CAPÍTULO SEIS


CHAPTER SIX

WYNTER MADE herself busy in Heaven Taste. Since she knows that she cannot go back to her condo, she busied herself with tons of paperwork for their restaurant.

Habang wala ang dalawa niyang kapatid ay siya muna ang namamahala ng restaurant nila.

"Ma'am Wynter, kailan po ang balik ni Miss Autumn?" tanong ng head chef nila.

Wynter, who was almost done washing the dishes, paused for a minute before answering, "Ang alam ko by the end of this week since babalik ako sa Thailand nun. Kumbaga switch places kami." Napatango naman ang kausap niya.

"Kumusta na nga ho pala ang LUST DAWN?" tanong naman ng sous chef nila.

"Ayun, lumalago pa rin. Narae proposed another feature ng club which is live bands. Magsisimula ata 'yun mamayang gabi."

"Nako! Gusto kong makita 'yun!" sagot ng isa nilang waitress.

"Ako rin!" segunda nung isa pang waiter.

"Basta magsabi lang kayo sa amin ni Autumn kung magf-file kayo ng vacation leave pero bawal na sabay-sabay mag-leave ha?" paalala ni Wyn.

"Yes, Ma'am!" sabay-sabay nitong sagot bago sila naghiwa-hiwalay ng pwesto para tumuloy sa pagt-trabaho.

It was one of the employees of Heaven Taste's perks. Kada tatlong taon nila ng pagt-trabaho sa Heaven Taste ay magkakaroon sila ng dalawang pagkakataong makapasok ng LUST DAWN. Sagot na rin nilang magkakapatid ang pamasahe ng mga ito at pansamantalang hotel with pocket money. At katulad ng privilege ng VIP members, may plus one silang invitation.

Most of their employees already had their first try last year. Kaya naman looking forward ang mga ito sa dagdag na features ng club nila.

Nang matapos siya sa hugasin ay inabot niya ang towel para magpatuyo ng kamay saka tinanggal ang suot na apron. She was about to reach for her phone when her waitress came into the kitchen to talk to her.

"Ma'am Wynter, may naghihintay po sa inyo sa labas," the waitress said as she showed her a teasing smile.

Wynter's forehead creased. "Sino naman?"

"Hindi sinabi ang pangalan, Ma'am, pero pogi! Baka future boyfriend mo na 'yun, Ma'am."

Napailing naman si Wynter sa pinagsasasabi nito. "Customer ba?"

Napangisi naman ang dalaga. "Mukha ho, Ma'am. Umorder naman po ng pagkain eh pero ayun nga ho. Tinatanong kung nandito ka raw."

"Tinatanong lang naman pala kung nandito ako, edi sana sinabi mong wala." Sa wakas ay kinuha na ni Wynter ang phone niya saka chineck ung may message mula sa mga kaibigan niya o sa pamilya niya.

Nakita ni Wyn na umalis ang dalaga, siguro ay para sabihan yung customer na wala siya roon kaya lang agad itong bumalik sa harapan niya.

"Bakit?" tanong niya nang makitang nakanguso ito.

"Nako, Ma'am. Mukhang taken na si Sir. May babaeng dumating tapos nakita kong nagyakapan sila eh."

Bahagya siyang natawa sa inasal nito. "Ewan ko sayo. Anyways, sa office na muna ulit ako. Baka umiyak yung mga papeles na iniwan ni Autumn eh."

Natawa na lang din sa kanya ang dalaga saka nagpaalam para tumuloy sa trabaho nito. Siya naman ay bumalik na ng opisina kaya lang naalala niyang naiwan niya sa kotse ang librong binili niya kanina kaya naman dumaan na lang siya sa loob ng restaurant para madaling makarating sa parking area.

Tuloy pa rin siya sa pagtatype sa phone niya nang may biglang sumigaw ng pangalan niya.

"Wynter Vazquez!"

Lahat halos ng tao na nasa parteng iyon ng restaurant ay napatingin sa kanya. Wynter searched for the woman who had the audacity to call her, only to stop at the person who was waving her hand at her.

Napatingin din si Wynter sa kasama nito at saka lang naalala ang sinabi kanina ng waitress nila.

What is Mike doing in my restaurant with that woman?

Wynter didn't wanna talk to Janelle at all, not because she's jealous—that's never part of my reasons—but because of her freaking fake personality.

