CAPÍTULO TREINTA Y CINCO
CHAPTER THIRTY-FIVE
THE MOST awaited Dominique's and Angelo's wedding came everyone was happy for them. Hindi na rin naman nagulat sila Wyn, Narae, at Anurak nang malamang nung taong din 'yun ikakasal ang dalawa. Dominique didn't want to wait much longer.
Matapos ang kasal ay ilang buwan lang ang nakalipas nang malaman nilang may inampon ang kuya niya at ang matalik niyang kaibigan. It was one of the kids that Dom saved on their previous mission. At hindi na rin nagtaka si Wyn nang malamang umampon din ng bata mula sa parehong adoption center si Anurak. She heard them talking about it.
Both of her friends had a family they would call their own. Then Narae... well, she's still negotiating with her father, but I guess she'll have her wedding this year. Hindi talaga nakatakas ang babae sa arranged marriage na iyan.
So a couple of years ago, Anurak had his wedding. Last year was Dom's. This year would be Narae's. Then... kailan kaya ako?
Mahinang natawa na lang si Wyn saka ibinalik ang atensyon sa mga papeles na inaasikaso niya simula nang dumating siya sa Thailand.
Pansamantala niyang iniwan sa Pilipinas sina Dan at Damien para makapag-focus siya sa trabaho sa club. Kasalukuyan kasing nasa States sila Dom at ang kuya niya, habang nasa Korea naman si Narae at inaasikaso nga ang kasal nitong sapilitan. Si Anurak naman ay nasa bahay nito at inaalagaan ang anak nila. So Wynter was left all alone in the club. Buti na lang talaga at sarado ito tuwing umaga at kayang mag-function mag-isa kapag gabi.
It was an afternoon in Thailand and Wynter's all alone in their penthouse's living room. She focused on the club's financial documents. Inaayos na rin ni Wyn ang magaganap na renovation sa club kaya kakailanganing ipasara ito ng kahit dalawang linggo.
Nasa kasalukuyan siyang nagbabasa ng profiles ng mga naga-apply for membership nang may biglang tumugtog na piano. Wynter was well aware that she's the only one in the club, so who's playing the piano?
Hindi fan ng horror movies si Wynter kaya naman pinilit niya na lang ang sarili na mag-focus sa inaasikaso. Unfortunately, the music did not stop. Huminga nang malalim si Wynter saka dahan-dahang tumayo.
I locked the gates, the doors, even the windows. How could anyone possibly enter the club? Gulong-gulo na ang isip ni Wyn habang naglalakad pa rin siya ng dahan-dahan papalapit sa stairs nila, pababa sa second floor ng club.
She was almost at the staircase when suddenly, her phone rang. Agad napatalon sa gulat at takot si Wynter. For someone who can easily shoot someone on the head, why the hell do I get easily surprised? Paulit-ulit niyang pinagalitan ang sarili habang naglalakad papunta coffee table para kuhanin ang phone niyang nagri-ring pa rin.
"Hello, Nar?"
(Unnie! I'm finally free from Appa's shackles and I badly wanna drink!)
Wynter sighed and stared at her papers. "When would you wanna drink?"
(How about now, Unnie? At dahil magpapakalasing ako nang bongga with matching party party, how about you wear the dress I bought you last week?)
She raised an eyebrow. "Don't tell me magb-bachelorette party ka na kaagad."
(Kuhang-kuha mo, Unnie! Anyways, make it fast okay? Make sure to wear the one I bought. The white one, okay?)
Napabuga na lang siya ng hangin. "Oo na," napipilitang sagot niya.
She heard Narae squeal. (Thanks, Unnie! You're the best! Imma invite Autumn as well! Kita kits sa airport! Bye!)
"Bye." Nang maibaba ni Wyn ang tawag ay saka niya lang napansin na sa Messenger ito tumawag. She might already be on a flight.
Huminga nang malalim si Wyn saka napangiti. She's having her bachelorette party already, Narae's no longer a little girl.
