CAPÍTULO TRECE


CHAPTER THIRTEEN

NANATILING NAKATINGIN sa malayo si Wynter habang nakaupo sa swivel chair niya sa loob ng opisina niya. Napabuntong hininga siya nang mapansin kung anong ginagawa't iniisip niya.

It has been a week since she came back from Thailand. At halos magdadalawang linggo na rin simula nang huli silang mag-usap ni Dan. Napailing na lang siya at pilit na inalis ang binata sa isip niya.

Ano ba 'tong ginagawa ko? I should be happy that he's no longer pestering me.

Muli siyang napabuntong hininga, bago inikot ang upuan at humarap sa lamesa niya't nagsimulang ayusin ang mga profile ng mga pasyente niya.

Hindi pa siya tumatagal sa ginagawa niya nang may biglang kumatok sa pinto niya. "Come in."

Agad namang pumasok si Ella. "Buenos dias, señorita. Are you available tomorrow at eleven o'clock?"

She glanced at her schedule before she nodded. "I won't be having an appointment around that time." Nagtataka siyang tumingin sa sekretarya niya. "Why ask? Is it about Heaven's Taste?"

Ella nodded. "We'll be having June's celebration tomorrow, señorita."

Biglang natigilan si Wynter sa narinig. June's client is... "Did the client contact you?"

Muling tumango si Ella. "Mr. Marquez just asked for an update, Ma'am."

Natahamik lang naman si Wynter saka itinuon ang atensyon sa mga papeles niya sa harap. "Is that all?"

"Sí, señorita."

That should be enough, then why the hell do I feel like I'm incomplete? "Gracias, Ella."

Bahagya lang namang yumuko ang babae bago tuluyang lumabas ng opisina niya. Saka lang pinakawalan ni Wynter ang hininga niya.

What's happening with me? Why am I so concerned about that guy? Napailing na lang siya. Simula rin kasi nang makabalik siya sa Pilipinas ay hindi niya nakasalubong si Daniel sa condo nila. Para bang hindi ito umuuwi sa unit nito na mas lalong pinagtataka ni Wynter.

Muli siyang napabuntong hininga saka ibinalik sa trabaho ang atensyon. Wala namang bago sa nangyari sa kanya buong araw. Pagkatapos ng trabaho ay dumaan muna siya sa isang fast food chain saka nag-take out ng hapunan niya at tuluyan nang umuwi sa unit niya.

She was exhausted, starving, and lethargic. Hindi kasi niya napansin ang oras at hindi na siya nakapag-meryenda, tapos kulang pa ang tulog niya kagabi.

Wynter let out a heavy sigh as she waited for the elevator to open. Naramdaman naman niyang may tumabi sa kanya ng tayo. Hindi niya ito nilingon dahil pagod nga siya, literal na pagod na ang katawan niya para gumalaw ng kahit kakaunti pa.

Nang bumukas ang elevator ay agad pumasok si Wynter at pinindot ang floor number niya. Nakasunod naman ang tao sa likod saka pumwesto sa likuran niya. Nakatingin lang siya sa pinto ng elevator habang hinihintay na makarating sa floor niya.

Ilang saglit pa ay biglang nagsalita ang kasama niya sa loob. "You look worn out, are you okay?"

Hindi niya pinansin ang nagsalita't nagkunwaring hindi ito naririnig. Akala ni Wynter ay makakaramdam na ito na ayaw niyang makipag-usap pero nagsalita na naman ito.

"Seriously, kailangan mo nang magpahinga. Mukhang anytime eh babagsak ka, Emy," seryosong sabi ng lalake na ikinanuot ng noo ni Wynter.

Nilingon niya ang lalake saka dahan-dahang nanlaki ang mga mata. "Dan..."

Nag-aalala itong nakatingin sa kanya saka saglit na bumaba ang tingin sa bitbit na paper bag bago muling tumingin sa kanya. "Fast food ang panghapunan mo?" Walang imik siyang tumango na ikinailing ng lalake. "Dapat lutong bahay ang kinakain mo para masustansya. Doktor ka pa naman pero parang hindi mo inaalagaan ang sarili mo."

