni Dom sa kanya. All she could ever do was tsked. "What is your problem anyway? Why do you keep spacing out? Didn't you want to be here?" sunod-sunod na tanong nito.
Wynter sighed. "He's here," she said, almost as a whisper.
"Who?"
"Khrai?"
"Nugu?"
She couldn't help but roll her eyes. Weird people. "Dan."
One word from her and everyone kept quiet. They were just staring at her.
"Eodi?"
"Where?"
"Thī̀h̄ịn?"
Napabuga ng hangin si Wyn saka tiningnan ang direksyon ng tinutukoy. "Don't be obvious."
Sabay-sabay na lumingon ang tatlo sa tinitingnan ni Wyn kaya napailing ang dalaga. Sinabi nang 'wag obvious eh.
Unang nakahanap si Narae. "OMG! Nakita ko na!" Saglit pa itong napatitig sa binata. "In fairness, Unnie. Mas gumwapo si Oppa ha?" Ang kaninang nakasimangot na si Narae ay nakangisi na ngayon.
Agad naman niya itong sinaway. "Sumimangot ka na lang ulit. Don't look at him with adoration—" Agad tinakpan ni Wyn ang bibig niya matapos mapansin ang sinasabi. Malalaki ang mga matang nakangisi sa kanya si Narae. She quickly shook her head. "You did not hear any possessive words from me." Wyn then glared at her friend.
Halata namang pinipigilan ni Narae ngumiti. "Wala naman kaming sinasabi, Unnie. Ikaw talaga masyadong defensive. Napaghahalataan tuloy—Luh! Kalma lang naman, Unnie—Ate Wyn naman eh!" sunod-sunod na reklamo ni Narae nang pagbabatuhin siya ni Wynter ng chips.
Naiiling naman si Anurak habang natatawa sa itsura nilang dalawa ni Nar. "Hey, stop it already. Pinagtitinginan tayo ng iba eh. Taken na ako, bawal na akong pagnasaan."
Sabay-sabay namang umikot ang mga mata nilang tatlo. "Si Dom kasi, ang kupad kumilos." Tiningnan ni Wyn ang matalik niyang kaibigan. "Kapag talaga ikaw naunahan sa kuya ko, ngangawa ka," pang-aasar pa niya.
"I'm looking for the perfect time," paliwanag nitong hindi naman nila pinaniwalaan.
"How about you, young lady? Bakit pala naka-nguso ka kanina?" Itinaas pa ni Wyn ang isang kilay.
Muling sumimangot si Narae saka sumalampak ng upo sa kaninang pwesto nito. "Eh kasi naman, Unnie. Kung kelan ako bumalik loob sa panghaharot ng members ng club natin, saka naman binuksan ni Appa yung tungkol sa kasal." She held both of her cheeks and dramatically faced Wynter. "Imagine, Unnie. Ikaw ngang twenty-eight na eh hindi pa kinakasal, ako pa kayang twenty-six pa lang? I'm still so young, Unnie," pagda-drama ng dalaga.
Wynter rolled her eyes. "If I were you, check the guy out. Malay mo type mo pala. Para at least hindi ka tatandang maaga."
"Like you?" pang-aasar ni Narae na agad sinamaan ng tingin ni Wynter. Napailing naman si Nar. "Just kidding, Unnie. I'll try, but I'm not promising anything. I'm still in the mood of seducing the life out of those men."
Pansamantalang nawala sa isip ni Wynter ang lalakeng nasa kabilang lamesa na ngayon ay nakatingin na sa kanya at may maliit na ngiti sa mga labi.
Nang tuluyan nang matapos ang pagk-kwentuhan nilang apat ay hinatid na lang ni Wyn ang tatlo sa isang hotel na tinutulayan pala nito bago dumiretso sa opisina niya kanina. Kanina lang kasi nabanggit ni Dom ang tungkol sa plano ni Narae para sa fifth anniversary ng LUST DAWN. At ayon sa dalaga ay hahanapin nila si Martina Gill ng MG Styles for their outfits.
Buti na lang talaga at hindi talaga sanay si Wyn na magpakalasing ng sobra at nakapag-drive pa siya pabalik sa unit niya. Hindi na rin natuloy ang plano niyang paghahanap ng lalakeng magpapainit sa gabi niya.
Akmang bubuksan niya ang pinto ng unit niya nang mahulog ang susi niya. Nang mapulot ay saka niya naalala ang nakitang lalake sa club. Narae was right though, he looked a lot more handsome than he was before. Napailing na lang si Wyn. Nasaan na kaya iyon?
Thinking that he might be inside his unit, Wynter turned her back, only to freeze at the sight of the man of her thoughts. "Dan..."
Daniel smiled a little. "Hey. Nakita kita kanina sa club."
Wynter's eyes grew wider before blinking numerous times and staring back at him. "Right. Nakita rin kita roon. Celebrating something?" nag-aalangang tanong ni Wyn.
Ngumiti naman ang lalake. Pala-ngiti pa rin talaga siya. "Nagkayayaan lang."
"Ah..." Napatango-tango na lamang si Wynter saka wala nang maisip na sasabihin o itatanong. "Ahm... W-Would you want a cup of coffee?" Agad nanlaki ang mga mga ni Wynter nang mapansin ang tinanong niya. "I-I mean... K-Kung gusto mo lang naman." She cleared her throat. "Yeah." Gusto nang magpakain ni Wynter sa lupa dahil sa nangyayari.
Hindi naman nawala ang ngiti sa labi ni Daniel. Napakamot ito sa batok bago nahihiyang ngumiti. "I would love to, kaya lang inaantok na ako eh. Sa susunod na lang, Emy."
She blinked numerous times before forcing herself to smile. "O-Of course. Sure. Uhm... I... I better get going as well. Goodnight, Dan." Nagmamadaling pumasok si Wyn sa unit niya sakay mabilisang sinara ang pintuan. "What the hell are you doing, Wynter? What the hell was that?" tuloy-tuloy niyang pinagalitan ang sarili hanggang sa makapasok siya sa kwarto niya't nagplanong maglinis ng katawan bago tuluyang nahiga sa kama.
I should not do that again. Stop it already, Wyn. Pagsaway niya sa sarili. Puinilit niyang matulog at tumigil sa kaiisip sa lalake. This is not normal for Wynter Emerald Vazquez. Fix yourself, woman. Hindi pwedeng muli siyang mahulog sa taong hindi siguradong sasaluhin siya. Nakakasawa na masyadong masaktan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top