She was about to become rude and leave the restaurant without an excuse when another person called her name.

"Emy!"

Hindi alam ni Wynter kung magpapasalamat ba siya o maiirita nang makita si Daniel na papalapit sa kanya.

To add the joy—note the sarcasm—into her life, Wynter also saw Janelle and Mike standing up and walking in her direction. Nauna nga lang lumapit sa kanya si Dan kaya naman nang maka-isip ng paraan para makatakas sa sitwasyong ayaw niya, Wynter wrapped her arm around Dan's.

"Dan! Aalis na ba tayo? Sorry kung medyo natagalan ako sa loob. I was still busy signing the restaurant's documents—" Lumingon naman si Wyn kela Janelle na nasa harapan na nila at rinig ang mga sinasabi niya. "Janelle! Hi!" Sinulyapan niya rin si Mike. "Hey, you two. On a date?" she teased them kahit well aware siyang may boyfriend na si Janelle.

Nagpapalit-palit ang tingin nila Janelle at Mike sa kanilang dalawa ni Dan pero si Janelle ang unang nakapagsalita. "Dan! I-I never knew..." Bigla itong ngumiti. "Are you seeing each other?"

Wynter doesn't have any plans going to that extent. She was just going to use Dan to excuse herself from the situation but the latter had other plans.

"Yeah!" nakangising tugon ng binata. "Susunduin ko lang sana si Emy para sa date namin." Tumingin ito kay Mike saka bumalik ang tingin kay Janelle. "Sige, pre, Janelle, alis na kami, ha?"

Hindi naman umimik si Mike at tahimik lang na nakatingin sa kanilang dalawa.

"O-Of course. Of course. Have fun you two," nakangiting sabi ni Janelle.

Sinenyasan naman ni Wynter ang isa sa mga waiter nila. "Please take good care of these two." She pointed at Mike and Janelle saka nakangiting ibinalik ang tingin sa dalawang tulala. "It's on the house. Order anything you want, okay?" Medyo humigpit naman ang hawak niya sa braso ni Dan. "Let's go?"

Daniel smiled at her before he nodded and bid goodbye to his friends.

Nang makalabas ng restaurant ay saka lang nakahinga nang maluwag si Wynter at binitawan ang braso ng kasama. She looked at him before saying, "Thanks for that." Akmang maglalakad na siya papalapit sa kotse niya para kunin ang naiwan nang bigla siyang hawakan ni Dan sa kamay.

"Hey, paano yung date natin?" tanong nito sa kanya.

Agad naguluhan si Wynter. "What date are you talking about?" Kinuha ni Wyn ang phone niya saka tiningnan ang date. "Today's date is June 29."

Dan chuckled but still didn't let her hand go. "I mean yung sinabi kanina sa loob."

Pinangkinitan ng mata ni Wyn ang binata. "I never said we're on a date, Marquez."

Instead of getting pissed at her, Daniel still managed to smile. "Okay hindi date, pero sabi mo aalis tayo."

Wynter smiled. "Aalis nga. Naka-alis naman na tayo ng restaurant, diba? Considered na 'yun." Then she looked down at his hand who was holding hers. "And would you mind letting my hand go? Kasi for sure, pagchichismisan tayo ng mga empleyado namin." Saka siya sumenyas sa kanan niya.

Daniel turned his head to look at what she was pointing at. Natawa naman siya nang makita niya ang ibang waiter at waitress na nakatingin sa kanila. He let go of her hand before he amusingly looked at her. "Nakalusot ka ngayon ha. Sa susunod talaga sisiguraduhin ko nang wala kang takas."

Napakunot naman siya ng noo. "Ewan ko sayo, Marquez. Nasisiraan ka na ata ng ulo. Geh na. Lalayas na muna ako at wala akong planong bumalik sa loob hangga't nandoon ang dalawa." That would just be awkward.

"Saan ka pupunta?"

"Sa impyerno, magkakape kasama si satanas." She rolled her eyes before walking towards her car.

Laking pasasalamat ni Wynter nang hindi na siya sinundan o pinigilan pa ni Dan. At nang tuluyan siyang makasakay sa sasakyan niya, saka niya lang inalala ang nakita kanina.

It's not like she's not yet over him. Matagal na siyang naka-move on sa lalake. Wala na siyang pakealam kung sino ang makatuluyan nito, basta ang sigurado niya, matagal nang tapos ang sapilitan nilang relasyon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top