Saglit pang nakatulala lang si Wyn bago wala sa wisyong nakapagsalita. "I forgot to ask Autumn to cook me dinner."

Daniel raised both of his eyebrows before he sighed. "Do you wanna have dinner with me?" Bahagya itong natigilan. "I mean not a date. Lulutuan lang kita ng mas maayos na hapunan," pagpapaliwanag nito.

Sakto namang bumukas ang pinto ng elevator kaya inalis ni Wyn ang tingin sa binata saka nauna nang naglakad. She was actually arguing with herself because if it wasn't for the elevator door, she would've automatically said yes to his invitation.

Tumigil siya sa pag-iisip nang tumapat siya sa pinto ng unit niya. Ramdam niyang nakatingin pa rin sa kanya ang binata kaya naman napabuntong hininga siya bago ito nilingon.

"I'll... I'll just put my things inside and take a shower," pagpapaalam niya rito.

Nanatiling nakatitig sa kanya ang binata. "Wait. So you'll have dinner with me?" Nag-aalangan naman siya sa pagtango. After how many days, she finally saw him smile. "Okay then. I'll go ahead and cook our dinner."

Tumango lang naman ulit siya saka hindi pinahalatang nagmamadali siyang makapasok sa unit niya. After she made sure that the door's locked, she let out a shaky breath. Napatigil pala siya sa paghinga nang um-oo siya sa alok ni lalake.

Hindi naman siya makapaniwalang nakatitig sa kawalan. I just said yes. But why?

Kung nagtataka siya sa ikinikilos ng katawan niya ay mas lalo naman siyang naguluhan sa binata. He approached and talked to her like he had forgotten that she shouted at him.

Wynter once again let out a sigh before she moved at an undoubtedly fast pace. Napailing siya nang mapansin ang ginagawa niya saka pinagalitan ang sarili.

Moments later, she found herself drying her hair while wearing a pair of pajamas. Hindi na siya nagsuot pa ng bra at napagdesisyunan na lang na magsuot ng balabal bago lumabas ng unit niya at kumatok sa pinto ng unit ni Daniel.

Ilang saglit lang ay nakangiting Dan ang bumungad sa kanya. "Akala ko talaga 'di ka na pupunta."

Wyn stared blankly at him. "I'm starving," pagdadahilan niya.

Natawa naman si Dan saka mas nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. "Well then, pasok ka na. Nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa."

Tumango lang naman si Wynter saka tahimik na pumasok sa unit ng kaibigan niya. Napatingin siya sa sala nito kung saan unang naganap ang sa kanila ni Daniel.

Napatikhim siya saka ibinalik ang tingin sa binata. Nahuli niya namang nakatitig sa kanya si Dan at may misteryosong ngiti. Wynter glared at him, which caused Daniel to chuckle. "Kain na tayo."

Pinauna siyang maglakad ni Dan saka ipinaghila pa ng upuan bago ito umupo sa katapat na upuan. "Thanks." Kahit naman masama ang ugali niya, alam niya naman ang mga limitasyon—well, except doon sa nangyari sa LD.

"Sana magustuhan mo." He gestured at the dishes on the table. "Hindi ko kasi alam kung ano ang paborito mong pagkain." Napakamot pa ito sa batok.

Wynter couldn't help but blink fast. "What do you mean you don't know?" She raised an eyebrow. "You're telling me that you cooked randomly?"

Hindi makatingin sa kanya si Dan. "I ahm..."

"Dan, lahat ng tatlong putaheng niluto mo ay paborito ko."

Mahinang natawa ang lalake. "Ahm... Hindi ko tinanong si Autumn kanina?"

Wynter squinted her eyes before she sighed and shook her head. "Thank you."

That earned a bright smile from Daniel. Sabay pa silang nag-ayang magdasal bago kumain, at nang matapos ay muling nagsalita ang binata. "Let's eat?" Wynter nodded. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top