Saka lang pumasok si Wyn sa kwarto niya at nakita ang isang picture frame sa bedside table niya. It has a picture of the four of them when they were all still in high school. Their first photo together. It was the Christmas season, they were all in Thailand and barely knew each other. Mga panahong gusto ko pa si Dom. Mahinang natawa si Wyn saka ibinalik sa lamesa ang picture frame. And now, half of us are happily married with kids, and Narae's about to get married. Good old days.
Nagsimula nang mag-ayos si Wynter at saka sinuot ang simpleng puting dress na ibinili sa kanya ni Narae. Sinabihan siya nito na kapag nagpa-bachelorette party ito ay iyon ang isusuot niya. Napailing na lang si Wyn.
She looked at herself in the mirror. It was a pure white silk chiffon dress. ¾ length sleeves, V-neck, and calf-length dress. The style of dresses that Wynter surely adores. Naka-white pump heels na lang siya for the footwear. Though it's the shoes that Dom bought her to partner to the dress. Si Anurak naman ang bumili ng alahas na isusuot niya para roon.
Hindi na siya nagtaka na pinagbibilihan siya ng mga gamit dahil iyon din naman ang ginawa nila para kay Narae habang namimili. Wynter chose her dress, Dominique's for the footwear, and Anurak's for the accessories.
Nang makalabas siya ng kwarto ay tiningnan niya muli ang mga papeles na nasa coffee table. Mukhang hindi ko muna kayo matatapos ngayon. Paki sisi si Narae. Natawa na lang siya sa pinag-iisip saka kinuha ang phone at purse niya at bumaba na.
Nawala sa isip niya ang tungkol sa piano na tumutugtog mag-isa kanina at saka lang naalala nang muli niya itong narinig. Nag-aalangan si Wyn kung bababa pa ba siya o hindi, kaya lang si Narae 'yun. At malaking event sa buhay niya ang mangyayari, she needs to be there.
So Wynter took a deep breath and forced herself to reach the first floor. Halos nakapikit na siya bawat hakbang niya pababa. Naririnig niya pa rin ang piano kaya naman para makasigurado ay binuksan na niya ang mga mata nang makalapag siya sa first floor.
Dahan-dahang lumaki ang mga mata niya. The piano wasn't playing on its own. Mike was playing the piano. Wait. Mike? Tumingin sa kanya ang lalake saka kumindat at tumingin sa nasa gilid niya.
Wynter slowly turned her head and saw her family and friends. They're literally here and complete! Nar, Dom, An, as well as their families. Kahit ang pamilya nila Dan at Mike ay naroroon. And even her secretary, Ella was present!
Saka lang napansin ni Wyn kung ano ang tinutugtog ni Mike. It's Still Into You. Hang on!
Hinanap ni Wynter ang lalakeng ilang araw nang laman ng isip niya. She then saw the lights dim and a spotlight moved from her to someone on the stage.
Agad naglakad si Wynter papunta sa gitna ng dancefloor para mas makita nang maayos ang nasa stage. And there he was. Dan in a white tuxedo.
Hindi lang ang lalake ang nasa stage. There was also a priest there. What the heck is going on?
Naramdaman naman ni Wyn na may tig-isang braso ang umangkla sa magkabila niyang braso. She then saw her parents smiling at her. Her father was the first one to talk. "He got our blessings for this. Ser feliz, mi princesa."
"I'm so happy for you, Wyn," sabi naman ng ina.
Nanatiling naguguluhan si Wynter sa nangyayari hanggang sa naglakad na sila papunta sa stage at iniwan siya sa harap ni Dan.
"Is this..." Hindi malaman ni Wynter kung ano ang sasabihin, kaya naman si Dan na ang tumuloy sa sasabihin niya.
"A wedding? Yes, Emy," nakangiting sagot nito.
Wynter blinked numerous times before slowly nodding. "Agad? As in? Seryoso 'to?" Napalakas ata ang boses niya dahil narinig niyang natawa ang mga taong naroroon.
Kahit si Daniel ay natawa. "Yes, Emy. Totoo 'to. As in legit pa sa legit."
Mahina na lang din natawa si Wynter sa sinagot nito. "Well then, let's proceed, Father," pakiusap niya sa paring naroroon.
And so the unexpected and unique wedding began. Buti na lang at wala nang nagpasabog ng lugar nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top